webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 一般的
レビュー数が足りません
557 Chs

Chapter 6

"ATE NICOLA, natanggap mo ba ang text ko sa iyo?" tanong ni Mhelai nang tawagan siya sa opisina. Paalis na siya noon. Holiday noon kaya half day lang siya sa trabaho. Plano niyang mag-window shopping. Iyon na lang ang pakonswelo niya sa sarili niya para mag-relax. Matapos iyon ay manonood siya ng sine.

"Paano namang mauubos ang grocery natin? Kabibili ko lang ng grocery noong isang araw, ah!"

"Ibinigay kasi ni Tita Emma sa boyfriend niya."

"Ano?" bulalas niya at napatayo. Parang sumakit ang ulo niya nang maisip na ang lahat ng pinaghirapan niya ay nauwi lang sa boyfriend ng Mommy niya. "Anong palagay ni Mommy sa atin? Charity organization? O gusto niyang palamunin ko rin walang kwentang lalaking iyon."

Mula nang magkatrabaho siya ay unti-unti na silang nakaluwag sa buhay. Naghirap sila nang tuluyan nang maghiwalay ang magulang niya at wala na silang communication sa daddy niya. Pinilit nilang mabuhay nang wala ito.

In-encourage niya na lumabas-labas ang mommy niya kasama ang mga kaibigan nito para naman makapag-relax ito. Kaysa naman lagi nitong isipin at sisihin ang sarili kung bakit iniwan ito ng walang kwenta niyang daddy.

Nakilala nito ang bagong boyfriend nito sa bar. Muntik na siyang himatayin noong ipakilala sa kanya. Akala pa nga niya ay sa kanya irereto ng mommy niya. Iyon pala ay boyfriend na nito. Kaedad lang ni Mhelai ang lalaki. Halata naman na pineperahan lang nito ang mommy niya at di siya naniniwalang mahal nito ang mommy niya. At dahil di na niya masyadong binibigyan ng pera ang mommy niya, pati ang grocery niya ay pinagdiskitahan na nito.

"Sinabi ko na nga kay Tita na baka magalit ka. Kaso sabi niya okay lang daw iyon dahil maiintindihan mo na may sakit ang nanay niya."

"Nanay niya? Akala ko ba patay na ang nanay niya at ulilang lubos na siya? Ano iyon? Nakatagpo na naman siya ng bagong nanay? Baka sugar mommy din niya iyon!" Gusto na niyang maghurumentado sa inis. "Bantayan mo iyang si Mommy. Baka sa susunod pati bahay natin ibigay na niya sa lalaking iyan."

Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakagusto ang mommy niya sa mga walang kwentang lalaki. Mas malala pa nga ang boyfriend ng mommy niya sa palikero niyang daddy.

"Sige. Babantayan ko si Tita Emma. Tapos bili ka rin ng Stallion Shampoo."

"Aba'y bakit? Pati ba shampoo natin ininom na rin ng lalaking iyon?"

"Hindi. May promo kasi ang Stallion Shampoo. Baka matiyempuhan kang bumibili. Mananalo ka ng ten thousand pesos. Saka paubos na rin shampoo natin."

"Ah, oo nga pala!" aniya at tumango. "Teka, di ba si Crawford Oreña ang host ng contest na iyon?"

"Oo. Siya nga ang real prize, Ate. Isipin mo, makikita mo ang isa sa mga Stallion boys sa personal. Nakakakilig, di ba?" anito at impit na tumili. Kilalang miyembro ng prestihiyosong Stallion Riding Club si Crawford. Ang naturang riding club na exclusive para sa mga guwapo at mayayamang lalaki ng bansa ang pinapangarap na mapuntahan ng kahit sinong kababaihan. It was like a paradise.

Di nito alam na dati niyang kaklase si Crawford noong high school pa siya. Hangga't maari, burado na si Crawford sa nakaraan niya. Saka kapag nalaman nito na may koneksiyon siya kay Crawford, kukulitin siya nito na makita sa personal ang binata. Kahit pa siguro sabihin niya dito na masama ang ugali ni Crawford, si Crawford pa rin ang kakampihan nito. At iisipin pa nito na bitter lang siya dahil hindi siya gusto ni Crawford.

"Basta bibili ako ng Shampoo. At bantayan mo si Mommy." Gustuhin man niyang manalo ng sampung libong piso, ayaw naman niyang makita si Crawford.

"Ate, ihalik mo ako kay Crawford kapag nakita mo. Tapos kunan mo rin siya ng picture para sa akin, ha? Kung wala ka lang inuutos sa akin, ako mismo ang magpupunta sa mall para makita siya."

"Oo na. Oo na," aniya para matapos na ang usapan. Saka niya ibinaba ang awditibo ng telepono. "Sasapakin ko pa ang Crawford na iyon para sa iyo."

Dapat talaga ay pinagbubuhol-buhol na lang ang mga walang kwentang lalaki sa mundo. Mas gusto pa niyang kasama si Carlo at ang mga bading. At least alam niyang di nananakit ang mga ito ng mga babae.

Habang nasa supermarket ay iniisip niya kung paano kokomprontahin ang mommy niya. "Kung kailan tumanda, walang pinagkatandaan." At di siya papayag na matulad sa mommy niya na nauuto ng lalaki.

Nabili na niya ang lahat ng kailangan niya nang maalala niyang nagpapabili pa ng Stallion Shampoo si Mhelai. Pinili niya ang pinakamalaking variant ng Stallion Shampoo at papunta sa counter nang makita si Crawford na nakangiti sa kanya at nakatitig. May hawak itong white na rose.

"For you," anito at inabot ang rose sa kanya. "And for you beautiful hair."

Natulala na lang siya nang tanggapin ang rose. Hindi niya maialis ang tingin kay Crawford. He was a different from the Crawford she knew before. He was taller, and his gorgeous features more defined. She hadn't met him for twelve years. He was twelve folds more gorgeous. Parang wala siyang ipinagkaiba sa teenager na minsang nagkagusto dito. Nanginginig ang kamay niyang may hawak ng rose at gayundin ang tuhod niya. Narinig niyang bumagsak ang pinamili niya sa sahig. And she didn't pay attention at all.

Anong ginagawa ni Crawford doon at bakit siya nito binibigyan ng rose? Nakilala ba siya nito? Binabawi na ba nito ang sinabi nito noon na pangit siya? Sasabihin ba nito na gusto na siya nito ngayon?

Once in her life, he had been her world. Buo na ang araw niya kapag nakikita niya itong ngumiti. At ngayong nakikita na niya ito, parang wala na siyang pakialam sa labingdalawang taon na nagtanim siya ng galit dito.

"You are right on the spot, Miss!" bigla nitong sabi.

"M-Miss?" usal niya. Miss lang ang tawag nito sa kanya. Hindi siya nito tinawag na Nicola.

"What is your name?" tanong ni Crawford at inilapit sa kanya ang mic.

"N-Nicola," nasagot na lang niya.

"Well, Nicola! You are right on the spot! You have a gorgeous hair. At bumili ka ng Stallion Shampoo kaya nanalo ka ng five thousand pesos!" anito at napansin niya ang cameraman at crew na nakapaligid sa kanila. Nakatutok na rin ang camera sa kanya. Nagsisimula na ring mag-ipon-ipon ang mga tao sa paligid.

"Nanalo ako?" Tigagal pa rin siya nang iabot sa kanya at bilangin sa harap niya ang perang napanalunan niya.

"Yes. And you also have a chance to double your prize. Basta sagutin mo lang ang tanong ko. Bakit gumagamit ka ng Stallion Shampoo?"

"Because it makes me beautiful." And once in her life, she wanted to be beautiful to please him. But he called her ugly.

"And because of that, you will get additional ten thousand pesos." Nahigit niya ang hininga nang akbayan siya nito. "Anong masasabi mo?"

She trembled when she felt his warm body against her. Gusto na yata niyang himatayin nang mga oras na iyon. Ang bango niya! Parang masarap yakapin!

Natigilan siya sa tinatakbo ng isip niya. Bakit pagpapantasyahan niya ito? Dati tinawag siya nitong pangit. At ngayong mahaba na naman ang buhok niya at mukha siyang diyosa, sasabihan na naman siya nitong maganda. Akala nito ay mauuto pa siya nito.

Bumangon ang galit niya dito. Inaalala niya ang mga pagkukunwari nito sa kanya. At kung gaano ito kababaw. Kung paanong di nito pinahalagahan ang tunay niyang pagkatao at panlabas na anyo lang niya ang nakikita nito. Ito ang huling tao na pagtatapunan niya ng atensiyon at affection. At ang dapat sa katulad nito ay tinuturuan ng leksiyon. Dapat nitong makita na hindi siya katulad ng ibang babae na nagkakandarapa dito.

"Gusto kong magpasalamat sa Stallion Shampoo and Conditioner," nakangiti niyang sabi subalit sa loob niya ay nagngingitngit siya. "Salamat sa prize at sa pagpapaganda sa akin. At para sa lahat ng mga girls, gumamit kayo ng Stallion Shampoo and Conditioner. Para maging maganda kayo. At kapag nakita kayo ulit ng lalaking nagsabi na pangit kayo at sinabing maganda na kayo¸ ito lang ang gawin ninyo sa kanya." At saka niya sinampal si Crawford. "Bagay lang iyan sa iyo."

Inilagay niya sa kamay nito ang pera at saka niya iniwan ni Crawford na natulala sa pagkakasampal niya. She wore a satisfied smile. Sa wakas, naipaghiganti ko niya ang kaapihan niya. Tama si Mhelai. Si Crawford nga ang real prize. But it won't be a kiss. Sampal ang para dito.