"Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ni Illyze subalit bumalik lang sa kanya ang boses niya bilang alingawngaw. "Oh, no! This is useless. I am stuck in the middle of nowhere. And I don't know what to do. And no one can hear me."
Kung bakit sa dami ng pinag-aralan niya, di niya natutunan ang pagkukumpuni ng kotse. Samantalang dating car racer ang kapatid niya.
Sa mga lugar na napuntahan niya, convenient na tumawag ng mekaniko sakaling masiraan man siya. Hindi pa naman siya nakapaglakbay sa isang magubat na lugar nang walang kasama. And besides, her car was not design for rough conditions. Pang-sementadong daan ang sasakyan niya.
"Malay ko bang ganito pala ang riding club na ito. I thought it is super elite and it has all the modern amenities. Hindi tulad nito na puro kuliglig ang nasa paligid ko," aniya nang marinig ang paghuni ng kulisap na sinasabayan ng awit ng ibon. "Are they sure? Di kaya maling riding club ang napasukan ko?"
Hindi naman siguro. Sa dinami-dami ng dinaanan niya bago makapasok sa riding club, hindi naman siguro siya maliligaw. At iyon lang naman ang daan doon.
Tiningnan niya ang direksiyong pinanggalingan. "Kung babalik ako sa guardhouse, kalahating oras na akong nagmaneho kanina. Anong oras pa ako makakarating kung maglalakad lang ako?" Tiningnan niya ang direksiyong tinatahak kanina. "Kung dito naman ako pupunta, malay ko kung saan ako masusuot. Baka mas malayo pa pala ang mapuntahan ko. At parang di safe maglakad dito."
Nakauklo siya sa tabi ng kotse niya nang makaramdam ng panghihina. "Gutom na ako." Sa sobrang excitement niyang makarating sa Stallion Riding Club ay di na siya nag-agahan kanina. Nilinga niya ang vegetation na nakapaligid sakanya. Naalala niya ang mga pelikula tungkol sa mga taong nawala sa gubat at nabuhay. "Mamamatay ako sa gutom. Hindi ako kumakain ng baging."
Napapitlag siya nang marinig na pumagaspas ang dahon. "Monster!" sigaw niya at nagmamadaling pumasok sa kotse. Ini-lock niya iyon at sumiksik sa isang tabi. Saka niya natuklasan na ibon lang pala iyon. Bata pa lang kasi siya ay malakas na ang imahinasyon niya at matatakutin. Kaya nga madalas siyang inisin ng Kuya Rolf niya. At hanggang ngayon ay dala pa rin niya iyon.
Nanlalambot siyang sumandal sa headrest. "Mukhang mamamatay ako sa nerbiyos dito at hindi sa engkanto." Pinagsalikop niya ang mga kamay. "Jenna Rose, sana naman maisip mong ipahanap ako."
Nagsimula na rin siyang makaramdam ng pagod. Ilang araw na halos siyang walang tulog. Nabawasan na rin ang excitement level niya. "Ganito ba talaga ang pag-ibig? Kailangang santambak na dusa ang danasin ko bago ko makita ang lalaki para sa akin? O baka naman wala siya sa Stallion Club. Sayang lang ang oras ko."
Nagsisimula nang pumikit ang mga mata niya sa pagod nang may maaninag siyang papalapit mula sa di kalayuan. Kinusot niya ang mata dahil baka dala lang iyon ng gutom niya. May isang lalaki na nakasakay sa kabayo.
Bumalikwas siya at inilapit pa ang mukha sa front windshield. "It is really a guy on a horse." Nabuhay bigla ang dugo niya. The horse was red chestnut. Matikas na matikas iyon. But it was the rider that captivated her. He looked ultimately gorgeous while riding the horse. Nakanganga lang siyang sinundan iyon ng tingin.
"Could it be that he is the one for me?" tanong niya nang unti-unting naging malinaw ang mukha ng lalaki habang palapit sa sasakyan niya. She could suppress a sigh. "He must be a knight. A modern one. At dahil mukha naman akong damsel in distress, siguro naman tutulungan niya ako."
Sa panggigilalas niya ay bahagya lang sinulyapan ng lalaki ang sasakyan niya at kumunot ang noo nang makita siya. Tapos ay tuloy-tuloy lang nitong pinaglakad ang kabayo nito. Mukhang walang balak na tigilan siya.
"Teka! Teka! Hindi yata niya nakita ang kagandahan ko!" aniya at lumabas ng kotse niya. "Mister! Mister, wait!"
"Ho!" Hinila nito ang renda ng kabayo at lumingon sa kanya nang tumigil. "Bakit, Miss? May problema ba?"
"Can you help me out here? My car broke down and I don't know how to fix it." Pinagsalikop niya ang palad. "Please! Kanina pa ako naghihintay ng taong makakatulong sa akin. Akala ko nga naliligaw na ako."
She took the time to study at him. Kitang kita sa suot nitong brown long sleeve polo at jeans na nakapaloob sa boots kung gaano ito kakisig. At di rin maitatago ang kaguwapuhan nito. His eyes were dark brown. Almost black. And it was decorated with heavy black lashes. His nose was aristocratic. And she simply loved his lips. I am sure those lips could promise a thousand kisses.
Parang nag-aalangan itong bumaba ng kabayo noong una. Sa huli ay bumaba rin ito at itinali ng kabayo sa tabing daan. He looked so graceful in every move. He was insanely masculine. Gutom na nga ako at pagod, lalo pa niyang pinanginig ang tuhod ko. Hindi kaya siya na ang destiny ko?
Malamang siya na nga! Nang mga oras na iyon ay gusto na niyang magdiwang. Ang bait naman ng Diyos. Guwapo nga ang ibinigay sa akin. At mukha pang mabait at handang tumulong sa kapwa.
"Alam mo ba kung nasaan ka, Miss?" masungit nitong tanong.
Visit us at My Precious Treasures and www.shopee.ph/sofiaphr to get the complete set of Stallion Series with an autograph.