webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 一般的
レビュー数が足りません
557 Chs

Chapter 3

"MARKY, I want to confirm the delivery of the furniture tomorrow at Lakeside Café. I have my assistant at the site. Siya na ang bahalang mag-discuss sa iba pang kailangang I-deliver sa restaurant," wika ni Dafhny sa owner ng furniture company na siyang gumagawa ng furniture para sa mga projects niya.

Ilano International was the top choice among her clients. Dahil maging sa Hollywood ay nagagamit ang mga creation nito. Isa pa ay member din ng Stallion Riding Club ang general manager na si Mark Anthony Ilano. Pili lang ang mga furnishings na ginagawa nito kaya naman mahal.

"Finally, nakapag-decide na rin ang dalawa," tukoy nito kina Richard Don at Danzelle Ann. "Mabuti at ikaw ang  nakikipag-usap sa kanila. Those two might give me a migraine. Mabuti at nakakatagal ka sa mga giyera nila."

"Nasanay na akong  maging referee. Nagawa nilang mag-compromise." Kaya naman nasimulan na niya ang renovation ng Lakeside Café and Restaurant.

Nire-review pa niya ang mga floor plan na gagamitin para sa ibang projects nang lapitan siya ng mommy  niyang si Noemi at  may dalawang mga bala ng DVD. "Hija, it's Sunday night! Tama na iyang trabaho. Mabuti pa manood na lang tayo."

Libangan na nilang pamilya na manood ng pelikula tuwing Linggo ng gabi. Nag-iisa siyang anak at tanging tagaaliw ng mga magulang niya.

"Anong movies iyan, Mommy?" tanong niya at yumakap sa baywang nito.

"Sukob at Feng Shui. Bigay ni Gianpaolo ang mga iyan."

Nahindik siya. "Ayoko niyan, Mommy! Di na lang ako manonood."

"Natatakot ka na naman? Pelikula lang iyan. Hindi naman totoo," pang-aayo nito sa kanya. "Sige na. Huwag ka namang killjoy. Excited na kami ng Daddy mo."

At siya pa ngayon ang killjoy dahil natatakot siya sa mga horror films. Alam naman niyang grateful ang mga magulang niya dahil sa pagiging malambing  ni Gianpaolo sa mga ito. At di niya kailanman maa-appreciate iyon.

 "Next time na lang, Mommy. Bibili ako ng mas magandang movie, okay?"

"Tiyak na magtatampo si Gianpaolo kapag di ka nanood."

"Ako na ang bahala sa kanya, Mommy," aniya at humalik sa pisngi nito. Nang mapagsolo sa kuwarto ay tinawagan niya si Gianpaolo. "Ano na naman ang DVD na ibinigay mo kina Mommy?"

"Bakit? Maganda naman ang Sukob at Feng Shui, ah! Mas maganda pa siya kaysa sa ibang mga horror films sa ibang bansa," depensa ni Gianpaolo.

"Shut up! I won't fell for your trap!" Noong minsan ay nanood siya ng The Ring na bigay nito. Binangungot siya ng isang linggo.

"Gusto mo siguro akong makasamang manood para mayakap kita, no?" nanunukso nitong tanong. "Sige, sa susunod kasama mo na ako. Yayakapin kita para di na ako matakot. Katawan ko lang ang habol mo."

"Hoy, ilusyunadong basted! Huwag kang ambiyoso. Ipakain ko pa sa mga tiyanak iyang katawan na ipinagmamalaki mo."

"Huwag! Maraming babaeng luluha kapag ginawa mo iyon."

Ngumisi siya. Kung tutuusin ay ito ang number one na kinatatakutan niya kaysa sa mga horror films. Nakakatakot na tangayin ng hangin nito.

"Come on! Luluha sila sa tuwa. I did them a favor. Di mo sila mabibiktima." Saka siya humalakhak ng nang-iinis. "O, paano? Saka mo na lang ako inisin, ha? Sa susunod tiyakin mo na di ako makakalusot."

Tatawa-tawa niyang tinapos ang usapan nila at binuksan ang email. It was a ritual that she usually does. Tuwing gabi na lang kasi niya nabubuksan ang personal email niya. Sa umaga ay ang business email lang niya ang naasikaso niya.

Nagtaka siya nang dumating ang isang email mula kay Gianpaolo.

Subject: I'm sorry.

Nagtaka siya. Isa yatang himala. Nagso-sorry ang kumag. Siguro dahil na-realize nito na wala naman itong mapapala sa pang-iinis sa kanya.

Nang buksan niya ang email ay may video na nakalagay doon.

Something to cheer you up.

Kumunot ang noo niya nang mabasa ang mensaheng iyon. Matiyaga naman siyang naghintay sa paglabas ng video.

Una niyang nakita ay isang kuwarto… mukhang abandonado ang lugar. Lumipas ang ilang segundo ay wala namang nangyayari. Hanggang makita niya ang isang puting bagay na gumalaw. Mabilis iyon. Nang ganap na lumapit ang bagay camera ay mukha iyon ng isang babae na nanlalalim at nangingitim ang mata. Nangingitim din ang ngipin at sabog-sabog ang buhok. Isang white lady.

Napatili siya nang malakas na bumulabog sa buong kabahayan. Kasunod niyon ay ang malakas niyang sigaw habang mangiyak-ngiyak siya.

"I hate you, Gianpaolo!"

Be a Sofia subscriber. Send me a hi on Sofia PHR Page's Messenger on Facebook.

Sofia_PHRcreators' thoughts