webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 一般的
レビュー数が足りません
557 Chs

Chapter 31

HUMUPA na ang bagyo. Tikatik na lang ang ulan. Nagsisimula na ring mangasul ang langit dahil sa papasikat na araw. It was a start of a new day. Tamara was used to waking up early. Parte na iyon ng trabaho niya sa riding club. But she didn't want to get up yet. She was leisurely tired to do so.

Napapitlag siya nang kintalan siya ni Reid nang halik sa balikat. "Do you know that you are beautiful, Mrs. Alleje?" he asked with twinkle in his eyes.

"Yes. At ilang beses mo na rin iyang sinabi."

He would tell her that she was beautiful whenever they make love. And they made love so many times the other night. Reid was insatiable. Kung saan nito kinukuha ang lakas ay di niya alam. Iyon ang dahilan kaya di siya makabangon.

"Do you want to hear it again?" At kinintalan siya ng halik sa leeg.

She moaned with sensation. "Reid, don't!"

"Don't stop?" tukso nito.

Kinurot niya ang braso nito. "I hate it when you say that." Kabaligtaran kasi ng sinasabi niya ang gusto niyang mangyari at alam iyon ni Reid.

"So do you want me to really stop?"

Tumingala siya sa bintana. "Umaga na."

"Day off mo ngayon," paalala nito.

"But we can't stay here."

"We can. Walang mang-aabala sa atin." Mula nang makuha niya ang access card niya sa lake cabin ay inalis na ang guwardiya doon.

"How about breakfast? Hindi ka ba nagugutom?"

"Magpa-deliver na lang tayo." At sumubsob sa leeg niya.

"At gusto mong maeskandalo ang buong riding club?"

Bumuntong-hininga ito. "Lumipat ka na lang kaya sa grand villa?"

She rolled her eyes. "Oh, yes! And people will talk some more."

"Tamara, matagal na nila tayong pinag-uusapan. And so what? It is not as if you are my mistress. You are my wife. You are Mrs. Alleje."

Bumangon siya. "But not for long, Reid."

Yes, they made love. Their marriage was consummated. Pero di mababago niyon ang napagkasunduan nila. Ilang sandali na lang ang nalalabi sa kanya sa riding club at maghihiwalay na sila.

"Do you really want something this beautiful to end?" tanong nito at niyakap siya mula sa likuran niya.

"I don't know, Reid. Everything is new to me."

Nang pumasok siya sa riding club, akala ay hawak niya ang emosyon niya. Ngayon niya napatunayan na kayang-kaya siyang kontrolin ni Reid. Hindi niya pinagsisihan ang nangyari sa kanila. Pero kailangan niyang pag-isipan ang mga susunod niyang hakbang. Ano ang mangyayari sa kanila pagkatapos niyon?

Iginiya nito ang mukha niya paharap dito. "Tamara, listen. You might be bearing my heir right now."

Para sa isang doctor, bakit di niya naisip iyon? She was blinded with sensation the other night that she had forgotten something that important.

"Hindi pa naman natin alam, di ba?"

"I want you to be the mother of my children."

Lumulutang siya habang nakatitig dito. "S-Sigurado ka?"

Tumango ito. "I've never been so sure in my life. I can see my children in your eyes, Tamara. Wala akong ibang babaeng gugustuhin na maging ina ng mga anak ko kundi ikaw lang."

Her chest heaved. She wanted to cry. Pangarap ng maraming babae na marinig ang mga salitang iyon kay Reid. And she would willingly accept it because she loved him so much.

Hindi niya pinangarap na magkaroon anak. Until she made love with Reid. Malaki ang magiging pagbabago ng buhay niya sa piling nito. Isusuko niya pati ang kalayaan niya para dito. Para sa pagmamahal nito.

"S-Sandali. Paano ang annulment natin?"

Naging pormal ito. "We Allejes do not dissolve our marriage. It has always been a tradition."

Parang may bumagsak na bato sa ulo niya at natulala na lang siya habang nakatitig dito. "Tradition?"

"Yes. Wala pang miyembro ng pamilya namin ang nagkahiwalay, nagpa-annul o nag-divorce. Marriages in the family last forever. Motto na ang till death do us part. And I won't be the first to break the tradition," he said fiercely.

Tradition. Paulit-ulit na umaalingawngaw ang salitang iyon. Dahil sa tradition kaya di siya nito hihiwalayan. Di dahil mahal siya nito.

Namanhid siya nang maanalisa ang lahat. Hindi siya nito mahal.

Nakatitig siya sa kawalan. Lumulutang-lutang na parang dahon ang isip niya. Di alam kung saan pupunta. Sumusunod na lang sa ihip ng hangin. She was hurt. Pakiramdam niya ay sinampal siya ni Reid hanggang mamanhid siya.

"Alam mo na ito sa simula pa lang at di mo sinabi sa akin?" tanong niya.

"Because you won't listen anyway. You were so hell bent on having an annulment kaya pinagbigyan na lang kita."

Nakuyom niya ang palad. Napakakaswal nito habang sinasabi iyon. Akala siguro nito ay natutuwa siya. Di nito alam na parang may magma nang sasabog sa loob niya. "Pinaasa mo ako na kapag sinunod ko ang gusto mo, magpapa-annul tayo. At nagpauto naman ako sa iyo."

Isinuot nito ang pantalon nito. "Do we really have to discuss this? We will have a real marriage from now on. Magkakaroon na tayo ng pamilya."

Padarag niyang hinablot ang dress niyang nakakalat sa sahig at isinuot. Wala siyang pakialam kung lukot pa iyon. She was ready for battle. "We won't have a real marriage, Reid. This marriage is a fake on to start with. And I won't stay with you because of your stupid tradition."

Naningkit ang mga mata nito. "How dare you look downon my tradition?"

"I am not looking down on your tradition." Gusto nga niya ang paniniwala ng pamilya nito tungkol sa pagrespeto sa sakramento ng kasal. "You are the one who makes me sick! You are rotten, Reid Alleje!"

"Ah! After we make love, now I am rotten," sarkastiko nitong wika.

"Yes, you are! I can't imagine living forever with you and I can't imagine bearing your child. You know why?" Dinuro niya ang dibdib nito. "You have no love to give. Sarili mo lang ang iniisip mo. Kung saan ka makikinabang."

"That's quite an accusation, Mrs. Alleje."

"Sige nga! Sabihin mo na di totoo ang sinabi ko. You are really high and mighty. Akala mo magagamit mo ang mga tao sa paligid mo kung kailan mo gusto. I won't have it, Reid. Mabuti na ngayon pa lang nalaman ko na kung anong klaseng tao ka. You may be good in bed but no woman who knows how to love will stay with you forever," galit na litanya niya at tinalikuran ito.

"Don't turn your back on me," mariin nitong wika habang isinusuot niya ang sandals niya. "Hindi pa tayo tapos mag-usap."

"No! We are through, Reid. Nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin. I am leaving your precious riding club!" Saka siya naglakad palayo.

"No! You can't!" sigaw nito habang nakatayo sa pinto ng lake cabin. "Hindi ko ibibigay ang annulment sa iyo. You will be my wife forever."

"The hell I care! Hindi na importante ang annulment na iyan sa akin. Gusto ko lang na makalayo sa iyo at sa lugar na ito. Kung gusto mo, sa iyo na ang lahat ng ito. Di ko babawiin sa iyo basta tigilan mo lang ako! Hindi ko ito kailangan! Hindi kita kailangan! I just want you out of my life for good!"

Pinasibad niya ang kotse niya palayo. Patuloy sa pag-agos ang luha niya. She must be one miserable creature. Kahit ba kaunting pagmamahal ay wala siyang matatanggap sa mga taong mahal niya?

She was too tired of loving. Sana ay tumigil sa pagtibok ang puso niya.

What do you think of this chapter?

Please don't forget to give review, spirit coins and gifts to show your appreciation.

Sofia_PHRcreators' thoughts