webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 一般的
レビュー数が足りません
557 Chs

Chapter 29

Miles was caught off guard. She didn't see that kiss coming. At hindi niya alam na iyon ang parusa sa kanya ni Gino sa pamimikon niya dito.

But it wasn't a punishment after all. He was kissing her slowly and tenderly. Dahan-dahan nitong ipinadadama sa kanya ang sensasyon habang sinisira nito ang katinuan niya. She should have said no or pushed him away. But she just let him kiss her. Na parang mas malaking kahangalan kung patitigilin niya ito.

It was her first kiss. Pero kusang bumuka ang labi niya para tanggapin ang halik nito. His fingers sifted through her hair, massaging her scalp. He deepened the kiss. She never thought that a kiss could arouse different emotions within her. Parang nakasakay siya sa isang rollercoaster. She felt like falling then he would catch her before she hit the bottom to be sent back to the great heights again.

"Gino," usal niya sa pangalan nito nang lisanin ang labi niya. Nagulat na lang siya nang makitang nakahawak siya sa leeg nito. His body was near hers. So near they were almost one.

"Uhmmm… gusto mo pang kumanta?" nakangisi nitong tanong sa kanya.

"Huh? Kanta?" Nakatulala lang siya dito. Kahit nga paghinga ay di na niya magawa. She was in shock. Parang ayaw na ngang gumana ng utak niya. He kissed her. It was her first kiss. Ni hindi man lang siya kumontra o nagalit nang halikan siya nito. She even opened her lips to give him access. She must have gone nuts.

"Okay lang sa akin. Kung gusto mo duet pa tayo. How did…"

"Stop!" Pinigilan ng daliri niya ang labi nito. Ayaw na niyang kumanta at ayaw na rin niya itong inisan. She knew how powerful he was. With a single kiss, he could make her shut her mouth. "U-Uuwi na lang ako." That was the safest thing to do. Habang kaya pa niya ang sarili niya.

Naitakip niya ang palad sa mukha pagtalikod. Gusto sana niyang bilisan ang paglakad pero di kaya ng binti niya. Nanlalambot siya. Anong ginawa mo sa akin, Gino? Hinalikan mo lang ako, parang di ko na kontrolado ang katawan ko.

Paano kaya bukas kapag pumasok siya sa trabaho? Di niya alam kung ano ang dapat sabihin dito. O kung ano ang dapat gawin. O kung may mukha pa siyang ihaharap dito. Aayaw-ayaw ako sa kanya. Tapos nang halikan niya ako, gusto ko naman. Malamang pinagtatawanan niya ako.

Humarap siya at tinanggal ang nakatakip na palad sa mukha. "Bakit?"

"I just want to finish what you started."

"Ha? Anong sinasabi mo?"

Lumapit ito sa kanya at dahan-dahang idinikit ang mukha sa kanya. He was about to kiss her again. And this time, she knew it was coming. Ipinikit na lang niya ang mata at hinintay na lumapat ang labi nito. And she could feel his lips just above hers. "No words can express how much I love you," pakanta nitong sabi.

When she opened her eyes, he was starting to pull away. Iyon lang? Kakantahan lang siya nito. "Gino, sandali!" tawag niya dito nang palayo na ito.

Lumapit ito sa kanya. "Bakit?"

"Ano… Kasi…" Nagpapalit-palit ang tingin niya dito at sa damo sa paanan niya. Di niya alam kung aawayin o sasabihan tungkol sa paghalik sa kanya.

"Ah, kulang ng goodnight." Kinintalan siya nito ng halik sa labi. It was so casual as if they were doing it for a long time. "Goodnight! Dream of me!"

Saka pa ito pakanta-kantang naglakad pabalik sa Rider's Verandah kung saan naka-park ang kotse nito. Nagdadabog siyang pumasok ng staff's house.

Sumandal siya sa pinto at pumadyak. "Nakakainis! Wala siyang karapatang halikan ako! Ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin na hahalikan niya ako."

"Sino ang kaaway mo diyan?" tanong ni Quincy na lumabas ng kusina.

Umayos siya ng tayo at tumikhim. "Wala. Ininis lang ako ni Sir Gino kanina."

"Ah, iniinis ka lang niya kaya hinalikan ka niya?"

Nanlalaki ang mata niya. "Ha? Nakita mo iyon? Pinanood mo kami?"

"Oo. Hinihintay kasi kitang umuwi kaya nasa may bintana ako. E, malay ko ba namang hahalikan ka niya. Saka andoon kayo sa may patio. Kahit sinong dumaan, pwede kayong makita. So akala ko, okay lang manood."

Isinubsob niya ang mukha sa pinto. "Nakakahiya! Paano kung hindi lang ikaw ang nakakita sa amin? Paano kung may iba pa?"

"Ano naman ngayon? Ang alam nga ng lahat boyfriend mo na siya. Sus! Wala naman sigurong magre-react. Natural lang iyon sa mga taong in love!"

Pumasok siya sa kuwarto niya at ihinagis ang gamit niya sa kama. "I can't believe it. Hindi ko pa siya boyfriend pero pumayag na akong magpahalik sa kanya."

Tinapik nito ang balikat niya. "It is time, Miles. Twenty-two ka na. Dapat lang na magkaroon ka na ng first kiss. Saka dapat nga matuwa ka."

"Ano ang nakakatuwa doon, aber?"

"Superb kisser ang first kiss mo. At sa tao pang in love ka."

"Paano mo naman nasabi na superb kisser nga siya?"

Lumapad ang ngiti nito. "Hindi ka man lang kasi kumontra."

"Ganon?" Itinulak niya ito palabas ng kuwarto niya. "Huwag mo na nga akong guluhin! Nang-iinis ka lang, eh!"

Lumabas nga ito pero sumilip pa rin ito sa pinto. "Hay! Sagutin mo na si Sir Gino. Swerte ka nga. May lalaking sweet na sweet at in love na in love sa iyo. Ipinagluluto ka araw-araw. Ipinakilala ka pa sa pamilya. Laging nag-aalala sa iyo. Hindi lahat ng babae katulad mo. Naiinggit nga ako sa iyo, eh!"

"Bakit? Hindi ba ganyan ka-sweet ang fiancé mo sa iyo?"

Lumungkot ang mata nito."Ang masasabi ko lang, mas maswerte ka sa akin."

Bago matulog ng gabing iyon ay pinag-isipan niya ang sinabi ni Quincy. In love nga ba sa kanya si Gino tulad ng sinasabi ng iba?

May ngiti sa labi niya nang maisip ang lahat ng ginawa nito para sa kanya. Pero mas lumapad ang ngiti niya nang maisip ang halik nito. Hinawakan niya ang labi. "How did you know I needed someone like you in my life?" She kept on singing that song until she fell asleep.