"Are you sure about your plan, Tamara? Hindi biro-biro ang kasunduan na gusto mong pasukin, hija," nag-aalalang wika ni Attorney Cabral, ang family lawyer ng pamilya Trinidad.
"Yes, Attorney Cabral," aniya sa kalmanteng boses. Di siya kakikitaan ng kahit anong pag-aalinlangan o pagbabago ng isip.
Nasa hotel suite siya ng abogado sa Los Angeles. She was there to take up Veterinary Medicine. Mahilig kasi siya sa mga hayop. Pumunta ito doon para personal niyang makonsulta sa mga plano niya.
"HIndi mo naman kailangang gawin ang plano mo. You still have five years to keep the land at the lakeside. Marami pang pwedeng mangyari."
"I have to do this for my mother's memory."
Kamamatay pa lang ng lolo niyang si Don Ponciano Trinidad. Sa dami ng kayamanan nito, ang tanging iniwan nito sa kanya ay ang trust fund niya na nagkakahalaga ng dalawang milyon at ang lupa nila sa Batangas na nasa tabi ng Taal Lake. Di naman productive ang lupain sa tabi ng lake. Di tulad ng mga real estate properties nito na ipinamana nito sa Auntie Camilla niya at sa pinsan niyang si Precious. Her grandfather only kept it for her mother's memory. Iyon ang lugar na gustong puntahan ng namayapa niyang ina tuwing gusto nitong magpinta.
Di niya maaring ibenta ang lupain o I-develop maliban na lang kung makakapag-asawa na siya. At sa edad na dalawampu't lima at wala pa siyang asawa ay mapupunta sa Auntie Camilla niya at sa pinsang Lucretia ang lupain niya.
"Hindi ko alam kung bakit kailangan pa itong gawin ng lolo mo. I told him it is ridiculous. Hindi ka niya kailangang pahirapan nang ganito."
"We both know that my grandfather isn't really fond of me."
Anak siya sa pagkadalaga ng bunsong anak ni Don Ponciano. Namatay ang mommy niya sa panganganak sa kanya. Simula noon, di siya nakaramdam ng affection o pagmamahal mula dito. Oo nga't binibigyan siya nito ng lahat ng pangangailangan niya. Pinag-aral siya sa magandang unibersidad at maari din niyang mabili ang mga bagay na gusto niya basta hilingin lang niya. Sa palagay niya ay ginagawa lang nito iyon dahil sa responsibilidad.
"Ayaw lang niyang matulad ka sa mommy mo."
Mapait siyang ngumiti. "I am not my mother." She won't be stupid enough to fall in love. NI wala nga sa bokabularyo niya ang mag-asawa.
"Yes, you are wiser than her. Pero di rin ibig sabihin kailangan mong pakasalan si Reid Alleje. He might not agree with your plans. He is a proud man. And you are still young. Baka di ka niya seryosohin."
Nagkibit-balikat siya. "I may be twenty but I can face him. I have everything he needs. He wants to buy my land so he has to agree with my terms. After all, wala rin naman akong choice. Nakatali rin ako sa testamento ni Lolo Ponciano."
Reid Alleje was a young businessman who was interested with the lakeside property. Matagal na itong nakikipagnegosasyon sa lolo niya hanggang nakamatayan na ng matanda. Ngayon ay siya na ang kailangang makipag-usap dito.
"Gusto mo bang samahan kita sa pakikipag-usap sa kanya?"
Nakangiti siyang umiling. "Thank you, Attorney. I can handle him myself. Huwag kayong mag-alala. Kaya ko po siyang harapin. Wala namang masama kung magkaharap na kaming dalawa nang kami lang."
Lagi na lang si Attorney Cabral ang nakikipag-usap kay Reid. Nakita na niya ang larawan ng lalaki sa isang magazine na dala ni Attorney Cabral kung saan nai-feature ang angkan ng mga Alleje. Pero di pa niya nakakaharap ang binata sa personal. Sa pagkakataong iyon, di niya kailangan ng pag-alalay ng iba. Kailangan niyang ipakita kay Reid Alleje na siya ang kumokontrol sa sitwasyon.
Tinanggal ni Attorney Cabral ang suot na salamin at isinuot muli. Di ito mapakali. "Kung may ibang paraan lang sana para di makuha ng Auntie Camilla mo ang lupa nang di mo kinakailangang magpakasal." `
"Pag-iinteresan pa ba nila ang lupain ko, Attorney? Iyon na nga lang ang pamana sa akin ni Lolo. Ang mansion, ang hacienda, ang mga kotse pati ang iba pang lupain ni Lolo sa kanila na napunta. Alikabok lang ang nakuha ko."
Sa pamilya, ang Auntie Camilla niya ang laging pinapaboran at ang pinsan niyang si Precious ang paborito ng lolo niya. While she was nothing. At habang namomoroblema siya at patuloy na nagluluksa, nasa world tour naman ang tiya niya at pinsan habang nilulustay ang kayamanan ng lolo niya.
"Alam ko na unfair sa iyo, hija."
"Nagpapasalamat ako kay Lolo dahil iniwan niya sa akin ang alaala ni Mommy. And I will do everything to keep it."
"But marrying someone you barely knew…"
Inilahad niya ang palad. "Nagawa na po ba ninyo ang kontrata?"
Napalunok ang abogado at tumingi. "Yes, hija. Sinunod ko ang gusto mo."
Gumuhit ang ngiti sa labi niya habang binabasa ang kontratang ipinagawa niya. Sa pamamagitan ng kontratang iyon, siya na ang magpapatakbo sa buhay niya. Wala nang sinuman ang maari pang kumontrol sa buhay niya.
DI MAKAALIS si Tamara sa lobby ng hotel. Its forest ambiance really got her. May mga halaman sa paligid at may mga buhay pang ibon na nakadapo sa puno. Iyon ang nagsilbing attraction sa lugar na iyon. As if she was in some exotic spa. ` Iyon ang nagsilbing attraction sa lugar na iyon. Dahil maaga pa naman para sa meeting niya kay Reid Alleje sa hotel ding iyon ay na-ikot-ikot muna siya.
Di niya maiwan ang kakaibang species ng macaw na galing pa sa Amazon jungle. She was really fascinated with those kinds of animals. Iyong mga hayop na di basta basta makikita. Pangarap nga niyang bumiyahe sa buong mundo at tumulong sa pagsagip sa iba't ibang mga hayop. Matutupad kaya niya iyon?
"Miss Trinidad?" untag sa kanya ng boses ng isang lalaki.
Lumingon siya. "Yes?"
Natulala siya nang mapagmasdan ang tumawag sa kanya. He was a very rare and exotic male specie. He was tall just like every man around. Natural na sa Amerika na matatangkad ang mga tao. But this man stood out with his Spanish features. His face was chiseled which gave him a very strong aura. His unsmiling lips only made him more formidable. His eyes were coal black. They looked cold but it made her feel hot all over. Well, he was definitely hot with that bronzed skin. She could imagine him running all over the jungle without a stitch on.
Namula siya sa tinatakbo ng isip. Mas sanay siyang mga hayop ang dina-dissect sa isip. She never bothered with men before. But this man aroused primitive instinct within her. Ano ba ang nangyayari sa kanya?
Inilahad nito ang palad. "I am Reid Alleje."
Feel free to follow me here:
Facebook: Sofia PHR Page
Twitter: sofia_jade
Instagram: @sofiaphr
Youtube: Sofia's Haven
Patreon: www.patreon.com/filipinonovelist - I will post Stallion Island books here soon