webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 一般的
レビュー数が足りません
557 Chs

Chapter 1

"My God! You can't attend my party wearing that garb!" her cousin Monica exclaimed. She dropped her jaw while there was a horrified glint in her eyes. Sa palagay nga niya ay hihimatayin na ito sa sobrang pagkagimbal.

She was wearing a plain light blue three-fourth-sleeve polo shirt, jeans and her battered sneakers. Saka lumipad ang tingin niya sa suot nitong emerald green na baby doll cocktail dress at black high heeled stiletto sandals. She was ready for her twenty-fourth birthday party. At sa condo nito sa Greenhills gaganapin.

Malayong-malayo ang itsura nila sa isa't isa. Habang kumikintab ito sa suot na alahas at maganda sa perpekto nitong make up, wala siyang kahit anong adorno sa katawan at wala siyang hilig na mag-make up.

"Pasensiya na, Monica. Wala akong ibang damit."

She was a practical dresser. Nagtatrabaho siya sa rancho ng Uncle Felipe niya, ang Papa ni Monica, bilang isang horse trainer. Pantalon at long sleeve polo shirt ang karaniwan niyang isinusuot sa trabaho. Madalang siyang lumabas ng rancho. Kaysa bumili ng damit na wala siyang paggagamitan, bumibili na lang siya ng mga damit na magagamit niya nang mas madalas.

"Hindi ako papayag na humarap sa mga bisita ko nang ganyan ang suot mo." Nasapo ni Monica ang ulo. Parang isang malaking disaster ang tingin nito sa kanya. "Baka sabihin nila may pinsan akong baduy!"

Napayuko siya. "Sorry!"

Pumunta siya doon para maki-celebrate sa birthday nito. Nawala sa isip niyang may dress code susundin.

"Monica, ready na ba kayo ni Keira?" tanong ni Felipe matapos kumatok sa pinto. "Nandito na ang ibang bisita mo."

"Papa, bakit isinama pa ninyo si Keira? Wala naman pala siyang dress na babagay para sa party ko," reklamo ni Monica.

"Hindi ba pwede ang suot niya?" tanong ni Felipe.

Minulagatan ito ni Monica. "Papa! Gusto mong pagtawanan ako ng mga kaibigan ko? May importante pa mandin akong bisita ba dadating." Nagpapadyak ito.

"Why don't you lend her one of your dresses?" suhestiyon ni Felipe. "Isang gabi lang naman niyang gagamitin."

Nanghaba ang nguso ni Monica. "Ayoko nga. Baka mamaya mag-amoy kabayo pa ang mga damit ko."

"Anong sabi mo?" asik ni Felipe.

"Wala, Pa. Ang sabi ko hindi kami magka-size ni Keira," palusot ni Monica at mapaklang ngumiti.

Monica was not an animal lover. And she hated the fact that she worked with horses. Tumahimik na lang siya, ang lagi niyang ginagawa kapag may sinasabi itong di maganda sa kanya.

"Narinig ko iyon, Monica," madilim ang mukha na sabi ni Felipe. "Minamata mo ba ang trabaho ng pinsan mo? Baka nakakalimutan mo na ang rancho natin ang nagbabayad ng renta dito sa condo mo, ng damit mo at ng iba pang luho mo."

Itinaas ni Monica ang kamay. "It is just a joke. Masyado kayong balat-sibuyas." Yumakap ito kay Felipe. "Let's not argue about it. It is my birthday! Do you want to ruin it over nothing?"

"Of course not. But…"

"Good. I must attend to my guests now, Pa. Let's go!" yaya ni Monica.

"Mag-uusap lang kami ni Keira," anang si Felipe at nagpaiwan.

"Okay." There was triumph in Monica's voice. Alam nitong panalo na naman ito sa araw na iyon. Since it was her birthday, she could get anything she wanted.

"Pasensiya ka na sa pinsan mo, hija. Kasalanan ko dahil na-spoiled sa akin."

"Okay lang po iyon, Uncle," aniya at ngumiti. Namatay ang nanay ni Monica sa panganganak. Kaya lahat ng atensiyon at pagmamahal ni Felipe ay nabuhos dito. Lahat tuloy ng luho ni Monica ay sinusunod nito. "Hindi po ako pwedeng humalo sa bisita niya nang ganito lang ang suot ko. Nakakahiya."

Lumungkot ang mga mata nito. "Ayokong magkulong ka dito sa kuwarto. Malulungkot ka lang. Wala kang makakausap."

"May garden po itong condo building sa roof deck. Mas gusto ko na po doon. Wala rin akong hilig sa mga parties. Sumama lang po ako dahil gusto ninyo."

"Bumalik ka rin, hija," anito at lumabas.

Makalipas ang ilang minuto ay maingat siyang lumabas ng kuwarto. Marami na ngang mga bisita. Dahan-dahan siyang naglakad. Halos dumikit siya sa pader para di mapansin ng mga bisita. Sa tantiya niya ay may talumpu nang guest dumating. Nasa fifty ang inaasahan ni Monica.

"Wine, Ma'am?" alok sa kanya ng waiter. Maaring nakilala siya nito kanina dahil siya ang nagbukas ng pinto nang dumating ang mga caterers.

Umiling siya. "No thanks."

Ilang hakbang na lang ay nasa pinto na siya nang may humarang sa kan ya.

"Hi!" bati ng lalaki.

"H-Hi!" alanganing bati niya at di inaangat ang tingin.

Plano niyang lagpasan na lang ito pero nananatili pa rin ito sa daraanan niya. Baka mamaya akala nito ay isa siya sa mga staff ng catering service at may iuutos sa kanya. That would definitely be more embarrassing.

"I'm Eiji Romero and you are…"

Wala siyang planong makipagkilala kahit na kanino. Magagalit si Monica oras na makipag-usap siya sa isa sa mga bisita nito. She was about to excuse herself when she was godsmacked by the handsome man in front of her. Matangkad na siya sa height niyang 5'6" pero nakatingala pa siya dito. Perhaps he was almost six feet tall. She was intrigued by his color. Parang pinaghalong gatas at kape. Nakasuot ito ng long sleeve polo at dark trousers. It looked good on him. But she could picture him as an outdoor guy with that sun-kissed skin. He had an easy smile, a smile that could melt her to the bones. And she loved his eyes. It was almost black with a tinge of blue. Parang malulunod siya sa mga matang iyon.

Nakatulala na lang siya dito at parang wala na siyang balak gumalaw. Gusto niyang titigan lang ito kahit buong magdamag pa. Sanay siyang makihalubilo sa mga lalaki. Most of them were mean, muscular men. Mga lalaking nagsasabi na sila ang mga tunay na lalaki. But nobody affected her this way.

"I am asking for you name," anito at bahagyang tumawa.

That brought her back to her senses. Tinatanong pala nito ang pangalan niya. Luminga siya at naalala niyang nasa party siya. At sa halip na makipagtitigan dito, dapat na siyang tumakas. "I am sorry…"

"Interesting name. I am sorry." Inilahad nito ang palad. "Nice meeting you."

Namula siya. Is he making fun of her? Mukhang hindi nito gusto na mapahiya siya. He was just being sociable. Gusto sana niyang hawakan ang nakalahad nitong palad at itama ang pangalan niya nang lumapit si Monica.

Umabrisyete agad ito sa lalaki. "Eiji, come! I want you to meet my father. I told him that I have a celebrity guest." Naramdaman niya ang nagbabanta nitong tingin sa kabila ng ngiti sa mga labi nito. She wanted her out.

"Just for a sec," anang si Eiji at bumaling sa kanya.

"Excuse me," aniya at nagmamadaling lumabas.

"Miss, wait!" tawag sa kanya ni Eiji pero tuloy-tuloy na siyang lumabas ng condo. She headed for the elevator right away. Hindi siya lumingon hangga't di pa sumasara ang elevator upang dalhin siya sa roof deck.

Napasandal siya sa malamig na metal na dingding na elevator. She was relieved. Kung nagtagal pa siguro ang pag-uusap nila ni Eiji, tiyak na magwawala na si Monica. Ayaw niyang mag-away sila.

Eiji. Mukha itong mayaman at mahilig makihalubilo sa mga 'refined' na tao tulad ni Monica. Iyong nabubuhay sa magaganda at mamahaling bagay. Bakit ito nakipagkilala sa kanya? Sa dinami-dami ng babae doon, bakit pa siya nito napansin?

It was not her world. She would always be a ranch girl. And that gorgeous glam guy was not her type. Mas bagay ito kay Monica.