webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 一般的
レビュー数が足りません
557 Chs

Chapter 19

PARANG NILILIPAD ng hangin si Rei habang pinatatakbo ang kabayong si Tiger Lily. Then the lovely lake view of the riding club came into view. Tinanggal niya ang tali ng buhok niya at hinayaan itong liparin ng hangin.

"Rei, dahan-dahan lang sa pagpapatakbo. Hindi ba sinabi ko sa iyo na delikadong pwersahin ang sarili mo? Paano kung maaksidente ka?" Bumaba ito sa sariling kabayo at lumapit sa kanya. "Mag-usap nga tayo."

"Bakit nakasimangot ang irog ko?" lambing niya dito. "Huwag ka ngang sisimangot. Hindi ako sanay. Natatakot ako."

"Sa akin natatakot ka pero di mo naman sinusunod ang bilin ko. Paano naman ang takot ko na baka malaglag ka sa kabayo?"

Hinaplos niya ang leeg ni Tiger Lily. "Maingat naman ako, eh!"

"No! You are reckless."

Nilingon niya ito. "Aba, Hayden! Ginagamit ko lang ang pinag-aralan ko sa Artemis Equestrian Center. Binigyan na ako ng go signal ni Teacher Liyah na kaya ko na daw magpatakbo ng mabilis. Ibig sabihin pwede na rin tayong magkarera."

Hinawakan nito ang balikat niya. "Kahit mga professional naaaksidente sa kabayo. Kaya kaunting ingat naman. Oras na may mangyaring masama sa iyo, ako naman ang pagagalitan ng parents mo."

"Hindi sila magagalit sa iyo. They like you, Hayden."

"Alam ko naman na kapag may ginawa kang kapalpakan, ikaw ang direkta nilang sisisihin. But it won't me any less guilty. Saka masasaktan din ako kapag nasaktan ka. Kaya huwag mo nang dagdagan ang alalahanin ko."

"Magiging mabait na po akong girlfriend, irog."

"Good. Then babalik na tayo sa stable. Mukhang uulan."

Bumagsak ang balikat niya. "Ang bilis naman! Di pa naman umuulan. Malay mo hindi rin magtuloy na bumagsak ang ulan. Punta tayo sa falls."

Nanghihinayang lang kasi siya sa mga panahon na pwede silang magsama. Parehong demanding ang trabaho nila kaya sinasamantala nila ang pagkakataon. Minsan nga ay di pa natutuloy ang date nila dahil sa dami ng schedule. Maswerte na silang makapagsama sa isang buong araw tulad noon.

Matalim siya nitong sinulyapan. "Rei!"

"Alright! Susunod na po!"

Nang makarating sila sa stable ay bumuhos ang malakas na ulan. NI hindi sila makalabas dahil nasisira kahit ang mga payong. "Dito muna tayo," wika nito. "Siguro maya maya lang titila rin ang ulan."

Nangalumbaba siya. "Wala naman masyadong magawa kapag umuulan. Ginagawa ko lang kumain, matulog, manood ng DVD kapag walang palabas sa TV. Samantalang noong bata ako masaya na akong gumawa ng bangkang papel tapos paaanurin ko sa may kanal. Nagkakarera pa kami ng mga kapitbahay ko."

"Kaya pala may polusyon dahil bata pa lang iyon na ang gawain mo."

"Ang sama mo! May bago na akong libangan kapag umuulan. Pinapangarap ko na paligiran ng mga Stallion boys. Paligiran ng mga guwapo."

Tumikhim ito. "Parang gusto ko yatang magselos."

Yumakap siya sa braso nito. "Come on! Ambisyon naman iyon ng lahat ng babae sa Pilipinas. Iyong mapunta sa lugar na umuulan ng guwapo."

"So hindi naman pala ako kasama sa naiisip mo kapag umuulan."

"Kasama ka naman sa mga Stallion boys, ah!"

"Boyfriend mo ako, Rei! O kailangan ko pa bang isigaw na nagseselos ako?"

Humagikgik siya. "Hindi mo kailangang magselos. May isa talaga akong pangarap. I want to dance in the rain with you again."

Sumilay ang ngiti sa labi nito. "So do I. Gusto mong subukan?"

Napatili siya nang hilahin siya nito palabas ng stable. Pakiramdam niya ay sinalo niya ang langit sa lakas ng ulan. Nanginig siya sa lamig subalit naglaho iyon nang yakapin siya ni Hayden. "Feeling better?"

"Yes," aniya at isiniksik ang mukha sa leeg nito. Di niya ugaling magbasa sa ulan. Nagagawa lang niya iyon kapag kasama niya si Hayden.

"Wala tayong music. I can ask The Switch to play for us." Member din kasi ng Stallion Riding Club ang miyembro ng naturang banda. At ito rin ang banda na tumugtog sa school concert noong first date nila.

"Hindi na kailangan. We have our own music."

Niyuko siya nito. "Ano?"

"The rain." She put her hand where is heart was beating. "And the beat of our heart. Hindi mo ba naririnig?"

Ngumiti ito. "May isa pa akong gawin kapag umuulan. Hindi ko kasi ito nagawa dati noong nag-date tayo."

She looked at him curiously. "Ano iyon?"

"To kiss you senselessly while dancing in the rain."

Yumakap siya sa leeg nito at nagsugpong ang labi nila. Sana ay lagi na lang umuulan tuwing kasama niya ito.

"SASAMA ka ba kay Dafhny sa Costa Brava?" tanong ni Hayden nang nagmamaneho ito palabas ng riding club. Pauwi na sila noon sa Manila. "Sabi nila marami daw multo doon. Baka kailangan mo ng kayakap kaya sasama ako."

"Ayaw mo lang akong ma-miss kaya sasama ka." Ang Costa Brava ang location ng mansion na nire-renovate nila para gawing hotel.

"No. Tutulungan ko rin mag-sort out sa bodega si Dafhny. Ako kasi ang kinontrata niya para mag-restore ng ibang mga antique furniture."

Kumapit siya sa braso nito. "Buti sasama ka. Ang totoo takot sa multo."

"Ang sabihin mo gusto mo lang magpayakap."

Tumili siya nang makita ang isang lalaki na humarang sa sasakyan nila paglabas pa lang nila ng gate ng Stallion Riding Club.

Biglang nagpreno si Hayden. "Hey! What the hell is wrong with you?"

"Baka naman baliw iyan," wika niya.

Kinalampag ng lalaki ang hood ng kotse ni Hayden. "Bumaba ka diyan, Hayden Ilano. Labanan mo ako lalaki sa lalaki."

Mahigpit siyang kumapit sa braso nito. "Huwag kang bababa. Baka mamaya anong gawin niyang masama sa iyo."

"Wala naman talaga siyang magagawa sa akin." Subalit di ito bumaba dahil inaalala marahil ang kaligtasan niya. Binalingan nito ang lalaki. "Umuwi ka na, Renato. Baka naghihintay na sa iyo ang asawa ko."

"Asawa? Iniwan na ako ng asawa ko nang lumubog ang negosyo ko. Kasalanan mo iyon! You blocked my membership for Stallion Riding Club. Sana naayos na ang problema ko sa negosyo."

"Bakit ako ang sinisisi mo? Ikaw ang sumira sa pangalan mo at hindi ako."

"Fuck you!" sigaw nito.

Dalawang security ng riding club ang bumitbit kay Renato palayo. "Sir, nakakagulo na po kayo. Lasing na po kayo."

"You will pay for this, Hayden! Tandaan mo iyan!"

"Tawagan mo ang pamilya niya para iuwi siya," malumanay na utos ni Hayden sa security at saka pinasibad palayo ang sasakyan.

Subalit kinilabutan siya nang makita ang malayelong lamig sa mga mata ni Hayden. She had seen him mad but it was the first time she had seen his eyes as cold as Antarctica. Ang lalaking iyon ba ang dahilan?

Para di po laging nagtatanong at updated sa mga announcement, please follow my social media accounts:

Facebook: Sofia PHR Page

Twitter: sofia_jade

Instagram: @sofiaphr

Youtube: Sofia's Haven

Sofia_PHRcreators' thoughts