webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 一般的
レビュー数が足りません
557 Chs

Chapter 19

"I created six different floor plans. Kasama na ang pati sa cottage na itatayo namin. More on Filipino crafts ang gagamitin. At puro classical at antiques din ang design like capiz windows as dividers. Ini-inventory na rin namin at nilalagyan ng tag ang mga gamit na pwedeng ipa-refurbish at magamit ulit dito. Maraming magagandang gamit sila lolo na pwede pang gamitin," paliwanag ni Dafhny kay Gianpaolo sa blue print niya para sa Casa Rojo.

Pinipilit niyang maging normal habang kaharap ito. But deep inside she was rattling. He saw her body the other night. At least part of it. Ni hindi niya ito boyfriend man lang o asawa. Nakakahiya talaga. Subalit mukha namang normal lang ito. Siguro nga ay wala naman itong nakita.

 "Balayong wood is also good for door frame and window frame. Magaganda ang ideas mo lalo na ang gawing divider ang mga capiz window. Mas magiging at home ang mga bisita mo sa design mo," dagdag naman nito.

"Okay. I will tell my antique dealer about the balayong wood."

"Bakit hindi ka makatingin nang diretso sa akin?" tanong nito nang magpaala siyang babalik sa bodega para sa inventory.

"Ano… Wala.." Wala na siyang mukhang ihaharap dito. Ano pa nga ba ang maipagmamalaki niya?

"You are a novelty, Dafhny. Blushing at twenty-six."

Matalim niya itong sinulyapan. "Siyempre! Ikaw lang ang… ano…" Ipinadyak niya ang paa niya. "Huwag na lang nating pag-usapan!"

"Sanay akong nilalapitan ng babae. O kaya iyong mga babae na vocal sa nararamdaman nila. Kung manligaw man ako, sinasagot agad ako. But you are really different from all those girls. I swear you are still a virgin."

"Okay. I'm a virgin. I am naïve. But you don't have to throw it to my face." Hindi ba nito na makita na gusto niyang bumaon na lang siya sa kinatatayuan?

Humalakhak ito. "O, masyado ka namang seryoso. Nagku-kwentuhan lang tayo. Because I really adore you, Dafhny."

"Yeah! You adore me so much that you love to annoy me. Gianpaolo, nagmamakaawa ako sa iyo. Ayoko nang banggitin mo pa ang nangyari kagabi. Wala ka naman talagang nakita, eh!"

"Gusto kong sabihin sa iyo kung ano ang nakita mo?"

Naghahamon ito. There was a glint of mischief in his eyes. "Stop it, okay? Basta ayoko nang pag-usapan ulit! Magtrabaho na lang tayo…"

Bahagya nitong inilapit ang mukha sa kanya. "Okay. Wala nga akong nakita. But I can still feel you in my arms. And your scent still lingers in my mind. You gave me a sleepless night."

Napasinghap siya. There was evident desire in his eyes. Desire. Just desire. She was just another woman with a body. She was nothing special.

Gusto sana niyang isigaw iyon. But what was the point?

Naputol ang pag-uusap nila nang bumukas ang pinto at bumuglaw sa kanila ang isang galit na galit na babae. Ito si Melissa, ang nobya ni Roland.

"Nandito ka lang pala." Di niya inaasahan ang pagdating nito. Ang alam kasi niya ay nasa office ito ng Aragon Architecture sa Manila.

Pormal silang naipakilala ni Roland mismo. Saka niya nalaman paglaon na magnobyo na ang dalawa. Pero di siya nagtanim ng galit kay Melissa. Nirespeto na lang niya sa huli ang nararamdaman nito at Roland.

"Hi, Melissa!" bati niya. "Nasa kabilang wing si Roland. Pwede ko siyang ipasundo kung gusto o pasasamahan kita sa site."

"Huwag kang magkunwaring mabait sa akin. Alam kong ginagawa mo ang paraan para maagaw si Roland sa akin. Dito ka pa natutulog para akitin siya."

Nagulat siya sa akusasyon nito. "Melissa, wait…"

Biglang dumating si Roland. "Tama na iyan! Nakakahiya sa kanila!"

Itinuro siya ni Melissa. "Siya ang dapat na mahiya. Ginagamit pa niya ang project na ito para ilayo ka sa akin."

Pumagitna na si Gianpaolo sa kanila. "Miss Melissa, ako ang nagmo-monitor ng mga bisita dito sa Casa Rojo. At di pwedeng basta-basta pumunta ang isang bisita nang walang abiso sa akin. Maliban na lang kung emergency. And you can't just barge in here unless it is official business."

Napipilan si Melissa at bahagyang humupa ang galit. "Kasi Sir…"

What do you think of this chapter?

Please don't forget to give review, spirit coins and gifts to show your appreciation.

Guys, may donation drive po kami for the victims po Bagyong Tisoy sa Aroroy at San Jacinto, Masbate. Wash out ang mga bahay at sira pati schools. We accept used clothes, school supplies (kasi nabasa gamit ng kids), groceries, and cash donation.

Please PM this page on Facebook if you want to help: TEAM NORTE: AKYAT FOR A CAUSE. We are the same team na nagdadala ng donation sa lugar nila Carrot Man. We will accept donations until December 26. Sana po makatulong po tayo. Salamat!

Sofia_PHRcreators' thoughts