Nasaktan si Rei nang mahimigan ang lungkot sa boses ni Hayden. Tama. Kasalanan nga niya. Sinusubukan nitong magpaliwanag sa kanya dati subalit di siya nakinig. Masyado kasi siyang nalunod sa sarili niyang dilemma.
At iyon din ang nangyayari ngayon. Kahit anong gawin nitong panunuyo sa kanya, isang bahagi ng puso niya ang ayaw niyang buksan dito. Natatakot siya na masaktan na naman at tuluyan nang hindi makabangon.
So much for self-preservation.
Iniwas niya ang tingin dito. "I'm sorry. Kasalanan ko na. Hindi kita pinakinggan. I was too stubborn to listen, Hayden. First time kong na-in love. Lahat ng emosyon ko ibinuhos ko para sa iyo. But it didn't work out."
Bahagya itong tumawa. "Rei, Rei! First time ko lang din na ligawan ng babae na walang pakialam kung may kolorete ako sa mukha."
"Huwag ka ngang tatawa-tawa diyan!" aniya at tinalikuran ito para bumalik sa sasakyan. Ipinadyak niya ang paa nang maalala ang mga kagagahan siya. Pinagtatawanan na siya noon ng buong mundo pero wala siyang pakialam.
"I was fascinated by the girl who's strong enough to love someone like the person I pretended to be. Hindi mo lang alam kung gaano ako nasasaktan na kailangan kong tanggihan ang pagmamahal mo para itago ang totoo kong pagkatao. Dahil kailangan kong gawin para sa pinsan ko," sabi nito habang nakasunod.
"Ibig sabihin gusto mo na ako noon?"
"Yes. And nearly blew my cover. Under observation na ako ng Indigo Sky ilang araw bago ako makapasok sa organization nila. Masyado na akong nagiging malapit sa iyo. Kinalimutan ko na pati ang pagsusuot ng make up kapag kasama kita. I was too comfortable with your company. Hanggang ipaalala sa akin ni Franzine ang misyon ko."
"Kaya mas pinili mo pa ang organization kaysa sa akin? Para sa pinsan mo?"
Hinawakan nito ang kamay niya. "Rei, I had to do it. It was what I came here for. I owe it to my cousin.Akala ko maiintindihan mo ako kapag sinabi ko ang totoo."
"Pero masyado na akong nasaktan. Naging sarado na ang isip ko. Akala ko kasi hindi ako importante sa iyo. Na ang mga kauri mo talaga ang gusto mong makasama at hindi ako. Nakakagulo lang ako sa buhay mo. Kaya ako na lang ang lumayo. Hindi ko kasi alam kung paanong tatanggapin na may ibang mga tao na nagpapasaya ako at hindi lang ako. Habang ikaw lang ang nagpapasaya sa akin."
Life was not easy without Hayden. Nakakangiti siya pero di na tulad ng dati na galing sa puso niya. Kahit sa ibang lalaki, mga katangian pa rin ni Hayden ang hinahanap niya. Iyong kaya siyang ipagtanggol nang walang kakurap-kurap. Iyong magbibigay sa kanya ng chocolate at Gatorade kapag matamlay siya. At kapag talagang di na niya kayang tumayo ay bubuhatin siya na parang prinsesa.
Hinawakan nito ang balikat niya. "I told you to wait for me. Sasabihin ko rin naman sa iyo kung binigyan mo lang ako ng pagkakataon."
"You lost your chance."
"And I had to leave without telling you the truth."
"Bakit pala bigla ka na lang nawala?"
"Matapos kong malaman kung sino ang nanloko sa pinsan ko, gustong-gusto ko na siyang gantihan. Gusto kong bawiin ang lahat ng kinuha niya sa pinsan ko. But it was not the time. Kapag itinuloy ko ang balak ko, baka ikaw rin ang masaktan. Ayokong madamay ka sa gulong gagawin ko kaya lumayo na lang ako."
"Nakabawi ka ba sa nanakit sa pinsan mo bago ka umalis?"
Umiling ito. "Hindi ganoon kadali. But I will make him pay in time. That revenge business costs me so much. Nawala ka sa akin."
Yumakap siya sa baywang nito. "Hayden, hindi ako nawala sa iyo. Ako ang kusang sumuko. Ako ang hindi nakapaghintay."
Inipit nito ang buhok niya sa likod ang tainga niya. "And I don't blame you if you stopped loving me."
Humilig siya sa dibdib nito. "No. I never stopped loving you. Pinili ko lang na huwag kang isipin para di mabuhay ang pagmamahal ko sa iyo. When you stormed back into my life, you turned everything upside down. Daig ko pa ang sinalanta ng ipo-ipo. Di na naman ako makapag-isip ng tuwid. Kahit na sabihin kong galit ako sa iyo at ayaw ko sa iyo, sinasabi ng puso ko na gusto ka pa rin niya."
"When I saw you lying at your own fainting couch, I thought I had you right where you belong."
"At nagulat na lang ako. Ibang Hayden na kasi ang nakita ko. Ginamitan mo na agad ako ng charm mo."
"Siyempre. Kailangan makagawa agad ako ng impression. Baka sakaling magkaroon ka ng idea na lalaki talaga ako."
"You are charming even without trying. I even fell for you while pretending to be a gay. You charm is endless, Hayden."
"Kaso napasama pa yata dahil nasobrahan ang pagpapa-impress ko sa iyo. Sa halip na lalo kang ma-in love sa akin, lalo ka pang nagalit."
"Hayden, di ko naman iniisip talaga na ginagamit mo lang ako. Nagseselos lang ako doon sa mga babaeng nakapaligid sa iyo. Tapos nang halikan mo ako, nag-haywire na naman ako utak ko. Di ko lang maamin basta-basta na in love ako sa iyo. Gusto kong magkaroon ng dahilan para di tanggaping mahina ako pagdating sa iyo. Iyon ang sinabi ko. Di ko naman sinasadyang saktan ka."
"Totoo rin ba na mas in love ka sa gay personality ko?"
Kinagat niya ang labi. "I had always been in love with you no matter what your identity is, Hayden. I am also glad that you are a real man. Pero parang mas malaki naman ang problema ko sa iyo."
"Bakit? Ano naman ang problema sa akin?"
"You are one of Stallion Riding Club's certified playboy."
Pumalatak ito. "Masyado ka namang nagpapapaniwala sa sinasabi nila."
Pinanlakihan niya ito ng mata. "Paano naman ang nakita ng mga mata ko? Ibig sabihin hindi rin ako pwedeng maniwala?"
"Prospective customers ko lang sila. Natural na I-entertain ko sila. Siyempre kailangan ko ring mag-observe sa mga gusto nila at ugali nila para bumagay sa mga design na gagawin ko para sa kanila."
"Masyado na kasi silang close. Nakakainis! Samantalang dati ako lang ang nakakalapit sa iyo. Ngayon biglang dumami ang karibal ko."
"I will keep my distance," pangako nito.
"Ganoon ba kadali sa iyo na burahin ang tatak ng isang playboy?"
"Aamin ako. I had my share of relationships. But most of them didn't work out. Lagi kong hinahanap sa kanila ang character mo. Iyong sobrang tapang para mahalin ako. Even everyone laughed at you for falling for a gay, it didn't stop you. Ipinaglaban mo pa talaga ako. Remember nang sugurin mo si Denzell?"
"Palpak naman iyon, eh! Sa huli ako naman ang nalunod."
"Pero hanga pa rin ako sa iyo. You saw me with your heart, not with your eyes. Alam mo ba na nang mga panahong iyon, naramdaman ko na sobrang guwapo ko. Kasi na-in love ka pa rin sa akin. And if only the time was right, I wouldn't have let you go that time. Sabi ko nga ayokong ma-in love noon. But I did."
Pinisil niya ang braso nito. "Ikaw, ha? Masyado kang pakipot dati. In love ka na pala sa akin dati pa, di ka man lang nagbigay ng clue."
Kinintalan nito ng halik ang mga mata niya. "Carmina Gabrielle, hindi mo lang alam kung gaano kahirap sa akin na tumawa ng malakas tuwing pinapasaya mo ako. O ngumiti tuwing nakikita ka." He planted a kiss at the tip of her nose. "Kung paanong ayokong bumigay sa temptation na yakapin ka. Ilang gabi din akong di makatulog dahil gusto kong titigan ang mata mo para sabihin na mahal kita."
Tinitigan niya ito sa mga mata. "I don't want you to hold back anymore, Hayden. Pwede mo nang magawa ang lahat ng gusto mo. Naiinip na ako."
He pulled her against him then kissed him ferociously. Pakiramdam niya ay bumangga siya sa malaking pader dahil naliliyo siya sa sensasyong nararamdaman niya. Then his kiss slowed down. Parang ipinaghehele siya sa hangin.
"I love you, Carmina Gabrielle Ongcuangco," usal nito.
Niyakap niya ito. "Finally! Narinig ko rin iyan sa iyo."
"And you'll keep on hearing it whenever I get the chance to tell you."
"I love you, too, Hayden Anthony Ilano."
She felt complete. Ngayon lang niya naranasan na mahalin nang tuluyan ng lalaking mahal niya. Sa wakas ay malaya na silang mahalin ang isa't isa. At ipinagdadasal nila na wala nang hahadlang sa pagmamahalan nila. She had been praying for it for a long time. Ayaw niyang bawiin iyon sa kanya. Ito na marahil ang pinakamagandang regalong matatanggap niya mula sa langit.
Guys, may donation drive po kami for the victims po Bagyong Tisoy sa Aroroy at San Jacinto, Masbate. Wash out ang mga bahay at sira pati schools. We accept used clothes, school supplies (kasi nabasa gamit ng kids), groceries, and cash donation.
Di kami natuloy nang December 27 dahil sa bagyo na naman. We are accepting donations this January.
Please PM this page on Facebook if you want to help: TEAM NORTE: AKYAT FOR A CAUSE. We are the same team na nagdadala ng donation sa lugar nila Carrot Man. Sana po makatulong po tayo. Salamat!