webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 一般的
レビュー数が足りません
557 Chs

Chapter 17

"Eiji is so sweet. Nang makita niya ako, sinabi niya agad sa akin kung nasaan siya. Sabi niya baka gusto ko daw dito muna mag-stay sa riding club. Maswerte ang magiging girlfriend niya, di ba?" anang si Monica habang nagcha-channel surfing.

"Oo. Aalagaan talaga niya ang girlfriend niya," sang-ayon niya.

Katatapos lang nilang mag-dinner. Iniwan muna sila ni Eiji matapos ang dinner para magkasarilinan. Pero sa halip na magkwento ng maraming bagay tungkol sa sarili o magtanong tungkol sa kanya dahil ang sabi nito ay miss siya nito at nag-aalala sa kanya, wala na itong bukambibig kundi s Eiji.

Kakaiba ang kislap sa mata nito habang sinasabi ang pangalan ni Eiji. Sa palagay niya ay si Eiji ang dahilan kaya nasa riding club ito at hindi siya.

Nilingon siya ni Monica. "So tell me? Sino ang bagong girlfriend ni Eiji?"

"Ha?" Di niya inaasahan ang tanong nito at di rin niya alam kung paano sasagot. "Hindi ko alam. Wala akong hilig sa tsismis."

Wala pa silang pormal na relasyon ni Eiji. Alam ng buong riding club na nagde-date sila. Ang alam nga ng lahat ay nobyo na niya ito. Di lang lumalabas sa riding club ang balita dahil mahigpit ang policy na anuman ang balita sa loob ng riding club ay di maaring malaman ng tagalabas.

Ginagap nito ang kamay niya. "I am really glad that I found you here. Siguro destined talaga na mapunta ka Stallion Riding Club para maisama ako dito ni Eiji."

Pilit siyang ngumiti. "S-Siguro."

Ibinagsak nito ang sarili sa kama. "I belong here. This is my world. Kung pwede lang mag-stay pa ako nang mas matagal. Kung magiging girlfriend ako ni Eiji, lagi na ako dito. Sa palagay mo ba mai-in love siya sa akin?"

Nagkibit-balikat siya. "Bakit naman hindi?"

Ito ang iniiwasan niya noon pa kaya gusto niyang iwasan si Eiji. Gusto rin ito ni Monica. At ngayon ay nakakaramdam siya ng guilt. Si Monica ang pinakamalapit niyang kamag-anak. Ni hindi niya dito masabi ang tungkol sa kanila ni Eiji. Di rin nito dapat malaman kundi ay masasaktan ito. Ayaw niyang saktan si Monica.

"Hindi ba magho-horseback riding tayo nila Eiji bukas?"

"Oo. Hindi ka komportable sa pangangabayo, di ba? Kung gusto mo huwag na lang nating ituloy." Marunong namang mag-horseback riding si Monica. Subalit di nito maibigay ang affection sa kabayo tulad ng ibang passionate horse riders.

"Magugunaw ang mundo pero di ako papayag na di matuloy ang paglabas namin ni Eiji bukas. Can I ask a favor, Keira?"

Tumango siya. "Ano iyon?" Di naman ito palahingi ng pabor kaya kung maibibigay man niya ang hinihingi nito ay ibibigay niya.

"Huwag kang sumama sa horseback riding namin ni Eiji."

PASIKAT pa lang ang araw niya ay nasa main stable na si Keira. Tiniyak niyang naka-ready na ang mga kabayong gagamitin nila Eiji sa pamamasyal sa riding club. Iyon ang paraan niya para bumawi sa di pagsama dito. Di kasi niya sinabi kay Eiji na di siya makakasama sa horseback riding. Sasabihin pa lang niya.

"Good morning!" bati ni Eiji at panakaw siyang hinalikan sa pisngi.

Ngumiti siya. Pero di niya maaring ipakitang masaya siyang makita si Eiji. Nakamasid lang kasi si Monica sa kanila. "Hi! Naka-ready na ang mga kabayo. Even Serenity is ready. After all, this will be her first real ride."

Iniiwas niya ang tingin kay Eiji tuwing hinuhuli nito ang tingin niya. She missed him so much. She had to restrain that thought. Lalo lang kasi siyang masasaktan dahil di niya makakasama si Eiji. Kay Monica ang buong araw nito.

"Wow! What a nice mare!" Hinaplos ni Monica ang leeg ni Serenity. "Siya ba ang sasakyan ko ngayon?"

"No! Serenity is Keira's!" tutol agad ni Eiji. Biglang nagdilim ang anyo nito na parang ayaw pahawakan si Serenity sa iba.

"Hindi. Kay Monica talaga si Serenity," wika niya. "Serenity is a gentle horse. Mas bagay siya kay Monica." Nagbigay siya ng instruction na isakay na si Monica kay Serenity para di na makakontra pa si Eiji.

"Anong sasakyan mo?" tanong ni Eiji.

"Sorry. Hindi ako makakasama. Kailangan ako sa stable ngayon. Mahirap ang magiging training ko kay Surreal. Hanggang ngayon nakikipaghabulan pa kami sa kanya dahil ayaw niyang magpalagay ng saddle."

Naningkit ang mata ni Eiji. "Sino ba ang may-ari ng kabayong iyon at pinahihirapan ka?"

"Si Sir Yuan," sagot niya.

Huminga ito nang malalim. Di nito pwedeng awayin si Yuan dahil isa ito sa pinakamasungit na member ng riding club. Ang nobya nitong si Quincy ang nag-request na I-train niya si Surreal.

Kinabig ni Eiji ang ulo niya at pinagdikit ang noo nila. "You will pay big time for this, Keira Averin. Miss na miss kita habang nasa Thailand ako tapos di man lang kita makakasama? Lagot ka kapag nasolo kita. Ikukulong kita sa villa ko ng isang buwan at hindi kita palalabasin hangga't di ka pumapayag magpakasal sa akin."

Di niya mapigilang humalakhak. "Tinatakot mo ba ako?"

"Hindi. It is a promise. I miss you, Keira."

"I miss you, too." Itinulak niya ito palayo. It was a hard act. Ayaw na kasi niyang malayo pa dito. "Take care of Monica, will you?"

Tumango ito. "Don't forget about our dinner tonight."

Bahagyang lumungkot ang mga mata ni Eiji nang sumakay sa Arabian stallion nito si Hazan. She felt a tinge inside her heart. Nagi-guilty siya. Wala itong kaalam-alam na pansamantala niyang inilayo ang sarili dito para kay Monica.

Pero hanggang kailan niya iyon maaring gawin? Matatanggihan ba niya si Monica kung hihiling itong tuluyan niyang layuan si Eiji para makapasok ito sa buhay ng binata? Naiipit siya sa pagmamahal kay Monica at sa pagmamahal kay Eiji.

Kilala niya si Monica. Di ito papayag nang di nakukuha ang gusto.