"Doc Tamara! Doc Tamara!" tawag ng mga Stallion Boys sa kanya habang hinahabol siya ng mga ito. Sakay ang mga ito ng kabayo habang siya naman ay tumatakbo lang.
"Ayoko na! Tigilan na ninyo ako!" sigaw niya habang pilit na lumalayo sa mga ito subalit nakasunod ang mga ito sa likuran niya. "Ayoko na sa Stallion Riding Club. Ayoko nang makasama kayo!"
Patuloy siya sa pagtakbo sa daan palabas ng riding club hanggang makita na niya ang gate. Malapit na siya sa kanyang kalayaan. Malapit na.
Ilang hakbang na lang mula sa gate ay humarang si Reid sakay ng itim na kabayo. "Saan ka pupunta? Akala mo ba makakatakas ka sa akin?"
"Pabayaan mo na ako, Reid. Hirap na hirap ako dito."
Ngumisi ito habang malamig naman ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. "Hindi ka na makakatakas dito, Tamara. Habambuhay ka na sa Stallion Riding Club bilang alipin ko. Bilang alipin namin."
Halos mabingi siya sa halakhak nito at sa halakhak pa ng mga Stallion boys. "Ayoko na! Pabayaan na ninyo ako."
Humihingal siyang bumalikwas ng bangon. Naroon siya sa kuwarto niya sa worker's lodge. Nasa Stallion Riding Club pa rin siya subalit wala na si Reid o ang mga Stallion Boys sa paligid niya. But she was not safe. Hangga't di niya naipapa-annul ang kasal nila ni Reid ay mananatili siyang alipin doon.
Humiga siya at ipinatong ang noo sa ulo. "Panaginip lang pala ang lahat." Subalit parang totoo. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang pagod.
Nang nakaraang araw ay aligaga siya. Maya't maya kasi ay may problema sa mga kabayo ng members ng club. Mula sa kabayong may sugat, may pilay pati sa mga hirap painumin ng gamot, sinisipon at mahirap pakainin ay problema na rin niya. Alam naman niyang sinasadya lang ng mga ito ang lahat ng task ng iyon. Gusto ng mga ito na sumuko siya o kaya ay pahirapan lang na sadya. Kaya naman alas dose na siya ng hatinggabi nakabalik sa worker's lodge.
Bahagya na siyang naiidlip nang mag-ring naman ang cellphone niya. Umungol siya at kinapa iyon. "Hello." Sino naman kaya ang tatawag sa kanya ng alas kuwatro ng madaling araw?
"Tamara, nandito ako sa labas. Pumunta ka dito," animo'y haring utos ni Reid. "Huwag mo akong paghintayin. Ayokong mainip."
"Opo," padarag niyang sagot. Halos hilahin niya ang sarili papunta sa pinto. Ano ba ang kailangan nito ng ganoon kaaga? Masakit na masakit pa ang katawan niya at antok na antok. Wala ba itong patawad? "'Morning!"
"Bakit ngayon ka lang nagising?"
Pilit niyang idinilat ang antok na antok na mga mata. "Natural. Mamaya pa ang pasok ko." Alas singko pa naka-set ang alarm clock niya. "May emergency ba?" Baka may kabayo naman na masakit ang ngipin sa ngayon.
"Get dressed. Magho-horseback riding tayo."
Kinusot niya ang mata. "Pwede bang mamaya na lang? O kaya bukas." Gusto lang naman niyang bawiin ang lakas niya. Kung pipilitin siya nitong sumakay sa kabayo, malamang ay matulog lang siya sa ibabaw ng kabayo.
Dumilim ang mukha nito. "First day mo pa lang, tinatamad ka na. Dapat nga magpasalamat ka dahil makakasama mo akong mag-horseback riding."
Utang na loob pa pala niya iyon. Di naman niya hiningi dito na mag-horseback riding sila. Mas matutuwa pa siya kung patatahimikin nito ang buhay niya.
"Pumasok na po kayo, Your Highness," aniya at nilakihan ang pinto. "Gusto mo ba ng coffee?"
"Just get dressed. Ipinalagay ko na sa closet mo ang riding habit uniform mo dito sa riding club pati boots kaya wala ka nang excuse na di sumama."
"Just a moment, Your Highness."
Nahihilo man ay halos hilahin na niya ang sarili niya makabalik lang sa kuwarto. Bakit ba siya nakapag-asawa ng lalaking walang puso at konsiderasyon?
Pagpasok ng kuwarto ay tumutok ang mga mata niya sa kama. Parang nang-aakit sa kanya para muli siyang natulog. "Gusto kong umidlip kahit sandali."
Pikit-mata niyang niyang kinalimutan na naghihintay si Reid sa labas at ibinagsak ang sarili sa kama. It felt so good. Humihingi ng pahinga ang kanyang katawang lupa. Pagod na pagod siya. And the soft bed game her some comfort. Kahit na ilang sandali lang ay makabawi sana siya ng lakas.
"Tamara, wake up," narinig niyang tawag sa kanya ni Reid.
"Go away," paungol niyang sagot. Kung kailan nakakabawi na siya ng tulog ay saka pa sisingit na naman si Reid. Pati ba sa panaginip ay di siya nito lulubayan?
"What did you say?" pagalit nang tanong nito at may tumapik sa pisngi niya. "Wake up! Wala kang karapatan na paghintayin lang ako at tulugan."
Nagising siya sa tapik na iyon sa pisngi. "Bakit ba? Istorbo! Bakit di mo na lang kasi ako hayaang matulog?"
"Tulog ka ng tulog. Ganyan ka ba kapag nagtrabaho ka dito. As a resident veterinarian, you should get used to early morning rides."
Idinilat ang isang mata. Napigil niya ang paghinga nang matuklasang malapit ang mukha ni Reid sa kanya. Naroon nga ito sa loob ng kuwarto niya. Di siya nananaginip. "A-Anong ginagawa mo dito sa kuwarto ko? Lumabas ka nga! Di dahil ikaw ang may-ari nitong riding club, pwede ka nang pumasok kahit saan mo gusto."
"Lalabas lang ako kapag kasama na kita! Saka asawa naman kita. Pwede akong pumasok sa kuwarto mo. Kung gusto mo pumasok ka rin sa kuwarto ko."
The nerve of the man. Gusto pa niya itong ipagtabuyan subalit di na niya magawa dahil nakatutok sa kanya ang mga mata nito. Nakakapanlambot. Bakit di niya ito magawang ipagtabuyan ngayon? He was invading her privacy early in the morning. He was inside her room without he permission.
Ah! He was too good-looking! Kung totoo siguro silang mag-asawa, masarap ang pakiramdam na magising sa umaga at mukha agad nito ang masilayan. Basta ba sasalubungin siya nito ng halik at yakap at hindi ng simangot.
Nakangiti niyang hinaplos ang mukha nito. "Pagbigyan mo na akong matulog, please?" malambing niyang pakiusap. "Guwapo ka naman, eh!"
Sa halip na matuwa ay lumalim lang ang guhit sa noo nito. "Huwag mo na akong paikutin. Get up and get dressed. O ako mismo ang magbibihis sa iyo kapag hindi ka pa bumangon."
Lalong lumapad ang ngiti niya at pumikit. "Go ahead! Pabor sa akin iyon."
Wala na siyang lakas para gumalaw. Kung gusto nitong bihisan siya, wala na rin naman siyang magagawa.
"Wake up or I will wake you up with my kisses."
"That sounds really appealing." Awtomatiko siyang yumakap sa leeg nito at tinitigan nito. "I am daring you, Reid Alleje. Kiss me."
Nabaghan ito sa paghamon niya. He was taken aback for the first time in his life. Parang di nito alam ang gagawin. "I am not joking. Hahalikan kita kapag di ka pa bumangon diyan."
"Ah! Masyado ka namang maraming sinasabi, Reid Alleje."
Ahhh! Matapang si Kwin!
Please don't forget to give review, spirit coins and gifts to show your appreciation.