"O, KUMUSTA ang pag-a-apply, Jem? May maganda na bang result?" tanong ni Mayi nang magkita-kita silang magkakaibigan sa Congo Grill para I-celebrate ang birthday niya. It was the eve of her birthday. May kanya-kanya kasing trabaho ang mga ito kinabukasan kaya di makakapunta sa mismong birthday niya.
"Sabi nila tatawagan daw ako," matamlay niyang sabi. "Iyong sa online translation company, wala pa ring tawag para sa final interview."
Nginitian siya ni Cherie. "Okay lang iyan, Mare. Magkakaroon din nang magandang resulta ang lahat. Medyo tiis-tiis lang. Mahirap naman talaga na makakuha ng trabaho ngayon. Ayaw mo naman kasi mag-abroad."
"Pinag-iisipan ko na nga iyan," aniya at huminga nang malalim.
"Payagan mo na kasing mag-apply sa company ko si Robin. Para naman magka-experience na rin siya at mabawasan ang gastos mo," suggestion ni Mayi. "Magaling naman siya kaya matatanggap siya agad. Aalalayan ko na lang."
"Ayoko ngang mawala ang focus niya sa pag-aaral," kontra naman niya. "Kaya nga pinipilit kong magkahanap ng trabaho, hindi ba?"
Pumasok si Jaimee na kanina pa nila hinihintay. "I am sorry, girls. Nagkita pa kasi kami ni John bago ako pumunta dito."
"Ikaw, di ka na makagalaw nang wala ang boyfriend mo," angal ni Cherie. "Kailangan ba talaga na alam niya ang lahat ng kilos mo? Di mo pa naman siya asawa. Boyfriend mo pa lang siya."
"Oo nga," sang-ayon ni Mayi. "Hindi naman kami ganyan ni Carriev."
Itinaas ni Jaimee ang menu para matakpan ang mukha nito maliban sa mata. Saka nito iniikot ang tingin sa kanila. "O, bakit?" tanong niya.
Ibinaba nito ang menu sa mesa at inayos. "May gusto akong sabihin sa inyo, girls. Good news and bad news. At may kinalaman din ang dahilan na iyon kung bakit kailangan naming magkita ni John kanina."
"Huhulaan ko!" sabi ni Cherie. "Nag-break kayo noong isang araw. Bad news. At ang good news, nagkabalikan din kayo kanina. Wala naman kasing bago, di ba?"
"Actually, mas bago pa diyan ang ibabalita ko," sabi ni Jaimee.
"Iyong bad news na lang ang unahin mo para hindi masyadong masakit sa loob," maasim ang mukha niyang sabi.
"I am afraid, hindi na ako makakasama sa mga gimmick natin, girls," sabi ni Jaimee. "Pinayagan lang ako ni John na makipagkita sa inyo dahil birthday ni Jeje."
"Hey, he has no right to do that. Di pa nga kayo kasal…"
Pinutol ni Jaimee ang pagkontra ni Cherie. "Ikakasal na kami. I am a couple of months pregnant. Iyon ang reason kaya di na ako makakasama sa inyo na lumabas-labas. Sensitive ang pregnancy ko."
Natutop niya ang bibig. "Oh, God! Paano nangyari iyon?"
Humalakhak si Cherie. "Hindi mo ba alam kung paano nangyayari iyon? Ineng, beinte singko ka na bukas, di mo pa rin alam?" malisyosa nitong sabi.
Matalim niya itong tiningnan. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin!"
Natawa na rin si Jaimee. "Dalawang taon ko nang boyfriend si John. Imposible naman na magtitigan lang kami kapag magkasama. And besides, it is an expression of love. Matured couples do that."
Nasapo niya ang sariling pisngi. "I really can't imagine it."
Sa tagal na kasi nilang magkakaibigan, hindi niya nakakalimutan ang pangarap nila na maging virgin brides. Na sa araw lang ng kasal sila magme-make love ng mga lalaking pakakasalan nila.
"Hay, naku! Saang planeta ka ba nanggaling?" nakapangalumbabang sabi ni Cherie. "Sa ating apat, ikaw ang unang nagka-boyfriend. Tapos wala kang alam?"
Namula siya. "Gentleman naman kasi si Hiro."
"Gentleman?" Itinirik ni Mayi ang mata. "Girl, we are grown and sophisticated women. And men won't be satisfied with a relationship per se. Hindi lang puro emotional compatibility dapat. May physical aspect din sa isang relasyon."
Pinagpalit-palit niya ang tingin kina Cherie at Mayi. "You mean, kayo din…"
"Yes, we do it with our boyfriends," Cherie said shamelessly. "Doon din naman mapupunta iyon. We might as well enjoy it."
"In short, ikaw na lang ang virgin," walang kagatol-gatol na sabi ni Mayi. "You don't even have a first kiss."
Dinuro niya ito. "Hoy! May first kiss ako. Hiro loved to kiss my hair."
Nagtawanan ang tatlo. "That's not counted, dear!" Jaimee cleared.
"Hinalikan din niya ako sa pisngi saka smack sa lips. Minsan."
"Oh, Je! You are pathetic! French kiss lang ang counted na kiss!" sabi ni Mayi. "Kung pinakasalan mo siya dati, sana hindi ka pathetic."
Iningusan niya ang mga ito at sumimsim ng iced tea. "Shut up, Mayi! You are starting to sound like my aunt."
"Bakit? Dahil virgin ka pa rin?" wika ni Cherie.
"Gaga! Kung pinakasalan ko daw si Hiro, di ako mamumulubi. Di ko na rin kailangang magtrabaho. Sana daw masarap ang buhay ko," kwento niya.
"I think you missed a lot of stuffs when you refused to marry Hiro," wika ni Jaimee habang kumakain ng spicy grilled squid. "Or I must say that you missed the only guy in your life who could make you happy. Wala ka nang matatagpuan na tulad niya, Jemaikha."
"Ibig sabihin dapat ko pang balikan si Hiro para sumaya ako?"
"Oo naman," wika ni Cherie. "Ganoon ang kaligayahan. Kapag nakawala sa iyo, dapat habul-habulin mo kung gusto mo ngang sumaya. Kaya nang malaman ko na si Ron ang happiness ko, hinabol-habol ko kahit ayaw sa akin. Look at me now, I am happy. Feeling ko rin susunod na akong magpakasal sa kanila."
"Noon siguro mahal ako ni Hiro. But not anymore." Kung may espesyal sa kanila ni Hiro, ilusyon lang niya iyon. "Nakilala ko na ang girlfriend niya."