webnovel

Chapter 26

Chapter 26

Axel Valerie De Guzman ~

Kinagabihan, dito ko na silang lahat pinatuloy sa bahay at pinakain. Natawa pa nga ako ng makita ko ang mga itsura nila kanina ng madatnan nila sa sala sina Avin at Riley. Ang ingay ay bigla na lang naglahong parang bula, napalitan ito ng katahimikan. Yung mukha talaga nila eh!

Hindi rin naman sila nagtagal dito, sa katunayan, nagmamadali pa nga silang umuwi! At alam ko naman ang dahilan nila! Hahaha.

" Thank you! "

Saad ko sa dalawa ng masiguro kong nakaalis na silang lahat, kasunod rin nito ang isang napakahigpit na yakap na iginawad ko sa dalawa! Masyado nila kong pinasaya ngayon pero alam kong may hangganan ang lahat kung kaya't nilubos ko nang lahat ngayon!

" Basta't ikaw, Papi! "

Napangiti na lang ako sa sinabi nya.

" And better fix yourself now, marami ka pang kakaharaping mahihirap na bagay na alam kong kakayanin mo kasama sila! But you know the boundaries between you all, you know the consequences! "

Napatango na lang ako sa sinabi nya, alam ko naman ang bagay na iyon!

" I know.. "

Maikli kong sagot sa kanya, hindi rin nakaligtas sa nararamdaman ko ang kanina ko pa pinipigilang pagluha! Mabuti na lang at nakatalikod na ako ng mga sandaling iyon, they will never knew how much pain it brought me!

" Matutulog na ko! "

Hindi ko na hinintay pa ang pagsagot nya, sa halip ay ginamit ko ang isa sa mga kakayahan naming mga keeper, ang mag – enhace ng senses. I enhance my hearing sense so that I will not hear any comment from him.

Ryan ~

Malapit na ang mga familiars kasama ang mga tamers nila, ito na ang oras upang salakayin sila.

" Begin! "

Ang pagbibigay ko ng hudyat upang salakayin ng aking hukbo ang mga ito, kita ko mula sa malayo ang gulat sa kanilang mga mata. Kung inaakala nilang mararamdaman nila ang presensya namin, pwes, nagkakamali sila! Goblins like me have the ability to detain our presence from our enemies, at isa yon sa mga katangian na alam ko upang manalo kami! Tamers and familiars, goodbye! This will be your end.

Third Person's Point of View ~

Mabilis ang pagkilos ng buong grupo, ni wala sa mga sumalakay sa kanila ang nakuhang daplisan man lang ni isa sa kanila. Ganoon pa man, nandoon ang kanilang gulat dahil sa biglaang pag – atake ng kung anong mga halimaw sa kanila ng hindi man lang nila nararamdaman!

" Assemble! "

Mabilis na pagbibigay taktika ni Ax sa mga kasamahan, hindi pa rin naman kasi sa kanya naaalis ang pagiging pinuno ng buong grupo. Sumunod naman sa kanya ang lahat at binuo ang napag – aralan nila sa ilang araw nilang pagsasanay.

" Now! "

Sila naman ngayon ang sumugod sa mga nasabing halimaw, at katulad ng inaasahan, mabilis lamang nila itong mga natalo! Ngunit ang akala nilang laban na madaling natapos ay tapos na, nagkakamali sila! Dahil ang mga nagkapira – pirasong katawan ng mga ito ay nabuhay at naging maliliit na version ng mga nauna!

" What the hell? "

Naibulalas na lang ng isa sa kanila, ngunit kahit ganoon pa man, naghanda pa rin sila sa mga posibilidad na mangyari! Hindi nila alam ang mga kakayahan nito kung kaya't dapat silang maging handa!

"1 Phasing Possessions! "

Napalingon silang lahat sa pinanggalingan ng boses na iyon, ngunit wala doon ang kalaban dahil mismong nasa harap nila!

Boom ~

Tumilapon papalayo si Alaina dahil sa lakas ng pagkakahampas sa kanya ni Raquel gamit ang mga kamay nito na nag – anyong sa mga dragon sa laki at uri. Hindi na nito kilala ang kung sino man sa paligid dahil sa halimaw na sumanib sa loob nya.

" What the hell, Raq – "

Boogsh ~

Ang dapat na sasabihin ng dati nitong familiar ay hindi na naituloy matapos itong tumilapon sa muling pag – atake ng walang kamalay – malay na babae! Nagkalat na ang mga dugo dahil sa lakas ng pagkaka – atake nito, ni hindi nila maintindihan kung bakit ganito ito kumilos!

" She's possessed! "

Mariing sabi ni Margaux, hindi na nito napigilan ang paggamit ng kanyang inner ability na natutunan nya mula sa ilang araw na pagsasanay!

" Be care – "

Boogsh ~

Katulad ng nauna at pangalawa, walang nagawa ang kahit na sino sa kanila ng muli itong umatake, ni hindi na nga natapos katulad ng dati nitong familiar ang dapat sanay sasabihin ng kanyang ikatlong biktima – si Aries na isang Sasquatch!

" This must be stop! "

Mabilis na umatake si Alcira gamit ang kanyang DemiGod form dito, hindi naman nagpatinag ang huli at sinalo ang pag – atake ng dalaga! Ngunit ganoon na lang ang gulat sa mga mata nila ng tumagos lamang ito sa dalaga.

0_0

" What was just happened? "

Hindi makapaniwalang sabi ni Ace, maging ang iba ay hindi rin makapaniwala sa nangyari!

" Die! "

Nakakakilabot nitong saad at mabilis na tinunton ang isa sa mga kasamahan nila! Hindi pa ito nakakalapit noon ng gumawa ng kakaibang barrier si Alaina na ngayon ay nakabawi na mula sa pagkakatilapon sa lakas ng atake sa kanya ng babae!

" Judgment Room. Open! "

Nanlilisik na ang mga mata nito kahit hirap na hirap tumayo, inalalayan naman ito ng dating familiar na si Alfonse.

" Make it quick! Exorcise her – "

Boom ~

Ganoon na lang ang gulat nilang lahat ng mapatigil ito, kasunod nito ang pagbuga nito ng dugo sanhi upang mawalan ito ng malay!

" Alaina! "

Sigaw ni Alfonse, unti – unti nang nagbabago ang anyo nito ngunit hindi ito natuloy dahil bigla rin itong nawalan ng malay at iyon ay dahil kay Jared. Katulad ni Raquel ang mga mata nito, pinaghalong berde at asul!

" You cannot escape me! Death is coming, after – acck! "

" You wish! "

Allyson Marissa Anderson ~

Hindi ko lang pinaalam sa karamihan ang bawat hakbang ko habang unti – unti silang nagkakagulo dahil sa biglaang pag – atake ni Raquel sa amin! Ganoon din ang mga sumunod pa, kung kaya't ginamit ko ang isa sa mga kakayahan ni Balvoga – The God of Identity, Equality, Prosperity and Divinity – to feel the presence of the unknown living things on earth.

And boom, I track him down! At mas lalo lamang gumanda ang timing ng pag – atake ko sa kanya dahil sya na mismo ang nagpakita sa amin kung kaya't kinuha ko na ang tyempong iyon upang atakihin sya!

" You, bit – "

" Gravitational Granulation! "

Kita nilang lahat kung paano ito lumubog sa lupa ng walang kahirap – hirap, ganoon din kung paano unti – unti itong nadudurog ng pino!

" Ahhhhh! Hindi! Hindi! "

Sigaw nito sa naghihirap na tono, ni hindi na ito makilala dahil nagsimula na ang proseso!

" Ahhhhh! "

Patuloy nitong sigaw, hanggang sa unti – unti itong nawalang parang bula at nadurog!

" 1 down! "

Nahihirapang saad ni Ana dahil sa paggamit ng matinding kapangyarihan at nawalan ng malay.

End of Chapter 26

If you know the enemy and know yourself you need not fear the results of a hundred battles.

-Sun Tzu

Vote the parts. Comment below. Follow me.

Facebook: Raf Saludes Casauran

Twitter: @Vindexia

Tumblr: @Vindexia

Vindexiacreators' thoughts