Chapter 17
Third Person's Point of View ~
Isang linggo ang dumaan simula ng mangyari ang gulong iyon na nagpabago ng mundo ng mga katulad nilang mga espesyal, sila ay nasa loob ngayon ng isang espesyal na dimension na gawa ng dalawang nilalang na bumubuo sa Heart of Creation – ang Dark Protector at Light Protector.
Wala ni isa sa kanila ang nakagawa ng paraan upang makatakas sa lugar na iyon, ni hindi nila magamit ang mga kakayahan nila. Kaya't bagsak ang mga balikat nila na naghihintay doon ng mga mangyayari.
" Isang linggo.. "
Nanghihinang bigkas ni Althea, matapos nilang madala sa lugar na iyan ay gumaling ang iba nilang mga sugat! Hindi man buo at tuluyang gumaling ang mga katulad nya, masasabing malakas pa rin ang pangangatawan nya dahil nakaya nitong maka – survive kahit na marami na ang nawala ritong dugo!
" Walang kain, walang inom! They are killing us! "
Dugtong naman ni Jack na familiar nya.
" We need to do something! "
Mariing saad ni Ax, kahit hindi pa naghihilom ang mga natamo nitong sugat at mga galos sa katawan.
" I ag – "
" Magandang gabi po! "
Putol ng isang maliit na boses dahilan upang lahat ng atensyon nila ay mapunta doon, ito ang batang hindi nila alam ang kakayahan ngunit pansin dito ang nag – uumapaw na kapangyarihan!
" Anong kailangan nyo sa amin? "
Ang unang bungad ni Ax dito at pinipilit na makatayo, tinulungan naman ito ng mga kaibigan nya upang makatayo.
" Kinakamusta ko lang po kayo mga kuya at ate ko! Masama po ba iyon? "
Nakataas na kilay na sagot ng bata dito.
" Wag mo kaming lokohin, bata! Dahil oras na bumalik – "
" – your power? "
Nagulat silang lahat ng mag – iba ito ng boses, hindi na ito boses ng isang bata! Mas malalim ito at nakakatakot pakinggan kaysa sa nauna, mukha ring hindi na ito ang batang kanina ay magalang pang sumagot! Mukhang lumabas na ang totoong kulay ng batang ito – known as the Dark Prince.
" Siguro nagtataka kayo kung sino nga bang talaga ako? O kaya naman si Kuya Avin na kasama ko nung kinaladkad namin kayo papunta dito? Wanna know who the hell are we? "
Nanunuyang tanong nito sa buong grupo at nagpalabas ng isang bolang itim sa kamay.
" Tell us! Who the hell are you? "
Matapang namang sagot ni Lyra habang nakakuyom ang mga kamay.
" You're a very brave women! "
Sabay tawa nito sa nakakakilabot na paraan, at pagkatapos ay tumigil rin.
" Then let me introduce myself, my name is Riley – the Dark Protector known also as the Dark Prince and the behalf of the Heart of Creation! One of the guardian of Axel, your tamer Ax, the keeper of the heart! "
Seryosong saad nito upang magulat ang lahat, hindi nila alam ang gagawing reaksyon matapos malaman ang isa sa pinaka mahalagang impormasyon sa mundo nila!
" Enough, Riley! "
Mabilis silang napalingon sa kanilang likuran ng pumasok sa eksena ang palagi nitong kasamang lalaki, hindi na rin sila nagsalita pa at nagtanong dahil alam na nila na ito ang Light Protector o ang Light King, ang kalahati ng puso!
" Just tell them the situation now! "
Bulyaw pa nito sa bata.
" Ito na nga kuya! Nagpapakilala lang eh! "
Balik sa pagiging bata ng kaninang akala mo halimaw sa nakakatakot na kapangyarihang lumalabas sa kanyang katawan.
" Ano ba talagang nangyayari? Sabihin nyo nga? Matapos mangyari ang naganap na pagsalakay isang linggo na ang nakakaraan at mamatay ng mga faculty member ng buong paaralan at ng iba sa council, ano na ba ang kalagayan namin? Sabihin nyo? "
Nahihirapan nang sigaw ni Jona sa mga ito.
" Okay! I will tell – "
" All things change after the Hell Society made their step to the picture! Hindi namin naagapan ang mga pangyayari kaya nangyari ang bagay na ito, isa pa, hindi noon handa ang katawan ni Axel upang tanggapin ang lahat ng kapangyarihan namin! Hindi tulad ngayon, natutulog sya sa isa sa mga keepers dimension na ginamit na rin ng mga nagdaang tagapagbantay ng Heart of Creation! And your all work here is to be the keeper's guardian, kayo ang poprotekta sa kanya sa oras ng mga hindi inaasahang pagkakataon! And to make sure you are fit to the mission, hinayaan namin kayo dito ng isang linggong walang kain at inom kahit na may mga sugat at galos kayo sa nagdaang pakikipaglaban! But that's enough for the mean' time, in a week ay maaari nang gumising si Axel sa kanyang pagkakahimlay, at sa pagkakataong iyon ay dapat nasa kalahati na kayo ng pagsasanay sa pangangalaga naming dalawa! "
Mahabang paliwanag ni Avin sa mga ito kahit pinutol nya ang mga dapat na sasabihin ni Riley.
" Can I see him? "
Agarang tanong ni Ax dito sa kalagitnaan ng katahimikan.
" No! "
Maikling tugon ng huli sa tanong nya.
" I am his fami – "
" The Tamer and Familiar system vanished after we took you here, any questions? "
Agarang putol ulit ni Avin sa tanong nito, halata sa dalawang ito ang pagka – disgusto sa isa't – isa!
Nang wala nang nagsalita sa mga ito ay saka umalis ang dalawa kasama silang lahat at dinala sa bahay ng keeper na si Axel, sa mismong hapag – kainan ng bahay!
" Eat first! Then do whatever you want to do! Tomorrow, babalik kami dito upang simulan ang pagsasanay, be ready! "
Walang gatol na sabi nito at wala ring pasabing umalis, hindi pa noon nakakakilos ang lahat sa dami ng mga nangyayari ngunit mabilis na umupo sa upuan si Al at walang salitaang kumain na sinundan naman ng iba hanggang sa ang bawat isa sa kanila ay kumain ng tahimik.
Aira ~
Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita tungkol sa mga tamer at familiar na yun, nagpakalat na rin kami ng mga tauhan sa mundo ng mga tao but one week just past by pero hindi pa rin kami nakakakuha ng impormasyon kung saan nga ba ang mga ito nagtatago ngayon! Isa pang problema yung mga teacher nila! Bwisit!
" Don't stress too much my dear! "
Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko.
" Nick! "
Mabilis akong tumalon sa kinauupuan ko at kumalong sa kanya.
" Bakit ngayon ka lang dumalaw, ha? Alam mo namang marami ng ginagawa sa ibaba eh! Gala ka pa ng gala! "
Dugtong ko pa at niyakap ito ng mahigpit!
" Business! Wag kang mag – alala, dahil tapos na yung una kong trabaho! Isa pa, mas maganda ngayon ang misyon kaya alam kong hindi ako tatamarin sa kasong ito! "
Napangiti na lang ako ng wala sa oras, na – miss ko rin ang tukmol na to kahit papaano! F*ck him!
" But now, can we talk our business here? "
Lalo akong napangiti sa sinabi nito, the night is still young after all!
End of Chapter 17
“Yesterday is history, tomorrow is a mystery, today is a gift of God, which is why we call it the present.”
― Bill Keane
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @Vindexia
Tumblr: @Vindexia