✿ Syden's POV ✿
Nagising na lang ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas. Binuksan ko ang mata ko at napansing mataas na pala ang sikat ng araw. Nakita ko, na kung papaano ang posisyon naming natulog kagabi, ay ganoon pa rin ang posisyon namin ngayon. Dahan-dahan na lang akong umupo sa kama habang nakatingin sa kanya at hinawakan ko ang noo nito. Hindi na siya mainit kagaya ng kagabi at hindi na rin ito pinagpapawisan, pansin ko rin na ang himbing ng tulog niya.
Napatingin na lang ako sa katawan niya dahil topless pa din naman siya pero hindi naman 'yon ang intensyon ko, gusto ko lang i-check ang sugat nito kung okay na ba at hindi na dumudugo at nakita kong wala na ngang dugo na lumalabas mula rito kagaya ng nangyari sa kanya kagabi. Kagabi ko lang nalaman na may sugat pala siya na hindi na gumaling at paulit-ulit ng nangyayari 'to sa kanya at sinasarili niya lang. Hindi talaga ako makapaniwala sa lalaking 'to.
Napatingin na lang ako sa sugat nito habang nag-iisip. What if mangyari ulit 'yon sa kanya at wala ako sa tabi niya? Ano ng mangyayari sa kanya? I should really watch him closely, "Admit it sweetie, may pagnanasa ka rin sa katawan ko" nanlaki na lang ang mata ko ng marinig kong magsalita ito kaya napatingin ako sa kanya na nakatingin din sa akin at nakangiti ng masama, "Hell no! Bakit naman kita pagnanasahan? I'm just checking if you're okay pero mukhang okay ka na that's why I'm going to leave you now" tumayo na ako sa kama para iwan na siya total maayos na din naman ang lagay niya. Obvious naman na okay na siya.
Pagkatayo ko ay bigla nanaman niyang hinila ang kamay ko kaya irita akong napaharap sa kanya. Nakatayo ako sa harap niya habang nakaupo naman siya, "What? Ano namang meron sa ngiting yan?" tanong ko dito dahil pansin ko ang ngiti niya na as always, napakasama na parang may binabalak na hindi maganda.
Nakita kong tinignan ako nito mula ulo hanggang paa kaya nagtaka ako, "Sweetie, are you sure lalabas ka ng ganyan ang suot mo mula sa kwarto ko?" tanong nito kaya tinignan ko rin ang suot ko. I'm still wearing a short and a big shirt kung saan hindi gaanong kita ang short ko.
Pinagtaasan ko na lang ito ng kilay bago ako nagsalita, "So? Ano naman kung ganito ang suot ko?" What's his problem?
"Ano sa tingin mo ang iisipin nila?"
"Ano namang iisipin nila?" tanong ko pabalik dito at nagkibit-balikat ako.
"Bahala ka. Binalaan na kita" sagot niya at bumalik ito sa pagiging seryoso.
"Ano bang pinagsasasabi mo?!" irita kong tanong na hindi naman niya sinagot habang nakaupo pa rin at nakatingin sa akin.
Diretso na akong lumabas at binuksan ang pintuan ng kwarto niya. Pagkalabas ko ay nakasalubong ko ang main members na nasa tapat ko na rin. Tinignan ko silang lahat at napatingin rin sila sa akin at natigilan din sila sa paglalakad. Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa kaya muli akong nagtaka. Ano bang problema ng mga 'to?
"What?!" tanong ko sa kanila.
"Did you sleep there?" tanong ni Raven habang itinuturo yung kwarto ni Dean.
Tinignan ko muna ang nakabukas na pintuan ng kwarto niya bago hinarapan si Raven, "Oo bakit?" pagtataka kong tanong at tinignan niya ulit ako mula ulo hanggang paa.
"I told you" narinig kong sabi ni Dean kaya napatingin ako sa likuran ko. Nakasandal siya sa pader at kitang-kita namin siya dahil nasa tapat lang siya ng bukas na pintuan ng kwarto niya. Nakayuko ito at nakangiti ng masama.
"So Dean, how was your night?" natutuwang tanong ni Dave kaya sa kanya naman ako tumingin habang nagtataka pa rin.
"Was it good or bad?" tanong pa nito. Dahan-dahan silang lahat na nagkatinginan at nakita kong ngumiti ng masama ang magaling kong boyfriend. Ano nanaman ba 'to?
"It was so good" sambit nito sabay tingin sa akin, "Really good" pagkasabi niya noon ay sinamaan ko na lang ito ng tingin dahil hindi ko na gugustuhin pa na mapagtripan nanaman dahil sa mga ngiti nilang hindi na normal, "Bahala nga kayo!" irita kong sabi sa mga ito at iniwanan na sila para bumalik sa kwarto ko at magpalit ng damit. Kanina pa nila tinitignan ang suot ko eh.
.....
Pagkatapos kong magpalit ng damit, lumabas ako ulit sa kwarto para pumunta sa kusina dahil gutom na ako. Napansin kong nakaupo na rin sila maliban kay Dean na may inaayos kaya't nakatayo pa siya at nakatalikod sa akin. Habang paupo ako ay napansin ko na iba ang mga ngiti nila. Ano ba talagang problema ng mga 'to? Nababaliw na ba sila para ngumiti ng ganyan?
"Magsitigil nga kayo. Huwag niyo akong tignan ng ganyan!" sambit ko sa kanila na tinitignan pa rin ako.
Napatingin na lang ako sa plato na inihapag ni Dean sa harapan ko kaya tinignan ko siya, "Enjoy your breakfast, sweetie" sambit nito habang nakangiti kaya sinamaan ko siya ng tingin at tinignan ko na lang yung hinapag niya. As always, my favorite breakfast kaya hindi nakakasawa.
Kinuha ko na lang yung tinidor at inumpisahan ng kumain at huwag na lang silang pansinin. Bahala sila sa buhay nila. Habang patuloy ako sa pagkain, umupo si Dean sa tapat ko at alam kong nakatitig siya sa akin habang kumakain din sila, "Sy, was it good?" tanong ni Raven kaya napatingin ako sa kanya habang ngumunguya ako at parang may mali din sa ngiti niya.
Pero dahil nasasarapan ako sa pagkain ng almusal, sinagot ko na lang ang tanong niya habang busy ako sa pagkain, "Syempre" sagot ko dito at tila mabilaukan na sila dahil bigla silang natawa kaya nagsi-inom sila ng tubig. Napapano ba sila?
Ibinaba ko ang hawak kong tinidor at tinignan sila na halatang pinipigilan ang pagtawa, "What's happening to you Vipers?" tanong ko sa mga ito at umiling lang sila bago itinuloy ang pagkain kaya kumain ulit ako.
Sa tuluy-tuloy na pagkain, lumipas ang ilang minuto at pansin kong nagtitinginan pa rin sila habang nakangiti. Nang maubos ko na ang kinakain ko ay biglang nagsalita si Dean habang tinitignan ako at ang plato sa harapan ko, "Sweetie, you want another round?"
"Sige" agad kong sagot dahil gutom pa ako at gusto ko pang kumain. Katulad ng kanina, natawa sila ngunit pilit na pinigilan 'yon. Hindi na sila normal kundi abnormal.
"Ano ba talagang nangyayari sa inyo?!" irita kong tanong sa kanila. Naghapag na lang ulit si Dean ng pagkain kaya muli kong kinain 'yon habang nagtataka sa ikinikilos ng mga kasama ko. Bumalik siya sa upuan niya which is sa tapat ko lang at natatawa pa rin ang mga members niya habang kumakain.
"Ang weird niyo, kayong lahat. Nakadrugs ba kayo?" tanong ko sa kanila na sinagot naman ni Dave habang ngumunguya ito, "Of course not"
Dahil doon ay muli silang natahimik at naging seryoso sa pagkain pero alam kong nagkakatinginan pa rin sila. Pero buti naman at bumalik na sila sa pagiging normal. Naging seryoso na lang kaming lahat habang tahimik na kumakain. Natigilan na lang ako at natulala habang nakatingin sa plato ko ng maalala ko si Julez. Napano na kaya siya? Kung nasaan man siya, sana ligtas siya. Higit sa lahat, gustung-gusto ko siyang makausap tungkol sa nangyayari.
Binitawan ko na lang ang hawak kong tinidor at tumayo na kaya napatingin sila sa akin. Naglakad ako papunta sa labas at umupo sa may bench na nasa harap ng Black House. Natulala ako ng ilang segundo habang nag-iisip kung paano ko mahahanap at makakausap si Julez. Siya lang naman ang makakasagot sa lahat ng tanong ko.
"Is there something bothering you?" narinig ko na lang ang boses ni Raven at nakitang umupo ito sa tabi ko. Kasunod noon ay isa-isa na rin silang lumabas, si Dave at Dustin ay sumandal sa may pader habang si Dean at Nash ay nakatayo lang at nakatingin sa akin.
"Hindi ba kayo magtretraining?" tanong ko sa kanila.
"Sino pang ite-train namin?" sagot naman ni Raven, "Few is enough at least they are true" dagdag naman ni Dave. Pagkasabi niya doon ay napansin kong napatingin ito sa may maliit na daanan kung saan kami dumadaan papunta at papasok ng Black House kaya napatingin rin ako doon.
Nakita kong papalapit sa amin sina Oliver, Stephen at Caleb. Nakangiti sila at parang tuwang-tuwa, "What about them?" tanong ko kay Dave habang nakatingin kami sa kanila.
Hindi ito nagsalita bagkus pagkalapit ng tatlo sa amin ay doon niya sinagot ang tanong ko, "They are now main members of Black Vipers" saad nito at napangiti sa kanila. Nagkatinginan lahat ng members at ngumiti kaya napatingin sa akin yung tatlo na kakarating lang, "Nice to meet you again, Viper Queen" tinapatan ako ni Caleb at sinabi 'yon kaya medyo napaatras ako.
"I thought traydor din kayo" saad ko dito kaya tumayo siya ng maayos at si Stephen naman ang nagsalita, "Our members were, but not us" seryosong sabi nito. He's very serious man.
"Okay fine" sagot ko na lang dito. Pagkatapos noon ay natahimik na lang lahat kami at muli kong naalala si Julez. Gusto ko siyang hanapin. Kailangan ko siyang makausap. Nakatakas siya noon at sigurado akong nagtatago siya ngayon. Sana nga, hindi nila siya ulit nakuha.
"I need to find him" sambit ko habang nakatingin sa malayo at nag-iisip. Napatingin silang lahat sa akin at nagtaka.
"Who?" tanong ni Raven kaya tinignan ko siya.
"Si Julez" saad ko. Mas lalo pa nilang ipinagtaka 'yon kaya muli akong nagsalita, "Kailangan ko siyang makausap. Siya lang ang makakasagot sa lahat ng tanong ko, kung paano ako nakaligtas noong araw na 'yon" pahayag ko dito at isa-isa ko silang tinignan.
Tumayo ako sa harapan nilang lahat at nakatingin sila sa akin, "I want to find Julez. At sana, hindi pa siya nakukuha ng Venom" sambit ko sa mga ito at hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil nga baka makuha o nakuha ulit siya ng Venom.
"We'll help you" saad ni Dean kaya napatingin ako sa kanya at nabigla ako, "Really?" tanong ko.
"Anything for you" saad niya at nagkatitigan kami, "I really want to know what happened to me that day" dagdag ko pa.
"That's what we're going to find out kaya hahanapin natin siya" pahayag nito. Nakita kong sinenyasan niya lahat ng members kaya nagpulong silang lahat at nag-umpisang maglakad kaya sumunod na rin kaming dalawa.
Pumasok kami sa pinakaunang building na nakita namin, isa-isa nilang tinignan lahat ng classroom at sinisipa ang mga naka-lock na pintuan para makita kung may tao ba sa loob. Binuksan nila lahat ng rooms na nadadaanan nin magmula first floor hanggang 8th floor. Nang wala kaming nahanap, muli kaming bumaba at pumunta kami sa balcony ng third floor. Doon namin tinignan ang mga estudyanteng naglalakad sa baba dahil baka isa lang sa kanila si Julez.
Doon muna kami nag-stay habang tinitignan ang mga estudyante, "Kapag hindi natin siya nahanap ngayon, mamayang gabi kami maghahanap" saad ni Dean kaya tinignan ko siya na katabi ko lang.
"Bakit mamayang gabi pa?" tanong ko dito ng may pagtataka.
"Mas madali sa amin na maghanap tuwing gabi. Let's just say mas matalas ang mata namin sa madilim" saad nito kaya napangiti na lang ako. Ibang klasi talaga sila.
"By the way sweetie..." nakita ko na lang na may iniabot ito sa kamay ko kaya napatingin ako dito. It's a blue knife that looks like a Viper, it has beautiful blue eyes pero masyadong matalim ito kaya delikado.
Napatingin ako sa kanya ng dahil doon, "That's yours. Use it as much as you want" saad nito kaya muli kong tinignan 'yon. Naglabas siya ng panibagong kutsilyo mula sa bulsa niya at nakita kong magkapareho kami, "We have the same knife sweetie" sabay ngiti nito sa akin kaya napangiti na rin ako, "It's beautiful" saad ko sa kanya, "Keep it and always bring it" tumango na lang ako at inilagay sa bulsa ko yung kutsilyo at sakto lang 'yon sa bulsa ko kaya hindi nakakabigat.
Itinago niya rin ang hawak niyang kutsilyo at muli naming tinignan ang mga estudyante. Tinignan ko rin ang buong grupo na seryosong tinitignan ang paligid. Vipers don't talk with one another kapag may mga estudyanteng nakakakita sa kanila, nag-uusap lang sila kapag kaharap ang kalaban nila. It's their way for students to fear them, by showing their serious and dangerous faces.
Habang nakatingin ako sa kanila. Bigla na lang akong nakaramdam ng hindi maganda na parang may nakatingin sa akin kaya bigla akong tumingin sa likuran ko at nakita kong may nakasilip sa akin mula sa palikong daan ng hallway, mas lalo na lang akong kinabahan ng makita ko kung sino 'yon. He's wearing a hood and his eyes are red. Kung paano ang itsura ni Nash noon ng una kaming magkita dito. Ganoon ang itsura ng lalaking nakita kong nakasilip sa amin.
Nang magtama ang mga mata namin, nakita kong bigla na lang itong umalis kaya nagmadali ako para habulin siya. Napansin din ng grupo ang ginawa ko kaya sumunod sila sa akin papasok sa hallway at halatang nagtataka, "What is it?" tanong ni Raven sa akin.
"I've seen someone staring us. He's wearing a hood, his eyes are red pero nung makita niya ako bigla siyang tumakbo" pahayag ko sa kanila habang tinitignan ang magkabilang hallway.
Natigilan na lang kaming lahat at napatingin sa iisang direksyon ng makasalubong namin sina Blake at Max. Napatingin na lang ako kay Blake mula ulo hanggang paa dahil inaalalayan siya ni Max. Puno siya ng pasa at namamaga ang kaliwang-pisngi nito habang nakahawak siya sa tiyan niya. Si Dustin at Dave nasa harapan ko at ako ang nasa likuran nila. Si Nash, Raven at Dean naman ang nasa pinakaharap. Si Oliver, Stephen at Caleb naman ang nasa likuran ko.
"Looks like you want another round of torture" saad ni Dustin at aktong lalapitan niya sila ay hinawakan ko ang braso nito kaya napatingin siya sa akin. Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya umatras siya at ako ang pumunta sa pinakaharapan nila.
Tinignan ko silang dalawa kaya tinignan rin nila ako at masama ang tingin nila sa akin,
"Are you happy now? Nagkaganito kami because of you" saad ni Max pero seryoso ko pa rin siyang tinignan.
"Im not happy, Max. Nakakalungkot lang isipin na ginawa niyo ang lahat para sa proteksyon but you ended up like that. Nasaan na ang pinagmamalaki niyong proteksyon ng Venom? Looks like you were deceived" seryoso kong sabi sa kanila.
"We were not protected because you lived" saad ni Blake kaya tinignan ko siya.
"Well it's not my fault" saad ko.
"Just before Venom finds the one who has the cure, kami ang unang papatay sa Julez na 'yon just because of him, nasira ang buhay namin. Kung hindi dahil sa kanya, patay ka na sana"
"Malas niyo na lang dahil nabuhay ako but I won't let you kill him" sambit ko.
"May oras din kayo. Venom prepared a lot, just to destroy Black Vipers" galit na sabi ni Blake habang tinitignan kaming lahat. Nakita kong lumapit sa akin si Max kaya tinignan ko siya ng diretso, "Tell me Bliss Syden. Where's Jarred?"
Napangisi na lang ako dahil sa tanong niya, "Why are talking about him? Bakit naman napunta sa usapan si Jarred? Nasa Heaven's Ward High siya, nagpapakasaya"
Napansin kong ngumiti ito ng masama at tinapatan pa ako, "Well you're wrong. Jarred was used to frame you up right? After you and your twin brother dissappeared, Jarred vanished too"
"What do you mean?" tanong ko dito at nag-uumpisa na akong magtaka. Bakit ba biglang napunta si Jarred sa usapan?
Mas tinapatan pa ako nito at bumulong habang masamang nakatingin sa akin, "Wala si Jarred sa Heaven's Ward high. It only means that Jarred is here in Curse Academy. At imposibleng hindi mo alam kung nasaan siya ngayon"
"J-jarred is here? How did that happen?" tanong ko dito at mas sinamaan niya ako ng tingin. Tinalikuran niya ako at inalalayan si Blake. Masama din akong tinignan nito bago sila tuluyang naglakad papalayo.
Where the hell is Jarred?
To be continued...