✿ Syden's POV ✿
Iminulat ko ang aking mga mata ngunit hindi maaninagan ang paligid dahil sa sobrang dilim. Walang ilaw o kahit na anumang liwanag at tanging dilim lang ang sumalubong sa akin sa paggising ko. Napaupo akong pinipilit na umaninag ng kahit na anong liwanag habang ramdam ko pa rin ang bahagyang pagkahilo kaya't napahawak ako sa aking ulo at patuloy pa rin sa pagtingin sa buong paligid upang alamin kung nasaan ako. Bigla na lang pumasok sa isip ko lahat ng nangyari kanina. P-pero paano? Ano ba ngayon? Ano ng oras at anong nangyari?
Wala akong matandaan....
Natulala na lang ako habang pilit na inaalala ang mga nangyari sa akin ngunit sadyang wala akong maalala na kahit ano. Ang pinakahuling bagay na alam kong nangyari....ininjectionan ako ni Blake...umalis sila ni Max at iniwan akong mag-isa sa isang classroom....nakaramdam ako ng panlalamig, panginginig, pananakit ng ulo, pananakit ng buong katawan at sobrang pagkahilo, higit sa lahat, sobrang namanhid ang katawan ko kaya nawalan ako ng kontrol dito. Pinilit kong lumabas at nakapaglakad ako sa hallway kahit na hilung-hilo ako. Lalo ko na lang ipinagtaka ng maalala kong...may sumalo sa akin ngunit hindi ko ito namukhaan dahil tuluyan na akong bumagsak at nawalan ng malay. Ngayon, nagising na lang ako sa lugar na 'to. Hindi ko rin naman nagawang makatayo dahil biglang pumasok sa isip ko lahat-lahat ng nangyari sa akin at patuloy na nangyayari sa akin at 'yon pa ang mga bagay na tuluyang nakapagpatulala sa akin.
Napansin kong may orasan na nakalagay sa itaas ng pintuan at kahit madilim, naaninagan ko ang oras. 4:00 am. Tinignan ko ang mga kamay ko at ang buong katawan ko, maayos ang lagay ko at hindi pa ako patay kagaya ng nangyayari sa ibang estudyanteng natutusukan ng injection.
How did I get here? Wala akong matandaan. Ganon na ba ako katanga na pati ako, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin? Kasalukuyan akong nakaupo at nakasandal sa may pader. Alam kong nababaliw na ako dahil sa lahat ng sakit na nararamdaman ko at sa lahat ng naririnig at nakikita ko.
Hindi pa ba sapat na sabihin kong nagkamali ako kaya mas ipinapamukha pa sa akin na nagkamali ako? Pumasok kami ni Raven sa Heaven's Ward High para mag-aral, pero saan kami itinapon ngayon? Sa isang impyerno kung saan masusunog ang kaluluwa namin dahil sa lahat ng nangyayari. Nakakatakot lang isipin na baka matulad ako sa mga estudyanteng pagala-gala sa campus sa kalagitnaan ng gabi at halatang wala na sila sa sarili nila, pero sa sitwasyon ko ngayon, tuluyan na akong nababaliw. Dahil habang tumutulo ang mga luha ko, napapangiti na lang ako sa kadahilanang sobrang sakit na. Masaya ba ang mga taong pahirapan at pagtaksilan ako? Masaya ba sila dahil nababaliw na ako?
Don't I deserve to be happy? Kaya ba palagi akong sinasaktan at nasasaktan? Hindi lang naman ako ang nagkakaroon ng kasalanan, pati rin naman sila, pero bakit ako lang ang pinahihirapan at sinasaktan? I thought I made the right decision na sumama sa kanya dahil ang buong akala ko, bumalik siya para sa akin, but I was wrong dahil kasinungalingan lang pala ang lahat. Mas masakit pa ng malaman kong may relasyon sila ng bestfriend ko. Pero wala ng mas sasakit pa dahil ngayon alam ko na, my twin brother is right.
Sasaktan niya lang ako! Sasaktan lang ulit ako ni Blake! Pero hindi ako naniwala kay Raven dahil tanga ako! Isang napakalaking tanga! I should have stayed with them, at least kahit nakakulong ako doon alam kong safe ako dahil kasama ko sila. This is all my fault! Lahat naman kasalanan ko dba?! Bakit pa ba ako nabuhay? Dapat namatay na ako sa injection na 'yon, dapat wala na ako ngayon!
Bakit pa ako nabuhay?! Bakit pa ako nagising sa lugar na 'to ng hindi ko nalalaman kung paano?!
.....
I was there, on that position.
Tulala...
Muling lumuluha.....
Gustong magwala.....
At gusto ng mawala...
Hoping that someone would come for me...
That someone would save me from this...
But what's the point of hoping when I was the one who left the people who did not think of anything but just to protect me......
My brother.......
I left him.......
That's why he left me too.....
And I can't blame him...
Yung pagmamahal ko kay Blake, nawala ng parang bula at napalitan ng galit lalo na kay Maxine na itinuring kong parang kapatid, hindi lang bilang isang matalik na kaibigan.
Nothing hurts than being left all alone and being betrayed by the people you trusted the most.
I smiled.
And cried.
And smiled.
And cried.
Again and again.
Yes, I'm becoming crazy and I'm afraid to lose control. But why do I have to be afraid when no one's gonna save me?
Lumipas ang buong gabi.....at dumating ang panibagong araw.
Tulala pa rin ako, walang humpay sa pagluha at nakangiti pa rin dahil sa sakit, sobrang sakit!
Tinignan ko ang buong paligid at pinunasan ang mukha ko ng magising ako sa realidad na kailangan ko ng salubungin ang kamatayan dahil wala na rin naman akong babalikan. Ano pang silbi ko sa mundong 'to?
Dahan-dahan akong tumayo at nakita ko ang buong classroom kung nasaan ako ngayon. Pinunasan ko ang mukha ko at alam kong magang-maga na ang mga mata ko dahil sa tuluy-tuloy na pagluha. Inayos ko ang buhok ko upang mas makita ko pa ang buong paligid ng maayos at napahawak ako sa may lamesa dahil nararamdaman ko pa rin ang pagkahilo ngunit hindi na ito kagaya ng pagkahilo na naramdaman ko kahapon ng itusok sa akin ni Blake ang injection na 'yon. Lahat ng sakit na naramdaman ko kahapon, hindi ko na nararamdaman ngayon sa katawan ko.
Sa pagkakatanda ko, kapag natusukan ka ng injection na 'yon ay tuluyan ka ng mamamatay at higit sa lahat, wala ka ng ligtas dahil walang gamot. Ganon rin naman ang sinabi nina Blake at Max sa akin. Pero bakit buhay pa ako? Bakit wala akong nararamdaman na panlalamig o anumang sakit sa katawan bukod sa nahihilo pa ako at nanghihina ng konti? Imposibleng panaginip lang 'yon dahil sa sarili ko, alam kong totoo lahat ng nangyari.
Bago ako bumagsak kahapon, may sumalo sa akin at sobrang nahihirapan na akong huminga at sobra na rin ako sa panginginig noong mga oras na 'yon kaya ang buong akala ko ay katapusan ko na. Nagising na lang ako sa lugar na 'to ng walang naaalala kung bakit at paano ako napunta dito. Pero iisang tao lang ang makakapagbigay sa akin ng sagot sa lahat ng mga tanong ko. Kailangan kong mahanap ang taong sumalo sa akin bago pa man ako tuluyang bumagsak. Siya lang ang maaaring makasagot sa mga tanong ko at maaaring may kinalaman din siya kung paano ako napunta dito.
Sinubukan kong maglakad at hanapin ang pintuan palabas ng classroom na kinalalagyan ko. Hindi ko pa rin mapigilan na mapahawak sa pader dahil medyo nanghihina pa ako at nahihilo ngunit kaya ko pa rin namang maglakad kaya binuksan ko ang pintuan at tuluyan na akong lumabas. Sa tingin ko nga ay tuluyan na akong nawala sa sarili dahil wala na akong pakielam sa sarili ko lalo na't hindi ko maramdaman ang antok kahit na buong gabi akong tulala at hindi ko maramdaman ang gutom.
Nang tuluyan na akong makalabas ay tinignan ko ang buong hallway bago ako tuluyang naglakad ngunit hindi ganon kaayos dahil nga sa nararamdaman kong panghihina at pagkahilo. Pagkaliko ko ay natigilan na lang ako sa mga taong nakasalubong ko. Natigilan rin sila at masamang napatingin sa direksyon ko. Mas lalo na lang sumakit ang mata ko dahil sa pulang mga suot nila, "Oh look who's here?" nilapitan ako ni Roxanne habang nakangiti ng masama at tinignan ako mula ulo hanggang paa at alam kong napansin niya ang itsura ko, "What happened to you?" mukhang hindi ito makapaniwala habang tinitignan ako ngunit hindi pa rin natanggal ang masamang pagngiti nito habang seryoso ko lang siyang tinitignan.
"You look like a freaking dead person who came back to life. You look like a zombie. My gosh! Hindi ka ba natulog?" narinig kong nagtawanan ang mga members niyang mukhang clown dahil sa pagkapula-pulang labi kaya tinignan ko sila ng masama.
I'm controlling myself right now at mahirap ng pigilan ang sarili ko sa mga ganitong sitwasyon. If I were them, tigilan na nila ako dahil baka tuluyan na akong mawalan ng kontrol. Kahit papaano, masakit pa rin sa pakiramdam lahat ng nangyari at kapag tuluyan na akong kinain ng sakit na 'to, hindi ko na alam kung anong pwedeng mangyari.
Sabagay, hindi pa ba ako nasanay na kung hindi ako sasaktan ay pagtatawanan? Ganon naman palagi hindi ba? Nasasaktan na ako pero para sa iba ay pinagtatawanan lang ako.
"Look at yourself. You look like a trash. Sabagay, bakit pa nga ba ako magtataka, even Vipers abandoned you kaya ngayon pakalat-kalat ka na lang kung saan-saan na parang isang basura" pahayag nito kaya mas lalo ko pa itong sinamaan ng tingin. Sh*t! I can't control this anymore!
"At ako lang naman ang basurang dudungisan ang pagiging reyna mo!" I coldly looked at them at seryosong sinabi 'yon sa kanya.
"Oh really? I trash like you doesn't even have a chance to reach me!" sambit nito gamit ang mapagmataas na boses.
Nilapitan ko ito dahilan para mapahakbang siya ng isang beses paatras. Nakita kong nabigla ito sa ginawa ko ngunit tinignan ko siya ng diretso at nagsalita, "But a trash can also turn into gold in which a queen's crown is made of. In short, I am the crown and I am higher than you" nakita ko ang pagkabigla at pagkainis sa kanyang mga mukha dahil sa sinabi ko. Well, she deserves it!
"No one can defeat me Bliss Syden" saad nito na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Kung gusto niya ng ganito, pagbibigyan ko siya.
"But there will always be one who can defeat you"
"At sa tingin mo ikaw yon?" nakita ko ang takot sa mga nito kaya napangiti na lang ako ng masama.
"Wala akong sinabi. Baka sadyang natatakot ka lang sa akin kaya mo nasabi 'yan?" sarcastic kong sabi sa kanya while I am still looking at them coldly.
"Bakit naman ako matatakot sa isang katulad mo?" pinagtaasan niya ako ng kilay ngunit hindi pa rin non nabago ang itsura ko. Lalo ko pa itong nilapitan dahilan para magtapat kami, "Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung bakit dapat mo akong katakutan?" hindi siya nakasagot kaya sinamaan ko ito ng tingin at tumalikod na para umalis.
Nababaliw na ako at unti-unti na akong nawawalan ng kontrol kaya ganon ako makapagsalita. If I were them, stop. Dahil baka tuluyan na talaga akong mawalan ng kontrol. This is not my worst attitude. There's more.
Hindi pa man ako nakakalayo mula sa kanila ay naramdaman kong may humawak sa buhok ko, hindi lang isa kundi dalawa. Itinulak nila ako ng paharap sa pader at inilagay ang mga kamay ko sa likod ko at hinawakan iyon kaya hindi ako nakagalaw. Nakita ko na lang na hinawakan ni Roxanne ng mahigpit ang buhok ko at habang nakatalikod ako sa kanya ay nagsalita ito, "I told you! Hindi pa tayo tapos! Mag-uumpisa pa lang ang laban natin Bliss Syden!" sambit nito at paulit-ulit niya akong iniuntog sa pader habang hawak-hawak pa rin ako ng dalawang members niya. I know it hurts, again. Pero dahil sa dami ng sakit na napagdaanan ko, alam kong namanhid na ako kaya kahit anong gawin nila, hindi ko na maramdaman ang sakit kahit na patuloy niya akong iniuuntog sa pader na 'yon.
Hindi ba doon naman sila masaya? Yung masaktan at pahirapan ako, kaya bakit hindi ko sila hayaan na gawin sa akin 'yon kung napapasaya ko naman pala sila? Muli akong natulala habang nakatingin sa pader at ramdam ko ang pagtulo ng maraming dugo mula sa ulo ko. Nakikita ko rin ang sarili kong dugo na tumutulo sa mismong pader, dugo na galing sa ulo ko. Pwede bang sabihin ko na huwag na nila akong tigilan at patuloy pa rin nilang iuntog ang noo ko sa matigas na pader hanggang sa mamatay ako? Pwede bang 'yon na lang ang gawin ko para matapos na ang lahat? Tuluyan akong natulala habang nakatingin sa pader kung saan tumutulo ang dugo at tila wala akong marinig kundi ang sarili ko lang. Eto ba ang gusto nila? Mas maganda siguro kung sukuan ko na ang sarili ko at hayaan na gumalaw ang sarili kong katawan anuman ang gustuhing gawin nito.
.......
Kusang nakawala ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak nila sa akin kaya nabitawan nila ako at nabigla sila. Kinuha ko ang kutsilyo sa bulsa ko at buti naman hindi ito nawala. Napangiti ako ng masama bago ako humarap sa dalawang members ni Roxanne at nasugatan ko ang isa sa kanila sa leeg nito, alam kong malalim ang sugat na 'yon na maaari niyang ikamatay pero wala akong nararamdaman na kahit ano habang ang isa naman ay nasugatan ko sa dibdib niya kaya't pareho silang napahawak sa mga sugat nila at nanghina. Nilabanan ako ni Roxanne dahil nakita niya kung anong ginawa ko sa mga members niya kaya't ikinabigla niya ito pero hindi ko alam kung bakit hindi pa man siya nakakalapit ng tuluyan sa akin ay nakita ko na lang na may saksak ito sa bandang tiyan niya dahil napatingin siya doon at nalaman kong ako pala ang nakasaksak sa kanya ngunit hindi ko alam kung paano ko nagawa 'yon. Napatingin siya sa akin at nabigla siya habang hindi naman ako makapaniwala na nagawa ko 'yon pero wala pa rin akong maramdaman na nagi-guilty ako.
Inialis ko ang pagkakasaksak ko kay Roxanne at tumakbo na lang ako ng makita ko ang Phantoms kasama si Clyde. Kitang-kita ko kung gaano kabigla si Clyde ng makita niyang ako ang sumaksak kay Roxanne kaya nilapitan niya ito na napaupo sa sahig na pati ang dugo nito ay tumutulo na rin sa sahig habang ang dalawa sa mga members ni Clyde ay hinabol ako. Ngunit dahil sa ginawa nila sa akin kanina ay nakaramdam ako ng pagkahilo kaya natigilan ako at nahuli nila ako. Astang sasaksakin ako ng isa ay nakita ko na lang na naunahan ko na siya kaya't nanghina din ito at bumagsak sa harapan ko. Napatingin ako sa kutsilyong hawak ko at punung-puno ito ng dugo ngunit kusa akong napangiti ng masama sa isang hindi maipaliwanag na dahilan. Bago pa man ako makaalis ay hinawakan na ako ng isa niyang members ngunit hindi ako nasaktan nito dahil napatakip na lang ito sa mukha niya at napasigaw siya ng makita kong nasugatan ko ang buong mukha nito. Muli kong tinignan ang kasama niyang nasaksak ko kanina at pati na rin sa kanya. Nanlaki ang mata ko at napaatras ako bago ako tuluyang tumakbo para umalis na sa lugar na 'to.
Habang tumatakbo ako ay tila nababalutan ng dugo ang mga mata ko pati na rin ang buong paligid. Nakita kong lahat ng dinadaanan ko ay punung-puno ng dugo. Napaupo na lang ako at napasigaw dahil gulung-gulo na ako ngunit naalala ko na baka balikan nila ako dahil sa mga nagawa ko kaya nanginginig kong tinignan ang paligid bago ako tumayo at tuluyang lumabas ng building. Patuloy pa rin ako sa pagtingin sa paligid habang nanginginig ang buong katawan ko at hawak ko pa rin ang kutsilyo. Habang nakatingin ako sa building ay biglang may humawak sa balikat ko kaya nagulat ako at tinutukan ito ng kutsilyo habang nanginginig kong hawak ito. Baka isumbong nila ako dahil sa nagawa ko. Baka pahirapan din nila ako, o kaya naman pagtawanan?
"Syden?! Anong nangyari sa'yo? Bakit punung-puno ka ng dugo?" tinignan ako nila Icah kasama sina Maureen at Hadlee mula ulo hanggang paa at alam kong hindi sila makapaniwala. Kaibigan ba talaga sila o baka niloloko lang din nila ako? Baka saktan din nila ako kagaya ng ginawa ni Max at Blake? Hindi nila ako magawang lapitan dahil nakatutok pa rin sa kanila ang kutsilyong hawak ko. Hindi ko hahayaang makalapit sila sa akin...baka saktan nila ako...o kaya naman baka masaktan ko sila.
"Sy, ibaba mo 'yan" kinakabahang sabi ni Hadlee habang paunti-unti siyang lumalapit sa akin at ako naman ay umaatras.
Hindi ko na kaya...sobrang sakit na! Wala na kong maramdaman!
Biglang may humawak sa balikat ko kaya kusang gumalaw ang mga kamay ko at inipit ko ang leeg nito gamit ang braso ko para hindi siya makagalaw at makatakas. Itinutok ko sa leeg niya ang hawak kong kutsilyo kaya mas lalo pa siyang hindi nakagalaw.
"Huwag kayong lalapit!" sambit ko sa kanila na halatang nag-aalala pero wala akong pakielam. Halatang gusto nila akong lapitan pero ayaw ko! Napangiti na lang ulit ako ng masama habang tinititigan ko ang babaeng hawak ko at itinutok ko pa sa kanya ang hawak kong kutsilyo, "Syden! Stop!" sigaw ni Icah pero parang hindi pumapasok sa isip ko lahat ng sinasabi niya, "Ano bang nangyayari sa'yo?!" dagdag pa nito.
"Syden. Hindi ikaw 'yan" mahinang sabi ng hawak kong babae kaya unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko at napatingin ako ng maayos sa kanya, "L-leigh?" unti-unti ko na lang itong nabitawan ng malaman kong si Leigh pala ang babaeng tinututukan ko ng kutsilyo.
Itinulak ko siya ng malakas papalayo sa akin dahil hindi ko na gugustuhin na maulit pa ito. Tinignan ko silang apat na lubos na nag-aalala sa sitwasyon ko pero pinili kong tumakbo na lang at lumayo. Pumasok ako sa isang building habang nanginginig pa rin akong tinitignan ang paligid at hawak-hawak ko pa rin ang kutsilyo. Nagpasya akong maghanap ng mapagtataguan dahil baka kapag nakita nila ako ay pahirapan at saktan nila ako ulit .
Ayaw ko na. Ayaw ko ng masaktan.
Ngunit lubusan kong ipinagtaka kung bakit walang katao-tao sa building na pinasukan ko at sarado lahat ng classrooms na nadadaanan ko. Sinubukan kong buksan ang mga pintuan na nadadananan ko ngunit kahit saan ako magpunta ay naka-lock ang mga ito.
Pagkarating ko sa pinakadulo ng hallway, ay may nakita akong kaisa-isang lugar na nakabukas ang pinto at 'yon ay ang laboratory. Agad akong pumasok doon at tinignan ko ang buong laboratory. Isa-isa kong tinignan ang mga gamot at kemikal na nakalagay sa isang mahabang cabinet habang iginuguyod ko ang hawak kong kutsilyo sa may lamesa. Hindi ko alam kung bakit nangyayari 'to basta ang alam ko lang, hindi ko na makontrol ang sarili ko at kung minsan ay napapangiti ako ng mag-isa lalo na kapag nakikita ko ang dugo sa kutsilyong hawak ko.
Natigilan na lang ako sa paglalakad at nabitawan ko ang kutsilyo sa may lamesa ng may makita akong isang bote na kakaiba sa tabi ng mga kemikal na tinitignan ko. Dahan-dahan akong lumapit doon at kinuha ko 'yon upang tignan. Binuksan ko ito at nakita ko sa loob na punung-puno ito ng tabletas at tila hindi pa nababawasan. Ibinuhos ko ang ilan sa mga 'yon sa kamay ko upang makita pa ng maayos ang mga ito. Inilagay ko na lang sa tabi ang boteng hawak ko at napatingin sa mga gamot na 'yon na ngayon ay nasa kamay ko na.
Kulay asul ang mga ito at sa mata ay lubusang nakakamangha. Natulala ako habang tinitignan ang mga ito. Hindi ako nag-alinlangan na subuking inumin ito dahil sadyang maganda sa paningin at nakakaakit. Unti-unti ko itong inilapit sa bibig ko upang inumin ngunit bago ko pa man magawa yon ay napahawak na lang ako sa aking kamay ng may biglang dumaplis na kutsilyo sa kamay ko kaya't nabitawan ko lahat ng 'yon dahilan upang kumalat ito sa sahig.
Napatingin ako sa may pintuan habang tinatakpan ko pa rin ang kamay kong dumudugo gamit ang isa kong kamay. Hindi ko nagawang isara ang pintuan kanina ng pumasok ako dito. Balak ko sanang isara 'yon ngunit tila naglaslas ako dahil sa sobrang lalim ng sugat sa kamay ko at ramdam ko ang sobrang pagkahapdi dahil sa kutsilyong 'yon. Sadyang mainit at sobrang hapdi sa pakiramdam at sa buong katawan kaya't napahawak na lang ako sa may lamesa upang makatayo.
Naglakad ako papunta sa may pinakasulok ng laboratory upang makapagtago at hindi ako makita ng kung sinu-sino. Umupo ako sa may pinakasulok at mas napuno pa ng dugo ang buong kamay ko dahil patagal ng patagal, ay parami ng parami ang lumalabas na dugo.
Napasandal na lang ako sa pader habang tinatakpan ko pa rin ang kamay ko na dinudugo. Kailan ba matatapos ito? Bakit ba kasi nabuhay pa ako? Dapat ay namatay na lang ako noong ininjectionan ako ni Blake. Dapat namatay na ako! Dahil ayaw ko na! Sawang-sawa na ako! Hindi ko na kaya! Ayaw ko ng magtagal pa dito! At kung hindi rin lang ako makakalabas, ay mas mabuti pang mamatay na ako ngayon.
Muli akong napatingin sa kamay kong walang humpay sa pagdugo at kung may makakita man sa akin ay iisiping naglaslas ako lalo na't sobrang lalim nito. Mas lalo pa itong dumugo at nakita ko rin ang sarili ko sa repleksyon ng salamin. Napaluha na lang ako ng makita ko ang sarili ko na punung-puno ng dugo. Naliligo sa sariling dugo. Napatingin na lang din ako sa sahig ng makita kong puno na rin ng dugo ang kinauupuan ko. Kung parati ko lang din namang mararanasan ito, wala ng silbing mabuhay pa ako. Tinalikuran na rin naman ako ng lahat dahil sa pagiging tanga ko at walang kwenta. Ano pa bang dahilan para mabuhay ako.
Unti-unti akong napapikit at naramdaman ko rin na nabitawan ko na ang kamay ko dahil sa panghihina dahilan upang mas dumaloy pa ang maraming dugo.
I want to die now.
Please.....I must die now.
It's the only way to end the pain.
But I just heard someone whispered,
"Soon, it will be over"
To be continued...