webnovel

SOON TO BE DELETED 2

Date started: September 2,2018 Date finished: May 29,2019 --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · 若者
レビュー数が足りません
80 Chs

♥ CHAPTER 69 ♥

♡ Syden's POV ♡

"Hey! Come with me" sigaw nito sa akin kaya nabulabog ako sa pagkain.

"Ha? Saan?" tanong ko habang ngumunguya.

"Just come with me" irita nitong sagot sa akin kaya naguluhan ako. What did I do? Mas mainit pa ulo niya sa akin. Hindi ba dapat ako ang mainis dahil mataimtim akong kumakain tapos nambubulabog siya?

But yeah, I really have to come with him because of that d*mn deal. Ano pa nga bang magagawa ko?

"Bakit ako lang? Hindi mo ba kasama mga members mo?" tanong ko bago kumain ulit. I'm so hungry at this moment at hindi ko mapigilang hindi kumain habang kinakausap ko siya.

"They are tired" kasalukuyan siyang nakatayo ngayon sa tapat ng nakabukas na pintuan at nakaharap sa akin. Obvious namang hinihintay niya ako dba?

"Fine" sagot ko pagkalabas niya pero hindi pa rin ako sumusunod.

"Susunod ka ba sa akin o baka gusto mong habang buhay kitang ikukulong diyan?" tanong nito ng malakas kaya napalabas na ako ng wala sa oras at iniwan ko ang pagkain ko sa lamesa. Ano bang problema ng lalaking 'to sa buhay niya?

"Eto na!" tumayo ako para lumabas na tapos sinamaan ko siya ng tingin bago ko isinara ang pinto. Yeah, pabagsak kong isinara ang pinto dahil sa inis.

Sinamaan niya din ako ng tingin bago siya tuluyang naglakad kaya wala na rin naman akong choice kung hindi ang sumunod sa kanya. Habang naglalakad kami, napansin kong konti pa lang ang mga estudyante dahil mag-aalasais pa lang ng umaga. Ang sarap nga sana ng almusal ko pero istorbo siya. Napakatahimik ng paligid at tanging mga huni ng ibon ang naririnig ko, "Bakit ba ngayon mo lang naisipang maglakad ng ganitong oras? Eh dba kadalasan gabi kayo lumalabas?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa dinadaanan namin.

Hindi ko napansin na natigilan ito sa paglalakad kaya naumpog ako sa likuran niya at napahawak sa ulo ko, "Ouchhh! Ano ka ba? Could you please be careful?"

"Pwede ba itikom mo ang bibig mo?" iritang sabi nito habang nakatingin sa akin. Siya pa talaga ang maiinis, dba dapat ako? Siya nga itong nagpasama sa akin, siya pa ang galit. Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak niya. May sayad na rin ata ang isang 'to?

"What if ayaw ko?" sagot ko naman sa kanya. Kasalukuyan kaming nakatingin ng masama sa isa't-isa.

"Just shut up or else- " hindi pa man siya natatapos sa pagsasalita ay hinarangan ko na siya, "Or else what Dean?" sagot ko naman bago ko siya nginitian ng masama.

"Don't try me, Bliss Syden" mula sa napakaseryosong boses sa tingin ko kailangan ko na talagang manahimik.

"Fine, fine. Mananahimik na" sabay isnob sa kanya. Tsk!

"Good" sabay talikod naman nito sa akin at naglakad na siyang muli.

Sa mahabang paglalakad namin na hindi ko alam kung ano at saan ang patutunguhan, nakarinig na ako ng mga ingay, mga estudyanteng sumisigaw at humihingi ng tulong. Sa pagsapit pa lang ng ganitong oras, nag-uumpisa na ang kalbaryo ng bawat estudyante kaya mas pinipili ng iba na huwag na lang magising. May nagpapatayan sa iba't-ibang klasing pamamaraan. Natatakot ako sa nakikita ko but I need to act normally. It's really worse. Tumitingin ako sa paligid at habang tinitignan ko ito, napatingin ako sa dating Prison tree na ngayon ay 'Cursed Tree' na. Mula doon ay may tinotorture na estudyante, hindi lang isa kundi marami silang nakatali mula sa mga punong iyon. Ang mga nanonorture sa kanila, hindi pamilyar sa akin ang mga itsura ngunit bigla na lang silang napatingin sa direksyon ko ng masama kaya umiwas ako ng tingin. Sinubukan kong mag-focus na lang sa paglalakad at huwag ng pansinin ang nangyayari sa paligid ko. Huminga ako ng malalim at napapikit habang naglalakad at ng buksan ko ang mata ko, nakita ko si Oliver.

He badly needs my help kaya naalala ko ang pinag-usapan namin noong isang gabi. Huminga ako ng malalim bago ko nilapitan si Dean na nasa harapan ko at seryoso sa paglalakad. Tinapatan ko siya at alam kong napansin niya ako.

"Hey...what if there's.... someone who wants to join your group? W-will you accept them?" mahinhin kong tanong kahit na ayaw ko naman talagang magtanong dahil baka sungitan niya ako. But I need to keep my promise to my friend.

"It depends. They must give me a reason for me to accept them" sagot nito habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"There's…this friend of mine na…g-gustong sumali sa grupo mo- I think if you could give him a chance and I kno- "

Natigilan siya at napaharap sa akin kaya napatigil rin ako sa paglalakad at napatingin sa kanya habang kinakabahan ako sa kung anuman ang sasabihin niya, "Kung ikaw ang tatanungin ko…" sambit nito kaya napalunok ako, "W-what?"

"Gusto mo ba siya sa grupo ko?" tanong nito kaya nagtaka ako.

"B-bakit ako ang tinatanong m- "

"Just answer me" pahayag nito na para bang gusto niya lang ay ang marinig ang tanging sagot ko.

"O-oo syempre. He's my friend after all"

"Do you want me to give him a chance?" tumango lang ako bilang sagot.

"If that's your decision, that's my decision too. Then, I just have to accept him" sagot nito kaya nabigla ako. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay itinuloy na niya ang paglalakad pero hinabol ko siya.

"What do you mean?! It's your decision not mine- "

Hinarapan niya ako ulit at natigilan nanaman kami sa paglalakad, "Sinabi ko na sa'yo kung anong sagot ko. Tell your friend to meet us anytime when he's ready" tinalikuran na niya ako ulit para maglakad kaya sumunod na lang ako sa kanya at natahimik. But at least, I know na pwede ng sumali si Oliver sa Vipers.

I'm neither happy nor sad, I don't know if it's really good for him to join Dean's group.

Habang naglalakad kami, nagulat na lang ako ng maramdaman kong may papunta sa akin na isang bagay kaya napatingin ako sa direksyon nito. Nakita ko si Dean na mabilis na pumunta sa harapan ko at itinaas niya ang kamay niya. Nang tignan kong mabuti ang kamay nito, nakita kong may hawak siyang kutsilyo. Simula ng makita ko iyon, alam ko na. Alam kong may naghagis ng kutsilyo papunta sa akin ngunit nasalo agad iyon ni Dean.

Bigla na lang siyang napatingin sa akin at nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala kaya nagtaka ako. Nawala na lang lahat ng nararamdaman kong takot ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Lahat ng estudyante sa paligid namin ay natigilan dahil nakita nila ang nangyari at nakita nila siya. Nakita ko nanaman ang isang demonyo sa mga mata niya, "Son of a b*tch! You planned to do this at sa mismong harapan ko pa talaga!" sigaw nito kaya nag-iba ang presensya ng paligid na kahit ako, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Napahawak na lang ako sa kabilang braso niya kaya tumingin siya sa akin.

"Let's just forget about it, maybe it's just an accident- " pakiusap ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinatapos.

"Nothing is accident here. Let me handle this situation. It's not for me, but for your safety" sagot niya sa akin kaya alam kong wala na akong magagawa para pigilan siya.

"Kung ayaw niyong isa-isahin ko kayo, the one who's responsible for this should speak up now!" sigaw nito at halatang takot ang lahat.

"Or kung sinuman ang nakakita sa lapastangang naghagis ng kutsilyong ito, speak up now!" wala pa ring nagsasalita kaya dinugtungan niya ito, "I will count. One…" tinitignan niya ang buong paligid at mukhang wala pa ring nagbabalak na umamin, "One and a half….two…two and a half- "

"It's them! The Redblades out there, the three young ladies!" napatingin kami sa nagsalita na nakaturo sa isang direksyon bago tumakbo ito papalayo para magtago.

Napatingin kami sa direksyong itinuro noong babae at nabigla ang mga Redblades na nakatayo doon. Biglang lumitaw ang buong Vipers' group na ikinagulat ko naman at sinenyasan sila ni Dean para kunin ang tatlo, "Do you really have to do this?" tanong ko sa kanya ng may pag-aalala.

"Don't worry. They will just have a very good lesson" sagot naman niya habang nag-aalala pa rin ako sa kung anong pwede nilang gawin sa mga babaeng iyon. Bigla silang kinuha nina Dave at Raven kasama na rin ng iba pa. Habang kinakaladkad sila, naririnig ko ang pagmamakaawa nila at hahabulin ko sana sila but he stopped me kaya napatingin ako sa kanya at hinila niya ako papalayo, "Set them free. Kalimutan na lang natin ang nangyari" pahayag ko sa kanya habang hinihila niya ako papalayo sa lugar na iyon pero wala talaga siyang balak na pakinggan ako.

Bigla niya akong hinarapan at ganon pa rin ang mata niya...nagaalala, "I promise. I would neither torture them nor kill them. Trust me"  sambit nito kaya pinakalma ko ang sarili ko at tumango na lang ako, "Fine"

Then all of a sudden, bigla na lang dumilim ang paligid at parang nababasa ako kaya napatingin ako sa ulap at tama nga, umuulan at parang hindi magiging maganda ang panahon ngayong araw na ito. Humangin din ng malakas kaya nakaramdam ako ng sobrang panlalamig ng katawan kasabay ng pagbagsak ng malakas na ulan. Nabigla na lang ako ng makita kong inialis niya ang suot niyang leather jacket at isinuot niya sa akin kaya nailang ako. Dahil sa pagkabigla, tila nawalan ako ng boses na kahit gusto kong magsalita ay hindi ko magawa at ang tanging nagawa ko lang, ay ang tignan siya habang basang-basa pero parang wala lang 'yon sa kanya habang tinitignan niya ako.

Pero hindi ko inaakala na bibigyan niya ako ng isang totoong  ngiti dahil alam kong napansin niya kung ano ang tinatanong ng mga mata ko, "Don't worry about me" kaya napatango na lang ako at tumakbo kaming pareho. Nang makahanap kami ng masisilungan nag-stay muna kami doon habang hinihintay ang pagtigil ng ulan pero katulad ng una, hindi pa rin ako makapagsalita. But that moment, the beat of my heart ran faster.

.....

Nang tumigil na ang ulan, nagpasya kaming bumalik na para magpalit ng damit. Habang naglalakad kami, nakikita rin namin ang ibang estudyante na basang-basa rin katulad namin. Pero bigla kaming natigilan lahat sa paglalakad ng makarinig kami ng mga mahihinang pagkulog at pagkislap, lahat kami ay napatingin sa kalangitan ngunit hindi dito nanggagaling ang mga pagkulog at pagkislap na naramdaman namin kanina...nanggagaling ang mga ito sa mismong mga walls na nakapaligid sa buong eskwela. Dahan-dahan kaming napatingin doon at nakaramdam kami ng takot at kaba. Ibig sabihin lang nito...someone's touching the high wall in Heaven's Ward High kaya nag-aactivate ang mga electric barriers. Just like me, I was curious back then on what could be the things inside that high wall and here it is, the Curse Academy.

Someone's trying to enter the Curse Academy..at hindi niya dapat ituloy ang pinaplano niya, kung sino man siya na gustong pumasok sa impyernong ito.

Habang nakatingin kami sa walls na nakapaligid sa buong eskwela, nakikita namin ang pagkislap ng mga walls na 'yon which means may humahawak nga talaga at at naririnig namin ang parang mahihinang pagkulog na nanggagaling dito.

Biglang may humablot sa braso ko kaya nagulat ako ng tignan ko siya. Isang lalaking mukhang baliw at nakatingin sa akin na para bang tuwang-tuwa. Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa akin pero sadyang malakas siya, "Parating na sila!" sambit nito kasabay ng malakas na pagtawa. Isang pagtawa ng isang taong baliw kaya natakot na ako sa kanya.

"Bitawan mo ako!" sigaw ko pero hindi niya ginawa.

"Babalik sila at mangyayari sa'yo ang nangyari sa kanya!" sambit nito na nagpakaba ng husto sa akin.

"S-sinong babalik ang tinutukoy mo?"

Hinigpitan pa nito ang pagkakahawak niya sa akin at lumapit pa sa akin, "Bakit sa tingin mo nananahimik ang ibang estudyante? Because they are the secret members of- "

"Sinong tunutukoy mo!?" natatakot kong tanong.

"You should be careful now, little girl- " hindi na nito natapos pa ang sasabihin niya ng itulak siya ni Dean na dahilan para mabitawan niya ako. Tinignan siya ni Dean

ng masama at kahit nasa sahig ito, nakangiti pa rin siya habang tinitignan kami.

"Mark my word, you should stay close to the Vipers and watch them die infront of you- " habang nagsasalita siya hinila na ako ni Dean palayo sa lugar na iyon, "Don't listen to him. Can't you see? He's crazy" sambit nito bago ko tinignan ulit ang lalaki na nakangiti pa rin habang nakatingin sa akin at narinig ko pa ang huli niyang sinabi kahit medyo malayo na kami sa kanya, "Watch them die or be tortured before your eyes!" mas lalo pa akong natakot ng marinig ko ang mga salitang iyon. Tila nawala ako sa sarili ko habang naglalakad pa rin kami ng mabilis at alam kong napansin niya ang kilos ko kaya natigilan kami sa paglalakad at tinignan niya muna ako bago niya ako hinarapan, "Don't listen to anyone. Tinatakot ka lang nila" nanatili pa rin akong nakayuko habang kinakausap niya ako, "Hey, look at me" sambit nito kaya dahan-dahan ko siyang tinignan, "You know what we are. We can't simply be defeated. Don't believe anyone here. Gusto ka lang nilang takutin and you must not let anyone deceive you just by hearing their nonsense words" hindi pa rin ako kumibo sa mga sinabi niya pero sinubukan kong kumalma.

"Listen to me. This is always what I say to my members. If you are a Viper, don't fear anyone. Consider yourself as part of the group, you are in my group. Hindi ka dapat matakot sa kanila..." at lalo pa siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, "Sila ang dapat matakot sa'yo" ng marinig ko ang mga salitang iyon, tila nawala ang takot ko habang nakatingin sa kanya.

"Learn how to make them feel so scared when they are in your way. In that way, matatakot sila sa'yo. You are part of the group and you must not fear anyone. Instead, let them fear you. Tandaan mo, you have control in my group, you can do anything you want at 'yon ang dapat nilang katakutan sa'yo" sambit nito.

Now, I must listen to the devil.

To be continued...