webnovel

SOMEONE'S SPECIAL

'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?

Deeeeym7 · 若者
レビュー数が足りません
71 Chs

CHAPTER 22

ETHAN'S POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa room no. ni papá. Kasama ko si marg dahil gusto niyang bumisita.

"Hon can you explain to me why amira can't visit your father?" napatingin ako kay marg sa tanong niya.

"Did you forgot? Naaalala mo yung reaction ni amira nung nagpadala kami ng doctor sa bahay dahil kailangan ng support ni papá sa paghinga?"

"She grown up now hon she's not a baby anymore"

"I'll treat her as an old if she'll have one" pareho kaming natawa sa sinabi ko.

Malapit na kami nang bumukas ang pinto sa tapat ng kwarto ni papá at sabay na lumabas sina zai at mom.

Huminto kami ni marg at kunot noong tinignan ang dalawa na masayang naguusap.

"Sa tingin ko nagkakaintindihan na tayo mother" pumasok na si mom sa kwarto ni papá kaya mabilis kong nilapitan si zaira at hinawakan sa braso bago siya makapasok.

"Zai what was that?" gulat siyang humarap sa akin at parang hindi mapakali. Knew it! She's doing something! She's my sister and I can read her easily! She is easy to read! "Sh*t zai! What are you going to do with her?!!"

"Kuya ethan you are so judgemental!" sigaw niya at mabilis na tinabig ang kamay ko habang umiiwas ng tingin.

"I knew you zai! You're not in a good term with mom" totoo naman talaga! Simula noon ang sama na ng ugali nito kay mom lalo na kay amir na wala namang ibang ginawa kundi patuloy pa rin siyang tinuturing na ate.

"Hindi ba pwedeng magbati na kami?" tanong niya at lumapit na sa pinto ng kwarto ni papá.

"Bati? Maganda kung magbabati muna kayo ni amir. Anyways, that's not in your vocabulary zai. I'm warning you" sabi ko at hinila si marg. I need to know about it!

Pumasok na kami ni marg at saktong nagtama ang tingin namin ni mom--or should I call him 'tita'? Unti unti na akong nawawalan ng tiwala sa kanya.

Umiwas na ako at pumunta sa tabi ni papá tsaka siya tinignan habang mahimbing na natutulog. Whatever they are planning. That won't gonna happen especially if they are planning something to amir. Iisa lang kami ng gusto ni papá.

AMIRA'S POV

Naglalakad na ako papunta sa kusina. I've been searching for mr.linc. I think he's just there as what I've heard from my yayas na pinaguusapan siya dahil sa kagwapuhan niya-_-

I really don't know what exactly happened last night. All I know is that my body went bad and the rest-I don't know maybe I blocked out or what? But I think I fainted, good thing mr.linc was there and it's not ace. KAKAHIYA KAYA!!!

Tahimik kong binuksan ang pinto at bumungad naman sa akin si mr.linc. Kumunot ang noo ko nang mapansing nakatulala siya habang may hawak na mansanas na hindi man lang kinakain at nakadikit lang sa bibig niya.

Ano ang iniisip niya? Pumasok na ako pero hindi pa rin siya kumikibo kaya pumunta ako sa likod niya.

"BOOO!"

"APPLE!" umayos ako ng tayo at bahagyang tinapat ang mukha sa kanya.

"Eh? Apple? What apple? Who is apple? Where is apple? Why is apple? I've been searching for you and you were just thinking for apple?" sunod sunod na tanong ko. Inis siyang lumingon sa akin at biglang tumayo.

Sinundan ko lang siya ng tingin dahil parang hindi niya alam kung saan siya pupunta. Really? What's with him now? I should really buy a book that tells me the meaning of every human gestures!!

"What are you doing here miss amira?" tanong niya at pumunta na sa ref tsaka kumuha ng yakult.

"Anyway mr.linc, can't you see what I am wearing right now? This is two piece with a see through dress" tumigil siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Alam ko ano yan" walang ganang sabi niya at naglakad palabas ng kusina. Sinundan ko agad siya.

"Mr.linc can I ask something? Kinda personal but I think-hehehhe" umupo siya sa sala kaya tumabi ako sa kanya na iniinum na ang yakult.

"My only job is to watch you"

"Hindi, wala akong ipapagawa sayo mr.linc I will just ask for your phone no." napatingin siya sa akin. Pilit akong ngumiti habang magkadikit ang dalawang palad.

"I don't have" humarap siya sa malaking screen ng tv. Wala naman siyang pinapanuod! Nakapatay yun!

"I know you have! I saw you once holding your phone! Mr.linc~please~ ace invited me in the pool and also asked my number but I don't have, even phone, remember?~" hinulog niya naman kasi!! Naalala naman niya ata yun kaya tumingin ulit sa akin. YE-

"No, questo è solo per uso personale (that's for personal use only)"

"Per favore(please)" hindi siya gumalaw kaya ako na mismo ang kumapkap sa bulsa ng pants niya.

"Fermare fermare(stop)" inilayo niya ako kaya binilisan ko pa ang pagkapa. Naramdaman ko yun sa bandang kanan niya since nasa kaliwa niya ako.

"Per favore mr.linc, ho davvero bisogno di numero di telefono!(Please mr.linc, I really need phone number!)"

"Se ho detto no, NO!(if I said no, no!)" tumigil na ako at seryosong tumingin sa kanya. Sinalubong niya din naman yun na parang may balak na makipagtagisan.

"What if--" ngumuso ako kaya lumipat ang tingin niya doon.

"N-no" umiwas siya at umayos ng upo tsaka mabilis na inubos ang natirang laman ng yakult.

"I'm not done! What if I will let you enter my tree house? You can't enter alone right?? I will tell you the password of that door!"

"Ah?" napangiti ako dahil mabilis siyang lumingon sa akin.

"Phone number muna and the password ko hehe" sabay lahad ng palad sa harap niya.

"09********" napanganga ako dahil mabilis niyang binanggit ang bawat numero.

"Mr.linc naman!!"

"Password" ang sama~

"Beamira" sagot ko at nag-indian sit paharap sa kanya.

"Too easy"

"Mr.linc ulitin mo~ Mr.linc~" niyugyog ko siya sa braso pero hindi niya ako pinansin at nakatingin lang ng diretso sa ibang direksyon.

"Mga anak? Anong problema?" umakto ako na parang naiiyak at lumingon ng konti kay nanay habang nakatitig pa rin kay mr.linc.

"Nay ayaw niya ibigay ang number niya!!" parang batang sumbong ko. Napanguso pa ako dahil natawa ng konti si nanay.

"Pfft anak ikaw ba sumusuyo sa lalake?"

"Nanay hindi ah!! Hiningi ni ace number ko kaya sa kanya yung gagamitin ko"

"Saan pala ang sayo?" mabilis kong tinuro si mr.linc at palihim na ngumisi.

"Hinulog niya sa fountain nay!~ matagal na" nanlaki ang mga mata ni nanay at lumapit kay mr.linc sabay hila sa kanang tenga niya.

"Ma!" natawa ako sa reaksyon ni mr.linc dahil parang nagulat siya na nasasaktan na ano? HAHAHAHAH ewan!!

"Hahaha ma ma ka dyan hmp bigay mo na sa akin!"

"Bakit mo ginawa yun?! Palitan mo yun sa lalong madaling panahon!! Mahal ang bili ni sir alejandro nun!!" tinignan ko lang si mr.linc na hindi alam kung maiiyak ba na ano.

"I didn't do anything!"

"Liar nay!~" singit ko. Nakita ko siyang palihim akong sinamaan ng tingin.

Tumigil ako nang may maalala. Tinignan ko silang dalawa at napakagat sa hintuturo ko.

"Nay why he keep on calling you 'ma'? As I noticed only bea calls you like that?"

"Stupid" sabay kaming napatingin kay mr.linc tsaka kinurot siya ni nanay

"Ay ano anak" kung ma ang tinatawag ni mr.linc sa kanya? Ibig sab--ibig sabihin lumalalim na ang nararamdaman niya kay bea!!?!! Feel na feel na niya!!!

"Ay nay wag na pala!" mabilis na sabi ko bago pa siya magsalita. Nagroll eyes na lang ako kay mr.linc "May gusto po siya sa anak ninyo! That's why he want to consider you as his mother!"

"Anak?" sinamaan ko muna ng tingin si mr.linc tsaka nagtaka kay nanay dahil mukhang natatawa siya.

"Amira" lumingon kaming lahat nang marinig ang boses ni ace. I immediately held mr.linc's hand and pulled him with me.

"Nanay mauna muna kami doon hehe" sabi ko at iniwan na siya.

Nakalapit na kami kaya binitawan ko na si mr.linc at lumapit pa sa harap ni ace.

"Hi ace" bati ko. Tumabi siya sa akin at sumabay na papasok sa pool area.

"Akala ko masosolo kita" bulong niya. Napalingon ako saglit kay mr.linc sa likod.

"I'm sorry I really need him. Mas maayos na ito kesa ang mga yun ang nandito, nasa paligid lang sila ng bahay" they are just watching since mr.linc is with me. Lumalayo lang sila kapag dumadating na si mr.linc, hindi na sila magbabalak na lumapit sa akin.

"Ahh okay hmm let's swim first?" yaya niya kaya mabilis akong tumango "Do you know how to swim?"

"H-huh? ahm NO" hinawakan niya ako sa kamay dahilan para lumaki pa ang ngiti ko.

"Good, I can teach you that"

"Sige sige" mabilis na sabi ko at hinubad ang see through dress tsaka hinila siya sa tabi ng pool.

"Guarda chi è il piacevole bugiardo(look who's worst liar)" sabi ni mr.linc. Haharap na sana si ace sa kanya nang hilahin ko siya pababa ng pool!

Inggit! Buti nag italian kundi mabubuking ako! I guess he already saw me when I had the day pool party with my friends.

Sinimulan na akong turuan ni ace kaya napapangiti akong tumingin kay mr.linc.