webnovel

chapter 47

SOMEONE'S POV

Narinig ko yung hiyawan ng mga tao at napasilip ako…

Hindi pa siya…

Candy….

END OF SOMEONE'S POV

Tumayo ako sa upuan matapos tignan ulit yung hitsura ko. All I can say is this is perfect! Maluwag akong ngumiti sa harap ng salamin at pagkatapos nun ay naglakad na ako papunta sa may pintuan.

Marahan kong binuksan yung pintuan at agad na nakita ko yung dalawang goons.

Yung dalawang goons nanlaki yung mga mata nila pagkakita sa akin.

"Why? Do I look funny?" Umiling yung isang goons na mas mataba dun sa isa at siniko naman niya yung isa.

"Hoy kayong dalawa, sino yang pinagpipiyestahan nyo diyan? Sabi ko bantayan nyo yung isa diyan hindi-"

Nagulat si Madam Butterfly ng makita ako at bahagyang nanlaki ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

"Bakla........." Nilapitan niya ako at parang tatanggalin niya yung sinuot ko ng biglang may narinig kaming yabag sa likuran niya.

Nakapikit ako dahil natakot ako bigla na baka kung anong gawin sa akin ni Madam.

"Oh! Sir, bakit andito ho kayo? Nagkamali ata kayo ng napuntahan?"

Binuksan ko yung mata ko at nanlaki eto sa nakita kong nasa harapan ko.

KEANNE!

Bakit siya andito?

"Actually I'm on the right spot." Ngumiti si Keanne kay Madam Butterfly at sa mga goons.

Nagulat si Madam Butterfly sa ginawa ni Keanne at mukhang kinilig siya. Lumapit siya kay Keanne at hahawakan na sana siya ng biglang napaatras si Keanne at nakita ko ulit yung tingin dati na nakakatakot.

"Don't ever get near to me or you will not like what I will do."

Parang hindi naman natakot si Madam Butterfly sa banta ni Keanne bagkus ay lumapit pa siya dito.

"Ikaw naman papa, wag ka ng magpakipot pa sa beauty ko!"

Umiling si Keanne at pagkatapos nun ay nagulat ako sa ginawa niya.

"Pwe..." Dinuraan niya yung mukha ni Madam Butterfly at pagkatapos nun ay tinulak niya siya sabay hatak sa kamay ko.

"When I say run, run as fast as you could…" Tumango ako sa kanya at hinihintay kong sabihin niya yung run para makatakbo kami kaso bigla niya na akong binuhat at kumaripas kami ng takbo papalabas sa exit door!

Nasa loob kami ng kotse niya at kanina pa siya tahimik mula nung niligtas niya ako dun kay Madam Butterfly. Iniisip ko nga na sisigawan niya at magagalit siya sa akin pagkasakay namin ng kotse pero ang weird, nagbago na nga ata siya.

"We are here…"

Napatingin ako sa labas ng bintana, nasa tapat na nga kami ng bahay ni Tito.

"Keanne…"

Humarap siya sa akin at pilit na ngumiti pero hindi niya nagawa.

"I know I'm not yet your boyfriend but you can't stop this…" Hinawakan niya yung kamay ko at nilagay sa chest niya. Nagulat ako sa ginawa niya pero mas nagulat ako sa bilis ng pintig ng puso niya.

"from worrying about you.." Napakagat ako sa labi ko, ewan ko pero naramdaman kong namumuo na yung luha sa mga mata ko. Kasalanan mo kasi Thiara!

"Keanne…"

"Shhh…" Tinitigan niya ako, yung para manlalambot ka talaga sa tingin niya. Inalis ko yung kamay ko sa chest niya dahil yung pintig ng puso ko hindi ko na rin makontrol tulad niya.

"I'm not angry to you dahil hindi mo sa akin sinabi yun. Magagalit ako dun sa baklang puro kolorete na yun pagsinalang ka niya dun sa entablado. Tatanggalin ko lahat ng make-up niya sa mukha at talagang mapapaaway ako sa mga men in black niya."

Napangiti ako sa sinabi niya at tsaka ko lang naalala si Candy! Oh my baka kung ano ng nangyari sa kanya!

"Keanne we need to go back!"

"Ha? Why?"

"Si Candy baka kung-"

Pinigilan niya na ako bago ko matapos yung sasabihin ko at mahigpit niya akong niyakap.

"Don't worry about her, the police will rescue her."

Nagulat ako sa sinabi pero bago pa ako makapagsalita ay tinakpan niya yung bibig ko ng daliri niya at napangiti sa akin.

"She will be okay that is my assurance, you don't have to think anything. When you go inside, take a rest and sleep well Thiam, think about what happened as the worst nightmare you had." Nag-wink siya sa akin at binitawan niya yung pagkakayakap sa akin.

Tumango ako sa kanya, I'm so lucky to have him at my side.

Tinanggal ko na yung lock ng pintuan ng kotse at bago ako nagdesisyon na bumaba ay napatingin ulit ako sa kanya.

"Keanne…"

Humarap siya sa akin at pagkatapos nun ay unti-unting lumapit sa kanya…

"Thank you, my savior…"

And I gave a smack on his lips!

Remedy

The remedy is the experience, this is a dangerous liaison

I say the comedy is that it's serious

This is a strange enough new play on words

I said, the tragedy is that you're going to spend

The rest of your nights with the light on

So shine the light on all of your friends

Well, it all amounts to nothing

In the end

I won't worry my life away

I won't worry my life away

When I fall in love

I take my time, there's no need to hurry

When I'm making up my mind

You can turn off the sun, but I'm still going to shine

And I'll tell you why

-Jason Mraz

"Are you serious?" Napatingin ako kay Keira na kasalukuyang nasa harapan ng upuan ko at sabay lingon ko naman sa likuran particularly sa last row. Oh my God, wala siya. Ano kayang nangyari sa kanya? Kasalanan mo yung nangyari Thiara, kung hindi dahil sa pagpipilit mo hindi sana…

"Hoy Thiara, kinakausap kita! Sumagot ka naman diyan, tignan mong nag-aalala sa iyo yung tao tapos ganyan ka…" Tila nagtatampong wika sa akin ni Keira na nakapukaw sa aking pag-iisip.

"I'm sorry, nag-aalala lang kasi ako kay-"

"Kami rin nag-aalala sa iyo kung hindi ka magpapasa ng final project natin!"

Napabuntung-hininga ako sa sinabi ni Keira, kelangan ba talaga dapat ipaaalala na ngayon yun? Yung submission ng project namin na hindi ko nagawa, I mean hindi ko talaga nagawa dahil wala naman ako maisusulat dun. We didn't finish the interview and I didn't do that so unforgettable thing Madam Butterfly wants me to do. At isa pa nagpag-isip kong, hindi na lang ako magpapasa. I know finishing this review is one of the great achievements I will have and this is my promise to Dad but I can't do it.

"Desidido na talaga ako hindi ako magpapasa, kakausapin ko na lang si Sir." Malungkot kong sabi sa kanilang dalawa and I know they are feeling disappointed with me.

"Okay, we will support you with your decision."

At eksaktong pagkasabi nun ni Nancy ay pumasok si Mr. Ramirez, as usual mukhang bad trip at galit.

"Okay, I will call your names and pass immediately your final projects. No final projects, no grade. Let's start…" At nagtawag na si Sir, alphabetically…

"Hornacion, Candy Margarette…"

Napatingin silang lahat sa likuran but instead Candy who should be the one to stand, I stand and walk in front of the table of Mr. Ramirez.

"Miss Walton, you are not Miss Hornacion…"

Huminga ako ng malalim, I have to do this not only for myself but for Candy who is not here right now.

"Miss Hornacion is not here right now Sir and being her partner in our final project I will stand for her. We will not pass our project Sir."

Bahagyang nagulat yung mga kaklase ko at nag-umpisa silang magbulung-bulungan. Si Mr. Ramirez naman napatitig lang sa akin at pagkatapos ay may sinulat siya sa papel na nakalagay sa folder niya.

"I will talk to you later, Miss Walton. Take your seat." Tumango ako sa kanya at bumalik na ako sa upuan ko.

Nginitian naman ako nina Nancy at Keira sabay mahinang bumulong sa akin na, ang galing mo girl! We are proud of you.

"Okay next, Lacey, Keanne Joshua…"

Tumayo si Keanne at hindi ko inaasahan yung ginawa niya…

"I've done my part Sir though I will not pass it to you for my personal reason. I'm sorry…" At bago pa siya paupuin ni Sir ay bumalik na siya sa upuan niya. Tumingin siya sa akin sabay ngiti. I know, ako yung personal reason na yun pero bakit Keanne?