Hirap man ay sa wakas nakarating kami sa sala. With the help of his tiny flashlight natagpuan namin yung hagdanan paakyat sa mga kwarto namin.
Tinignan ko siya. "Why are you looking at me Thiam?" Masama ba? Este ano ba! Tinitignan ko lang si Keanne dahil napaisip ako bigla…
"Eh Keanne paano ka makakapunta sa kwarto mo?" Opps my bad! Naku naman Thiara bakit mo naman natanong yun?
He looked at me. "Do you want me to answer your question?"
Hindi ko alam kung dulot ba ng ulan at kidlat, sobrang napakahinahon ng mukha ni Keanne na dapat ngayon ay nagagalit.
Tumango ako sa kanya. "Eh di buhatin mo ang isang baldado..."
Nanlaki yung mata ko. Is he nuts? Buhuhatin ko siya! Hello ang sakit na nga ng paa ko tapos bubuhatin ko pa siya eh mas mabigat pa nga siya sa akin! Aba sinuswerte siya!
"Are you serious Keanne?"
He nodded. "I'm very serious."
Tinapik ko yung balikat niya. "Keanne wag ka naman mag-joke!"
Nangunot yung noo niya at napatingin siya sa akin. "I'm not joking Thiam." Mukha nga! Dahil lahat na ata ng dugo sa katawan niya ay napunta sa mukha niya!
No choice ang kawawang si Thiara. Lumapit ako sa kanya at bubuhatin ko na sana siya ng biglang nakarinig ako ng…
*THUD*
Napatingin ako kay Keanne tapos sa iniilawan nung flashlight. Kung kanina hagdanan ang nakatambad sa amin ngayon… Inclined plane?
"Nasaan na yung hagdanan Keanne?"
"The stairs are just under that inclined plane." Nasa ilalim lang? So ibig sabihin nun ay… "Kaya naman pala nakakababa ka without the help of Mang Karyo and Aling Susan may incline ka palang ginagamit!"
"I used that only when I wanted to go down not to go up. Do you accept my proposal?"
Anong proposal? Is it marriage proposal? Naku Thiara masyado ka naman atang napapalayo na talaga!
"Ayoko, hindi kita mabubuhat at maawa ka naman sa akin."
"Why should I pity you?" Tignan mo nga to! Ang sama talaga ng ugali!
"We don't have choice. We will spend the night, together in the guest room."
What?
"Why are you there?"
Nasa guest room na kami. Wala akong choice kundi pumayag sa sinabi niya. Una, hindi na ako makakaakyat sa kwarto ko dahil bukas na daw mababalik pa yung hagdanan dahil nasira na yung button! Tignan mo nga yun feeling ko talaga ginawa niya yung para hindi ako makaakyat at makatulog sa kama ko! Pangalawa, siya lang ang may flashlight. Tiyak na mahihirapan ako na mahanap yung kwarto ko sa dami ba naman ng kwarto sa second floor! At ang panghuli ay hindi ko daw siya pwedeng iwanan sa baba at ako ang aakyat, magwawala daw ang monster! Sobrang blackmail ang ginawa niya kaya napapayag ako. At ngayon nga nakahiga ako sa kama at ang loko gusto pa atang paalisin ako dito!
"Hindi ba dapat ang babae ang nakahiga sa kama?"
"Are you a girl?" Sipain ko kaya eto! Ano ba tingin niya sa akin bakla! "Babae ako no..."
"Thiam, this is my house and may I remind you that I am the master and you're just my nurse. I should be the one there not you."
Sinimangutan ko siya. "If I were you, I will just follow my orders."
Masama man ang loob ay tumayo na ako pero hindi ako makakapayag kaya tinignan ko siya.
"Don't you have any respect for me?"
Papahiga na sana siya. "What?" Nagulat ata ang monster sa sinabi ko. Dapat lang sa kanya yun.
"Buti pa si Aling Susan may respeto ka eh sa akin wala. Bakit ba ang sama ng ugali mo? Saan ka ba makakakita na ang lalaki ang hihiga sa kama imbes na ang babae?" Imposible talaga siya!
"Well, you will see tonight." At humiga na siya. Hindi man lang siya naawa sa akin! Grr!
Nagpigil ako ng galit at humiga na sa papag. "Pagnagkasakit ako at namatay dito sa lamig mumultuhin kita..." Hindi talaga ako papatigil hanggang mapunta ako sa kama na yun at dun matulog! Ang lamig-lamig dito sa baba plus yung sakit pa ng paa ko! Hindi ko nga masyadong maigalaw!
Nakarinig ako ng paggalaw sa kama tapos nailawan ako bigla sa mukha.
"Stand up!" Napatingin ako sa mukha ni Keanne. Anong problema nito? Bakit mukhang nagagalit ata! Ako nga dapat ang magalit hindi siya!
Tumayo ako at binato ba naman sa mukha ko yung mga kumot at unan!
"Aray!" Nakakapikon na talaga etong lalaki na eto ha! "Ano bang pro-"
"Fixed our bed or I will ruin your night." Tinitigan ko siya. Mukhang ayoko yung order niya ngayon ha!
"Keanne…" Tulog na kaya etong lalaking eto? Tinitigan ko siya. Nakapikit na pero tulog na kaya? Napatingin ako sa kisame.
Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari sa lalaking eto. Ayaw niya akong patulugin sa kama pero siya naman kasama ko ngayon dito sa baba at tumabi pa sa akin! Magkaharap pa nga kaming dalawa!
Napatingin ulit ako sa kanya. Paano ka kaya nagustuhan ni Alaine? Oo aaminin ko na gwapo ka pero ang sama ng ugali mo. Sa pagkakatanda ko, I and Alaine have the same standards in choosing guys.
Napatitig ako sa labi niya. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na kanina nginitian niya ako. Siguro kung may camera at videocam lang ako nakuhanan ko na siya then I looked at his cheeks. Ngayon ko lang napansin na pinkish at ang sarap palang kurutin yun. And I love guys who have this blushed like faces! Paano kaya kung hahawakan ko yun?
Try it Thiara at you will see. Oo nga no hindi naman siguro masama yun. I sighed deeply. Hahawakan ko na sana yung cheeks ni Keanne ng biglang…
***PAK***
"What the hell are you doing?" Napamulat yung mata niya at galit na napatingin sa akin. Patay! "Nang-aasar ka ba?" Bumangon siya bigla at naiinis na umupo.
Napakagat-labi ako at napaupo din. "Eh kasi Keanne may lamok sa mukha mo." He stares at me. Hala naman mukhang hindi pa siya naniniwala eh may lamok naman talaga! "Pinalo ko lang kasi baka mamaya pagnakagat ka sige ka magkakadengue ka pa!"
"Do you think I believe you?" He moves closer to where I'm sitting. Teka anong balak nito?
Hindi kaya…
"Keanne wag!"
An inch closer…
***PAK***
"Aray! Bakit mo pinalo yung balikat ko?"
"May ipis kasi sa balikat mo..." Napatayo ako bigla pagkasabi niya nun ay hinawakan ko yung balikat ko. Ipis? Ayoko pa naman nun!
Napatingin ako sa kanya at ang loko nakangiti pa sa akin.
"Just kidding Thiam..." At humiga na siya. Naku ang lalaking eto! Grr! Natakot ako dun akala ko talaga meron!
Humiga na rin ako sa tabi niya at tinalikuran siya. Nakakainis kaya siya! Thiara, kumalma ka na at para makatulog ka…
Alas-dose na at wide awake pa rin ako. Panigurado sleeping monster na tong katabi ko. May kanina pang gusto kong sabihin dito kay Keanne kaso hindi ko kayang sabihin sa harap niya.
"Keanne…" Tinawag ko talaga yung pangalan niya para sigurado. Hindi naman siya sumagot, tulog na sigurado.
Tumingin ako sa kisame. "Salamat ha hinanap mo kanina, natakot talaga ako kung nasaan man ako."
"THIAM…"
Naku narinig kaya niya yun sinabi ko? Nagising ko ata siya! "Sorry… Matutulog na k-"
"You're welcome." Ngumiti ako at napatingin sa kanya. "Matulog ka na." At tumalikod na siya sa akin.
Goodnight Keanne…
Father and Daughter
I'm gonna watch you shine
Gonna watch you grow
Gonna paint a sign
So you'll always know
As long as one and one is two
There could never be a father who loved his daughter more than I love you
-Paul Simon
Namiss ko etong kwarto ko! Katatapos ko lang maligo at pababa na sana ako para kumain ng breakfast ng tumunog yung cellphone ko.
"Hello…"
Napangiti ako ng marinig kung sino yung nasa kabilang linya. Matagal ko ng hihintay na tumawag siya. Nakaramdam ako ng sobrang excitement!