webnovel

Skill Stealer

Aki_Auth · 都市
レビュー数が足りません
2 Chs

Chapter 1

"Hmmm tatlong 100 pesos, dalawang 200 pesos"

Tiningnan nito ang naritirang 700 pesos sa kaniyang pitaka.

"Takte! Kulang na kulang ang kinikita ko sa pagiging ice maker"

Matapos nito, siya ay nag patuloy sa pag lakad lakad sa kalsada. May nakita siyang wanted poster.

Wanted

Bounty Hunter

Requirements

Ability: Must be an Hunting Type or much more suitable Ability

Grade  C+ and Above

Send your info in xxxxx@gmail.com

'Bounty Hunter ah? Kikita ba ako ng malaki rito?'

Nag hugis peso sign ang mata nito sabay agad na nilabas ang kaniyang flip phone at sinend na ang kaniyang personal info sa nasabing email.

'Sana matanggap ako!'

Iyan lamang ang iniisip nito at nag patuloy na para pumasok sa eskwelahan.

...

Sa loob ng silid aralan sa may sulok nag uusap ang tatlong mag kakaibigan.

"Uy Kris, san mo balak pumasok? Sa Industrial College o sa University of Specials?" sambit ng binatang may itim na buhok at brown na mga mata na may batuk sa baba kaliwang mata nito.

"Baka hindi ako mag college, wala akong pera, Ryle" sagot ni Kris, isang magandang babae na may maikling buhok, kapansin pasin ang kanang mata nito na tila gaya sa pusa, Itim at dilaw ang kulay nito.

"Ako rin baka hindi na ako mag aral! Baka maging bounty hunter nalang ako" singit nito

"Baliw ka ba?, Marvin!" sabay na sagot ni Kris at Ryle, kitang kita sa kanilang mga mukha ang pag kagulat.

"Hehe" napakatamot ulo nalang si Marvin ng sigawan siya ng dalawang kaibigan.

Hindi niya alam kung anong sasabihin kaya naman natahamik ang paligid.

"Hays" Buntong hininga ni Kris sabay sabi "Alam mo naman na hindi mo pa napapalabas 'yang ability mo, tsaka marvin..."

Hindi na natapos ni Kris ang kaniyang sasabihin. Bigla nalamang umalog ang kanilang building. Kasunod ng mga pagsabog, napahawak nalang sila sa kanilang mga upuan, ang mga estudyanteng walang ability ay sabay na nag sigawan, ang iba naman ay dali daling nag unahan palabas ng silid aralan, ang iba ay nadapa at natapakan ng kanilang mga kaklase.

Ang mga may ability naman ay mahinahon lang na nag duck, cover and hold at pag tapos ng pag yanig ay inativate nila ang kanilang mga ability at umalis kaagad sa building

Sina Ryle at Kris ay sinubukan sumilip sa bintana, nakita nila ang sobrang itim na langit kasabay ng mga bahay na nasusunog.

"Andyan na sila"  sabi ng babaeng mahaba ang buhok at may magandang mukha, nakatayo ito sa kanilang.

"C-class President?" Pautal utal si Ryle dahil sa takot.

Ang class president na ito ay inactivate ang kapanyarihan niya, kaya niyang makita ng malayuan ang mga bagay sa layo na 1 kilometer at tatagal lamang ito ng isang minuto.

"C-class Pres!, Ang mata mo!" Bigla nalang lumuluha ng dugo ang mata nito dahil sa over usage ng kapangyarihan niya dahil rito nag tamo siya ng back fire.

Nag katinginan sina Kris at Ryle, para bang alam na nilang dalawa ang gagawin.

"Sa Court!" Sigaw ni Ryle. Tumango naman si Kris at mabilis na kumilos.

Biglang nag transform ang mga kamay at binti ni Kris gaya ng sa isang tigre.

Mabilis niyang binitbit si marvin na nakatago sa ilalim ng upuan gamit ang kaniyang kaliwang braso at ang class president naman sa kanan.

Mabilis na lumabas ng silid aralan si Kris at tumalon ito mula sa 3rd floor.

"Ahh!!!!" Sigaw ni Marvin na putlang putla.

Ang class president naman ay nawalan ng malay dahil sa ginawang pag talon ni Kris.

Ang pinag bagsakan ni Kris ay nag iwan ng mga sira sa lapag.

Ang kaniyang kanang mata ay bigla nalang nag simulang manlabo, senyas ito na malapit na matapos ang kaniyang transformation.

Napaubo ng dugo si Kris dahil pinilit niya na mas mapatagal pa ang kaniyang transformation, dahil rito mas lumaki pa ang kaniyang braso at binti ng tigre.

Si Ryle naman na naiwan ay may Ancestor Spirit Type Ability, inactivate niya ito sa pamamagitan ng pag papailaw sa kaniyang batuk ,mabilis siyang nag labas ng Battle Spirit habang naka activate ito, ang blessing ng kaniyang spirit ay mapupunta sa kaniya ng ilang porsyento lamang, sa kasalukuyang lakas ni Ryle, 5% lamang ang kaya niyang gamiting lakas sa kaniyang battle spirit dahil hindi parin ito nag papakita ng buo.

Sa likuran ni Ryle ay may malabong imahe ng isang spirit na may hawak na espada. Mabilis niyang binuhat ang mga naiwang kaklase na natapaktapakan kanina at nahimatay.

Binuhat niya ang sampung mga kaklase palabas sa silid aralan at inihagis sila pababa.

Sa isang iglap nasa baba na agad si Ryle at may sinasambit na orasyon!

"O Bathala, dingin mo ang aking kahilingan!"

Ang mabilis na pag bagsak ng mga estudyante ay bigla nalang huminto at tila may kamay na nag lapag sa kanila sa lupa ng walang natamong galos.

At sabay sabay uli silang binuhat ni Ryle, ang batuk sa kaniyang kaliwang mata ay naging kulay pula.

"Shit, isang minuto nalang"

Mas binilisan pa nito ang pag punta sa court.

...

[Court]

Ang mga Faculty teachers ay nag simulang mag lagay ng pentagon barrier sa covered court na ito, may limang faculty teacher nakapalibot sa covered court para makagawa ng isang malaking star na may limang sulok, ito ang kailangan para mapanatili ang pentagon barrier.

Halos lahat ng mga estudyante ay nasa loob.

Ang mga estudyanteng napinsala ng backfire at mga nainjured dahil sa panic ay ginamot ng Clinic Head, isang Healer Type Ability, kaya niyang mag cast ng AoE (Area of Effect) na Heal.

At matapos lamang ang limang segundo nawala na ang mga pinsalang natamo ng mga estudyante.

Kasama narin rito sina Kris, Class Pres at Ryle, pati narin ang mga kanilang binitbit.

Si Marvin naman ay napahanga sa kaniyang mga kaibigan.

"Ang galing galing niyo talaga!" kitang kita ang masaya nitong ngiti habang pabalik balik na tinatapik sa likod ang dalawang kaibigan, pati narin si class pres.

"Sana all, mayroong ability" biglang nawala saglit ang ngiti sa mukha ni Marvin, ngunit inisip nalang nito na baka hindi pa ngayon ang tamang panahon.

"Jin!" Tawag ng isang teacher na nakasalim.

"Yes Sir!" Bigla nalang napatayo si Class Pres.

"Nakita mo ba?" tanong ng guro.

Tumango naman ang Class President na si Jin. Nagulat ang Teacher na ito, lumingon siya patalikod upang sensyahan ang Principal.

Matapos nito ay tinginan niya muli si Jin, kitang kita ang pag kaseryoso ng mukha nito kaya naman nalaman agad ni Jin ang gusto nitong ipahiwatig.

"ingggg!!! Attention!"

(Tunog ng mic)

Lahat ng estudyante ay nabaling ang atensyon sa may stage sa harap ng covered court.

"Ang Bo City ay kasalukuyang inaatake ng mga Monster! Ang City Hunters ay kasalukuyang nilalabanan ang mga monster sa oras na ito!" ang boses na iyon ay walang dudang galing kay Jin! Ang Class President na may Clairvoyance Type Ability.

"Ang communication signal ay naputol dahil sa hindi alam na dahilan! Ang school ngayon ay walang ibang mapag kukunan ng impormasyon tungkol sa kasalukuyang nangyayari!"

Nag bulong bulungan ang mga estudyante, ang iba ay sinubukang i-access ang internet, tawagan ang kanilang mga pamilya, ngunit wala ni isang magawang maka access.

Nanlumo ang mga itsura ng nga ito kasabay ng pag sigaw ng iilan na 'Paano na!'

"Huwag tayong matakot! Mag tiwala tayo sa mga City Hunter, at alam ko na darating din ang ibang City Hunter mula sa ibang panig ng Pilipinas para tumulong!"

"Oo nga! City Hunter ang tatay ko kaya naman alam kong malakas sila!" Sigaw ng isang estudyante mula sa madla.

"Oo nga!" dagdag pa ng iilan.

"Ehem... Magandang Hapon"

Nagulat ang lahat, bihira lang nila marinig na mag salita ang matandang principal ng kanilang school.

"Alam kong hindi ko na panahon pero, ito lang ang gusto kong malaman ninyo, kayo ang pag asa ng bayan!, ito na ang huli kong regalo!"

Sa may stage, nag sisi iyakan ang mga faculty teacher pati narin ang class president ng ibat ibang section na tinulungan ng principal, alam nila na hindi na dapat gamitin pa ng principal ang kaniyang ability, dahil ang kapalit nito ay ang kaniyang natitirang life span, at pag ginamit niya pa ito, kamatayan, na ang kasunod.

Bigla naman nag karoon ng maliit na tila anghel na may matatabang mga pisnge.

Ang bawat estudyanteng may ability ay may dumapong isang anghel sa kanilang mga kamay, at ang mga walang ability naman ay dalawang anghel ang dumapo sa kanila.

Matapos iyon ay unti unti ng nag si iyakan ang mga estudyante, pati narin ang mga anghel na galing sa ability ng principal.

Ang buong Bo City ay nakadama ng isang malungkot na atmosphere

At maya maya pa at nag simula ng umulan.

Ang ulan na ito ay may maliit na healing power, at kaya rin nitong mapatay ang mga lower ranked monster at mga minions.

Ang mga City Hunter ay nag karoon ng panandaliang lakas dahil sa ulan na ito, ang iba sa kanila ay umiiyak habang nakikipag laban.

Alam nila na isa sa guardian  ng Bo City ang namatay.

"Master Hunter!"

"Oo alam ko, nag sisimula na ang propesiya!"

"Mag pakatatag kayo! Malapit na dumating ang mga reinforcement!"

(Author's Note:

Kung nagustuhan niyo 'tong kwento!

'Wag niyong kalimutang mag comment at mag bigay ng soul stone!!

Mas marami mas gaganahan ako hehehe! Salamat!)