webnovel

Chapter 38

"Salamat, manong," sabi ko nang pumarada ang sasakyan sa labas ng gate nila Atifa.

"Mag-ingat ka, hija. Text mo nalang ako kung magpapasundo ka."

"Sige po. Walang problema." Ngumiti ako sa kanya.

Lumabas na ako ng sasakyan. Hinintay ko pa ang pag-alis ni manong bago ko tinext si Atifa na nasa labas na ako ng bahay nila.

When I already sent my message to her, bigla namang bumungad sa akin ang mensahe ni Moffet. Kinabahan ako bigla. 'Di ko pa naman nabubuksan ang mensahe niya mula kahapon.

Moffet:

It's fine, Luca. Musta?

Last week pa ang message na 'to. Ang huli kong sagot bago 'to ay 'yong nagsorry ako dahil nakatulugan ko siya nang gabing iyon.

Ximi told me you're going to Bukidnon with him?

Take care, Luca. :)

Baka busy ka lang kasi 'di ka sumasagot. ;(

Naiwan mo pala ang phone mo. Sorry 'di ko alam. Hehe.

Good afternoon ;)

Goodevening ;)

Goodmorning, Luca! Kahit 'di mo nababasa 'to, goodmorning pa rin. ;)

I miss you, Luca. ;(

Ang dami pa niyang sinisend na message sa loob ng isang linggo. Ang nakakapagtaka lang ay bakit parang nabasa ko na 'to? Ang pagkakaalam ko ay 'di ko pa 'to ginagalaw lalo na kung 'di kailangan.

I sighed and typed my reply. Kailangan kong bumawi kay Moffet. I think he was waiting for my reply.

Ako:

Goodmorning! Sorry talaga kasi 'di ako nakakapagreply. 'Di ko alam na 'di ko pala nadala ang cp. Babawi ako promise. ;)

Saktong pag-send ko ay may gumulat sa 'kin mula sa likod. Muntik ko pang mahulog ang cellphone. I glared at Atifa who was grinning at me.

"Sorry," she grinned, giving me a peace sign.

"'Di ka nakakatuwa, buntis, ha?" Inirapan ko siya. Binalik ko sa bulsa ang cellphone ko.

Suot ko'y aqua strappy v neck top, white jeans and beige snickers. Komportable ako sa suot kong 'to. While Atifa was wearing a floral pink dress. Medyo halata na talaga ang umbok sa kanyang tiyan.

"You're texting Moffet?" She asked. Parang nagulat siya na nagtetext kami ni Moffet.

"We're friends. Anong masama roon?" Depensa ko.

"Sabi kasi ni Morthena na crush mo siya noon pa. May namamagitan na ba sa inyo?"

"What?" Pinagsalubungan ko siya ng kilay. "Paano naman pumasok sa isip mo na may namamagitan sa 'min ni Moffet?"

"Crush ka kasi ni Moffet dati pa. Manhid ka rin, ano?" She scoffed.

"Alam ko 'yon. Sabi niya sa 'kin na crush niya ako. But it doesn't mean may namamagitan na sa 'min sa lagay na 'yon."

Moffet didn't lable us beyond friendship. I guessed crush niya lang ako at crush ko rin siya. Nothing else. 'Di naman porket crush namin ang isa't isa ay gusto na ang ibig sabihin doon. 'Di ba puwedeng we just liked each other's features and nothing else?

"Hmm," siningkitan niya ako ng kilay. "Sure ka bang 'di mo siya gusto?"

"Oo nga!" Inirapan ko siya samantalang tumawa siya nang malakas. Kung 'di lang 'to buntis, baka tinulak ko na 'to. Kairita ang ugali.

"Sorry na!" Tawang tawa niyang sabi. "E kasi naman wala kang alam dito."

"So you think you know everything dahil buntis ka na ngayon?" Sarkastiko kong sabi. Sumama naman ang tingin niya sa akin. "Crush ko lang siya. Baka nga ngayon 'di na, e."

"Kasi gusto mo na si Ximi?" Agap niya. I abruptly knotted my brows in confusion. Paano napunta kay Ximi ang usapan? "You went to Bukidnon with him, right? Imposibleng walang nadevelop na feelings, Luca. Meron at meron talaga 'yan. Lalo na't magaling 'yan mambola si Ximi."

I looked away and pondered. Maging siya ay sinasabing manloloko si Ximi. How true was that? At paano niya nasabi iyon?

"Tara na sa loob, Luca. Kung ano man 'yang nararamdaman mo para kay Ximi, good luck nalang. I actually don't like him for you." She faked a smile and whirled around. Iniwan niya akong tulala sa kawalan.

Bakit halos lahat sila ay sinasabing ayaw nila kay Ximi para sa 'kin? Ano ba talaga ang totoong kwento? Dapat ba akong mabahala? Bakit iba ang sinasabi nila sa pinapakita niyang galaw sa 'kin? Ganoon na ba talaga ako ka-bobo pagdating sa pag-ibig?

I shook my head off at napagdesisyunang pumasok na sa loob. Bakit ako maniniwala sa kanila? Kung totoo man ang sinasabi nilang manloloko si Ximi, I needed a proof. Gusto ko ako mismo ang makakapagsabi na ganoon nga siya.

Nang dumating ako sa loob ng bahay ay umupo muna ako sa puti nilang sofa. Kapansin-pansin ang malinis nilang bahay at masasabi kong mayaman talaga sila. Ang mga gamit ay makikintab na mukhang laging bago. Talagang alagang alaga ito.

"'Di ba nga sa Siargao ang wedding?" Panimula ng buntis. Nakaupo siya sa tapat ko. May kung anong hinahalungkat. Ako yata 'yong nag-aalala sa lagay ng baby niya.

"Beach wedding," sabi ko sabay tango. "Bakit naman ito ang naisipan mong kasal?"

"I want new, Luca. Sila Lolo at Lola kasi sa simbahan. Si Mama at Papa, civil. Kaya gusto ko beach naman 'yong akin."

"Oh," tumaas ang isa kong kilay. "May taste ka rin pala. Akala ko wala."

"Ang sama mo naman sa 'kin." Bumusangot siya na parang bata. "Parang 'di tayo mag-pinsan, ah?"

"Eh?" Humalakhak ako. Parang batang inagawan ng kendi ang mukha ni Atifa ngayon. "'Di naman tayo buong magpinsan. 'Wag kang mag-inarte diyan." Pang-iinis ko. Para talaga siyang iiyak.

I was just joking, but it was half truth. Ang gulo kasi ng lahi namin. Nakakalito. Basta ay buong pinsan ang tingin ko sa kanila kahit magkakamag-anak lang talaga kami. Isa pa, 'di naman importante sa akin kung pinsan ko ba sila o hindi. Pamilya ang tingin ko sila at 'yon ang mahalaga para sa 'kin.

"Hoy, joke lang!" Sabi ko nang namula ang mata niya. Umirap naman siya kaya natawa ulit ako. Cute talaga magsungit ang mga buntis.

Tumayo ako at tumabi sa kanya. I hugged her side at pinatahan siya.

"Mahal naman kita, Atifa." Pampalubag loob ko sa kanya. "Pinsan pa rin ang turing ko sa'yo. At wala naman 'yan sa title para masasabi mong pamilya mo ang isang tao. Nasa puso 'yan." Tinignan ko siya ng diretso. Namumula ang ilong at mata. "Tahan na, Tifaklong. Lagot ako sa bebe mo kapag naabutan ka niyang umiiyak."

"Che!" Kumalas siya sa 'kin. Kung 'di lang buntis 'to, naku naku.

"Joke lang. Labyu." Ngumisi ako sa kanya. Umirap naman siya. "Saan na ulit tayo?"

Suminghap siya at nagpunas ng mata. Naawa ako sa lagay niya pero ang cute niya talaga kasing inisin.

"Sorry na. Babawi ako."

"Bumawi ka kay Moffet. Pinapaantay mo ng isang linggo." Mariin niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko.

'Di kaagad ako nakasagot. Bumalik muna ako sa upuan ko kanina.

"Saan ba siya ngayon?" I asked. I checked my phone at walang reply muna sa kanya. Na-guilty tuloy ako bigla.

"Abala pala 'yon ngayon. Ang alam ko may laban siya ngayon, e."

"Laban for what?" Takha kong tanong. 'Di naman siguro basagulero ang lalaking 'yon?

"Duh," she rolled her eyes in disgust. "FYI, racer kaya si Moffet. 'Di ka kasi nanonood ng tv."

"Eh?" Hinanap ko ang remote control nila. Balak ko sanang mapanood si Moffet na nakikipag-karera. "Anong channel?"

"'Wag ka na manood kung sa tv lang din naman. Dapat kasi nandoon ka mismo sa venue ng laban." Pagsusungit niya. Ayan, nagmomood swing ang buntis.

"Okay," tanging sabi ko. Umirap naman siya.

Pinagpatuloy na namin ang pagpaplano ng magiging kasal niya. She wanted it simple dahil iyon ang gusto ni Tam. Pumayag umano na beach wedding basta ay simple. Bakit naman kaya ganoon gayong isa sa pinakamagandang araw na meron sila ay sa araw ng kasal? Anyway, desisyon nila iyon. Wala ako sa lugar para manghimasok.

I did the wedding invitation, so as the designs needed doon mismo sa kasal. May mahabang red carpet para roon sila maglalakad papuntang altar. Ang iba namang disensyo tulad ng gagamiting bulaklak, gusto niya totoo. Gusto niya may gumamela. Naalala ko bigla si Elliana na nasa painting. May red gumamela sa tainga.

Wala naman palang dapat na ikaselos o ikainggit. Elliana was far different from me. And I didn't need to compare myself to her. 'Di ko kailangang gawin 'yong mga bagay na ginawa niya para magustuhan ako ni Ximi. I just have to be myself.

"So, seryoso ka na talaga rito, Atifa?" I asked her nang halos makompleto na namin ang mga gamit.

"What do you mean?" She asked back. She tied her hair in a bun. Mayroon na ring panyo sa kanyang likod.

"Isn't it scary to settle down?"

I was just thinking what could be the consequences sa lahat ng naging desisyon nila. Paano kung pagsisisihan nila ito? What if isang araw, maisip na lamang nila na 'di dapat ganito o ganyan ang desisyon para 'di humantong sa ganito?

"It would be scarier to let go the person you love the most, Luca." Seryoso niyang sagot. "Sa ngalan ng pag-ibig, kailangan mong sumugal kahit walang kasiguraduhan. You will never know how much a person means to you kung 'di mo susubukan. Love is sweeter with sacrifices. And at the end of the day, it's worth the bruises... it's worth fighting for."

Napatulala ako sa litanya niya. Ang lalim ng pinaghuhugutan. Feeling ko ang dami nilang pinagdaanan para lang humantong sa ganitong kasal. 'Di ko naman alam ang istorya nilang dalawa. In fact, ngayon ko lang nakilala si Tam. 'Di naman kasi ako tumitingin sa iba. Puwera nalang kung si Moffet iyon.

"Sundin mo lang kung anong sinisigaw ng puso mo, Luca. Kung ano man ang sinasabi nila laban sa 'yo o sa inyo, o sa kanya, ang mahalaga ay mahal mo siya. But make sure he feels the same way, too. Mahirap lumaban mag-isa. Mahirap sumugal kung alam mong wala ka pang ginagawa ay talo ka na."

Tango at pilit na ngiti ang itinugon ko. Somehow nabuhayan ako ng loob. Ang kailangan ko lang malaman ay kung mahal ko na nga ba si Ximi. Kasi kung totoohanan na 'to, gusto kong sumugal. Gusto kong tumaya basta siya ang mapapanalunan ko. Dahil naniniwala akong basta siya, everything is worth trying.

Matapos ang usapan namin ay nagpasundo na ako kay Manong Teodoro. Bukas ay magsisimula na ako sa trabaho. Magpapatulong ako kina Herana at Morthena sa pagbili ng mga gamit, maliban kung mga bulaklak ito. Siguro sa araw ng kasal o before na kami bibili roon sa Dangwa.

"Kumusta naman ang naging usapan niyo, ma'am?" Manong Teodoro asked. Matulin siyang nagmamaneho.

"Ayos naman po." Sagot ko. Nakaupo ako sa likod. "Bukas, magpapasama ako kina Morthena at Herana sa pagbili ng mga kailangang gamit."

"Ihahatid ko pa ba kayo?"

"Hindi na po. May sasakyan si Morthena. Siya na po siguro ang magmamaneho."

Para sa 'kin, swerte ng mga taong marunong magmaneho. Makakapunta ka kahit saan mo gusto as long as you have the car. Ako kasi ay 'di nagkaroon ng oras para matuto sa ganyang bagay. I was busy with myself. Tanging nasa isip ko lang noon ay paano mabuhay nang 'di umaasa sa iba.

"Sige, hija. Basta mag-ingat kayo."

"Opo," ngumiti ako kahit 'di niya kita iyon.

Pagkagarahe ng sasakyan ay lumabas na ako. Habang naglalakad ako papasok ng bahay ay inusisa ko ang cellphone ko kung may reply ba ni Moffet. Napangiti kaagad ako nang 'di ako nabigo. Huminto ako sa paglalakad at binasa kaagad ang reply niya

Moffet:

Goodmorning! It's okay, Luca. Don't worry. Abala naman ako sa laban ko.

Napaisip ako. Totoo pala talaga na may laban si Moffet ngayon. Sana ay manalo siya.

Nagtipa ako ng reply.

Ako:

Good luck! Wish to watch your game but I'm busy. Bawi ako next time. My treat ;)

Pagkasend ko ng mensaheng iyon ay tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay. I was happy. Nakakatuwa si Moffet. Feeling ko tuloy ay sobrang bait niya. 'Di naman siguro 'to naaabuso?

"La!" Bati ko sa matandang nakaupo sa sofa. Ngumiti siya nang bumaling sa akin.

"Kumusta ang lakad mo?" She asked between her bright smile.

"It's fine, la." I kissed her left cheek. "Atifa's having her daydream. Almost siya ang nag-design ng kasal niya. 'Yong sa lugar mismo. She wants to have a petals sa lalakaran niya. Is it okay to have a red carpet, la?"

Naisip ko rin na bakit may red carpet pa? Dahil ba buhangin ang lalakaran? 'Di ba mas maganda iyon tapos naka-paa at suot niya'y mahabang dress na puti at may flower crown?

"Anong klaseng kasal ba 'yan, apo?" She asked back rather than giving me answers.

"Beach wedding, la. 'Di ba mas maganda kung naka-paa lang siya while walking down the aisle? Tapos may mga bulaklak sa dinadaanan niya?"

"E ano ba ang napag-usapan niyo? Kung 'yon ang gusto niya, pagbigyan nalang."

Napabuntong hininga ako. Mali ang ginawa ko. Dapat nags-suggest ako tutal ako naman ang mag-aayos. Isa pa, para kasing walang art ang babae. 'Di ko talaga pinsan 'yon.

"Or you better talk to her again and clarify things out." She added. Tumango naman ako. Tama si lola. "It's always good to discuss things to know both sides. Kung iyon talaga ang gusto niya na may red carpet, hayaan nalang natin. We'll spoil her."

"Spoiled na bata 'yon, La." Untag ko. "Ni wala ngang magagawa sila tita at tito pagdating sa kanya."

"Oo, apo. Basta ay pag-usapan niyo na muna ulit para maging maayos ang lahat. Baka todo effort kayo para sa wala."

"Thanks, la." I smiled at her. "Si Lolo Pocholo pala nasaan?"

"Nasa kwarto niya. Nandoon din si Ximi."

"Eh? Bakit?"

"May pinag-usapan lang, apo. 'Wag mo ng intindihin ang dalawang 'yon. May sarili silang mundo."

"Okay, la. Akyat lang ako para makapagbihis."

"Sige." She smiled. I kissed her cheek once again and left.

Pag-akyat ko sa taas ay sakto namang lumabas si Ximi mula sa kwarto ng matatanda. He looked astonished to see me. He scanned my whole body in furrowed brows.

"Where have you been?" He asked. Dinalaw kaagad ako ng kaba nang humakbang siya palapit sa 'kin. Seeing him with boxer short at manipis na puting damit ay nakakawindang ng kaluluwa. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon ang suot sa baba.

"Galing ako kay Atifa. Bakit?" Kaswal kong sagot. Dapat 'di niya malaman na umabot na sa lalamunan ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Alone? You should have told me para nahatid at nasundo kita."

"It's fine, really. Nandyan naman si manong." Tipid akong ngumiti.

Nanatili sa akin ang mapanuri niyang mata. Para bang nagbabanta iyon.

"Ikaw? Wala ka bang lakad?" I changed the topic. Nakakakaba talaga ang presensya niya. Sa tuwing nakikita ko siya, nanlalanta ang tuhod ko.

"Later."

"Saan?"

"In my apartment."

"Puwedeng sumama?" Nahiya ako sa tanong na 'yon. Uminit ang pisngi ko kaya naglihis ako ng tingin. Para kasing iba ang pinapahiwatig ko sa tanong na 'yon.

Hindi siya umimik kaya tinignan ko ulit siya nang diretso. He was looking at me intently. Mukhang may nasabi akong mali.

Hinawakan ko ang knob ng kwarto ko. I was ready to leave.

"Pero kung ayaw mo-"

"Four o'clock." He cut me off. Tumango ako at pilit na ngumiti sa kanya.

"Okay." I said and got inside my room. I locked the door as I leaned on it. Napahawak ako nang mahigpit sa dibdib. Sasabog na yata ang puso ko. 'Wag naman sana.