webnovel

Chapter 17

"Tapos?" Nakangising tanong ni Herana, mukhang interesado sa magiging sagot ko.

Dahil wala akong trabaho ngayon ay nakipagkita ako kay Herana. Tumambay ako sa kanyang bahay para makapagbonding naman kami kahit papaano. At 'yon nga, kinuwento ko sa kanya ang nangyari kagabi, or let's say kaninang madaling araw.

Moffet took me home after naming kumain. Kagaya ng eksena, nakayakap lang ako sa kanya. It was a perfect moment. Feeling ko nga hanggang ngayon nakadikit pa rin sa akin ang amoy niya.

"Siyempre wala na." Umirap ako.

"Hala! Anong wala na? 'Di ka man lang ba hinagkan?"

"Baliw ka talaga!" Tumawa lang siya sa reaksyon ko.

"Alam mo, sa mga palabas na napapanood ko, may kiss talaga sa cheeks 'yan."

"Tss," ngumiwi ako. "Kaya ka nasasaktan kasi nag-aassume ka. Sapat na sa'kin na hinatid niya ako pauwi, 'no."

"Aba mabuti nalang talaga! Kung may masamang nangyari sa'yo, malamang papatayin ko 'yang si Maximilian!"

"Bunganga mo, Herana." Saway ko kaagad.

Sinabi ko sa kanya na dapat si Ximi ang maghahatid sa akin pauwi pero dahil inuwi niya muna si Pat, naiwan akong mag-isa.

"I hate him so much," she cringed and crossed her arms in disgust. "You better stay away from her, Luca. That man has nothing to do but to ruin your life. Irresponsable!"

"Relax ka lang," natawa ako sa pag-aalburoto niya. Mas affected kesa sa akin.

"Anong relax ka lang? 'Di makatarungan 'yong ginawa niya, 'no! Puwede bang hayaan ka lang niya?"

Tumawa nalang ako at umiling. "He told me I should text him kapag uuwi na ako."

"Kahit na!" Agap niya. Ayaw tumanggap ng paliwanag. "Gawain ba 'yon ng matinong lalaki?"

Bakit ba galit na galit 'tong babaeng 'to kay Ximi? Wala naman siguro silang nakaraan, kagaya ng nagkaroon ng galit sa isa't isa?

"Saka, sinunod mo ba siya?" Pahabol niya. Marahang iling naman ang sinagot ko. "Good! Mabuti nalang talaga at wala ka ng koneksyon sa kanya. 'Di 'yan mapagkakatiwalaan. Mabuti nalang talaga nandyan si Moffet. Kung 'di kayo magkakilala, baka 'di ka talaga makakauwi."

'Di na ako sumagot. Mahirap makipagtalo kay Herana. Laging tama ang nasa isip. Or let's say, siya lagi ang tama sa isang pagtatalo.

Maghapon ako sa bahay ni Herana. Nakapagpaalam naman ako kay Lola Rita at Lolo Pocholo na dumito muna ako. Mabuti naman at pumayag ang matatanda.

"So, anong plano mo ba?" Tanong bigla ni Herana.

Kasalukuyan kaming nagbi-bake ng caramel cake. Nakasanayan na namin ito sa tuwing tumatambay kami rito sa bahay niya.

"Para saan?" Tanong ko pabalik.

Tuloy pa rin naman ang trabaho ko. Kung may kliyente ulit kami, saka lang ako maging abala ulit. Ganoon lang ang daloy ng buhay ko. Walang interesting plot.

"Ewan," kibit balikat niya. Tumungo siya sa sink para maghugas ng kamay. "'Di ba ikaw ang mag-aayos ng kasal ni Atifa?"

Natigil ako sa ginagawa ko. Ngayon ko lang ulit naalala ang tungkol sa kasal ni Atifa. Mukha namang 'di abala ang pinsan ko roon. Para ngang walang ganap.

"Nai-move 'yon, eh." Sabi ko at nagpatuloy sa paghalo ng mga sangkap. "'Di na rin naman nangungulit sa'kin si Morthena."

"'Di kaya nagkaaberya?" Bigla niyang konklusyon. Hinarap ko naman siya.

"Ano naman 'yon?"

Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Una siyang nag-iwas ng tingin nang umiling siya.

"Wala naman. Baka lang. O baka nga ibang organizer ang kinuha nila?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Maaaring ibang wedding organizer ang kinuha nila.

"Pero sabi May pa naman ang kasal." Dagdag niya.

"Oo. Si Lola Rita ata nagsabi sa'kin niyan. Ewan lang." I shrugged.

'Di na namin pinag-usapan ulit 'yon dahil nakakagulo lang ng isip. Kung tuloy man ang kasal, edi masaya 'yon. Pero kung 'di, baka 'di sila ang para sa isa't isa.

"Ang sarap pa rin ng caramel cake mo!" Natutuwa kong puri sa cake.

Pagkatapos naming palamigin ang ginawang caramel cake ay sinunggaban kaagad namin iyon. We both love caramel kaya siguro nagkakasundo kami pagdating sa ganito.

"Che!" Umirap siya. Ngumuso naman ako. "Ikaw kasi, puro trabaho inaatupag mo. 'Di ka na bumibista rito."

"Alam mo namang 'di madali ang maging event organizer, Herana." Paliwanag ko.

Namiss ko ang ganitong bonding naming dalawa. Noong wala pa akong trabaho, halos araw araw ako rito. Okay naman iyon sa pamilya niya.

"Alam ko naman 'yon, Luca." She reprimanded. "Pero kasi, 'di dapat sa trabaho lang umiikot ang mundo mo. Try mong magpakasaya. Life's too short, my god!"

"Eh, bakit ikaw ba walang pinagkakaabalahan?"

Dahil nga bilang nalang ang mga araw na nagkakasama at nagkakausap kami, 'di na kami updated sa isa't isa. Kaya naman nilulubos ko na habang magkasama kami ngayon.

"Meron. Pero siyempre 'di naman puwedeng hanggang doon lang ang buhay ko. Dalaga pa naman ako. Need ko mag-enjoy bago maitali."

"Sus,"

"Bakit? Wala namang masama sa sinabi ko, Luca."

"Kung ikaw magkakaasawa pa, goodluck nalang talaga."

"Grabe ka naman magsalita!" Pinagsalubungan niya ako ng kilay. "Para namang ang sama sama kong tao!"

"Hindi," agap ko. "Siyempre kung ang tingin mo sa mundo ay isang malaking playground, hihingalin kahahabol sa'yo 'yong taong pakakasalan mo. Sige nga ikaw maghabol."

"Been there, Luca." Kaagad niyang sagot. "... kaya nga ngayon gusto ko nalang mag-enjoy."

"Okay," kibit balikat ko. Ano bang magagawa ko kung 'yon ang gusto niyang gawin sa buhay?

Pagpatak ng alas sais nang gabi ay nagpaalam na akong umuwi sa amin. Hanggang alas sais lang ang pagpaalam ko kaya kailangan ko ng umuwi bago pa mag-alala sa akin ang matatanda.

"Balik ka ulit sa bahay ha? Bond ulit us!" Ngumisi siya nang malawak.

Nasa labas na kami ng bahay nila lola at lolo. Hinatid niya ako pauwi gamit ang sasakyan nila.

"Sige ba!" Niyakap ko siya nang mahigpit. Ilang segundo iyon nagtagal saka ako kumalas mula sa kanya. "Kapag 'di ulit ako busy."

"Hay naku," umirap siya. Tumawa naman ako. Ang sarap niya talagang inisin.

"Sige na. Baka hinahanap ka na sa bahay niyo." Ngumiti ako.

"Okay." Ngumiti rin siya pabalik.

"Ingat kayo, ha?"

"Okay." Nagthumbs up siya.

Pumasok na siya sa loob ng sasakyan, sa likod. Binaba niya ang salamin at kumaway muli sa akin. Kumaway din ako pabalik. Mamimiss ko ang pagmumukha niya.

Nang tuluyan nang umalis ang kanilang sasakyan ay napabuntong hininga ako. Wala ng maingay na babae.

Ilang segundo ang lumipas ay napagdesisyunan kong pumasok na sa loob. Nararamdaman ko na ang mga lamok na gusto akong kagatin. Hanggang tuhod pa naman ang suot kong pambaba at pale gray shirt naman sa taas. Nakasisiguro akong pinagpipyestahan na ako ng mga insekto.

Pagkapasok ko sa loob ay may naamoy akong pamilyar na pabango. Sumingkit ang mata ko. Kung 'di ako nagkakamali, kay Ximi iyon.

"I'm home." Sabi ko sa kawalan. May nagpakita naman sa akin na isang kasambahay, si Manang Isabela. "Sina lola at lolo?"

"Nasa taas, Lulu. Teka, gutom ka na ba? Maghahanda ako ng pagkain."

"'Di na po." Ngumisi ako. "Magpapahinga nalang po ako."

"O, sige. Pero 'di mo ba pupuntahan 'yong dalawang matanda?"

"Ako na po bahala."

"O, sige." Yumuko siya. Ngumiti naman ako bago umalis sa harap niya.

Umakyat ako sa pangalawang palapag at pinuntahan kaagad ang kuwarto ng mag-asawa.

Kumatok ako nang nasa tamang pinto na ako. "La? Lo?"

Pinakiramdaman ko ang ingay sa loob. Mukha namang walang tao.

"La? Lo?" Tawag ko ulit.

"Luca?" May narinig akong boses ng babae.

"Nandito na po ako." Sagot ko. Sinundan iyon ng yabag ng paa sa loob at 'di nagtagal at bumukas ang pinto at iniluwa nito si lola.

"Apo," bati niya.

"La," nagmano ako. "Si lolo po?"

"Nagpapahinga na."

Sumilip ako sa loob. Nakita ko si lolo na natutulog.

"Ah, sige po." I smiled at her. "Sa kuwarto lang ako, la. Magpapahinga na muna ako."

"Sige, apo. Wala ka bang pasok bukas?"

"Wala pa naman po. Saka, oo nga pala. Tuloy pa ba ang kasal ni Atifa?"

Naalala ko bigla ang tungkol sa kasal ni Atifa. Kami kaya ang magiging wedding organizer niya?

"Oo naman, hija." Tumawa siya nang mahina. "Alam mo namang nagmamadaling magpakasal si Tam sa pinsan mo."

"Ah," 'yon lang ang nasabi ko. Tam pala ang pangalan ng magiging asawa ni Atifa. "Sige, la. Kailangan ko pa pala siyang kausapin kasi kinukuha akong wedding organizer niya. Baka kasi biglang nagbago ang isip."

"Don't worry about it. Kilala mo naman ang pinsan mo."

"Okay po." Tipid akong ngumiti sabay tango. "Sige, la. Pasok na ako sa kwarto."

"Sige, apo." Ngumiti siya pero may bahid ng lungkot ang kanyang mata.

Umalis na ako sa harap ni lola. Habang papunta ako sa kwarto ko ay narinig ko ang pagsara ng pinto. Bumalik na sa loob si lola.

Bumaba muna ako para uminom ng tubig. Nadatnan ko sa kusina si Manang Isabela.

"Hi po." Bati ko sa naghihiwang mayordoma.

"O, hija? Matutulog ka na ba?"

"Ah... 'di ko pa po alam. Kakausapin ko pa kasi si Atifa."

"Bakit? Anong meron sa pinsan mo?"

Sa tinagal niya rito, kilala niya halos lahat ng pinsan ko kasi pumupunta ang mga iyon dito noong mga bata pa kami. Kaya 'di na ako magtataka kung kilala niya talaga si Ximi.

"Ikakasal na kasi siya, 'di ba po? Eh, gusto akong kuning organizer or planner ng kasal. Just in case nakapag-hire na siya ng iba."

"Ganun ba? Mas mabuti ngang kausapin mo ang batang 'yon."

"Sige po." Tumango ako saka tumalikod. Aalis na sana ako nang nagpahabol siya ng salita.

"Pakitanong nalang kay Ximi kung kakain pa ba siya, hija."

Napaikot ako ng katawan. So, 'di ako nagkamali na nandito si Ximi? Pabango pa lang niya ay kilala ko na.

"An...dito si Ximi, manang?"

"Oo. Nasa kwarto niya."

"Ah... sige po. Ako bahala."

"Sige. Salamat!" She smiled.

I marched the way to Ximi's room. Nandito lang din sa unang palapag kaya 'di na kailangang umakyat ng hagdan.

Habang palapit ako nang palapit sa kwarto niya ang muli ko na namang naalala na iniwan niya ako sa Tagaytay. Kung puwede ko nga lang sana siyang kulamin dahil sa ginawa niya, ginawa ko na. Mabuti nalang talaga at mabait pa rin naman ako kahit papaano.

I took a deep breath, standing outside his door, before I knocked three times.

"Ximi?" Tawag ko. Inilapit ko ang tainga ko sa pinto para marinig ang ingay sa loob pero nabigo ako. "Maximilian?"

Nandito ba talaga siya o nasa pool? Baka nandoon siya na akala ni Manang Isabela ay nandito?

Hinawakan ko ang knob saka maingat itong pinihit. Dahan dahan kong binuksan nang malawak ang pinto saka ako sumilip.

Nakadim ang light, iyon ang una kong napansin. Binuksan ko nang husto ang pinto saka ako pumasok. I scanned the silent room at huminto ang mata ko sa likod ng isang lalaki.

He was facing to a stand. Maingat ang bawat galaw ng kanyang kamay na tantiya ko'y may hawak na brush.

Is he painting?

Pinanood ko ang bawat stroke na kanyang ginagawa. It was swift and almost a perfect motion. Masasabi kong bihasa ang kanyang kaliwang kamay sa paggamit ng brush.

Bigla siyang lumingon kaya ganoon na lamang ang paglundag ng puso ko. I almost had a heart attack!

"Luca..." he mentioned. By the way he said my name was like praising my soul.

"Ahm," nautal ako. Natupok ang galit ko sa kanya.

Muli niyang itinuon ang kanyang atensyon sa harap niya. Lumapit naman ako para makita kung ano 'yong pinipinta niya.

"T-Tinatanong kasi ni manang kung kakain ka ba." Panimula ko. 'Di ko alam kung bakit ako kinakabahan. Wala namang espesyal kay Ximi.

"What about you?" Tugon niya. He glanced at me before he dipped the brush to the paint.

"I'm still full." Tipid kong sagot.

Sumilip ako sa painting. It was an enchanting place with a chandelier at sa ibaba noon ay dalawang taong sumasayaw ng sweet dance. Nakatingin sila sa isa't isa at kahit pinta lang siya ay kita ko pa rin ang kinang sa mata ng magkaibigan. Nakahawak sa baywang ng babae ang lalaki samantalang sa balikat naman nakahawak ang babae sa lalaki.

"So I am," sagot niya.

Tahimik nang muli ang paligid. Halos marinig ko na ang bawat pintig ng puso ko.

"You didn't reply to me, Luca." Basag niya sa katahimikan. May diin sa boses na nagsasabing dismayado siya sa akin.

"For what?" I replied. "You chose Pat over me."

He darted his eyes on me. Kahit medyo madilim ang kwarto ay alam kong galit ang kanyang mga mata.

"You made me worried sick about you!" He hollered. "I was waiting for your reply the whole time!"

Pinagsalubungan ko siya ng kilay. "Tama ba namang iwan mo ko, Ximi?" Sumiklab ang inis ko sa kanya.

Ako pa ngayon ang may kasalanan? What the heck?!

"And do you think ikaw lang ang naghintay? I waited for you, too!"

Huminga ako nang malalim. Nanginginig ang kamay ko sa biglaang pagtaas ng boses ko. I wasn't ready for this.

"Then why didn't you reply?"

"You should have called me!" I fired back. "Kung 'di lang mabuting tao 'yong kaibigan mo, baka nga 'di na ako makakauwi eh."

Natahimik siya at naglihis ng tingin. Nasaksihan ko ang pagbola ng kanyang kamao.

"Dapat 'di ka nalang nagbitaw ng salita, Ximi." Nanghihina kong sabi. Nakaramdam ako ng pagod sa katawan. I was draining like a cellphone battery. "Edi sana 'di ako umasa. Okay lang naman sa'kin na mas pinili mo si Pat, eh. Naiintindihan ko naman 'yon kasi siyempre dapat nauuna ang mahal mo. Pero paano naman ako? Ganun ganun mo nalang kalimutan o balewalain?"

Lumandas ang luha sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako nang 'di ko namamalayan. Masakit lang sa parte ko na ganoon nga ang nangyari.

He turned to me with his sorrowful eyes. Sumisigaw ito sa pagsisisi.

"Kumain ka na." Walang emosyon kong sabi saka naglihis ng tingin. Umikot ako at humakbang ng palabas. "Ipagpatuloy mo 'yang painting mo. I'm sure magugustuhan 'yan ni Pat. Baka sasagutin ka na niya kapag iregalo mo sa kanya 'yan."

I wiped my tears away and marched the way out from his room. 'Di ko na muling narinig ang boses niya. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya ngayon pero wala na akong pakialaman doon.