webnovel

Kabanata 18

KABANATA 18

-AMANDA-

"AMANDA HERE'S the paper for the insurance company."

"Here's for the approval of the Team A's project."

"Just put it there," nakangiti kong sabi sa kanila.

Ang tagal din kasing nawala ni Mr. Streuss natambak tuloy ang mga papeles na dapat niyang pirmahan. Tapos ko nang i-review ang ilan sa mga ito ngunit narito pa at may dumadagdag.

Kinuha ko ang mga clearbook na patong patong na sa lamesa ko at saka pinagsisisiksik sa bookshelf sa tabi ng lamesa ko. Uunahin ko munang ipapirma ang mga natapos ko nang i-review.

I picked up those first batch of clearbooks and was about to walked towards Mr. Streus's office when someone called my name. Lumingon ako para makita kung sino. Walang iba kung hindi si Charice.

"May kailangan ka Cha?" tanong ko sa kanya.

"Lahat naman nang pumupunta dito sa floor mo may kailangan sa'yo," nakangising pagbibiro niya kaya napa-iling na lang ako.

"Ilapag mo na lang diyan ang files niyo ako na ang bahala paglabas ko sa office," sabi ko sa kanya at ginawa naman niya iyon.

"Pero hindi lang naman ito ang pinunta ko dito," sabi pa niya sabay abot sa akin ng isang kulay puting sobre. "Tutal daw papunta na ako rito, pinasabay na sa akin ng receptionist 'yan," dagdag niya.

Inabot ko naman iyon at binasa ang nakasulat.

5th anniversary of Seis Perfume.

Ito ang isa sa mga kumpanya na may investment si Mr. Streus. Hindi lang naman ang Architectural Firm niya ang negosyong mayroon siya. Kilala rin siya sa pag-iinvest sa mga company. At si Leox ang nag-aasikaso nito dahil siya na ang tinuturing na personal secretary ni Mr. Streus. Ako naman ay para dito sa S.A.F.

"Sige, ibibigay ko ito," wika ko.

"Okay! Mauuna na ako ah. Bye Amanda!" masiglang paalam niya saka tumalikod at umalis.

Hindi ko na hinintay na mawala siya sa paningin ko at tumalikod na rin ako. Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pintuan. Bahagya akong sumilip kung ano ang ginagawa ni Sir at gaya nga nang ginagawa niya ng mga nakaraang araw ay tulala lang siya.

Mahirap talaga kapag hindi kayo pwede ng taong mahal mo. Pero sa una lang iyan. Sa mga susunod na buwan mahahanap mo na rin ang dahilan mo para magpatuloy sa buhay. Naranasan ko na ang maging tulala at tahimik lang sa isang tabi habang iniisip ang mga sana. Pero na-realize ko rin na hindi na maibabalik ang panahon at ang kailangan ko na lang gawin ay ang magpatuloy sa buhay.

"Sir?" pagtatawag pansin ko sa kanya.

I saw him took a deep breathe. Inihilamos niya sa mukha niya ang isang kamay at pinagtagpo ang mga kilay niya. Para bang pinipilit niyang huwag tumulo ang dapat tumulo.

Gusto ko siyang sabihan na masasanay rin siya ngunit hindi ko naman trabaho iyon. Hindi rin naman kami close.

"Come in," pagpapapasok niya sa akin.

Pumasok nga ako at inilapag ang unang folder na bitbit ko. Kaagad niya naman iyong binuklat na tila ba alam na niya ang gagawin.

"JDF Corp. wants the contract as soon as possible, Sir. They also wanted to meet you," pagbibigay karagdagang impormasyon ko tungkol sa pinipirmahan niya.

"Settle it by Tuesday," aniya kaya kaagad ko iyong isinulat sa planner ko.

Ibinigay ko pa ang ilang mga dapat niyang pirmahan at iti-nake down notes ko ang mga dapat tandaan.

"Is there anything left?" he asked as he handed me the last file.

Inabot ko ang file na iyon at saka sinecure sa bisig ko. Binuklat ko ang planner ko at inilapag ang invitation na inabot sa akin ni Charice kanina.

"Here is an invitation for the fifth anniversary of the Seis Perfume, sir," I informed him.

Natulala na siya sa invitation card. Para bang ang lalim na nang iniisip niya.

"This will be held this evening," dagdag ko pa pero hindi pa rin siya sumasagot.

"Do you want to attend, Sir?" I asked again.

Sa pangatlong tanong ko lang siya mukhang natauhan. Umayos siya nang pagkakaupo sa swivel chair niya at saka humarap sa akin.

"Call Leox I will go with him," utos niya.

Bago pa man ako makasagot ng oo sa utos niya ay may bigla na lang na punasok sa sa loob ng office.

"I heard my name."

Mukhang kanina pa siya diyan at hindi namin napansin.

"You're going to accompany me to this event," sagot sa kanya ni Sir sabay hagis ng invitation card.

Sinuri niya muna ang card at saka ibinalik sa lamesa. Ipinatong niya ang siko niya sa lamesa ko at humarap kay Mr. Streus.

"I can't go. I have something to do that I won't be here for two weeks," he declined. "You can go with your secretary, right Amanda?" baling nito sa akin.

"Po?" gulat na gulat na tanong ko.

What the hell does Leox thinking? Hindi pa ako handang bumalik doon!

"Okay. Fix yourself. Let's meet at the airport." Napabaling ako kay Sir Rigel nang marinig ko iyon. Seryoso talagang ako ang kasama?

"Are you sure, Sir?" nag-aalangan ko pang tanong.

"I'll double your overtime shift so hurry!"

"Y-yes sir."

Bakas sa boses ni Sir Rigel ang pagmamadali kaya wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag. Hindi ko naman kailangan ng double pay pero makakatanggi pa ba ako kung ang mismong boss na ang nag-utos?

Lagot talaga sa akin si Leox mamaya.

SINADYA KO talagang hindi muna bumaba kahit oras na ng lunch. Gusto kong makausap si Leox dahil sa ginawa niya. Sa dami naman kasi ng pwedeng isuggest ang pangalan ko pa. Papakiusapan ko siya na siya na lang ang sumama. Hindi naman kasi ako pwede dahil walang kasama si Cyvix sa bahay.

Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina ni Mr. Streus ay kaagad akong tumayo sa kinauupuan ko. Alam kong si Leox na ang lumabas mula sa pintuang iyon. Nakapameywang ko siyang sinalubong. Ngumisi lang siya na agad ko namang pinandilatan ng mata.

"Amanda stop that pose I'm having a boner right now," natatawa niyang pahayag.

Inirapan ko siya at saka inayos ang pagkakatayo. Pilit kong ibinababa ang may kaiksiang pencil skirt ko dahil nahuli kong nakatingin doon si Leox. Alam kong nagbibiro lang siya pero hindi pa rin ito magandang pakinggan. May anak na ako, lalandi pa ba ako?

"Mag-usap nga tayo. 'Yung matino ah," pagbabanta ko sa kanya.

"If it is about that party I can't really go with Rigel," agaran niyang pagtanggi.

"Leox naman. Alam mong ayaw ko munang bumalik ng Pilipinas," pagmamakaawa ko sa kanya.

Napalabi pa ako habang pumapasok ang mga senaryong ayaw kong mangyari.

"Stop pouting Amanda, baka mapapayag ako ng wala sa oras hahaha," biro niya ulit na sinabayan niya ng malakas na tawa.

I just make face him at naupo na ulit sa upuan ko. Wala namang kwentang kausap ito. Hindi naman siya magseseryoso sa buhay niya.

Natigil siya sa pagtawa ngunit hindi ko na siya nilingon. Itinutok ko na lang ang atensyon ko sa mga files sa harapan ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagrereview rito.

"Amanda," he called me out using his serious voice pero hindi ko siya pinansin.

Naiinis ako sa kanya.

"Oh Amanda you still look sexy while frowning," he uttered again as he let out a soft chuckle.

Kaagad ko siyang hinampas bago pa siya makalayo sa akin. He just cut the last string of patience I have for him.

"Hindi ka na nakakatuwa Leox," asar na saway ko sa kanya. Natigil siya sa pagtawa at saka muling lumapit sa table ko.

"Sorry," hinging paumanhin niya ngunit hindi ko na siya pinansin.

"Ako na lang ang magbabantay kay Cyvix ngayong gabi. And please, don't be mad," aniya ngunit naging matigas ako sa pagtingin sa kanya. "I just want to end your suffering. Kung sakali mang makita mo siya roon at least you can test yourself. Kung mahal mo pa ba siya o hindi," mahabang litanya niya bago siya tuluyang naglakad palayo.

Iyon nga ang kinatatakutan ko. Paano na lang kung mahal ko pa rin siya?

-XXX-

Team Simoun ako😂😂 lol😂😂😂