webnovel

Chapter 4- Announcement ni Sir Joey

Pagpasok ng guro, agad tumahimik ang buong klase ng Section 10-A at natuwa naman sa ipinakitang disiplina ang mga estudyante.

Sir Joey: "Good morning class!"

Lahat: "Good morning, Sir!"

Sir Joey: "So class, bago natin simulan ang klase, may kaunting announcement lang ako para sa inyo."

Nagkaroon ng kaunting pag-uusap at pag-iingay ang ilang sa mga estudyante.

Hanggang sa nagsalitang muli ito ang kanilang guro sa kanyang students.

Sir Joey: "Guys! Tahimik muna kayo, nang masabi ko na yung dapat kong sabihin."

Sumunod naman ang mga estudyante sa sinabi ng kanilang guro at sila'y tumahimik.

Sir Joey: "So, makinig ang lahat. Dahil sa simula na ng 2nd semester ngayong linggo at katatapos lang ang meeting ng mga teachers kahapon, masaya akong iaannouce sa inyo na maraming magaganap na events dito sa ating School sa susunod na linggo."

Matapos sabihin ng kanilang guro na magkakaraoon ng mga maraming events sa kanilang school, hindi maiwasang mag-usap at gumawa ng ingay ang mga estudyante.

Kaya bago pa man mag-ingay ng tuluyan ang mga estudyante, muli na naman nagsalita ang kanilang guro.

Sir Joey: "Class, tahimik nga muna! Makinig kayo! Next week, magaganap ang Intramurals ng ating School, kaya sigurado akong masaya ang karamihan sa inyo dito. Tapos, by November, magkakaroon tayo ng Halloween Party and December, ay ang Christmas Party at Christmas Break naman. Tapos by next year, matutuwa ang lahat ng mga nandidirito dahil magaganap ulit ang JS Prom sa February at mukhang binibigyan kayo ng pagkakataon ang mga ilan sa inyo dito na makakasayaw ng mga jowa ninyo. Pero matagal pa naman yun magaganap. Kaya naman, mag-aral muna kayo ng mabuti."

Laking tuwa ng mga estudyante ng marinig nila mula sa kanilang guro na magkakaroon ulit sila ng JS Prom sa kanilang School.

Lalo na kay Emily na hindi naka-attend ng JS Prom last year.

Emily: (Hindi ako makapaniwala! May JS Prom ulit kami ngayong taon! Mukhang binibigyan pa rin ako ng pagkakataon ni tadhana na makasayaw ko ang taong gusto ko!)

Nina: (Ayos! May JS Prom ulit! Sana mayroon nang lalaking magsasayaw sa akin sa gitna ng Auditorium.)

Claire: (Last year, puro mga lalaking hindi ko gusto, ang mga gustong magsayaw sa akin. Sana man lang, siya na ang makasayaw ko sa pagkakataong ito.)

Althea: (Please naman! Sana may magsayaw na rin sa akin sa JS Prom! Last year kasi, takot ang lahat ng mga lalaki na makasayaw ako. Ewan ko ba kung bakit?)

Ruby (smirk): (Ha! I'm sure, nagdeday-dream na naman ang mga Losers na isinasayaw sila nang kanilang mga Crush nila. Pero gaya last year, sisiguraduhin kong, ako ulit ang "Darling of the Crowd" at akin lang ang titulong iyon, matching with my Prince Charmings!)

Sir Joey (cold tone): "Guys! Alam kong excited na kayo para sa JS Prom ninyo, next year. Pero, isipin niyo muna ang pag-aaral ha? Sa ngayon, tumahimik na ang lahat at sisimulan ko na ang klase."

Matapos sabihin ng kanilang guro ang mga na events sa kanilang Eskwelahan sa mga susunod na buwan, nagsimula na sa pakikinig ng kanilang klase ang mga estudyante.

Maliban, kay Emily na tila may iniisip na plano sa kanyang isipan.

Ganun pa man, nakinig naman siya sa kanilang klase.

Nang mag-ring ang bell, hudyat na rin ito na tapos na ang klase at kasalukuyang nagsisipunta sa Canteen ang mga estudyante.

Habang nakapila sa Counter ng Canteen, napansin ni Nina na tila malalim ang iniisip ni Emily.

Nina: "Emily, okay ka lang ba? Ba't parang ang lalim ng iniisip mo?"

Emily: "A-Ano kasi, Nina? Hindi mawala sa isip ko yung pagkakaroon ulit ng JS Prom sa taon ito."

Althea: "Bakit Emily? Excited ka na bang maisayaw ka ng mga boys sa Prom, next year?"

Emily (feeling happy): "Oo, Alt. Excited na ako! Hindi na nga ako makapaghintay. Pero may bagay akong gustong mangyari bago dumating ang araw ng Prom."

Nina: "Bagay na gustong mangyari? Ano naman yun?"

Althea: "Oo nga, Emily. Ano na naman ang pinaplano mo?"

Emily: "Ipapaliwanag ko mamaya sa inyo, pagkatapos natin umorder ng pananghalian natin."

Nina & Althea: "OKAY."

Napansin nina Althea at Nina ang kakaibang ngiti mula sa mga labi ni Emily.

Tila naisip nilang may pinaplanong maganda at pinaghahandaan ito ni Emily para sa darating na JS Prom ng kanilang Eskwelahan.

Matapos maka-order ng mga pananghalian ang grupo ni Emily, pumunta sila sa mesa malapit sa pinto kung saan sila madalas pumepwesto para mananghalian.

Pagdating nila, agad silang umupo at kinain ang kanilang mga biniling pagkain.

Habang kinakain nila Emily ang kanilang pananghalian, sinabi niya sa kanyang mga kaibigan ang iniisip nitong plano.

Emily: "Guys, di ba natanong niyo ako kanina kung ano ang plano ko para sa JS Prom?"

Nina: "Oo, Emily. At gusto namin malaman ni Alt kung ano ang iniisip mo?"

Claire (curious): "Hmmm.... Iniisip ni Emily para sa Prom?"

Althea: "Oo, Claire. Malalim ang iniisip niya kanina, habang nakapila kami sa Counter. Tsaka nauna ka na kasing pumila kanina kaya hindi mo siya nakita kung paano siya mag-isip."

Claire: "Ah.....Okay. Mukhang interisado na rin ako sa kung ano ang pinaplano mo Emily?"

Emily: "Hehehehe! Interesado na ang lahat? Kung ganun, sasabihin ko na sa inyo ang pinaplano ko."

Sandaling tumigil sa pagkain ang tatlong kaibigan ni Emily at bahagya silang lumapit upang marinig ang sasabihin nito.

Emily: "Guys.....ang plano ko... or I mean, sabihin na lang nating pangarap ko...."

Alt, Nina & Claire (listen attentively): "Uh-huh?"

Emily (blushes slightly): "Gusto kong magkajowa bago ang Prom."

Alt, Nina & Claire (shocked): "ANO?!"

Nagulat ang tatlo sa sinabing plano ni Emily dahil sa hindi nila inakala na maghahangad pala ito na magkaroon ng jowa.

Kaya tinanong nila agad si Emily kung bakit ito ang naisip nitong mangyari sa araw ng kanilang Prom.

Emily (unamused): "SHHHHH! Huwag kayong maingay."

Althea: "Emily?! Bakit pagkakaroon naman ng jowa ang gusto mong mangyari, bago mag-Prom?!"

Nina: "Oo nga! Akala ba namin, gusto mong magfocus sa pag-aaral at ayaw mong magkajowa?!"

Claire: "Tsaka, hindi ka ba pagagalitan ng ate mo kapag nalaman niyang may jowa ka? Imbes na nag-aaral ka?"

Emily: "Guys, alam niyong priority ko ang pag-aaral at nagpapasalamat ako dahil naiintindihan niyo ang gusto kong mangyari sa buhay. Pero once-in-a-lifetime ko lang mararanasan ang mag-attend sa Prom. Kaya gusto kong ma-experience ang pagsayaw sa gitna ng auditorium kung saan makakasayaw ko ang lalaking pinapangarap ko?"

Muli na namang tumahimik ang mga kaibigan ni Emily sa sinabi nitong pangarap na makasayaw ang sarili nitong jowa sa araw ng kanilang JS Prom at natuwa naman sila sa plano nito.

Nina: "Mukhang maganda ang plano mo, Emily. Ang makasayaw ang gusto mong lalaki sa araw ng Prom."

Emily: "Oo, Nina."

Althea: "Mukhang masaya nga yan. Total, huling taon na rin natin sa Junior High. Kaya, bakit hindi natin tuparin ang mga gusto nating mangyari?"

Claire: "Sang-ayon ako sayo, Alt."

Nina: "So, Emily, sino ang mga boys na gusto mong maging Jowa?"

Emily (blush): "Hehehe.....Nina? Sa tingin mo? Sino pa ba? Eh di yung mga kilala dito sa School!"

Althea: "...Mga kilala?....Hmmm..... Teka?! Huwag mo sabihing?!"

Emily (blushing hard): "Oo, Alt. Sila nga. Yung apat ng mga naggwagwapuhang iyon."

Nagulat ang tatlong kaibigan ni Emily ng malaman nilang, ang mga apat na gwapo at sikat na pinag-aagawan ng mga babae sa kanilang school, ang gustong makajowa ni Emily.

Althea: "S-Seryoso ka ba?!"

Nina: "Grabe ka! Emily! Silang apat ang gusto mong maging jowa?!"

Claire: "Grabe ka Emily."

Emily: "Oy! Teka! Isa lang sa kanila ang gusto kong makajowa! Hindi silang lahat!"

Nina: "Akala ko pa naman, silang apat ang gusto mong angkinin."

Emily: "Hindi ah! Ang gusto ko, isa lang sa kanila ang makajowa ko."

Althea: "So, paano mo majojowa ang isa sa kanila? Eh...Apat sila, Emily?"

Claire: "Oo nga. Paano mo malalaman kung isa sa kanila, ang may pagtingin din sayo?"

Emily (deep thoughts): "Hmmm....Oo nga noh? Paano nga ba?"

Nina: "Tsaka, maraming ng mga babae ang nagkakagusto din sa kanila. Kaya sigurado ako, may ilan sa kanila ang nagtatangkang jowain yung mga crush natin."

Claire: "Oo. Tama ka, Nina. At kasama na din dun si Ruby. Kaya anong gagawin mo, Emily?"

Sandaling hindi kumibo si Emily nang marinig mula sa kanyang mga kaibigan na maaring marami siyang kaagaw sa puso ng isa sa kanyang mga Crush. Kaya nagsabi ng isang desperadong sagot si Emily.

Emily: "Guys, may naisip na akong paraan kung paano ako mapapalapit sa kanila?"

Nina (puzzled): "Anong paraan naman yun?"

Emily (feeling confident): "Ako ang manliligaw sa kanila."

Nina, Alt & Claire (surprise): "ANO?!"

Althea: "Nababaliw ka na ba?! Bakit ikaw pa ang kailangang manligaw sa kanila?!"

Nina: "Oo nga! Di ba, dapat lalaki ang nanliligaw?! At hindi babae?!"

Claire: "Emily, desperadong pagkilos na yan balak mo."

Emily: "Guys, alam kong magmumukha akong tanga sa gagawin ko. Pero kayo na rin ang nagsasabi na marami akong kaagaw sa apat na Boys. Tsaka isa lang naman ang pipiliin ko sa kanila para maging Jowa. Kaya may chance din naman ang ibang babae na makajowa ang isa sa kanila, hindi ba?"

Althea: "Kung sabagay, may punto ka."

Nina: "So, kailan mo sisimulan ang jowa hunting mo?"

Emily: "Siguro, bukas ko sisimulan ang pagpapapansin sa kanila."

Nina: "Sige! Good luck sa pagpapapansin mo bukas ha? Pero sasama kami sa pagpapapansin mo para masiguro namin na hindi ka papalpak sa pagkilala sa kanila."

Althea: "Ang weird ata ng sinabi mo, Nina? Good luck? Pero sasama ka sa pagpapapansin ni Emily?"

Claire: "Nina, gusto mo lang ata sumama din kay Emily para makilala at makausap ang mga boys."

Nina (blush): "Oy! Claire! Hindi ah!"

Althea: "Para masaya, sasama na rin kami sa pagpapapansin mo, Emily. Kaya sama-sama na tayo sa pagpapapansin bukas."

Claire: "Alt? Pati rin ikaw?!"

Althea: "Oo, Claire. Sasali na rin kasi si Nina sa mga plano ni Emily. Kaya sasali na rin ako."

Claire (sigh): "Hay... Sige na nga. Sasali na rin ako. Ayokong kasing ma-OOP sa inyo. Kaya sama-sama na tayo sa mga magagawa ninyong kahihiyan."

Emily: "Kung ganun, bukas guys! Simulan na natin ang plano!

Nina, Alt & Claire: "OKAY!"

Matapos mapagplanuhan ng grupo nila Emily ang naisip nitong plano para sa JS Prom, agad nilang inubos ang kanilang pananghalian tsaka sila bumalik sa kanilang classroom para sa klase sa hapon.

Pagkatapos ng klase, namasyal at tumambay muna ang grupo ni Emily sa Park dahil sa nakagawian nila ito, mula noong magkakilala sila sa Grade 8.

Tsaka sila uuwi ng kanilang mga bahay pagdating ng dapit-hapon.

Ngunit, isang dahilan kung bakit nakagawian ni Emily ang umuwi ng late sa kanilang bahay ay dahil sa ayaw nitong makasama ang boyfriend ng kanyang Ate at natatakot din siya sa kung ano ang maaring gawin nito sa kanya.

Kaya, pagdating ni Emily sa bahay ni Ramon, galit siyang sinita nito ng mapadaan sa sala.

Ramon (disappointed): "Oh?! Bakit ngayon ka na naman umuwi?! Alam mo bang gabi na?!"

Emily (calmly tone): "Kuya Ramon, may ginawa pa po kasi kami sa School, kaya gabi na naman po akong umuwi."

Ramon (cold tone): "Sigurado ka ba?! Lucile, pagsabihan mo nga yung kapatid mo at baka may ginagawa yan kalokohan sa kanilang School! Baka mamaya, nagbubulakbol yan at nasasayang lang pera ko sa pagpapa-aaral sa kanya!"

Lucile: "Honey, hindi naman nagbubulakbol si Emily. Tsaka ang tataas nga ng Grades niya last Semester. Kaya kampante ako na hindi siya nagbubulakbol."

Ramon (annoyed): "Ay, ewan! Basta't siguraduhin mong nag-aaral ng mabuti yan kapatid mo! At umuwi siya ng maaga dito sa bahay! Lagi na lang siyang umuuwi ng dapit-hapon!"

Tila napansin ni Emily na sinusubukan siyang pauwiin ni Ramon ng maaga sa kanyang bahay at hindi yun gusto ni Emily.

Kaya tumuloy na lang siya sa kanyang kuwarto at magpapalit ng damit.

Pagdating ni Emily sa kanyang kwarto, nagulat siya ng biglang may pumasok sa kanyang kuwarto.

Ngunit nahimasmasan siya nang makita niyang si Lucile ang pumasok.

Emily: "Ate, tinakot niyo naman po ako! Akala ko po kung sino."

Lucile: "Bakit Emily? Sino pa ba ang ibang tao na papasok sa kuwarto mo maliban sa akin?"

Tumingin si Emily sa sahig ng kanyang kuwarto at kinakabahan ito sa kung ano ang kanyang isasagot sa kanyang kapatid.

Napansin naman ni Lucile ang kakaibang reaksyon ni Emily.

Lucile (worried): "Emily? Sabihin mo sa akin? May nangyari bang hindi maganda?"

Tumango si Emily matapos syang tanungin ng kanyang Ate. Kaya kinausap ni Lucile si Emily ng masinsinan.

Emily: "Ate. Wala naman po pero....."

Lucile: "Pero ano?"

Emily: "Natatakot po ako kay Kuya Ramon kapag wala po kayo dito sa bahay. Kaya nga po umuuwi po ako ng late."

Lucile: "Emily? Anong ginagawa sayo ni Ramon kapag wala pa ako dito?"

Emily: "Wala pa naman po siyang ginagawa. Pero, noong nasa Grade 7 pa po ako, lagi siyang nakatingin sa akin kapag maaga po akong umuuwi. Tsaka noong minsan na wala po kaming pasok, pinipilit niyang buksan ang CR habang naliligo po ako."

Lucile (shocked): "A-Ano?! Ginawa niya yun?"

Emily: "Opo, Ate. Pero hindi ko po siya pinagbuksan ng pinto."

Lucile: "Kaya ba, lagi kang umaalis ng bahay tuwing sabado?"

Tumango muli si Emily dahil sa gusto nitong sabihin sa kanyang kapatid ang mga nangyayari sa kanya kapag umuuwi siya ng maaga.

Nainis naman sa kanyang sarili si Lucile dahil na rin sa nalaman niyang pinagtatangkaan ni Ramon ng masama ang kanyang kapatid.

Emily: "Ate. Kung maari po, umalis na po tayo dito sa bahay na ito. Natatakot na po ako sa kung anung maaring gawin ni Ramon."

Lucile: "Oo, Bunso. Hahanap ako ng paraan. Mag-iipon ako ng pera para makaalis tayo dito. Sa ngayon, susubukan ko munang pagtakpan ka sa pagiging late mo sa pag-uwi, hanggang sa makakaya ko."

Emily: "Opo, Ate. Salamat po."

Niyakap ni Emily ang kanyang Ate dahil nailabas na rin nya ang kinikimkim niyang takot at pangamba sa kanyang Ate.

Ganun pa man, hindi pa rin tapos ang kalbaryo nila sa pakikitira sa bahay ni Ramon dahil narinig nila ang sigaw ng lalaki mula sa kusina.

Ramon (irritated): "LUCILE, BAKIT ANG TAGAL MO DIYAN SA TAAS?! BUMABA NA KAYO AT KAKAIN NA TAYO NGAYON!"

Lucile: "Oo. Andyan na kami!"

Emily: "Ate, pagagalitan na naman niya ako sa harap ng hapag."

Lucile: "Alam ko, at huwag ka na lang sumagot kapag nagagalit siya. Sa ngayon, magtiis na lang muna tayo at makisama sa kanya. Pangako, makakaalis din tayo dito."

Emily: "Opo, Ate."

Matapos mag-usap ang magkapatid, agad nagpalit ng pambahay si Emily at sabay sila ng kanyang ate na bumaba mula sa kanyang kwarto.

Tsaka sila humarap sa hapag at naghapunan.

Gaya ng inaasahan ni Emily, pinagalitan sya ng pinagalitan ni Ramon at pinagsalitaan pa ng mga masasakit na salita.

Matapos maghapunan, nakagawian ni Emily na hugasan ang kanilang kinainang mga plato at kubyertos.

Nagpupunas naman ng mesa at tinulungan naman siya ng kanyang Ate.

Nanonood at nakahilata naman sa sofa si Ramon.

Matapos mailigpit ang mga gamit sa kusina, agad umakyat ng kanyang kuwarto si Emily at ginawa ang kanyang mga assignment tsaka siya nagdasal bago matulog.

Ipinagdarasal at umaasa siyang makaka-alis sila ng kanyang ate mula sa pader ng Boyfriend nito.