webnovel

Chapter 15-Paghahanap sa Kahoy

Matapos sabihan ang estudyante ng 10-A ng kanilang guro, tungkol sa pagtutulungan ng bawat isa, nagsimula sa paghahanap ng mga sanga ng kahoy sa gubat ang Grupo ng mga lalaki na sila Axel, Daniel, Edward at Isaac. Kasama na ang kambal na sina Allan at Allen. Sa paghahanap nila, napansin nilang hindi mahanap sa paligid si Kit na siyang naunang umalis upang maghanap ng mga kahoy na panggatong.

Isaac: "Guys! Napansin niyo ba? Parang wala dito sa gubat si Kit."

Edward: "Oo, napansin ko nga din. Dapat nandito siya sa lugar na kinalalagyan natin at tumutulong sa atin."

Daniel: "Hay.....Ba't pa kayo mag-aabalang hanapin ang lalaking yun?! Eh alam niyo namang hindi madaling basahin ang itinatakbo ng utak nun!"

Edward: "Daniel, ang sabi kasi ni Sir, dapat nagtutulungan tayong lahat sa ginagawa nating paghahanap ng mga kahoy na panggatong. At dapat tumutulong din siya sa atin."

Daniel: "Oo nga, Edward. Nakuha ko ang punto mo. Pero alam mo naman si Kit. Hindi siya maintindihan ng kung sinong tao sa School? At lagi siyang nagsosolo sa sarili niya. Kaya anong maasahan mo sa kanya?"

Sandaling pinag-isipan nina Edward at Isaac ang sinabi ni Daniel at naisip nilang tama din ang kayang punto. Nakisali na rin si Axel sa usapan matapos marinig ang pinag-uusapan ng tatlo nyang kasama.

Edward: "Kung sabagay, tama ka, Daniel. Si Kit ang klase ng tao na hindi mo talaga maintindihan."

Axel: "Guys! Kung si Kit lang ang pinag-uusapan niyo, ang masasabi ko lang, may mga bagay na nagagawa si Kit na hindi inaasahan. Kaya baka maging suwerte si Kit sa Section kapag nagkataon."

Daniel: "Swerte ka dyan! Eh di nga natin alam kung anong ginagawa niya sa mga oras na to?! Tsaka baka mamaya, nakahilata lang siya sa kung saan at naghihintay lang ng pananghalian?!"

Axel: "Posibleng mangyari ang iniisip mo, Tol. Pero isipin mo na naman ang magagawa niyang maganda. Malay mo, sa mga oras ding ito, naka-dalawang bigkis na siya ng mga sanga ng kahoy."

Daniel: "Oo, sana nga." (Pero duda akong nagpupulot ng kahoy ang lalaking yun.)

Allan: "Oy! Magpulot na lang nga kayo ng magpulot diyan! Makaka-apat na bigkis na kami ng sanga ng kahoy dito sa tagal niyong mag-usap!"

Allen: "Oo nga!"

Daniel: "Tumahimik nga kayo!! Lalo ka na Boy "Oo nga!" Di naman kayo ang kinakausap!"

Edward: "Guys! May punto din naman si Allan. Ang mabuti pa, magfocus na lang tayo sa pagpupulot ng kahoy na panggatong. Kaysa isipin kung ano ang ginagawa ni Kit sa mga oras na eto?"

Matapos pag-usapan ng apat na lalaki ang mga maaring ginagawa ni Kit habang sila ay nagpupulot ng mga sanga ng kahoy, ipinagpatuloy nila ang paghahanap ng mga kahoy na panggatong at base na rin sa sinabi ng Kambal sa kanila.

Habang nagpupulot ng mga kahoy na panggatong sa gubat ang mga lalaki, nagsisimula namang magkainitan sa paghahanda ng mga gulay at karne ng baboy ang mga babae sa mesang inilagay sa labas ng kanilang Camp house, kasama si Jackson. Ngunit, hindi nila kasama ang guro nilang si Sir Joey dahil sa sandali itong ipinatawag ng Vice-Principal sa Reception Area.

Althea: "Ruby! Bakit hindi mo binalatan ng mabuti itong bunga ng kalabasa?! Mayroon pang naiwang balat sa kanto! Balatan mo nga ng mabuti!"

Ruby: "I can't reach the balat with the Peeler! And paano ko babalatan yan ng Peeler na hindi ko ma-reach?!"

Althea: "Ginagamit mo ba ang utak mo? Dapat kasi, hiniwa mo muna sa kanto ang kalabasa bago mo balatan!"

Ruby: "Malay ko bang ganyan pala balatan ang weird na gulay na yan! And I'm not going to balat that thing any more! Nakakapagod balatan!"

Althea: "Kung ayaw mong balatan ulit yan, eh di kainin mo yan mamaya ng may konting balat!"

Ruby: "Fine! So be it!"

Althea: (Grabe! Ang sarap mong sabunutan!) "Okay. Kung ganun, balatan mo na yung Kamote at Patola. Tapos pakihugasan na rin yung Munggo nang matapos na tayo!"

Ruby: "Oy! Amasona! Ba't di mo ipabalat kila Claire at Emily yan Kamote at Patola? Eh wala naman silang ginagawa?!"

Emily: "Anong walang ginagawa?! Di mo ba nakikitang tinutulungan namin si Nina sa paggugulay ng dahon ng malunggay?"

Claire: "Gusto ata niyang makalibre ng oras. Kaya ipinapagawa niya na sa iba yung dapat na trabaho niya. Siguro, buhay prinsesa etong si Ruby sa bahay nila, kaya siguro walang alam sa paghahanda ng pagkain."

Nina: "Mukhang may punto ka sinabi mo, Claire. Siguro tamad ka, Ruby?"

Ruby: "Shut up! You three! Ipapagawa ko na lang ito kila Ivy at Jackson!"

Ivy: "Oy! Oy! Oy! Nagtatadtad kami ni Jackson ng karne dito!"

Ruby: "What do you mean by that?! Hindi mo babalatan yung Kamote at Patola?!"

Ivy: "Hindi ko mababalatan yan kasi nga nagtatadtad at naghihiwa kami ni Jackson ng kar-EEEEK!"

Biglang hinila ni Ivy ang kanyang braso tsaka niya pinagalitan si Jackson.

Ivy: "Jackson! Braso ko yan! Hindi pata ng baboy!"

Jackson: "Ay! Sorry. Akala ko Pata."

Ivy: "Akala mo Pata?!bEh kung PATA-maan kaya kita ng suntok sa mukha, HA?!"

Jackson: "Ivy, sorry na. Hindi ko naman intensyon na saktan ka. Akala ko kasi Pata ng baboy ang nahawakan ko."

Ivy: "Jackson, Ginagamit mo ba ang mga mata mo, ha?! Mukha bang paa ng baboy ang kamay at braso ko?!! Tsaka hindi ba naramdaman ng kaliwang kamay mo na lima ang daliri ng nahawakan mong kamay?!"

Jackson: "Sorry na nga, di ba? Hindi na yun mauulit."

Ruby: (Hay....You're really such an idiot, Jackson. I really don't know kung paano nagkagusto si Ivy sayo? I think, hindi ko maasahan ang dalawang eto.) "Ivy, I'll balat na lang etong Kamote and Patola ng mag-isa."

Ivy: "Okay lang, Ruby. Kung wala naman akong ginagawa, tutulungan naman kita. Pasensya na."

Ruby: "It's okay. I can manage."

Dahil sa napansin ni Ruby na wala sa ka-grupo niya may gustong gawin ang trabahong pinapagawa sa kanya, minabuti na lang niyang gawin ang pagbabalat sa Kamote at Patola ng mag-isa. Natuwa naman ang apat na magkakaibigan nang makita nilang nagkusa si Ruby sa pagbabalat ng Kamote at Patola.

Makalipas ang isang oras at thirty-five minutes, saktong natapos nang grupo ng mga babae ang kanilang mga gawain at sakto din lang na kararating mula sa pangangahoy ang mga lalaki, dala ang tig-iisang naglalakihang bigkis ng kahoy sa kanilang mga balikat at kanilang ibinaba sa tabi ng nakahandang Campfire pit na ginawa ni Jackson na pinaikutan ng tatlong malalaking bato bilang lutuan.

Ngunit nabaling ang atensyon ng mga babae nang makita nila ang katawan ng apat na naggwagwapuhang ng mga lalaki na basa ng pawis at bumabakat ang abs sa kanilang damit.

Nina: (Jusko naman! Ang hot talaga ng apat na to!)

Althea: (Wow! Six pack pala si Daniel. Ang akala ko payat lang siya.)

Ruby: (Aba! Di ko alakain na ang hot pala ni Edward kapag hindi siya nagmumukhang Nerd.)

Claire: (Wow! Para silang mga anghel. Pero...)

Althea: "OY! Kayong dalawa sa likod nung apat! Lumayo nga kayo! Mukha kayong mga Demonyo!"

Allan: "Kahit kailan talaga, Althea! Ang sakit mo talaga magsalita sa amin!"

Allen: "Oo nga! Bigyan mo naman kami ng konsiderasyon!"

Claire: (Pareho pala kami ng iniisip ni Alt. Napansin din niyang may dalawang sagabal sa likod.)

Emily: (Ang gwapo mo talaga ni Axel.) "Guys! Mukhang pagod na pagod kayo. Gusto niyo ba ng maiinom?"

Daniel: "Hay! Buti naman may nag-alok din sa amin ng tubig! Kanina pa ako nauuhaw!"

Axel: "Oo, Emily. Pahingi ng tubig."

Emily: "Okay. Sandali lang ha? Kuha lang ako."

Nina: "Emily, tulungan na kita."

Sandaling umalis sila Emily, Nina at Claire tsaka sila kumuha ng mga baso mula sa loob ng kanilang Camphouse at nilagyan nila ito ng tubig. Nang malagyan nila ito ng tubig, tska nila ibinigay sa pagod nilang mga kaklase.

Axel: "Salamat, Emily."

Daniel: "WOW! Salamat girls!"

Emily: "Eh...Walang anuman."

Isaac: "Nina, ang sarap ng tubig kapag galing sayo."

Namula ang mga pisngi ni Nina matapos siyang bolahin ni Isaac.

Nina: "Huwag mo naman akong bolahin! Nahihiya ako!"

Sabay namang uminom ang kambal tsaka din sila sabay na nagsalita.

Allan & Allen: "Wow! Refreshing!"

Althea: "Ang weird talaga ng mga Kambal. Pareho sila ng iniisip."

Edward: "Guys!! Speaking of weird, may nakapansin ba sa inyo kung nakabalik na si Kit mula sa gubat?"

Emily: "Uhh....Si Kit? Hindi pa naman siya dumarating magmula noong umalis siya kanina."

Ruby: "I don't want to say this but, how can you pansin that abnoy kung he, himself ay hindi napapansin ng sino man?!"

Edward: "Ruby, magpapakita naman siguro si Kit kapag nakabalik na siya mula sa gubat. Gaya kanina, kasama natin siya habang naglalakad papasok sa Reception area."

Ruby: "Pero he didn't show his self until now. So nandun pa siya sa loob ng forest and might be doing some crazy, weird stuff."

Ivy: "Speaking of weird stuff, andiyan na pala yung lalaking hinahanap nyo."

Lumingon ang lahat sa bungad ng gubat matapos sabihin ni Ivy ang kanyang nakita. Nakita nila si Kit na may hinihilang lubid sa kanyang kanang kamay at nakatali sa isang maliit na troso na may habang 3 feet at lapad din na 2 feet. Maliban sa troso, hawak naman niya sa kanyang kanang kamay ang apat na sako na may lamang mga bagay at nakapatong din ito sa kanyang kanang balikat. Napangiwe ang ilan nang makalapit si Kit at makita nila ang dala niyang troso.

Daniel: "Hoy Kit! Saan ka ba galing ha?! Kanina ka pa namin hinahanap!"

Hindi sumagot si Kit sa tanong at nakipagtitigan lang siya na nakasimangot sa kanyang mga kasama.

Althea: "Kit! Anong gagawin mo diyan sa Troso?!"

Muli na namang hindi sumagot si Kit at nakipagtitigan lang siya na nakasimangot sa kanyang mga kasama.

Emily: "Kit, ano yung laman ng sako na dala mo? Bakit parang gumagalaw yung nasa loob?"

Nina: "Kit, humuli ka ba ng hayop kanina?"

Claire: "Kit, ipinag-alam mo na ba kay Sir Joey na humuli ka ng hayop?"

Hindi na naman sumagot si Kit sa tanong ng kanyang mga kaklase.

Jackson: "Hoy! Abnoy! Sumagot ka nga?! Kanina pa namin gustong malaman kung ano yan mga dala mo?!"

Ruby: "Jackson, you already know that he is an abnoy. So don't expect him to talk to you."

Jackson: "Alam mo, Ruby. Uupakan ko na talaga eto! Parang nakikipaglokohan sa atin ang lalaking eto!"

Nang susuntukin sana ni Jackson si Kit, agad nitong iniabot ang tatlong sako na kanyang hawak maliban sa isang sako na kanyang ibinaba sa tabi ng troso.

Jackson: "Aba? Ano yan? Peace offering?"

Tumango si Kit sa tanong ni Jackson. Kaya agad naman itong kinuha ng malaking lalaki.

Nina: "Marunong naman palang makipagbati si Kit. Akalain mo, niregaluhan pa niya si Jackson. Kahit na may alitan sila."

Emily: "Oo nga eh. Tsaka marunong din naman pala siyang magpatawad."

Axel: (Hmm? Bakit parang pakiramdam ko, may mangyayaring hindi maganda kay Jackson?)

Daniel: (Parang duda ako sa laman ng sako na ibinigay ni Kit kay damulag. Ano kayang mga hayop ang hinuli ni Kit sa mga sakong yan?)

Matapos kunin ni Jackson ang tatlong sako, agad nitong binuksan ang mga ito gamit ang gunting na nasa mesa. Ngunit pagkabukas niya, biglang sumugod ang mga nilalang na hinuli ni Kit galing sa gubat at binugbog si Jackson. Nagulat at napangiwe ang kanilang mga kasama nang makita nilang, ang laman ng mga sako ay tatlong unggoy na hinuli ni Kit.

Jackson: "AAAH! UMALIS KAYO! HUWAG NIYO AKONG KAGATIN! AYOKONG MAGKARABIES! AHHHH!"

Ruby: "Oh My Gosh! What are those creatures?!"

Ivy: "Ruby, unggoy ang mga iyan. At wala ng iba."

Allen: "Oy! Kit! Paano mo nahuli ang mga yan?! Eh wala man lang akong makitang mga unggoy kanina sa gubat?!"

Allan: "Oo nga!"

Daniel: "So, ibig sabihin, sa buong dalawang oras na nawala ka kanina ay abala kang naghahanap ng mga unggoy?! Tsaka, anong gagawin mo sa mga unggoy?! Kakainin mo?!!"

Tumitig lang nang nakasimangot si Kit kay Daniel na tila nagsasabing "Trip ko lang, pare." Nang mapansin ito ni Daniel, sumuko na lang siya sa pag-intindi sa iniisip ni Kit.

Daniel: "Hay.....Jusko. Bahala ka na nga sa buhay mo, Kit. Para akong nakikipag-usap sa pader."

Axel: "Pare, chill ka lang. Hindi ka na nasanay sa kanya."

Daniel: "Eh yan nga ang problema ko sa kanya, Tol. Hindi ko siya maintindihan."

Axel: "Pero, okay naman siyang ka-group, hindi ba? Nagdala nga siya ng Troso na magagamit natin sa panggatong hanggang bukas."

Daniel: "Oo na. Inaamin ko, Okay din siyang kasama." (Pero nag-aalala ako sa mga susunod niyang gagawin, mamayang hapon.)

Emily: "Uhmm.....Guys?"

Axel: "Bakit, Emily?"

Emily: "Uhmmm.....Hindi niyo ba tutulungan si Jackson? Mukhang bugbog sarado na siya."

Isaac: "Ay! Oo nga pala si Jackson! Tulungan natin!"

Edward: "Pasensya na Guys. Natulala na kami ni Isaac sa nakita naming pangbubugbog ng mga unggoy kay Jackson."

Allan: "Okay lang yan, Pre! Si Jackson lang naman yan."

Allen: "Oo nga!"

Ivy: "Oy! Maawa naman kayo kay Jackson! Tumulong din naman siya sa paghahanda ng lulutuing pagkain!"

Althea: "Kung sabagay, tumulong nga naman siya. Kaya Boys, bugawin niyo na yung mga dinalang perwisyo ni Kit kay Jackson at simulan na rin nating magluto ng makakain."

Alinsunod sa sinabi ni Althea, agad nilapitan at tinulungan nila Ivy, Ruby at ang mga lalaki si Jackson tsaka binugaw ang mga galit na unggoy na dala ni Kit. Agad ding tumakbo ang mga unggoy pabalik sa gubat, matapos silang bugawin ng mga lalaki.

Ngunit, habang binubugaw ng mga lalaki ang mga ungoy, lumapit si Kit kay Emily at iniabot ang huling natitirang sako na kanyang hawak. Nagtataka at kinakabahan naman si Emily sa kung ano ang maaring maging laman ng huling sako.

Emily: "Huh? Uhm... Para sa akin?"

Tumango si Kit kay Emily tsaka ito umalis dahil sa gagantihan ito ni Jackson, sa oras na mabugaw ng kasamahan nilang mga lalaki ang dinala nitong mga unggoy.

Nina: "Emily? Binigyan ka niya ng sako?"

Emily: "Oo, Nina."

Althea: "Emily, mag-iingat ka! Baka kung ano na namang mabangis na hayop ang laman niyan."

Claire: "Emily, huwag mo munang buksan. Hintayin muna natin ang ibang boys."

Emily: (Hmm? Hindi gumagalaw? Baka hindi hayop ang laman nito.)

Nang maramdaman ni Emily na hindi gumagalaw ang laman ng sako, agad niya itong binuksan. Pagbukas niya, natuwa siya sa kanyang nakita.

Emily: "Guys! Tingnan niyo!"

Agad tinignan ng mga kaibigan ni Emily ang laman ng sako.

Nina: "Rambutan?! Saan naman niya nakuha to?"

Claire: "Hindi lang Rambutan, mayroon din siyang kinuhang bunga ng Guyabano, Bayabas at Suha.

Althea: "Sa nakikita ko, nag-abala talaga siya para bigyan tayo ng masarap na panghimagas."

Emily: " Oo nga eh. Tsaka matutuwa din si Sir Joey kapag nalaman niyang nagdala si Kit ng mga prutas."

Althea: "Speaking of Sir Joey, simulan na natin ang pagluluto ng pananghalian. Baka pagalitan pa tayo kapag naabutan pa nya tayong hindi pa nagluluto ng ulam."

Emily: "Oo, Alt. Mabuti pa nga."

Kaya matapos mapalayas ng iba nilang mga kasama ang mga unggoy, agad nagtulungan ang mga magkakaklase sa pagluluto ng kanilang pananghalian na Ginisang munggo. Maliban kay Kit na tinataguan si Jackson dahil sa gagantihan sya nito.

Ilang oras ang makalipas, dumating ang kanilang guro at kasama din nito si Kit. Sakto namang magtatanghali na nang dumating ang dalawa. Kung kaya't nagsalo-salo sa pananghalian ang mga magkakaklase at kumain sila ng marami upang makabawi ng lakas para sa gagawin nilang activity sa hapon.