webnovel

Chapter 29

Izumi Pov

"Mahal na Emperador, ang ating mga hukbo ay nakahanda na upang sumalakay anumang oras. Ang inyong pasya na lang aming inaantay" dinig kong sabi ni Hirushima. 

Hindi maaari!

"Hmmm, kapag sumapit ang kabilugan ng buwan sa ikatlong gabi, ay lulusob tayo kasama ang ating  mga hukbo" tugon nya. Mahina akong napasinghap habang unti-unti ang aking pag layo sa pintuan.

"Heneral, ikaw ang nais kong manguna sa ating hukbo. Ikaw ang pinaka magaling kong tauhan na nangunguna pag dating sa pakikipag laban kaya ikaw ang napili ko..."

"Maraming salamat sa inyong tiwala Mahal na Emperador. Hindi ko po kayo bibiguin sa pag pili sa akin"tugon nya.

Ngunit sa aking pag atras ay aksidente akong nadulas at nalaglag sa baitang ng hagdan. At sa aking pag bagsak naramdaman ko ang pag tama ng aking ulo sa lupa.

"A-aray..." sambit ko habang ngumingiwi. Kahit na nakaramdam ng konting hilo ay pilit akong tumayo. Ngunit sa aking pag tayo ang syang pag sulpot sa aking harapan ng Heneral.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya.

"Napadaan lang Heneral..." palusot ko.

"Napadaan?"tanong nya ulit. Napatango ako.

" Ganun na nga po, Heneral" kabadong sagot ko. Sumingkit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin habang ako naman ay napatungo pa rin at ramdam ko na rin ang pag tulo ng aking pawis sa may noo.

"Kung ganun umalis ka na dito. Kapag nakita kang pagala-gala dito alam mo na ang mangyayari sayo" sabi nya. Kaagad akong sumunod sa kanyang mga sinabi at umalis sa lugar na iyon.

Kaagad akong bumalik sa aking silid na may takot at pangamba sa aking dibdib. Muling pumukaw sa akin ang mga naramdaman ko noong sumalakay sa aming bayan ang hukbo ng mga taga emperyo ng seikken.

Hindi pa ako tuluyang nakakahakbang patungo sa aking kama ay biglang na lang ako napaupo dahil sa sobrang panginginig na aking tuhod at napahawak na lang ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng kabog nito. Ngunit bigla akong nagulat ng biglang bumukas ang pinto at bumungad dito ang aking damma na kaagad namang dumulog sa akin.

"Lady Izumi, ano pong nangyari? Ayos lang po ba kayo?"nag aalalang tanong nya. Hindi kaagad ako sumagot at nakatingin pa rin ako sa kanya.

"Lady Izumi, tumayo po kayo alalayin ko po kayo" sabi pa nya. Kaagad syang tumayo at inalalayan akong umupo sa silya na katabi ko lang.

"K-kailangan kong lumayo..."mahinang turan ko. Napalingon sa akin ang aking damma.

"Ano po yung sinasabi nyo?"tanong nya. Bigla akong tumayo at kaagad siyang hinawakan sa mag kabilang braso na ikinabigla nya.

"Lady Izumi, m-may problema po ba?" nauutal niyang tanong.

"Sabihin mo kung paano ako makakaalis dito? K-kailangan kong umalis, m-may kailangan akong puntahan. Pakiusap, sabihin mo sa akin..."

"kailangan mo muna nati-"

"Hindi! Wag mong sabihin sa kanya. Hindi nya ako papayagan kung ipapaalam mo pa" kabadong usal ko. Nag tataka na ang kanyang mukha base sa pag kakunot ng kanyang noo at parang sinusuri nya ako.

"Patawad Lady Izumi, ngunit hindi maaari ang gusto nyong mangyari. Mapaparusahan ako kung gagawin ko ang gusto nyo. Ayoko mang yari sa akin ang nangyari kay Shin"diretsong sambit nya. Natigilan ako sa kanyang sinabi kaya napabitaw ako sa pag kakahawak sa kanyang mga braso. At walang emosyong tumingin sa kanya na ikinaatras nya.

"Umalis ka sa harapan ko..."gigil ngunit mahinang usal ko.

"Lady izumi..."

"UMALIS KA!!!"pag sigaw ko. Napatalon sya sa aking pag sigaw kaya kaagad syang umalis. Napahawak na lang ako sa aking dibdib dahil sa lakas nito, para akong mababaliw sa takot.

Hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin, gusto ko ng lumayo ngunit parang may parte sa akin na wag. Ang mahabang panahon at pag hihirap na ginawa ko para lang mapunta dito ay pang hihinayang na sa akin, naging parte din ito ng mga plano ko kaya nahihirapan akong mag isip kung babaliwalain ko lang ito at tumakas na lang.

Humakbang ako patungo sa bintana at tahimik na nag isip habang nakatingin sa kalangitan. Kay sarap talaga nilang tingnan na kumikinang sa aking mga mata, nawawala lahat ng aking suliranin kapag ako ay tumitingin dito.

Kung aatras ako sa laban na ginawa ko, para ko na ring tinanggap ang lahat. Kung hindi ko ito ipag papatuloy para ko na rin sinira ang aking pangako sa aking mga magulang at baliwalain na lang ang hustisyang hinahangad ko...

Napabuntong hininga na lang ako at pumikit, nag tatalo ang puso at isip ko. Ang sinasabi ng puso ko ay makapag hangad na makapaghiganti at makamit ang hustisya. At ang isip ko naman ko ay sinasabi na kailangan ko ng tumigil dahil masisira lang aking buhay. Napatigil ako sa aking pag iisip ng may biglang nag salita kaya naman napalingon ako.

"Anong iniisip mo?"tanong niya. Bigla akong kinabahan ng makita na nasa pintuan ay si Heneral. Na nakatayo lang sa hambalan ng pinto at hindi pa tuluyang nakakapasok.

"H-heneral..."sambit ko. Ngumisi sya sa akin at tuluyan ng pumasok sa aking silid at saka humakbang patungo sa aking higaan. Kung saan malapit ang bintanang aking kinapupwestuhan.

"Narinig ko na isa sa iyong damma ay sinigawan mo. Maaari ko bang malaman kung bakit mo yun ginawa?"kalmadong tanong nya. Tila mas lalo akong kinabahan dahil sa tanong nya.

Nag sumbong pala ang babaeng yun. Pati kaya pag tanong ko sa kanya sinabi din kaya nya?

"M-may itinanung lang ako sa kanya, heneral..."pag sisinungaling ko.

"Ano yung tinanong mo sa kanya at bakit kailangan mo syang sigawan?"tanong nya ulit.

"Hindi naman ganun kaimportante Heneral..."pag papalusot ko ulit. Patago akong lumunok dahil parang may bumabara sa aking lalamunan. Labis akong kinakabahan.

Hindi sya sumagot at tumingin lang sa akin na parang sinusuri ako kung nag sasabi ako ng totoo o hindi. Kaya naman tumawa ako ng peke sa kanya.

"W-wag nyo na po yun isipin pa, manghihingi na lang ako ng tawad sa kanya sa aking ginawa. At tsaka hehehe....masyado na pong malalim ang gabi kailangan nyo na rin mag pahinga"turan ko. Napabuntong hininga na lang siya.

"Sa susunod wag mo na ulit yun ulitin pa maliwanag ba?"tanong nya. Tumango ako sa kanya.

"Aalis na ako, magandang gabi..."sabi nya. At tuluya na syang lumabas ng pinto.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko dahil sa sobrang kaba. Para tuloy akong nauupos na kandila na natutunaw na. Umiling na lang ako at humakbang sa aking higaan at saka humiga.

Hindi ko pa rin magawang kalimutan ang lahat ng nangyari, kaya kahit masira at mapahamak ako ay gagawin ko pa rin. Buo na ang aking pasya, ipag papatuloy ko ito hanggang sa makamit ko ang hustisya na nararapat sa aking mga magulang at sa aking kababayan. At saka ko parurusahan ang mga taong  naging dahilan ng aking pag durusa.

Ipaparamdam ko sa kanila ang sakit na ibinigay nila sa akin.

Unknown Pov

Tumigil ako sa aking pag lalakad at masamang tumingin sa pintuan kung saan ako lumabas at saka ngumisi.

"Masyado kang halata, kaya madali na lang para sa akin ang basahin ka. Tsk tsk hindi ko lubos akalain na may isang traydor na katulad mo ang nakapasok sa mismong teritoryo ko. Hindi ko ito mapapalampas kaya sisiguraduhin ko ang iyong kamatayan..."mahinang turan ko. At saka muling tumalikod paalis.

To be continued.