webnovel

Chapter 28

Izumi Pov

Napamulat ako ng mga mata dahil nararamdaman ko ang pag himas ng marahan sa aking buhok, at sa aking pag mulat ay si Hirushima ang tumambad sa akin habang siya nakatingin sa akin.

"Heneral, ano pong ginagawa nyo dito?"tanong ko. At saka ako bumangon at umupo habang nakatingin pa din sa kanya.

" Nais lang kita makita..." Napakurap ang aking mga mata at medyo umawang ang aking labi. Habang siya naman ay tumayo sa kanyang pag kakaupo at saka lumayo at tumalikod sa akin.

"Ngunit kung nais nyo akong makita pwede nyo naman ako ipatawag, Heneral para hindi na kayo naabala pa"

"Hayaan mo na, gusto ko rin naman pumarito habang binabantayan ka sa iyong pag tulog" saad nya. Aaminin kong medyo nagulat ako sa sinabi nya. Hindi nya naman madalas itong ginagawa, ngayon lang kaya medyo nakakagulat.

"G-ganun po ba..."tanging sagot ko na lang.

"Mag asikaso ka na, at pumunta ka sa aking silid. Gusto kong sabay tayo kumain ng hapunan" sabi nya.

"Masusunod Heneral..." sagot ko. Tumango na lang siya at saka lumabas ng aking silid. Napabuntong hininga na lang ako habang tumatayo mula sa aking higaan.

Nag ayos lang ako ng kaunti at saka pumunta sa silid ng Heneral. Pag kadating ko ay nakahanda na ang mga pag kain sa lamesa, medyo marami ito at may kasama ding alak

Habang si Hirushima naman ay nakatayo sa balkonahe at may hawak na kopita na sa tingin ko ay alak ang laman nito.

At lumapit sya sa papunta sa lamesa upang ilapag ang kopita pag katapos ay tumingin sya sa akin at saka ako naglakad papunta malapit sa lamesa.

"Mag simula na tayo" sabi nya. Naupo na sya sa kanyang silya pati na rin ako. Saka kami nag simulang kumain. Naging tahimik lang kami sa aming ginagawa at mga tunog ng kasangkapan ang tangi lang namin naririnig.

"Kailan ka pa nagsimulang mag sanay ng pag gamit ng espada?" tanong nya. Napatigil ako sa pag inom ng mag salita sya kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Nitong mga nakaraan lang, Heneral" sagot ko. Tumango-tango sya.

"Sa susunod, gusto kong makita ang resulta ng iyong pag sasanay. Gusto kong makita kung talagang magaling ka na humawak ng espada" saad nya.

"Naiintindihan ko" tugon ko. Nagpatuloy na kami sa aming ginagawa, medyo kumalam na din ang aking sikmura buhat ng pagod sa aking pag sasanay. Kaya naman sunod-sunod ang aking pag subo kahit nakakahiya sa aking kaharap.

"Tila masyado ka atang gutom. Hinay-hinay lang sa pag subo, baka mabilaukan ka" anas nya. Napatigil ako sa muli kong pag subo at pilit na ngiting nakatingin sa kanya.

"P-pasensya na, heneral"

"Hindi ka ba kumain kanina?" tanong nya.

"Kaunti lang, dahil dala na rin ng aking pagod sa pag sasanay" sagot ko. Tumango-tango sya.

"Kung ganun, matapos nito ay bumalik ka na sa iyong pag papahinga. Nang sa ganun ay manumbalik ang lakas na nawala sayo" sabi nya.

"Masusunod, Heneral" sagot ko. Matapos nun ay muli kaming kumain hanggang sa natapos kami. Naunang akong matapos kumain habang siya naman ay umiinom ulit ng alak sa kanyang kopita.

"Babalik na ako sa aking silid Heneral, maraming salamat sa pag kain" sabi ko. Tumayo na ako sa aking kinauupuan at umalis malapit sa may lamesa.

Sige, makakaalis ka na" tugon nya. Tumango na ako sa kanya at saka yumuko. Pag katapos ay lumabas na ako sa kanyang silid at nag tungo pabalik sa aking silid.

Pag karating ko sa aking silid ay kaagad akong nag tungo sandali sa may bintana upang mag pahangin. Kaagad kong napansin ang mga bituing kumikinang sa madilim na kalangitan.

Kay ganda nito sa aking paningin, tila dinadala ako nito sa magandang liwanag na syang nag bibigay ganda sa mga bituin. At namasdan ko din ang bilog na bilog na buwan, na nag bibigay liwanag sa madilim na kapaligiran.

Ang problemang dinadala ko ay nawawala ng panandalian dahil sa aking nakikita. Kay sarap talagang pag masdan, naramdaman ko ang pag alpas ng aking ngiti. Ngunit kaagad yun napawi ng maisip kong kulang pa, hindi pa kumpleto. Dahil wala sa aking tabi ang pinakamamahal kong magulang.

Sila na lang ang meron ako ngunit kinuha pa nila ito sa akin, ang buhay ko ay parang wala ng saysay upang mabuhay pa. Dahil wala na sila, na kahit kailan hindi ko na sila makakasama pa.

Kaya pinapangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari, malalagot ang mga pumatay sa kanila. Ipag hihiganti ko sila, mag babayad ang pumatay sa kanila.

Napakuyom ang aking kamay at nanggigil na tumungo sa aking higaan. Umupo ako sandali at saka nag buntong hininga. Pag katapos inalis ko ang aking sandalyas sa aking paa at inilagay sa isang tabi. At saka ako humiga.

Napatingin ako sa kisame at doon ko naalala ang mukha ni ama at ina. Na parehong nakangiti sa akin, at napangiti na lang din ako habang napapailing dahil mukha akong tanga

Ipinikit ko na lang aking mga mata at maya-maya lang ay naramdaman ko na ang antok. At doon na ako nakatulog ng tuluyan.

To be continued.