Haru Pov
Hanggang ngayon hindi ko pa din lubos na maisip sa ikalawang pag kakataon ay uulitin na naman nya ang mga ginawa nyang pag sasakop noon sa emperyo ng shinamin, sa aming sariling emperyo hindi pa din sya makuntento at gusto nya pang manakop ng iba pang emperyo sa ibat ibang bayan. Bilang kanyang anak, hindi ako natutuwa para doon ano na lang sasabihin sa amin ng mga tao dahil sa kanyang mapag angking plano.
"Kamahalan, ayos lang po ba kayo?" napatigil ako sa aking iniisip ng biglang nag salita si hachirou, isa sa aking mga taga sunod.
"Ayos lang ako" maikling sagot ko. Hindi na muli syang nag salita pa at nanahimik na lang din. Bumuntong hininga ako.
Kasalukuyan akong nag mumuni muni sa may bintana ng aking silid habang ang pareho kong mga kamay nasa aking likod at nakatingala sa kulay kahel na kalangitan. Malapit ng lumubog ang araw at maya maya lang ay didilim na senyales na mag gagabi na. Maya-maya lang ay bigla akong nag tanong.
"Masama ba ang aking ginawa sa aking ama hachirou?" pag katapos ay humarap ako sa kanya at sya naman ay napatingin sa akin.
"Opo kamahalan, ngunit ang inyong mga binitawang salita ay tama. Dahil kahit ako ay tutol doon sa plano ng emperador ngunit wala akong karapatan para gawin yun. Alam kong ikaw lang ang makakagawa nun dahil ikaw ang kanyang kaisa isang anak, alam ko din na papakinggan ka nya sa gusto mong mangyari"
"Ngunit hindi iyon ang nangyari, hindi naman nya ako pinakinggan. Sa tingin ko'y buo na ang kanyang pasya sa kanyang plano. Ngunit may magagawa pa ba ako para hindi matuloy yun?"
"May magagawa pa kayo kamahalan, hindi rin mag tatagal ay papakinggan ka nya. Basta wag ka lang tumigil sa pakikiusap sa kanya"
"Siguro nga tama ka, kailangan kong bumuo ng plano para matigil si ama sa kanyang binabalak. Kung noon ay wala akong magawa, ngayon alam kong may magagawa pa din ako" matapos nun ay muli akong humarap sa bintana.
Kinakailangan kong bumuo ng plano na mag papatigil sa emperador kahit na ama ko pa sya, kailangan ko syang kalabanin. Kailangan ko agad makaisip ng paraan.
Umalis na ako sa may bintana saka nag tungo sa silyang malapit sa aking pwesto. Pag katapos ay umupo ako at humarap kay hachirou.
"Iwan mo muna ako hachirou"sabi ko sa kanya. Tumango sya at saka yumuko muna sa akin pag katapos ay lumabas na sya ng aking silid. Maya-maya lang ay tumayo ako at nag tungo sa pintuan upang lumabas. Pag katapos ay nag tungo ako sa silid ng aking ama, pero bago ako pumasok ay kumatok na muna ako.
Toktok! Toktok!
" Sino yan?" sigaw nya mula sa loob.
"Ama ako po ito..."
"Ano namang kailangan mo? ahh yung tungkol na naman ba sa aking plano ? sinasabi ko sayo na kahit anong gawin mo hindi pa din yun mababago ang aking pasya" sarkastiko nyang saad. Napabuntong hininga ako.
"Pwede ba tayong mag usap ama?" tanong ko. Hindi na muna sya nag salita at narinig ko syang nag buntong hininga din.
"Sige, pumasok ka" payag nya. Kaagad akong pumasok at saka yumuko sa kanya.
"Anong pag uusapan natin?" kaagad nyang tanong habang nakatingin sa akin ng seryoso.
"Tungkol doon sa plano nyong pag sakop sa ibang emperyo..." sabi ko.
"Sabi ko na nga ba at yan ang tungkol sa pag uusapan. Kahit anong gawin mo, gagawin ko pa din. Wala kang magagawa sa kung anong gusto ko"
"Pero ama, hindi nyo ba naisip na kapag inulit nyo yan lalong magagalit sa inyo ang ating nasasakupan? maaring sabihin nila na isa kang masamang emperador at hindi ka marunong maawa sa iyong nasasakupan. Nakikiusap ako sa inyo tigilan nyo na ito" pakiusap ko. Napangisi sya sa akin habang pailing iling pa.
"Wala akong pakialam sa kanila, mananatili pa din ang aking plano. Walang sila magagawa na pigilan pa ako kahit na ikaw. Wag munang tangkain pang pigilan ako dahil wala kang mapapala"
"Ganyan na ba talaga kasama ang inyong puso na kahit ako ay hindi nyo pinapakinggan? kung ganun ayoko ng humalili pa sa inyo bilang emperador! mag hanap na lang kayo ng papalit sa inyo o di kaya'y yung heneral na si hirushima sya ang gawin mong emperador" kalmadong anas ko.
"Tumahimik kang bata ka! Kahit anong gawin mo ikaw ang nakatakdang humalili sa aking posisyon dahil ikaw ang aking panganay! hindi mo na mababago pa ang iyong tadhana haru" mahaba nyang saad. Napatawa ako ng dahil sa sinabi nya at ngising tumingin ako sa kanya.
"Maging emperador ako ay hindi ako tutulad sa inyo. Na hindi marunong makuntento, ang lahat ng kasamaang ginawa nyo ay aayusin ko para lang maging maayos ang ating bayan at emperyo. Ayoko maging masama tayo sa mata ng mga tao, kung ikaw naatim mong gawin pwes ako hindi! Kung ayaw mo akong pakinggan hindi na rin kita papakinggan pa!"
"Lumabas ka na habang may pag titimpi pa ako. Lumabas ka na!" galit nyang sigaw. Matapos nun ay lumabas na ako ng pinto at nag lakad pabalik sa aking kwarto. Nang makarating ay kaagad akong pumasok at pagalit na isinara pinto pag katapos umupo sa aking silya. Nakita ko ang pag pasok ni hachirou saka sya yumuko sa akin.
"Ikuha mo ako ng alak hachirou" seryoso kong utos sa kanya.
"M-masusunod po kamahalan" at muli syang lumabas ng pinto. Tumayo akong muli sa silya at nag tungo sa bintana at saka nag pakawala ng hininga.
"Ito na po ang alak kamahalan" lumingon ako ng pumasok at nag salita si hachirou at nilapag nya sa aking mesa ang boteng may lamang alak at sa maliit na kopita. Kaagad akong bumalik sa silya at saka muling umupo pag katapos ay kinuha ko ang alak at saka nag salin sa kopita, saka ko ito ininum.
"Lumabas ka na" maikling sabi ko. Yumuko muli sya at lumabas na ng pinto Muli akong nag salin ng alak sa kopita pag katapos ay ininum ko ulit to.
Buong gabi ako uminom ng alak dahil sa galit na nararamdaman ko. Kahit inaantok na ako at lasing na lasing ay patuloy pa din ako sa pag inom hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
To be continued.