webnovel

She's in Between

She's in between is a story of a "silent" fan-girl who once dreamt to meet her no.1 crush in person and be friends with him. Unfortunately, destiny is too playful with her because instead of meeting only her crush, she had a chance to meet all she idolizes and her crush's twin.

BlacklyPastel · 若者
レビュー数が足りません
14 Chs

Chapter 2

Cristallyn's POV

After that encounter, we just enjoyed the mesmerizing view of the sea and I can't find na rin yung kaninang guy; so I just set him aside. Back to normal na rin yung life ko pero I'm still updated sa mga stories and posts nila sa social media accounts nila. I promised myself rin kasi na I won't dwell much kay Gerome 'coz its so impossible na makilala niya ako or friends, though there are times na nagde-daydream ako like…

"Hala!! Bakit sa kabilang building pa yung next class ko. Ang layo pa naman---" nahinto ako sa pagkausap sa sarili ko kasi nakita ko yung crush ko. He's a famous basketball player ng CSA nung 'playing years' niya pa which is my school right now.

Kaya naman kahit may class pa ako sa kabilang building na sobrang layo, lumapit pa rin ako sa kanya to take a picture with him.

"Hi Ge! Mind if we take a selfie? ... if hindi ka nagmamadali ?" I shyly asked him. Sana naman pumayag ka kasi nakakahiya pa lang mag approach at may class pa ako.

"Ohh sure! No Problem" he said genuinely.

We took a selfie at siya na yung humawak ng phone ko kasi naman hanggang balikat niya lang ata ako. He asked for it din naman.

"What's your name pala?" tanong niya sa akin after we took a selfie

"Cristallyn… but you can call me love" HAHAHA gagana kaya yung line na yon? Nabasa ko lang yun sa isang story eh. Jusko po! Nakakahiya pala mag-ganon HAHAHAHAHA.

Kainin mo na ako lupa!

"JOKE!" para di masyadong halatang crush na crush ko siya. Shet! Nakakahiya talaga.

After that, I looked at my watch just to divert my attention doon and to my surprise, I only have 10 minutes na lang before the class. Oh no! sa kabilang building pa naman yon!

Landi landi mo kasi Cristallyn eh! Karma is a bitch!

"Uhm, thank you sa picture. Una na ako, may class pa ako sa kabilang building" sabi ko at nagmamadali ng umalis. "thank you!" pahabol ko at pumunta na sa may sakayan ng jeep.

" Yan! Lumandi ka pa kasi! May pa- 'call me love' call me love ka pa; parang naman magkikita ulit kayo. Ughh!!! Male-late pa ata ako—" natigil ang pagkausap ko sa sarili ko dahil sa malakas na busina.

Punyeta naman! nagda-dialogue pa ako eh!

"Psst!" nakahinto pala sa harap ko yung sasakyan at hindi ko napansin agad kung sino yung nasa loob.

"Cristallyn, right? Sabay ka na, dadaanan ko naman din yung next building." Offer niya sa akin

Shetttt! May namatay na ba sa 'inner kilig'? kung wala pa, ako na uuna.

Pero nakakahiya pala hehe.

"H-ha? Wag na, may jeep naman eh" sabi ko habang umiiling kahit na gustong gusto na ng pwet kong maupo sa sasakyan niya. "Ayan na pala yung jeep eh" sabay turo ko sa jeep na medj malayo pa kasi nahinto dahil may bumaba ata or sumakay. Isa pang pilit mo sasakay na talaga ako hehe.

"Malayo pa yung jeep." Sabi niya pagkatapos tignan yung jeep na tinuro ko sa side mirror niya. "At kapag nalate ka, konsensya ko pa kasi nagpapicture ka" baling niya sa akin at lumabas na siya ng kotse para pag buksan ako ng pinto.

Konsensya ka lang pala eh HAHAHAHA. Masama na ba ako kung hihilingin kong "sana nga makonsensya siya"? Para naman naiisip niya ako HAHAHAHAHA.

"Sige na, sumakay ka na para di ka malate. Wag ka ng mahiya." Sabi niya sa akin.

This is it pancit malabon!

"S-sige." Sabi ko at sumakay na sa shotgun seat.

Pagkaupo ko, sinarado niya na yung pinto at umikot na siya papuntang driver seat. Shettt! Feelingera na kung feelingera, kung sasabihin ko sa inyong parang jowa ko siya sa inaasta niya hihi. Taena kilig to the bones ako huhu.

"Nakakahiya naman, ihahatid mo pa ako baka naman may pupuntahan ka pa." Sabi ko nang nakasakay na siya sa driver's seat.

"Hindi naman. Sinabay na kita kasi madadaanan ko na rin naman yung next building." Sabi niya habang nagda-drive siya.

Ohh diba, nakaka-dalawa na ako. Ang galing galing ko talaga! Award na ako, Landitorian-Best in Pahiya. Hashtag ko talaga for today yung "#KaininMoNaANkoLupa" sa sobrang kahihiyan. Buti na lang talaga malapit na kami sa building para maka-alis na ako dito kasi sobrang nakakahiya na.

"Uyy, baka isipin mong napipilitan lang ako ah. To make it clear, I willingly asked you." Sabi niya na para bang nabasa niya yung naiisip ko.

"H-ha?" grabii na talaga, nauutal pa ako.

"What I mean is, you look shy kasi kanina pa habang sumasakay lalo na nung sa sinabi ko, you look akward" sabi niya sabay tingin sa akin and he gave me a smile.

At dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, I just gave him a 'awkwardish shyly smile'. Sakto namang huminto na yung sasakyan which only means nandito na kami. Thank God!

"U-uhm, thank you ahh" next time ulit para may 'part 3 pahiya '

"Welcome. Sige una na ako, nice to meet you!" sabi niya then umalis na rin siya.

Pagka-alis niya, naiwan saglit ako dun sa pinagbabaan ko at hinintay munang mawala siya sa paningin ko bago ako magtulak sa class.

At pagkatapos din nun, di na mawala wala yung ngiti ko. Ewan ko ba, kahit ganong ka-simpleng bagay na ginagawa ko napapasaya na agad ako.

*toot*

From: Ericka Bantot

Uyyy sis, arat daw kila josh. M marathon. ;))

To: Ericka Bantot

G. Sunduin mo ko. Mwaaa.

From: Ericka Bantot

Buset ka talaga!!!

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" tawa ko

"Ma! Punta ako kila Josh ah!" paalam ko kay mama na nasa kusina.

"Ha? Sige! Basta umuwi ka ng maaga kasi pag uwi mo may sasabihin ako" sabi ni mama ng hindi tumitingin sa akin.

"Sige po. Thank you ma" sabi ko at lalapit na sana ako kaso tinigil niya ako. May ginagawa kasi iistorbohin mo pa Cristallyn eh

"Sige na, sige na. Umalis ka na." sabi niya sa akin nang hindi pa rin tumitingin sa akin.

"okay po" pabulong kong sabi

Pagkatapos ng encounter naming ni mama, nagpalit na lang ako ng hoodie para mas komportable. At sakto rin namang dumating na si Ericka para sunduin ako. Papunta na kami ngayon kila Josh, at naisipan na rin naming maglakad ni Ericka. Actually si Ericka lang nakaisip nun kasi may chika daw siya at para daw girl bonding na namin.

"Sis, tahimik mo yata?" tanong niya.

Sa totoo lang Ericka, di ko talaga alam kung bakit ako tahimik at parang wala ako sa mood, Gusto kong sabihin kaso iba ang lumabas sa bibig ko.

"Ha? Wala naman kasi tayong pinag-uusapan kaya ganun" sabi ko na lang.

Ang hirap hirap magpanggap, ang hirap magtago ng totoo kong nararamdaman. Kasi kahit hindi ko ma-explain kung bakit bigla akong nawala sa mood, nararamdaman ko naman kung bakit. Gets niyo ba ako? Kung sabagay, wala namang nakakaintindi sa buhay ko eh.

Hindi ko napansing may tumulo na palang luha sa mata ko habang nag-ooverthink. Ang emotional ko nakakainis!

"Uyyy, Tallyn okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Ericka. "hindi ko na lang pala tatanungin kung okay ka lang, kasi halata namang hindi ka okay." Bulong pa ni Ericka pero rinig ko naman. At niyakap niya ako ng mahigpit habang hinihimas yung balikat ko. Kaya mas lalo lang akong naiyak.

May mga tao pa palang concern sa akin. Hindi ko napansin dahil sobrang occupied ko.

"Shhh. I'm here. I love you" she murmured, paulit-ulit niya lang sinasabi yun habang nakayakap sa akin.

Lord, what did I do to deserve this person?

Nang medyo guminhawa na yung pakiramdam ko, ako na mismo ang humiwalay sa yakap.

"Ano, okay na?" with concerned tone.

"Yes, thank you." Sabi ko habang tumatango at naka-ngiti.

"Don't smile at me as if you're okay, when your eyes says the other way around" sabi niya at inaya niya na akong maupo sa may garter.

I don't have a choice na, I should tell her what I feel. And I wish, kapag sinabi ko sa kanya lahat ng thoughts ko ay medyo ma-lessen man lang.

Huminga muna ako ng malalim bago ko simulan. You can do this Cristallyn. 1, 2, 3 HA!!

"A-actually Ericka…" nagsisimula pa lang ako, bumigay na agad. "I-I don't know h-how t-to… explain what am I f-feeling to you, t-to other people. I can't find the right words… phrase… sentence to ---"

"You know what, hindi mo naman kailangan mag-explain ng nararamdaman mo, you just need to open up yourself to me, to us without even explaining. Kasi kahit di ka na mag-explain, your eyes says it all. You just need to let us feel the pain you're feeling, hindi yung magpapanggap ka pa na kaya mo." Sabi niya with a teary eye and umiwas siya ng tingin ng mapansing nakatingin ako sa mata niya.

"If you need someone, just call me or even Josh. Let us help you carry the pain that burdens you." Dagdag niya pa and she again hugged me and this time, tightly…and kinda sweat.

"Ano ba yan, binabasa mo yung hoodie ko. Kadiri to!" pabiro kong sabi.

"Yan! Welcome back Cristallyn!" sigaw niya. "Ganyan, bagay sayo yung naka-smile at masayahin." Sabi niya at nagsmile din siya, kaso with wide gums open HAHAHAHA kaya lalo akong nangiti at natawa.

She's the best! I love her!

Pag dating namin kila Josh, in my surprise di niya dinaldal yung nangyari kanina. Josh doesn't have an idea what happened before kami magpunta dito and the reason why we're late. Hindi na rin naman siya nag-usisa, which is not him HAHAHAHA.

They always accompany me, kahit kaya ko naman. Example na lang yung sa pagpili ng movies, dati magaaway muna kami before kami makapapili ng papanuorin, kanina ako ang pinapili nila; even sa snacks ganun din HAHAHAHAHA parang reyna ang peg. Pero hindi pang-reyna ang mukha

Ericka's POV

(before the marathon; bahay nila Cristallyn)

"Tallyn!!! Tallyn!!!" tawag ko sa labas ng bahay nila. Kahit kalian talaga yung bruha na yon, ang bagal kumilos.

Tinignan ko yung gate nila and to my surprise bukas naman so gora na.

"Oo… aalis daw siya mamaya pupunta dun sa.. Josh"

Huh? Sino 'tong kausap ng mama niya? Si Cristallyn ba tinutukoy niya?

"Oo… sasabihin ko mamaya sa kanya…. Bigyan mo muna ako ng time pwede?!..." medyo tumataas na boses ng mama ni Cristallyn at sabay nun ay nahagip naman ako ni tita.

"H-hi po tita! S-si Cristallyn po?" kinakabahan kong sabi kasi baka nakita niya akong nakikinig sa pinag-uusapan nila ng ka-usap niya.

"Nasa kwarto pa, nagpapalit pa yata ng damit. Puntahan mo na lang" sabi ni tita at bumalik na sa kausap niya at umalis doon sa pwesto niya.

Ang tahimik naman yata nito? May nangyari kaya?

Tinignan ko siya at huli! May nangyari nga. I don't want to meddle sa problem niya pero I really can't help it lalo na't mukhang malalim yung iniisip niya.

"Uyyy, Tallyn okay ka lang ba?"nag-aalala kong tanong at tumingin naman siya sa akin, and I hate it to look into her sad eyes. "hindi ko na lang pala tatanungin kung okay ka lang, kasi halata namang hindi ka okay." Bulong ko pero sa tingin ko ay narinig niya kasi bigla siyang nag iwas ng tingin. Kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit kasi feeling ko for now, all she needs is comfort.

"Shhh. I'm here. I love you" bulong ko sa kanya ng paulit-ulit habang nakayakap pa rin. Afterwards, humiwalay na rin siya sa yakap. And I think she feels better than kanina.

"Ano, okay na?" with concerned tone.

"Yes, thank you." sagot niya habang naka-ngiti at tumatango. It looks better but I hate her eyes, it says everything she feels.

"Don't smile at me as if you're okay, when your eyes says the other way around" at inaya siyang maupo sa garter.

"A-actually Ericka…" nagsisimula pa lang siya, bumigay na agad. And it pains me. "I-I don't know h-how t-to… explain what am I f-feeling to you, t-to other people. I can't find the right words… phrase… sentence to ---" I can't handle it anymore. Kasi nakikita ko at nararamdaman ko, kahit magpanggap pa siya. And I hate it the most! Bakit kailangan niya pa magpanggap? Am I not trustworthy? Dahil ba madaldal ako kaya nagpapanggap siya? Or did she thought i-jujudge ko siya? If that's what she thinks, then its all wrong.

"You know what, hindi mo naman kailangan mag-explain ng nararamdaman mo, you just need to open up yourself to me, to us without even explaining. Kasi kahit di ka na mag-explain, your eyes says it all. You just need to let us feel the pain you're feeling, hindi yung magpapanggap ka pa na kaya mo." And I break down after I say those words.

"If you need someone, just call me or even Josh. Let us help you carry the pain that burdens you." And I hugged her again tightly. I can't help not to cry.

After minutes, nagpasya na kami na pumunta na kila Josh kasi late na kami and compare kanina, hindi na siya gaano katahimik. Hindi niya lang pansin pero patago akong ngatetext kay Josh about sa nangyari but not so detailed naman.

From: Josh-a ako

Aga niyo.

To: Josh-a ako

Gago, we just had some acting workshops haha joke. Pero totoo, nagka-mmk kami kanina. Bumigay siya kanina because of a problem. I won't explain it further na lang kasi baka ayaw niyang pasabi or what, pero mahahalata mo naman sa eyes niya eh.. g na, nandito na ako sa tapat niyo.

---

*ring ring ring*

"Cristallyn, may tumatawag!" sigaw ko sa kanya kasi nasa kusina siya para kumuha ng tubig.

"Pasagot!" sigaw niya pabalik. Kaya kinuha ko yung phone niya and sinagot yung tawag… ng mama niya.