webnovel

Chapter 3

Rye's POV

Nang matapos ang pag uusap kahapon ay buong araw nagkulong sa kwarto niya si Azure, dinamdam yata ng maigi ang pinagsasabi ni Vlaize.

Hindi ko siya masisisi dahil masarap talagang pasabugin ang bunganga ni Vlaize kung minsan

Matapos ang pag uusap namin kahapon ay naging busy kaming lahat. Masyado naming sineseryoso ang bagay na 'to pero relasyon nila hindi nila nagawang seryosohin

" Hoy Rye kapal ng mukha mo maghugas ka ng plato " kuda ni Vlaize sa akin

" Sampalin kaya kita ng plato, ako bunso tapos ako inaaway mo " palag ko sa kaniya

" Hampas kita sa lababo gusto mo? " pananakot niya sa akin

Inatake nanaman ng kabrutalan niya kaya kahit trip ko pa makipag away sa kaniya ay iniwan ko na siya at ginawa ko nalang dahil may sa animal 'to si Vlaize minsan, baka bugbugin pa ako.

Napakaano kasi rito, ang laking bahay tapos walang kasambahay sarap basagin ng plato isa isa pagkatapos kumain.

Habang matiwasay akong naghuhugas ng plato ay may narinig akong nabasag kaya naman natigilan ako

Kahit dala ko pa yung plato ay pumunta ako sa living room

" Tangina yung bintana " pagdating ka doon ay nakita kong basag yung bintana namin, may nakita rin akong tao kaya wala sa sarili kong naibato ang platong hawak ko

Puta yari ako kay Raven nito, basag na yung bintana nagbasag pa ako ng plato.

Sinwerte naman ay tinaaman yung binato ko, kaya tumakbo ako palabas at doon naabutan ko naman siya doon. Mukhang nasugatan ko yata

" Anong pakay mo dito? " nagulat ko yata, akmang tatakbo siya pero nahatak ko siya kaagad papasok ng loob ng bahay.

" Rye anong yung-- sino naman yan? " bungad na tanong ni Zayden pagpasok kong kasama ko yung bumasag ng bintana namin

" Paabot tali, gapos natin 'to gago ito eh binasag bintana natin " buti di pumalag si Zayden, kumuha ng tali sa drawer at tinulungan akong itali

" Tatawagin ko sila sandali " paalam ni Zayden at tinangay ko naman itong isa paupo sa sofa

" Pakawalan mo na ako wala kang mahihita sa akin " hayop 'to pumapalag pa pabayaran ko kaya sa kaniya yung binasag niya

" Puta manahimik ka nga ikaw ipang babasag ko sa bintanang hayop ka " mukha namang nasindak kaya hindi na nagsalita

" Iyan pala " napalingon ako ng pumasok ang mga tukmol, wala si Raven at Gio.

Malamang ay naghalungkat sila, dati yatang fbi sa past life mga 'yon.

At dahil nga brutal na nilalang si Vlaize tila isang kurap palang ay nasa harap na siya ng lalaking ito

" Wala naman si Ven paisa lang " paalam pa niya bago sinapak yung lalaki

todo pigil ako sa tawa dahil sa ginawa niya

" Tangina mo bakit mo binasag bintana namin " parang batang sabi niya sa lalaki

" Tama na yan hoy " awat sa kaniya ni Astra

At nagsiupuan sila sa sofa na kaharao ng inuupuan namin nung lalaki

" Anong pakay mo rito? " diretsong tanong ni Astra

Pero tila walang narinig ang lalaki, kaya napabuntong hininga si Zayden at lumapit sa amin

" Magsasalita ka o hindi ka makakalabas dito ng buhay? " pananakot niya sa lalaki ng hawakan niya ang panga nito at pisilin

Gusto kong maawa pero pag naalala yung binata at plato naming nabasag dahil sa kanya, at kung paano mauurat si Raven dahil don ay gusto ko siyang ibigti na agad.

" May pinadala lang sa akin dito, binato ko 'yon sa bintana para siguradong makikita niyo " sabay turo niya sa kahon na nasa bandang bintana kasama ng durog namin bintana

Tumayo si Levi para kunin iyon at inilapag niya 'yon sa center table, walang nag kusang loob na buksan iyon.

" Anong mayron sa kahong yan? " tanong ni Azure na pinagmamasdan ang kahon na kung titignan ay mukhang simpleng pang regalo lang

" Hindi ko alam, hindi ako pinayagang buksan at tignan iyan. " sagot ng lalaki

Puta 'to inutusan tapos hindi alam kung anong iniutos may pagka uto uto rin naman pala ang isang ito

" Buksan niyo " utos ni Xath

Minsan napaka demanding ng isang 'to

Nang walang gumalaw ay dali daling kinuha ni Vlaize ang kahon. Atat palagi ang babaeng 'to, kaya hindi nakakataka kung mauuna siyang matugis eh.

Seryoso siya ng unti unting buksan ang kahon

" Damn "

" Fuck "

" Shit "

" Tangina "

Puro mura ang lumabas sa bibig naming lahat nang makita namin ang nasa loob ng kahon

" Good thing that Raven's not around " sabi ni Astra habang pinagmamasdan ang laman ng kahon

Buti nalang nga at wala si Raven

Napabaling ako kay Xath na namumutla naawa akong natatawa sa itsura niya sa mga oras na 'to

" Xath "

" Okay lang ako " wala sa wisyong sagot niya

Ang kahon ay naglalaman ng isang picture naming lahat na nagkakasama, may nakalagay na malaking ekis dito gamit ang dugo.

" Nag effort pang kumuha ng dugo ah, kanino namang dugo yan? " pilosopong tanong ni Vlaize

" Hindi ko alam " sagot ng lalaki

" Palayasin niyo na yan, tapos mag uusap tayong lahat pag dating nung dalawa " maawtoridad na sabi ni Astra bago tumayo dala ang kahon at iniwan kami sa living room

" Pakawalan niyo na ako " palag naman ng loko

" Tangina ka binasag mo bintana namin " sinapak nanaman siya ni Vlaize

Bouncer yata siya sa past life niya

" Tama na yan hoy palayasin niyo na daw yan " awat ni Levi na mukhang naawa na pero si Vlaize ay nag eenjoy pa

" Makakalayas ka na " sabi ko nang tanggalin ko ang tali niya

Dali dali naman siyang tumakbo papalabas

" What's with your smirk? " tanong ni Zayden sa akin

" Akala niyo ba papalayasin ko 'yon bigla? " winagayway ko sa harap nila ang cellphone nung lalaki

Dinukot ko 'to kanina nung maupo siya sa sofa dahil unaahon sa bulsa niya.

" Naks, utak kalap ka na info " sabi sainyo atat to si Vlaize e

Gabi ba ng dumating si Raven at Gio, pagdating nila ay diretso agad kami sa office namin para mag usap usap.

" What happened? " bungad niya sa amin pagkapasok niya ng main door wala man lang pa good evening o kahit na ano

Bidabida ako ngayon dahil baka ako ang pabilihin niya ng bagong bintana

Kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari, walang labis pero may kulang.

" Tapos ano " naghehesitate ako kung itutuloy ko pa ba

Tinignan niya lang ako, tinging nakakasira ng mood at buhay.

" Nabasag yung buong bintana natin " napahilot siya ng sintindo sa sinabi ko

" Punyeta, but anyway we've got new informations " nilapag niya ang tatlong folder sa lamesa

" Clear and complete information, pero dinedetermine pa namin kung sino yung owner ng building dahil walang informations na nilabas tungkol sa kaniya " paliwanag ni Gio

" The owner of the building has a business with those idiots behind this shit, and I'll prove it. " mariing sabi ni Raven

" Bakit mo naman naisip? " tanong ni Xath

" The penthouse of that building was a shared unit of some illegal personnels from the business world " sagot niya

Minsan hindi na namin maintindihan ang takbo ng utak niya

" Ang gulo na nga ng buhay natin lalo pang gumulo " reklamo ni Vlaize

" Az, I need a favor, can you pick up Zurich at 3:00 am? " baling ni Raven kay Azure

" Ang aga naman " sabat ni Xath

" Yeah, they're watching us. Kaya kailangang mag ingat ng sobra " sagot niya

" Sige, saan ko ba susunduin? " basta layasan speed tong si Azure

" I'll send you the address " tumango naman si Azure

" Si Madisson pala hindi macontact kaya hindi ko masabing wag munang umuwi rito " biglang sabi ni Levi

" Subukan ng subukan, mahirap na " nag aalalang sabi ni Gio

" We're in a big mess " naiiling na bumuntong hininga si Zayden

" Pero mabalik sa usapan kanina, anong nahita niyo doon sa lalaki? " tanong ni Gio

Tinutukoy niya yung bumasag sa bintana

" Ay oo nga pala eto yung laman ng box na binato sa bintana " nilabas ni Astra yung picture, pero hindi niya pinakita ng malapitan kay Raven

" I can't see " protesta niya, malabo kasi mata. Epekto ng pagpupuyat sa maling tao nung teenager pa

" Picture nating lahat na may malaking 'X' sa gitna na sulat gamit ang dugo " pagdedescribe ni Levi

May hemophobia kasi 'to eh

" Wait, Astra baliktarin mo nga parang may nakasulat sa likod " utos ni Gio na tinitignan ang ilalim ng picture

With a confused look, Astra slowly flipped the picture, revealing it's back.

Some of us gasp because of what we saw. While the others just stared on it with a poker face.

Nilapag ni Astra iyon sa gitna ng center table namin, and Raven read it firm and clear.

" Schrodinger's Bane "