webnovel

Chapter 22

Giovanni's POV

One week na mula ng maaksidente si Rye at nang mamatay si Levi

Agad pina cremate ang katawana ni Levi dahil nasasaktan daw ang pa pamilya nya na makita ang itsura niya kung ibuburol pa siya

Hindi pa rin nagkakamalay si Rye at hanggang ngayon hindi pa rin siya stable

Ara araw ay nagsasalit salit kami sa pagbabantay sa kaniya

Si Vlaize naman ay medyo umiigi na ang lagay pero wala pa rin siyang malay hanggang ngayon

Ilang buwan na ang makalipas mula ng nawala si Madi

Pero parang kahapon lang ang lahat at sariwa pa ang sakit

Sa tuwing maalala ko siya ay hindi ko maiwasang malungkot at bigla na lamang tumutulo ang aking luha

Walang linggo na lumipas na hindi ako dumadalaw sa kanila upang makita ang abo niya

Hanggang ngayon ay nangungulila pa rin ako sa kaniya

Hindi ko rin maiwasang mainggit kay Zayden dahil 'yung relasyon nila ay maari pang ayusin at simulan mula

Hindi katulad namin ni Madi

Na tila sa kabilang buhay na muling magkikita

Sa bawat araw na lumilipas lagi akong nakakaramdam ng hindi ko maintinding lungkot

Nasa kwarto ako ngayon dahil kauuwi lang namin ni Azure galing sa pag babantay

Sa bawat sulok ng kwarto ko ay puro si Madi ang naalala ko

Bawat gamit na nandito ay lahat may koneksyon at kinalaman sa kaniya

Tila ang buong pagkatao niya ay karugtong na rin ng akin

Hindi ko na rin naiisip na darating ang araw na magmamahal ako ulit

Dahil alam ko sa sarili ko na kailanman hindi ako magmamahal pa ng kahit na sino ng higit o katulad pa sa pagmamahal na mayron ako para kay Madisson

Sa kaniya umikot ang buhay at mundo ko buong buhay

Kaya para akong ligaw nung nawala siya

Araw araw iniiwasan kong malungkot dahil sa dami ng problema na mayroon kami ngayon ay ayaw ko ng pati ako ay isipin at problemahin pa nila

Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kakayanin 'to

Impyerno bawat araw nagigising ako at maalalang wala na si Madi

Titigan kong maigi ang picture ko kasama ang mga kaibigan ko na kasama ko sa loob ng mahabang panahon bago pa man dumating si Madi sa buhay ko

Masyado na kaming sinubok ng panahon at mga problema kaya alam kong magiging matibay silang lahat sa ano pa man ang darating ngayon

Tapos ay tinignan ko yung picture namin ni Madi, ang dami naming picture sa kwarto ko. Yung iba naman ay solo picture niya na ako ang kumuha at solo picture ko na siya ang kumuba. Pero karamihan ay talagang siya.

" The next life around, I'll do everything to protect you. Mahal na mahal kita, Madisson "

I drank the last shot I have before I close my eyes

The day she died was the day I also died before I am dead.

Azure's POV

Sa araw araw na dumaan sa buhay namin ay pagod at nakikipaglaban kami kay kamatayan

Critical pa rin si Rye at coma pa rin si Vlaize

Sa bawat pupunta kami sa hospital para bantayan si Rye ay sinusugal na rin namin ang aming buhay dahil alam naming may mga nagtatangka sa amin

Pero hindi 'yon naging hadlang para magbantay kami sa kaniya

Umaasa kami na gagaling pa sila ni Vlaize kahit alam namin na sobrang tindi ng lagay nila

Kahti umiigi ang lagay ni Vlaize ay may pangamba pa rin dahil maari daw na biglang hindi magrespond ang katawan niya sa treatments lalo pa ayay komplikasyon pala siya sa organis niya na kailan lang namin nalaman

Pag uwi namin galing sa pagbabantay kay Rye ay umakyat agad si Gio sa taas sabi niya matutulog na daw siya

Si Astra at Xath ang nagbabantay ngayon doon

Kami naman nila Gio, Zayden, Raven at Volker ang nasa bahay para tumingin tingin kay Vlaize

" Zayden nakausap mo na ba si Rowie? " biglang baling ni Volker kay Zayden na tutok sa pagnood ng tv

" Huh? "

" Sabi mo nakikipag balikan 'yon sa'yo, nasabi mo na sa kaniya na wala ng balikan pang magaganap? " paglilinaw nito

" Hindi pa, alam naman niya na may problema tayo makakaintindi naman siguro siya " sagot ni Zayden

" Naks at paano ka nakasigurado? " tanong ko sa kaniya

Madalas niya ipagtanggol si Rowie sa mga usapin dito na nadadamay 'yon

Siguro hindi pa rin to nakaka move on at mahal na mahala niya pa rin si Rowie

Magtatanghalian na kami kaya tinawag namin si Gio sa kwarto pero walang sumasagot naka lock naman yung pinto

Siguro nahimbing ang tulog kaya sabi ni Raven ay wag na munang abalahin baka bumabawi ng pahinga

Dahil kakain din naman 'yon at magigising pag nakaramdam ng gutom

Katulad ng nagiging typical na araw namin ay araw araw pinupuntahan si Vlaize ng doctor niya para matignan kung bumubuti na ba talaga ang lagay niya o magbabago pa ito

Kaya  ngayon nandito kami sa kwarto niya dain chinecheck up siya ng doctor at gusto daw niya kaming makausap

Pinapanood lang namin siya habang sinusuri niya si Vlaize

Hindi rin nakakaligtas sa paningin ko ang pag iling iling nito

Nang matapos ang pagsuri niya kay Vlaize ay lumabas na kami upang sa sala mag usap usap tungkol aa gusto niyan pag usapan

" Doc ano ang pag uusapan natin? " mabilis na tanong ni Zayden

1" I'm sorry to tell you this, pero hindi na nagrerespond ang katawan niya sa gamot at treatment na ginagawa natin. Her state is being worst and sensitive " paliwanag nito

Parang nung isang araw lang ay sinabi nito na umaayos na ang lagay ni Vlaize tapos ngayon ay heto at may masama nanamang balita

" Kailangan ba natin siyang itransfer sa hospital? " tanong ni Raven

Umiling naman ang doctor

" That won't make any change, lahat ngayon ay naka depende na sa katawan niya kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw. Sa laga niya rin ngayon ay masasabi kong hindi malabo na dumating ang araw na aparato na lang ang bubuhay sa kaniya kung darating man tayo sa puntong 'yon " bumuntong hininga ang doctor at malungkot kaming tinignan

" That'll.be our choice to keep her or not " pagtutuloy ni Raven at dahan dahan namang tumango ang doctor

" 'Yun lang, aalis na rin ako. " paalam nito at nang makaalis siya ay parang lutang kami dahil sa sinabi niya

Kung darating nga ang punto na aparato nalang ang bubuhay kay Vlaize at kakayanin ba naming isuko siya?

" Pupuntahan ko lang si Gio " paalam ni Zayden kaya tumango kami

Ilang minuto pa lang mula ng maakayat si Zayden ay nakarinig kami ng malakas sigaw kaya agad kaming umakyat para tignan 'yon

Pag dating namin ay dumiretso kami sa kwarto ni Gio

Our jaws dropped because of what we are seeing right nownin front of us

Bigla akong nanlamig at nanindig maski ang ang balahibo

Nabalik lang ako sa wisyo ng bumulong si Raven na parang wala sa sarili

" G-gio "