webnovel

Chapter 11

Xathieur's POV

Sobrang nakakapagod ang mga nangyari kahapon kaya maaga kaming mga nakatulog

Medyo madilim pa ng magising ako, naalimpungatan ako dahil nakarinig ako ng iyak

Puta wala namang bata dito saan naman kaya galing 'yon, kalokohan namang may chanak dito eh ang laki laki na ni Vlaize, ang laki niya namang chanak kung nagkataon.

Kahit nagdadalawang isip ako ay lumabas ako ng kwarto ko at hinanap ko yung pinagmumulan ng iyak, ang lakas eh ayaw magpatulog.

Sinundan ko yung iyak, nakakataka galing sa kwarto ng nanay ko.

Kailan pa naging iyakin at iyak sanggol 'yon?

Kahit nagtataka ako ay walang alinlangan akong kumatok sa pintuan niya

" Pasok " rinig kong sabi niya kaya binuksan ko ang pinto

At windang na windang ako sa nakita ko

" S-saan galing yan? " litong tanong ko

Dahil pag bukas ko ng pinto ay may karga siyang baby at nandoon din sina Azure, Astra at Zayden

" Sarado mo muna yung pinto " Sabi ni Astra

Si Azure at Zayden naman ay tulog

Pumasok naman ako at sinimulan nilang ikwento at ipaliwanag ang mga nangyari sa akin

" So instant nanay ka ulit? " tanong ko sa kaniya at tumango naman siya

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, dahil ngayon lang nagkaron ng literal na bata dito sa amin.

Tapos ampon pa ng nanay nanay ko

" Susubukan kong mag search tungkol sa Louisa Montefalco na 'yan kukuhanin ko lang yung laptop ko sa kwarto " paalam ko bago lumabas at bumalik sa kwarto ko

Ang daming kaganapan ng buhay namin, tapos ngayon biglang may sanggol na napadpad sa pintuan namin.

Ano naman kaya ang sunod na mapapadpad sa pinto namin?

Pagkakuha ko ng laptop ko ay bumalik na ako ka agad

Mabilis kong binuksan ang laptop ko at nagresearch tungkol sa nasabing babae

At sa wakas naman ay tumigil na kakaiyak yung baby

Ilang minuto palang ang nakalipas ng may makita akong article tungkol sa kaniya

" Tignan niyo may nakita ako " agad naman silang lumapit sa amin

Nang lumapit sila ay nagsimula akong basahin ang article

" Louisa Montefalco a 19 year old magazine cover girl was said to be one of **** victims because of her talent manager "

" One of **** victims? means hindi siya nag iisa? grabe nga naman ang mga tigang sa panahon ngayon " iling ni Astra

Nagbrowse pa ako at base sa mga article ay palihim silang binebenta ng talent nanager nila sa foreigner para kumita ng malaking halaga

" People now a days, lahat gagawin para sa pera " dismayadong sabi ni Raven

" Paayos ko birthcertificate ng bata bukas, hindi tayo kukuha ng yaya delikado masyado " dagdag niya pa

" Means tayo mag aalaga dyan? nawa'y kayanin " lahat kami halos walang alam sa pag aalaga ng bata

" Parang ganon na nga "

Papatayin ko na sana yung laptop pero biglang may lumabas na bagong article

" Ano yan? " tanong nila kaya clinick ko yung article nagulat kami sa nakalagay doon

Sabi sa article ay tagpuang patay daw si Louisa sa loob ng bahay niya, at base sa mga nakitang ebidensya ay malaki ang chance na murder daw ito

Hindi pa alam kung ano ang motibo ng pagpatay pero kung ano man iyon paniguradong may halong business 'yon o baka dahil sa **** na nangyari sa kaniya

Grabe naman sila, matapos gahasin ay pinatay naman

" Mabuti nalang ay naisipan niyang iwanan dito si Ej, kung hindi ay baka pati yung bata ay nadamay " iling ni Astra habang pinagmamasdan yung batang natutulog

Habang tinitignan ko yung bata ay napapaisip ako kung ano ang magiging papel niya sa buhay namin

Kung threat ba siya o hindi

Sana lang ay hindi siya ang maging kahiyaan namin dahil pag nangyari 'yon ay maari siyang gamitin laban sa amin

Lalo ng mga taong hayok na pabagsakin kami sa hindi maintindihang dahilan

Tinamad na akong bumalik sa kwarto ko kaya nakihiga nalang ako sa kanila

Hindi ko na rin napigilan ang sobrang antok bahala na kung magkakatabi kami dito

Yung bata nasa ibang higaan may single bed kasi dito bali dalawa yung kama isang king size isang single bed

Zayden's POV

Nagising ako na nasa kwarto ni Raven, apat kaming magkakatabi ni Azure, Astra at Xath pero hindi ko alam kung paano napadpad si Xath dito.

Pagbangon ko naman nakita ko si Raven na nakayuko lang sa kama habang nakalupasay sa sahig

Napuyat siguro kaka bantay sa bata

Hindi ko na siya ginising at dumiretso nalang sa banyo niya para makihilamos

Naawa ako kay Rowie, binabagabag ako ng nangyari kahapon.

Hindi ko alam kung bakit pero naawang nasasaktan ako sa nangyayari sa buhay niya

Pero ganon pa man, hindi ko maiwasang magalit. Nabubuhay yung galit ko sa kaniya tuwing maalala ko kung pano niya ko tinarantado

Pagtapos maghilamos ay bumaba ako, nagluluto ng almusal si Vlaize wala sigurong topak

Madalas ay si Levi ang nagluluto eh

" Gisingin mo sila Raven " utos niya

Napaka bossy talaga ng babaeng 'to 

" Pagod yung mga 'yon " kontra ko

At sinamaan ako ng tingin

Saka ko lang naalala na hindi pa pala nila alam

Bumuntong hininga ako saka ipinaliwanag ang mga nangyari sa kanila

Natawa ako ng machoke si Rye dahil sa sinabi ko

" Seryoso yan? " tanong niya

" Mukha bang joke? " bara ni Vlaize

Napaka ano talaga ng dalawang 'to

Kumain nalang ako agad pagtapos ay nagpaalam sa kanilang aalis sandali.

Napag desisyunan kong kitain si Rowie kahit nasusuklam ako sa ginawa niya ay naawa parin ako sa kaniya

Pagtapos maligo ay tinawaga ko siya, nagulat man ay batid kong natuwa siya.

Napagkasunduan naming magkinta nalang sa hindi kalayuan dito

Pag dating ko ay nandoon na siya at may kasama siyang batang babae na mukhang tatlong taon na

" Rowie " napatingala siya ng makita ako

" Order muna tayo " aya ko pero umiling siya

Siguro ay nahihiya, sana nahiya ka rin nung niloko mo ko tangina

" Okay, magkano ang kailangan mo? " tanong ko sa kaniya ng diretso dahil ayokong makipag usap ng matagal sa kaniya

Nagpaflash back lahat sa akin sa tuwing makikita ko ang mukha niya

" One hundred thousand, Zayden. Wala akong ganon kalaking halaga. " mahina niyang sabi sabay yuko

Bumuntong hininga ako at inabutan siya ng tseke

Matapos kong ilapag sa lamesa iyon ay inayos ko ang sarili at tumayo na

Aalis na sana ako ng bigla siyang magsalita kaya napatigil ako

" Mahal parin kita, Zayden "