"Mag kaibigan lang sila Avery. Kung baga bestfriend lang. Wala kang dapat ikabahala kaya huwag ka ng umiyak. Ayaw kong umiiyak ka." Para bang nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Nakahinga ako ng maluwag at nawala ang mga pag iisip ko ng negatibo. Mabuti naman at sinagot niya ng totoo ang tanong ko, atleast nawala ang pangangamba ko.
"Kung ako saiyo Ruth aamin na ako!" Ngumiti lang ako kay Kae na abala sa pag nguya ng kwek kwek na binili niya. Wala si Achilles dahil may urgent meeting daw siya kaya naman kami lang ni Kae ang mag kasama ngayon. Pinag patuloy ko ang pag tusok sa binili kong fishball habang nakikinig sa mga suhestyon niya na kung paano ako aamin kay Doc Martin. Ilang linggo na din ang nakakalipas at hindi pa kami nag kikita. Simula nung araw na pumunta ako sa program nita ay sari sari na ang mga naririnig ko sa iba tungkol sa kan'ya, sa kanila ni Tita Judy pero hindi ko nalang pinapansin dahil ang pinanghahawakan ko lang na katotohanan ay ang sinabi ni Yvo at saka hindi naman niya ata ako tutulungan kung totoo ang mga ito.
"Kailan ka ba aamin Ruth? May balak ka ba?"
"Meron pero hindi muna ngayon."
"Huh? Bakit!"
"Tutulungan ako ni Yvo."
"Bagal naman niyang Migo na yan!"
"Hoy liit hindi mabagal kaibigan ko noh!" Sumulpot si Kio sa harapan namin kaya naman nag simula nanamang mag angilan silang dalawa. Napangiti nalang ako sa kanila dahil nagiging close silang dalawa actually silang tatlo ni Achilles pero nakakalungkot nga lang dahil nagiging busy na siya.
"Migo ambagal mo! Paano mag kakaroon ng jowa tong kaibigan ko kung hindi mo tinutulungan ha! Hay naku Ruth kapag nag kita kayo ni Doc Martin mag confess ka na agad! Strike to the point! Ganito sabihin mo doc gustong gusto kita, ganon bess!" si Kae. Balak ko naman talagang umamin pero hindi sa ganong paraan at dapat mag hihintay lang muna ako ng tamang pag kakataon para naman handa ako.
"Eh di ikaw gumawa Keana! Tutal ikaw naman ang naiinip," sabat naman ni Kio. Nag angilan lang silang dalawa. Naramdaman ko naman ang mahinang pagsiko ni Yvo kaya naman tumingin ako sa kan'ya.
"Kamusta?"
"Mabuti, ikaw?"
"Okay lang naman." Katahimikan ang bumalot sa'min, hindi ko alam kung bakit ba laging nagiging ganito ang nangyayari sa'min. Nabawasan ang pag kamadaldalin niya kapag nakakasama niya ako, unti unting nag babago siya. May problema ba siya?
Nagulat ako nang biglang pumagitna sa amin si Kae." Kapag pumunta ka kay Doc Judy ihingi mo din ako ng papers Ruth ha! Wala pa akong nahihingan eh."
"Sige ihihingi kita."
"Mamaya ka ba pupunta?"
"Siguro ngayon na...wala naman ng klase."
"Ayun! Sige kukunin ko sa'yo bukas para na---." Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang biglang nag salita si Yvo.
"Ngayon! Huwag ngayon!" pag papanic niya. Pinaningkitan ko siya ng tingin, anong huwag? Bawal ba akong pumunta sa hospital ng tita ko? Kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kakabado.
"At bakit naman aber? Ikaw ba pamangkin ha?" mataray na tanong ni Kae. Tumingin pa siya sa gilid at nakitang bumibili si Kio. "Tignan mo yung loko nag sosolo! Diyan lang kayo ha! Mag papalibre lang ako.... Hoy kio!" Agad siyang tumakbo kung nasaan si Kio. Nakatitig lang ako kay Yvo at nag tataka kung bakit niya ako pinipigilan. Hindi siya makatingin sa akin.
"Anong huwag?"
"Ahh kase...ahhh." Hindi niya matuloy tuloy ang gusto niyang sabihin kaya naman mas lalong kumunot ang noo ko. "Next time nalang kaya Avery? At saka tignan mo sarili mo oh ampayat payat mo na. Kailangan mong mag pahinga ,dapat umuwi ka ng maaga."
"Oo uuwi talaga ako ng maaga pero dadaan akong hospital kase kailangan na namin yun."
"Samahan mo nalang ako kay Kuya, Avery! Sige na."
"Yvo ayoko nga. Huwag kang makulit, please. Kailangan na namin yung papers na yun. Sa sunod nalang kita sasamahan." Nag babalak na sana akong umalis pero hinigit niya agad ang coat ko para pigilan ako.
"Sige na Avery please. At tsaka si Kuya Martin naman makakasama mo, ayaw mo ba non?"
Umiling ako sa kan'ya at pilit na tinatanggal ang pag kakahawak niya. "Kahit na! Kailangan ko parin yung mga papers," naiinis kong saad. "Bakit mo ba ako pinipigilan ha?"
Huminga pa siya ng malalim at bumuntong hininga. "Avery kase ganito yun si Doc Judy at si ku---." Hindi na niya natapos ang pag sasalita niya nang biglang sumulpot si Kio at hinigit higit siya palayo sa'kin.
"Training na kami!" malakas na sigaw nito. Pilit namang kumawala dito si Yvo pero hindi niya ito binitawan. Napag pasyahan naman ni Kae na umuwi kaya naman nag paalam na siya sa'kin. Sumakay ako ng jeep papunta sa hospital. Tumingin naman ako sa langit pag kababa ko ng jeep, mukhang uulan pa ata. Lalakad na sana ako nang nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na sasakyan.
"Kay Doc Martin ba to?" pag tatanong ko sa sarili ko. "Baka naman mag kapareho lang," dagdag ko pa. Iniwas ko nalang ang tingin ko dito kase baka maaubutan pa ako ng ulan kung kikilitasin ko pa ito. Agad akong pumasok sa loob at sumakay sa elevator. Nang bumukas ito, tinahak ko agad ang lugar kung saan ako pupunta. Kakatok na sana ako pero hindi nakasara ang pinto kaya naman maingat kong binuksan ang pinto pero napatigil ako sa nakita ko.
I blinked my eyes on what i saw. My jaw drop when I saw Doc Martin and Tita Judy kissing. Nag kalat ang mga bulaklak sa sahig at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. 'Happy Anniversary mi amor. Let's get married!' nag simulang mag init ang mga pisngi ko at nag babanta na sanang kumawala ang luha ko pero huli na nang idilat ni Tita ang kan'yang mata kaya naman agad siyang humiwalay kay Doc Martin at hiyang hiya na tumingin sa'kin.
"Ruth! What brings you here? Kanina ka pa ba?" sunod sunod niyang tanong.
Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya naman umiling ako at pilit na ngumiti. Pinigilan kong hindi mabasag ang boses ko kaya naman umubo ako ng peke bago mag salita." No Tita actually kakapasok ko lang," i lied.
"Ganon ba?" Pinag pabalik balik niya pa ang tingin niya kay Doc Martin at sa akin, sabay ngumiti. "Maybe this is the perfect time....Right! So babe," she called Doc Martin by their endearment so he stood up and grabbed Tita Judy's waist. "I know your two already met but babe." She glanced at doc martin. "Babe i want you to meet my niece...this is Ruth.... and Ruth this is Martin," she introduced. "My boyfriend." My smile fade, it echoed to my ears. Two words but it gives my heart a million pain. It's like a sword that stabbed my heart from the back.
Doctor Martin smiled and gave his hand to me. "I'm Martin your tita's fiancé." Mas lalo pa akong nasaktan na para bang binaon ang sinaksak sa akin. Hindi ko na napigilang maluha sa sinabi niya kaya naman ibinaba ko ang tingin ko at tinanggap ang kamay niya. Nang hihina ako, para babagsak ang mga tuhod ko ngayon dahil sa pang hihina.
"Aww." Tumingala ako at nag panggap na napuwing para pasimple kong mapunasan ang luha ko. Tumingin ako sa kanila at ngumiti ng pilit. Kitang kita ko sa mga mata nila kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.
"Ruth you want cake? Martin bought me a cake."
"No Tita. Actually i really need to go and nandito lang ako para kunin sana yung papers."
"Oh right! Nakalimutan ko i'll just deliver it mamaya, pwede?"
"Okay.. so i have to go, mukhang nakaabala pa ata ako sa inyo," pag bibiro ko.
"No you're not. You can stay here sweetie. Join us to celebrate," pag aalok niya. Ngumiti ako at umiling, kung sasama ako sa kanila baka mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko.
" Thank you but Im sorry.. I really need to go. Good bye for now love birds. Enjoy your celebration!"
"Hatid na kita Ruth," Doc Martin insisted. I shook my head and smiled.
"No need Doc Martin. My driver is here," i lied.
"Is that so? Okay... so good bye and take care, okay?" Ngumiti lang siya sa'kin kaya naman ngumiti din ako. Tumalikod ako at mabilis na lumakad palayo. My eyes began to produce amount of tears.
Hindi ko na alam ngayon ang gagawin. Sasakay sana akong elevator pero lumihis ang mga paa ko at tinungo ang hagdan nang makita ko siya. Nagagalit ako sa kan'ya at parang gusto kong kamuhian siya dahil sa ginawa niya. After we've been through, he will do this to me?
Kung iba lang yung girlfriend ni Doc Martin pwede ko pa siyang intindihin eh pero si Tita? Parang ginawa niya akong kabet. Bakit niya pa ako tinutulungang mapalapit sa Kuya niya? Bakit niya pa ako tutulungang umamin sa Kuya niya? Kung alam niya din pala na may namamagitan sa kanila ng Tita ko! Kaya niya ba ako pinigilang pumunta dito para hindi ko malaman? Paano kung sumunod ako sa kan'ya na samahan siya? Eh di hindi ko malalaman ang totoo? Patuloy niya parin akong lolokohin? Patuloy parin siya sa pag sisinungaling?
Sari sari ang nararamdaman ko. Napapamura nalang ako ng paulit ulit sa kaloob-looban ko. Unti-unti ay nanghina ang mga tuhod ko at ilang saglit pa ay napaluhod nalang ako sa gitna ng kalsada, not minding the cars and people passing by. Tuluyang bumuhos ang mga luha sa aking mga pisngi. Napatawa na lang ako ng mapait sa kaawa-awa kong sinapit, sumabay pa ang buhos ng ulan mula sa langit.