webnovel

Santa Barbara #1: Change of Hearts

Valentina Aldavero believes that it's fine to do the first move and bold advances with the one you like. It's okay to do everything than regretting it later on because you did nothing. She first met him at the Division Secondary Campus Media and Research Conference. She's an editorial writer while he's an editorial cartoonist. The moment their eyes met, it was indeed a love at first sight. First move. Bold advances. Change of heart. 1/5

girlinthebathroom · 若者
レビュー数が足りません
8 Chs

Chapter 3

Trouble

"Parang ang tamlay mo yata ngayong araw," sinundot pa ni Yvonne ang pisngi ko at tinitigan ako. Kanina pa niya ko kinukulit pero nanatili pa rin akong tahimik.

"Sino bang tinitingnan mo?"

Nakita kong lumingon siya sa direkyon ng tinitingnan ko.

"Si Janus na naman ang tinitingnan mo. Crush mo ba siya?"

"Hindi," agad kong sagot. Umiwas na lang ako ng tingin at nilabas ang cellphone ko.

"Ano bang nangyari? Nakita ko kanina na magkasunod lang kayong pumasok dito sa classroom. Magkasabay ba kayong umuwi?" dagdag pa niyang tanong. Hindi talaga ako titigilan ng isang 'to. Alam ko kung gaano kakulit mang-usisa ang isang 'to pero wala ako sa mood magkuwento ngayon.

"Connect ka sa hotspot ko. Laro tayo ML."

I saw how her eyes shined with what I said. I knew it, it's the magic phrase to make her shut up.

"Sino sasali sa amin ni Val? ML daw," sigaw ni Yvonne. Nakita ko namang napatingin sa gawi namin si Kendrick.

"Sali kami!" sagot ni Kendrick. Nakita kong inaya pa niya si Janus pero hindi siya pinansin. Nakaramdam naman ako kahit papaano ng ginhawa dahil hindi siya sasali sa amin.

"Classic lang tayo."

Naglaro na nga kami at napuno ang classroom ng sigawan at murahan. Habang naglalaro kami, nakita kong lumabas si Janus. Oo nga pala ayaw niya sa maingay. Hindi siya makakapagbasa nang maayos kapag maingay ang paligid. The reason why he went out that night because he wanted to be at peace.

Pagkatapos namin maglaro, sinaway na kami ng mga SPA namin dahil kailangan na rin naming matulog. 9 PM ang lights off at marami ang lalaban kinabukasan. Bukas na rin lalaban sina Yvonne kaya maiiwan ako dito buong araw. Probably, I will be stuck here whole day with Janus. Dapat siguro gumala ako bukas para hindi ko makasama sa iisang classroom si Janus.

Binuksan ko ang cellphone ko at naghanap ng tourist spot dito sa Siniloan. Puwede naman siguro akong tumakas dito bukas? Kaso dapat akong umalis kapag nakaalis na sila at dapat makauwi na ako bago pa sila umuwi.

Lumabas sa results ang Mt. Romelo at ang Buruwisan Falls. Malapit lang siya dito at makakarating agad ako doon 30 minutes mula dito. Tinago ko na lang ang cellphone ko. Hindi magandang idea 'yon. Pangit maghiking kapag mag-isa lang ako. I don't want to look lonely there.

Maaga akong nagising. 4 AM pa lang pero gising na gising na ang diwa ko. Nilingon ko ang paligid at nakita kong marami pang tulog. Sinilip ko si Yvonne sa tabi ko at nakita kong nakanganga pa siya. Nilabas ko naman ang cellphone ko at kinuhaan siya ng litrato. Naghilamos muna ako at nagdesisyon akong lumabas. Naglakad ako nang ilang minuto hanggang sa makarating ako sa playground. Nakita kong may swing kaya umupo ako agad doon.

Binuksan ko naman ang cellphone ko at nagdecide na lang na magpatugtog. Halos tulog pa naman ang lahat at mahina lang naman ang tugtog. Sinabayan ko lang ang kanta hanggang sa makarinig ako ng kaluskos sa isang bench malapit dito.

Huminto ako sa pagkanta at binuksan ang flashlight ng cellphone ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa bench. Tinapat ko ang flashlight sa bench at nagulat ako sa nakita ko.

"Fuck!" he cursed.

Halos mabitawan ko ang cellphone ko nang makita ko si Janus na nakahiga sa bench.

"Holy shit bakit d'yan ka natutulog Janus?"

Nakatapat pa rin sa kaniya ang flashlight kaya nagulat ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko para hindi matapat sa kaniya ang ilaw.

"Ilayo mo nga sa'kin 'yan, nakakasilaw."

Nakatingin ako sa kaniya ngayon pero hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil ang ilaw galing sa isang classroom lang ang nagbibigay ng liwanag sa amin.

"Bakit dito ka natulog?" tanong ko ulit.

"It's peaceful here besides I want to look at the stars before I sleep."

Binilang ko naman sa kamay ko ang words na binanggit niya.

"14 words."

"Anong sinasabi mo?"

Naglakad naman siya papunta sa swing kaya umupo ako sa swing sa tabi niya. Mas kita ko na kahit papaano ang mukha niya ngayon.

"Binilang ko lang 'yung words ng sinabi mo kanina. 14 words lahat 'yon. Guinness world record 'yon!"

Nakita kong mas lalong kumunot ang noo niya.

"Bakit mo binibilang?"

"They said that the maximum words that you can say is five words only but now you said 14 words. World record 'yon!"

Narinig ko namang humalakhak siya. It was my first time to hear him laugh.

"At kanino naman nanggaling ang balitang 'yan?"

"Seven words!"

Tumawa ulit siya this time mas malakas na. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakikitawa sa kaniya.

"May nakapagsabi lang sa akin na tipid ka raw magsalita at hanggang five words lang daw ang kaya mo."

Tumango-tango naman siya. Lumingon siya sa akin at bumilis ang tibok ng puso ko nang magtagpo ang paningin namin. Lumiliwanag na pero tumatama pa rin ang sikat ng buwan sa mukha niya. Magulo ang buhok niya at ang iilang strands ng buhok niya ay tumatakip sa kilay niya. May pagkasingkit ang mga mata niya. Maamo ang mukha niya pero hindi mo makikitaan ng emosyon ang mata niya. Aabutin ka siguro ng isang oras bago mo matukoy kung anong nararamdaman niya.

"Akala ko ba editorial writer ka?"

"Oo nga!"

"Bakit naniniwala ka sa chismis?"

Natutop ko ang bibig ko sa sinabi niya. Nakita kong umangat ang sulok ng labi niya at tumingin siya sa kalangitan.

"I thought that my source is a reliable one."

"Rappler ba 'yan? Manila Bulletin ba 'yan? Daily Inquirer ba 'yang source mo?" I can sense the humor in his voice and at the same time the sarcasm.

"Oo na hindi na reliable ang source ko."

"Next time do not believe on what other people say about me. Do not believe in hearsays and gossips."

"Kanino na ako ngayon kukuha ng info tungkol sa'yo?"

He looked at me and I saw the amusement on his face. He even raised his eyebrows while looking at me.

"From a reliable source," he simply answered.

"Okay then you are the reliable source Janus. From now on, I'm going to ask you any questions so I can get some reliable informations."

I smirked at him and he shook his head as he looked away.

"Silly girl," he said and I heard him chuckled.

Tumayo na ako nang makita kong sumikat na ang araw. The sunrise will always be my favorite scene because sunrise means new beginnings and new chances.

"Babalik na ako sa classroom," pagpapaalam ko. Tumango naman siya at sumunod na rin sa akin.

Nanatili kaming tahimik habang naglalakad pero hindi ako nakaramdam ng awkwardness. I guess I'm happy with our small conversation and I can't help but to lift up my hopes a little bit. He will be my eye candy for this year.

"Oh saan kayong dalawa nanggaling?" tanong sa amin ni Mrs. Gonzales.

Sasagot na sana ako nang biglang sumagot si Janus. "We went out for a walk."

Nakita kong nagulat sila. Ang iba ay napatakip pa sa bibig nila at mukhang hindi sila makapaniwala sa sinabi ni Janus. Nilingon ko naman si Janus at nakita kong may hawak na siyang libro.

"Sa susunod ulit," sabi ko. Tiningnan niya lang ako at hindi na siya sumagot.

Ganoon ulit ang nangyari ngayong umaga. Hinatiran kami ng almusal at nagmadali na rin maligo ang lahat ng lalaban ngayon.

"Good luck Yvonne! Kaya niyo 'yan!"

Niyakap ko naman si Yvonne para palakasin ang loob niya. Although I'm sure she's going to make it this year. Wala na akong duda sa kakayahan ni Yvonne dahil lagi naman siyang nakakapasok sa RSPC. Lalo na ngayong inspired siya dahil mukhang crush siya ng eye candy niya para sa taong ito.

"Thank you Val. Mauna na kami ha? See you later!"

Umupo agad ako sa nakalatag na beddings pagkaalis nila. Kaunti lang kami dito sa classroom dahil halos lahat sila ay lumalaban ngayon.

Nilingon ko naman ang mga kasama ko dito at nakita kong puro tulog sila. Nakatutok pa sa kanila ang electric fan. Siesta time pala ngayon kaya normal lang na antukin at matulog. Sumandal na lang ako sa pader at nilabas ang cellphone ko. Nilingon ko si Janus na nakaupo sa beddings nila habang nakasandal din sa pader. Nagbabasa siya ng libro. Binasa ko ang title at napag-alaman kong binabasa niya 'yung "A Thousand Pieces of You" ni Claudia Gray.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at binuksan ang Instagram ko. Nakita kong nadagdagdan na naman ang mga followers ko. Napatingin ulit ako kay Janus at tinype ko ang pangalan niya sa search box. May nakita akong iilang result at napag-alaman kong may IG account siya.

Agad kong pinindot 'yung "janushunter" at nakita kong marami siyang followers pero nakaprivate ang account niya. Silhouette niya lang ang profile picture niya. Nakailang scroll pa ako sa Instagram bago ako nakaramdam ng bagot. Hindi ko na talaga kaya 'to.

Tumayo ako at nakita kong napatingin sa akin si Janus. Pumunta ako sa banyo para magpalit ng damit. Nagsuot ako ng black na sweatshirt at white na joggers. Sinuot ko rin ang rubber shoes ko at tinali ko ang buhok ko. Pagkalabas ko nakita kong nakabihis si Janus. Nakasuot siya ng gray na joggers at black na T-shirt. Para kaming nag-usap sa susuotin namin. Nakita kong puti rin ang rubber shoes niya tulad ng sa akin.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya.

"Mall."

"Puwedeng sumama?"

Hindi siya sumagot so I'll take that as a yes. Sumunod na ako sa kaniya at napansin kong marami ang nakatingin sa kaniya habang naglalakad. Tumabi ako sa kaniya habang naghihintay kami ng jeep.

"Puwede ka bang lumayo ng kaunti?"

Ito na naman tayo sa ugali niyang ayoko.

"I want the Janus that I talked to this morning please?"

"Silly," bulong niya na sapat na para marinig ko.

May humintong jeep sa amin pero siksikan at hindi magkatabi ang bakanteng upuan kaya ang nangyari  hindi kami magkatabing umupo. Malapit lang din ang mall kaya nakarating din kami agad.

"Saan tayo pupunta?"

"Anong tayo? Go suit yourself," he said then he turned his back to walk away from me.

Hindi ko sinunod ang sinabi niya. Sumunod pa rin ako sa kaniya at huminto kami sa tapat ng isang bookstore.

"This will be boring for you," he said. Pumasok na kami sa bookstore at nakita kong pinagtitinginan na naman siya. Halos mabali na ang leeg ng mga babae kakasilip sa kaniya.

"Hindi ah! I love reading pero hindi ako tulad mo na ginagawang mundo ang pagbabasa."

"Talaga? Who's your favorite author then?"

Kinuha ko ang librong "The Longest Ride" at pinakita kay Janus.

"The author of this book, Nicholas Sparks."

Tumango naman siya at nakita kong napangiti siya.

"I also like Stephen King, Dan Brown, Mitch Albom and Claudia Gray," I added.

"I can see that you're not lying just to get close to me," he said as he get a book written by Mitch Albom.

Nakita kong kinuha niya ang librong "Finding Chika" at humarap siya sa akin.

"I'm just using my advantages and my same interests," I said and I giggled.

"I'm going to buy this. Some people told me that this book is worth reading."

"Nabasa ko na 'yan."

"Really?" he asked.

"Yes."

Tumingin-tingin pa ako sa bookshelf hanggang sa mapahinto ako sa isang libro. Ang title niya "The Sun Is Also A Star" at sinulat siya ni Nicola Yoon. Kinuha ko ang libro at nagdesisyon akong bilhin ito.

Nilapitan ko si Janus sa counter at nakita kong napatingin siya sa librong hawak ko.

"I liked that book," he said.

Pagkatapos naming bumili ay agad kaming lumabas ng bookstore.

"Uuwi na ako," sabi niya. Nag-umpisa na siyang maglakad pero kumapit ako sa braso niya.

"Mamaya na tayo umuwi. Kumain muna tayo."

Inalis niya naman ang pagkakakapit sa kamay ko.

"Bitiwan mo ko. Uuwi na ako."

"Ah ganoon ha? Hindi mo ko sasamahan kumain?"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy siya sa paglalakad.

"Hoy magnanakaw ka!" sumigaw ako upang makakuha ng atensyon ng ibang mga tao. Nakita ko namang napahinto siya at galit siyang tumingin sa akin.

Marami na ang nakatingin sa amin at nang-aakusa na ang mga tingin nila kay Janus. Nakakunot ang noo ni Janus at halos magsalubong na ang kilay niya habang papalapit siya sa akin.

"Magnanakaw ka ng puso ko!" dagdag ko pa.

Humiyaw naman ang mga tao sa paligid. Ngumisi na lang ako kay Janus at kumapit sa braso niya.

"Sasamahan mo na ako kumain?"

Bumuntong-hininga siya at tumango.

"But please let go of me," he annoyingly said.

I giggled after what he said. He look so pissed and annoyed while I find it funny.

"This is the second time you caused me a trouble. Damn it Valentina," he said as he entered a fastfood chain.

My heart leaped a beat when he called me with my real name. Mababaliw na yata ako.