"She looks so aloof even though she agreed for us to be friends." sabi ni Miggy sa sarili habang nagkakape sa lanai ng ancestral house ng mga Alfonso. It's weekend at wala siyang ibang gagawin kaya nagre-relax siya sa lanai.
"Good morning, Iho. Kumusta ang party niyo kagabi? Nag-enjoy ba kayo?" usisa ng mommy Martha niya na hindi pa rin naaalis ang bakas ng kagandahan sa kabila ng katandaan nito. May edad na ito pero alaga naman nito ang kanyang kutis.
"Yes, Ma. We enjoyed the night. Sa monday nga pala ay may business trip ako sa italy. Bukas na ang flight ko so I won't be here for a week. Dad asked me to attend the business trip together with him." saad niya.
"Oh, yeah. Maiiwan na naman pala ako dito. Anyway, mag-iingat kayo at kahit wala na akong pasalubong basta safe kayong makauwi." malambing na sabi ng ina.
"Thanks, Ma." nagkwentuhan pa sila saglit at pagkatapos ay pumasok na siya sa kwarto niya para mag-empake. Mayamaya ay nag-ring ang telepono niya.
"Yes, Mark?" sagot niya nang tumawag ang assistant niya.
"Sir, nag-agree na po na makipag-meeting ang may-ari ng accounting firm bukas. Pero sabi ko ay nasa business meeting kayo kaya ako na lang ang pupunta. Pero prefered daw ng owner na ang buyer ang mismong makipag-deal sa kanila. So I re-scheduled your appointment nextweek pagbalik niyo." saad nito.
"Sige. Good. Let the owner know that I will meet her personally." sagot naman ni Miggy sabay baba ng telepono.
Although he owns a bank, he prefered to buy those closing companies' para magtayo ng bagong businesses. Mas maganda na rin kasi na may nakaaalam na ng offices na bibilhin niya para hindi na mahirap humatak ng consumers. Isa-isa niyang inihanda ang for one week niyang luggage. Hindi na niya mahintay na makabalik kaagad. He wants to meet the owner of the accounting firm.
"She'll be surprised." he smiled crazy by the thought that the owner will be shocked finding out that he's the buyer of her business.
"I've got a better offer for her." tatango-tangong sabi niya sa sarili. Hindi naman malaman ni Trisha kung bakit pa niya iniisip ang sinabi ni Sophia.
"Eh ano naman ngayon kung siya ang may-ari ng banko na 'yon?" sabi niya sa sarili. Wala naman talaga siyang pakialam.
"And one more thing. Hindi na kami magkikita ulit magkikita no'n. I don't think na totoong nakipag-friends siya sa 'kin. That was just a drunk talk." dagdag pa niya. Nasa ganoong pag-iisip siya nang may marinig siyang katok mula sa pintuan ng kanyang kwarto.
"Ate Trish! May bisita ka." sabay bukas sa pinto ng kwarto ni Trisha.
"Sino?!" tanong niya dahil wala naman siyang ini-expect na bisita maliban kay Sophie na malabong pumunta sa araw na 'yon dahil may lakad sila ni Brix.
"Miggy raw po." umarko ang kilay ni Trish na nag-isip.
"Speaking of the devil. Kanina lang iniisip ko siya. I mean, iniisip ko na hindi na siya magpapakita pa. Tapos ngayon ano raw? Bisita ko?." bulong niya sa sarili.
"Nis, pakisabi umalis ako. I don't want to talk to him." utos niya sa kapatid dahil ayaw naman talaga niyang harapin ang lalaking iyon. Lalo na at hindi rin naman sila close nito.
"E ate nasabi ko na po na narito ka..." napakamot sa ulong sabi ni Nissa. Nagtataka siya kung bakit ayaw harapin ng ate niya iyong Miggy na iyon e mukha naman itong mabait. At isa pa ay gwapo ito. Kung siya ang hihilingin nitong makausap aba e kakausapin niya ito agad. Sabi ng isip niya.
"Fine. Pakisabi, I'll be there in five minutes." walang nagawang sagot niya sa kapatid. Kahit kailan talaga hindi niya maasahan ang kapatid na magsinungaling para sa kanya lalo na kung lalaki na ang kaharap nito. Isang malawak na ngiti lang ang iginawad niya sa kanyang ate saka ito bumaba.
"Kuya Miggy, baba raw siya in five minutes. Gusto mo ng juice?" alok niya rito na hindi naaalis ang ngiti niyang abot-tainga.
"Sure, Nissa." pagsang-ayon ni Miggy.
"Nis na lang, Kuya. Iyon naman din ang tawag ni ate sa 'kin. Napangiti naman si Miggy sa kapatid ni Trisha. Kung gaano ito kabait ay kabaliktaran naman ng ate nito. Ini-abot ni Nis ang Juice kay Miggy pagkatapos ay nakipagkwentuhan dito.
"Kuya Miggy, bakit ka nga pala pumunta rito? Tsaka pa'no mo nakilala si ate? Bakit ngayon lang kita nakita? Bago lang ba kayong friends ni ate? Nanli---" hindi pa man natatapos ni Nissa ang pag-interrogate niya kay Miggy ay bumaba na si Trisha sa sala.
"Nis!" sambit niya na may pandidilat sa kapatid. Ibig sabihin ay manahimik ito at umalis na. Nagkaintindihan naman sila nito kaya umalis agad si Nissa.
"Yes, anong kailangan mo sa 'kin?" pormal na may pagkamalditang tanong niya kay Miggy.
"Hi, I'm Miguel Alfonso. Miggy for short---" pakilala niya sabay lahad ng kamay niya sa harap ni Trisha.
"Alam ko. At ikaw ang anak ng mag-asawang Alfonso. So what? Anong kailangan mo sa 'kin?" hindi na niya binigyan pa ng pagkakataon na maging nice sa Lalaking ito. Hindi naman din sila magkaano-ano. Hindi alam ni Miggy kung paano magsisimula. Maganda ang intensiyon niya sa babaeng kausap pero parang singpait ng ampalaya ang trato nito sa kanya.
"I personally came here to apologize about the incident sa banko." panimula niya.
"So?" pero mukhang hindi ito bumenta kay Trisha at mukhang hindi na talaga gaganda ang usapan nila.
"You can call me or send me a letter like what your company did last time. Why do you need to personally come here for that issue?" sagot niya muli.
"I don't know if this is right. I'm apologizing even we are not at fault." nagpanting ang mga tainga ni Trisha sa narinig.
"Not at fault? Tss… So, why in the world are you apologizing if you are not at fault? Utang na loob ko pa na nag-sorry ka? Gano'n?" talaga namang kumulo ang dugo niya sa sinabi nito.
"It doesn't mean na nag-apologize ako ay may fault na kami. But the reason why I'm here is not only because I want to apologize. But also because I would like to let you know that despite of your standing we will approve your loan." sabi pa ni Miggy.
"At bakit?" tanong niya na parang naghihintay ng magandang rason sa sinabi ng lalaki.
"Dahil friends na tayo last night 'di 'ba?" tatanggi pa sana si Trisha pero kailangan niya iyong pera. Kapag inaway pa niya ang lalaking ito ay baka ang pera ay maging bato pa. Tumango-tango na lamang siya at nakinig pa sa ibang detalye ng loan. Gumaan naman ang pakiramdam niya sa lalaki.
"Don't miss me. I'll be away for a week." biro niya kay Trisha.
"Excuse me?" sagot niya. Pero makalipas ang ilang segundo ay nagkatawanan din ang dalawa sa kabila ng kanina lang ay parang lava sa init ang diskusyunan ng dalawa. Hindi nila alam na nakamasid pala ang ina ni Trisha at si Nissa sa kanila.
"Ngayon ko lang ulit nakitang tumawa ng natural ang ate mo..." naluluhang sabi nito kay Nissa.
"Oo nga po, mommy. Sana maging masaya na si ate. Sana kalimutan na niya si kuya Drake." tatango-tangong sabi ni Nissa sabay sulyap sa lalaking kaharap ng ate niya.
"Gwapo niya po no?" agad naman siyang kinurot ng kanyang ina sa singit.
"Aray." ungot naman ni Nissa habang hinahaplos ang singit. Mabuti na lamang at maong ang shorts niya. Kung hindi ay paniguradong magpapantal iyon.
"Ikaw talaga. Marinig ka ng ate mo." pagkasabi ay bumalik na ito sa kusina para asikasuhin ang pananghalian nila.
Uploaded again the novels I decided not to go for full-time writer. Enjoy reading!