webnovel

Sad Ending Stories

This is Short Sad Random Stories. Tagalog languange/ Taglish it depends on the story.

AsteriaLuns · ファンタジー
レビュー数が足りません
25 Chs

His Promise

Genre: Sad Story

"Faith, Happy 3rd Anniversary satin!" Masayang bati ni Liam saakin. 3 years na pala kaming nagmamahalan hindi namin lubos maisip na matagal na din pala simula nung sinagot ko siya.

"here's your chocolate and bouquet, Love" iniabot niya iyon saakin. Nandito kami sa Beach sa may Pampanga para saaming anniv celebration.

"Happy anniversary satin love" masayang bati ko sakaniya na may halong yakap. "sana hanggang dulo tayo mahal" sabi ko ng habang nakapikit at nakayakap lang sakaniya. "oo naman, i promise that to you na papakasalan kita soon love, i promise" agad akong bumitiw sa pagkakayakap sakaniya at tumingin sakaniyang napakagwapong mukha na nakatingin saakin.

"you promise that love huh?" sabi ko sakaniya at itinaas ko ang kamay ko, nag pinky swear kaming dalawa. Alam kong tutuparin niya ang pangako niya saakin kailan man ay hindi siya napako sa lahat ng pangako niya. "i love you my love" he kiss my forehead. Pwgtapos ng mahabang usapan namin ay napag desisyonan namin na sa restaurant na lang kami kumain dahil wala kaming maisip na pwedeng lutuin. Pareho kaming marunong magluto dahil chef kaming dalawa siya nga lang ay master chef. We're both 23 year's old and yeah 20 years old niya ako niligawan mga months din.

Kinaumagahan ay umalis na kami papuntang maynila. Back to work na naman kaming dalawa, magkaiba ang restaurant na pinagta trabauhan naming dalawa kaya tuwing gabi na lang kami magkasama. Nag off kami pareho sa trabaho kapag maga anniversary na kami ayun lang yung time namin sa isa't isa i mean mag celebrate ng magkasama. Im so proud dahil siya ang naging boyfriend ko, ang swerte ko sakaniya kasi ang sweet, niya siya na yata ang ideal man ng mga kababaihan. Kaya nga nagseselos ako kapag may umaaligid sakaniyang mga magagandang babae pero loyal siya well ganda lang teh.

*MAKALIPAS ANG LIMANG TAON*

phone ringing~

answer~

"hello? bakit po mama?" tanong ko kay mama, ang mama ni Liam. "anak pumunta ka rito sa hospital dali" sabi ni mama sa kabilang telepono. "bakit po anong nangyar--" hindi ko na itapos ang pagsasalita ko ng magsalita uli si mama "s-si Liam kasi sinugod namin sa hospital" rinig ko ang paghagulgol ni mama. "otw na po ako ma wait lang po tahan lang please" nagmadali akong pumunta sa hospital kung nasaan sila ngayon. Nakita kong nakatayo ang pamilya ni Liam sa may tapat ng EMERGENCY ROOM. Tinanong ko kung anong nangyare ang sabi nila nag collapse daw bigla si Liam baka daw sa sobrang pagod nito. At mas malala pa dun ay nabagok ang kaniyang ulo. Iyak ako ng iyak ilang oras kaming nag hintay mahigit limang oras na pero wala pa dong lumalabas na doctor or nurse ruon kundi marami ng pasok ng pasok sa loob. Kinakabahan ako. Nangako si Liam na hanggang dulo kami eh. Bakit kailangan mangyare toh sakaniya. Ambata pa bi Liam para mangyare sakaniya ito.

"alam mo iha, simula pa noong bata pa si Liam ay maka nanay siya, tuwang tuwa ako kapag umiiyak siya kapag paalis na ko ng bahay para mag work, minsan hindi ako makaalis o kaya dadalhin ko siya sa pinagta trabahuan ko" chika saakin ng mama ni Liam, wala na akong magulang since G7 ako noong naaksidente sila si Tita Lory na lang ang nag alaga saakin.

"masakiting tao talaga yan si Liam, nagkaroon siya ng maraming sakit noon, buti na nga lang ay mayroong milagrong naganap eh. Nalagpasan niya lahat ng hirap ang lahat ng sakit na natanggap niya noong bata pa siya. Ang lakas ng anak ko diba? alam mo malalagpasan din ni Liam ang nangyare ngayon, ipagdasal na lang natin siya Faith" sabi ng mama niya saakin, napaluha na naman ako sa sinabi ni mama. Sana nga malagpasan niya ang lahat ng hirap dahil nangako siya sakin na kami hanggang dulo. Hindi niya ako iiwan, nangako siya na papakasalan niya ako. ilang oras na naman ang dumaan ng biglang may lumabas na tatlong tao sa EMERGENCY ROOM. Nakatingin ito sa pwesto namin mikhang nakatingin sa mama ni Liam. Agad akong tumayo.

"ano na po ang lagay ni Liam, doc?" tanong ko kay Doc. Umiling ito, kinabahan ako anong ibig sabihin ng iling niya? nanggigilid na ang mga luha ko.

"anong ibig mong sabihin doc? bakit iling lang po huh?" pagkukunpirma ko.

"im sorry, hindi namin nailigtas ang anak niyo ho misis" nakatingin ang doctor kay mama. anong ibig sabihin nun? bakit ngayon ba nangyare ito?! ansakit! ansakit! bakit? bakit hnd na lang ako? may pamilya siyang iniwan, at lalo na ako nangako siya sakin. ngayon niya lang pinako ang pangako niya!

"hindi, hi-hindi pwede, hindi pwede yun doc" sabi ni mama ni Liam.

"bakit?" tanong ng kapatid ni Liam.

"akala ko ba maayos na si kuya ma?" umiiyak itong nakatingin sa mama niya.

"akala ko din maayos na si Liam, hindi ko alam" umiiyak kaming lahat ngayon. May sakit sa puso si Liam ayun ang pagkakasabi ng doctor saamin, huminto iyon noong bata pa si Liam pero nung ilang months daw ay lumalala ang sakit nito sa puso. Bakit hindi ko alam na may sakit siya? bakit hindi niya sinasabi sakin yun? akala ko ba kami? akala ko ba girlfriend niya ko? Liam! umuwi ka na please, please balik ka na.

*MAKALIPAS ANG ILANG ARAW*

ilang araw na pala simula noong namatay si Liam, nakaraan lang nung inilibing siya. Nagpakapagod ako, nagpakalibang ako para makalimutan ng lahat ng sakit na mayroon ako pero walang nangyare hanggang ngayon buo pa din yung sakit kahit kailan man ay hindi ata ito mababawasan.

Nandito ako ngayon sa unit namin ni Liam, hindi ko maiwan iwan ang unit na to dahil sa dami ng memories namin rito. nabaling ang internsyon ko sa isang bagay na nakapatong sa may folder ng lamesa ni Liam, ngayon ko lang napansin dahil di naman ako humahawak ng paga ari ni Liam. Kinuha ko ang isang papel nakita ko ang nakasulat ay yung pangalan ko.

for my beloved Faith~

-Hi love, sana masaya ka pa rin kahit na wala na ako jan sa tabi mo. Sorry dahil hindi ko man lang masabi sainyo ng pamilya ko ang totoong kalagayan ko, sorry dahil hindi ko matutupad ang huling pangako na binitawan ko nung 3rd anniversary natin. Sorry love, hindi ko naman sinasadya na babalik ang sakit ko sa puso. Pinilit kong magpakatatag para sayo, pinilit kong magpacheck up tuwing linggo kaya nga nalalate ako sa meet up natin eh. Sorry love huh. I love you my love Faith.

from: your ex Love, Liam.