webnovel

Chapter 2 Masayang Pagkakataon...

Nakita ni Millet ang saya sa mukha ni Boz, sayang nakita nya ng araw na minsan ay yayain sya nitong mamasyal. Pupunta daw sila sa isang parke. Si Millet naman syempre, feeling excited kasi masosolo nya si Boz dalawa lang sila at hindi yung magkakasama lang sila pagbibisita sa mga kaibigan sa simbahan.

Naalala nya ang araw na nasa parke sila, gamit rin ni Boz ang motor nya, magkaangkas sila. "Humawak ka sa Baywang ko." Bulong ni Boz kay Millet. Syempre sunod naman sya, nanginginig pa. Kinikilig pa, with a smile na parang nalulula sya, para syang lumilipad sa saya. Ganun yun.

Dumating sila sa isang parke, "wooowww, ang ganda naman dito." Namamanghang sambit ni Millet kay Boz. Ang daming magagandang bulaklak, nakaarko sa pasukan ng parke ang pink at white na roses, habang sa pathway ay nakapila ang iba't ibang kulay ng roses, bawat puno at may naglalakihang orchids habang sa paanan ng puno ay nakaayos pabilog ang mumunting mga halaman na may makukulay na bulaklak, "parang paraiso yata ito."

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Boz sa malambing na himig, sabay hawak sa kanyang mga kamay.

Napapitlag si Millet, parang huminto yata ang ikot ng mundo, parang hindi sya makahinga at sandaling napatulala, habang nakatingin sa mukha ni Boz na parang nagtatanong. Ngumiti si Millet at tumingin sa mukha ni Boz, sabay-sabing, " Napakagandang lugar, ngayon lang ako nakapunta sa ganito kagandang lugar, salamat." sabay marahang hampas sa braso ni Boz na may pilyang ngiti.

" Makita ko lang na masaya ka Millet, ako ay sobrang saya rin." Ngiting kaakit-akit...nananaginip ba sya? " Alam mo bang may gusto ako sa iyo? Patuloy ni Boz habang nakatingin kay Millet.

Napatingin sya sa mukha ni Boz, tumingin sa kanyang mga mata at para bang binabasa ang kanyang tunay na saloobin kung ito ba ay totoo o nagbibiro lang...parang napakabilis nman yata ng mga pangyatari?

Nagulat si Millet. Oo, noong una nyang nakita at nakilala si Boz ay may kakaiba nang naramdaman si Millet ngunit di nya ito pwede sabihin at aminin agad. 'Di naman kasi kultura ng mga Filipino na ang babae ang manliligaw at unang magsasabi ng nararamdaman, nakakahiya at tyak kung malaman ng pamilya at relatives nya e baka kalbuhin pa sya. Habang tumatagal ang kanilang pagkakakilala ay lalong nagkakalapit ang loob nila sa isat isa at heto na nga sila ngayon....

"Ang sabi ko, gusto kita Millet." Pag-uulit ni Boz.

" 'Di ka ba nagbibiro? Tanong ni Millet habang sinusuri ang expression ng mukha ni Boz...Mukha namang sincere." Pag-iisipan ko." Tugon ni Millet

Bago muling ibaling ni Millet ang tingin sa ibang magagandang bagay sa kanilang paligid ay nagulat sya sa ginawa ni Boz. Hinawakan nito ang mukha nya sabay halik sa mga labi nito, marahan, naging mapusok, 'di alam ni Millet kung papalag ba sya, baka naman ma-offend si Boz, magpapakipot ba sya? Baka magalit si Boz...Ano ba ang gagawin nya? sa isip isip nito...nadama nya ang tamis, ang sarap, ganun pala ang kiss, yun ang kanyang unang halik. Nakakakaba, nakakanginig, nakakatakot pero nakakakilig.

Sa puntong kapwa di na sila makahinga ay binitiwan ni Boz si Millet, di nito alam kung ano ang dapat na maging reaksyon...Sasampalin ba nya si Boz o hahayaan nalang na parang walang nangyari? E paano kung magalit?Kapwa naman nila ito ginusto, walang dapat sisihin....nadala rin naman sya. Nagpaubaya.

"So--sorry, n-nabigla lang ako, gustong gusto kasi kita. Humahanap lang ako ng tyempo para sabihin sa iyo." Patuloy ni Boz.

Tumingin si Millet sa mukha ni Boz, binabasa ang tunay nitong nararamdaman. Tumango lang si Millet sabay sabing, " 'wag mong alalahanin yun", huling salita nya.

Nanatili pa sila ng ilang minuto sa lugar, ninanamnam ang bawat sandali ngunit kapwa sila tahimik, parang kapwa takot sa isat isa...walang nais magsalita...hanggang sa maihatid ni Boz si Millet.