webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · ファンタジー
レビュー数が足りません
205 Chs

Unity Locale 2

~Hapon~

"Wala ang kong sakit, noh! Bihira lang ako magkasakit!"

Sigaw ni Jervin kay Yvonne sabay tanggal nito ng kamay ng dalaga sakaniyang noo. Biglang natawa ang dalaga sa sinabi ng binata at saka umayos na ng kaniyang upo.

"Nagmahal ka na ba dati?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne sabay ayos niya ng kaniyang upo at saka tumingin sa malayo. Napabuntong hininga lamang ang dalaga.

"Hindi ko alam. Siguro oo... siguro hindi."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin sabay tingin nito sa binata na nakatingin pa rin sa malayo.

"Ikaw ba?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata. Dahan-dahang tinignan ng binata ang dalaga ng may halong pagtataka sakaniyang mukha.

"Nagmahal ka na ba dati?"

Dugtong na tanong ni Yvonne kay Jervin habang tinitignan pa rin nila ang isa't isa. Napaiwas ng tingin ang dalaga at umayos muli ng kaniyang upo.

"W-wag mo na lang sagutin. Sino ba naman ako para itanong un sayo."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang pinagmamasdan na niya ang mga nilalang na nakikihalubilo sa isa't isa sa paanan ng talampasan na kinaroroonan nila ngayon.

"Isa kang anghel."

Sabi ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nito tinitignan ang dalaga. Mabilis na nilingon ng dalaga ang binata at may tumulo nanamang mga luha sa mga mata ng dalaga.

"A-ano?"

Nauutal na tanong ni Yvonne kay Jervin habang patuloy pa rin sa pagtulo ang kaniyang luha. Bahagyang nginitian ng binata ang dalaga at saka hinawakan ang kamay nito.

"Isa kang anghel."

Pag-uulit muli ni Jervin sa sinabi niya kanina kay Yvonne nang may ngiti pa rin sakaniyang mga labi. Biglang hinabol ng dalaga ang kaniyang hininga na tila ba'y parang matagal na siyang hindi humihinga at saka binigyan ng malaking ngiti ang binata bago ito yakapin.

"Thank you."

Pagpapasalamat ni Yvonne kay Jervin habang yakap pa rin nito ang binata at saka patuloy pa rin itong umiiyak. Niyakap pabalik ng binata ang dalaga at saka hinaplos ang buhok nito. Ilang saglit pa ay unti-unti nang dumidilim ang kalangitan at nagsisilaglagan na ang mga butil ng ulan. Ang mga nilalang na nasa paanan ng talampasan ay dali-daling inilabas ang kani-kaniyang mga payong para hindi sila mabasa, samantalang ang dalaga't binata ay kakakawala pa lamang sakanilang yakap.

"Hanap lang ako ng masisilungan."

Sabi ni Jervin kay Yvonne nang akma na siyang tatayo ngunit pinigilan ito ng dalaga sa pamamagitan ng paghawak nito sa pulso ng binata. Tinignan ng binata ang dalaga ngunit nakapikit lamang ang dalaga habang naka tingala at nakangiti.

"Samahan mo na lang ako dito. Samahan mo akong iappreciate ang ulan."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang hawak pa rin nito ang pulso ng binata at naka tingala pa rin habang nakapikit. Nginitian lamang ng bahagya ng binata ang dalaga at saka tinabihan na ito at ginaya ang ginagawa nito.

"Yvonne."

Tawag ni Jervin kay Yvonne habang ibinabaling na nito ang atensyon niya sa dalaga. Lumipas ang ilang segundo bago ibaling ang kaniyang atensyon sa binata.

"Baket?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin habang hawak pa rin niya ang pulso ng binata. Napaiwas ng tingin ang binata at tumingin na kawalan.

"Ung sinabi kanina ni Hendric sayo... bago siya tuluyang umuwi... tungkol saan un? Malakas ba talaga ung powers mo?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa kawalan at hinahayaan niya lang ang paghawak ng dalaga sakaniyang pulso. Biglang napa bitaw ang dalaga sa pagkakahawak nito sa pulso ng binata at saka tumingin sa lupa. Napatingin naman kaagad ang binata sa dalaga kahit segundo pa lamang ang nakalilipas nang bumitaw ito sakaniya.

"Meron kasing prophecy na kumalat sa community ng wizards and witches, tapos ang tingin ng halos lahat ng nilalang ay ako ung tinutukoy nung prophecy na un. Ni hindi ko nga kayang protektahan ang sarili ko kay Jay, e! Tapos ako pa ung may pinakamalakas na powers?! What a joke."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin sabay tingin nito sa kalangitan na patuloy pa rin ang pagluha. Biglang sumigaw ang dalaga dahil sa galit na kaniyang nararamdaman.

"A-ano bang nilalaman n-ng prophecy na un?"

Nauutal na tanong ni Jervin kay Yvonne. Yumukong muli ang dalaga at saka hinabol muli ang kaniyang hininga.

"Het eno woh si nevulrable nad semoc morf eno fo het doloblenis thiw het stom tennimpro szawrdi nad chetswi sessessop het retenla ropwe hatt vene het stom ropweluf szawrdi nad chetswi benmidco tonnca evehica."

"Uhh..."

"Ang taong maramdamin at nagmula sa isa sa mga angkan na may pinaka tanyag na mga wizards at witches ay nagtataglay ng walang hanggang kapangyarihan na kahit na ang pinaka makapangyarihang mga wizard at witches na pinagsama ay hindi kayang makamit."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang nakatingin pa rin ito sa lupa. Walang maisip na pangungusap o kahit man lang parirala para pagaanin ang loob ng dalaga.

"Ilang beses ko pa bang dapat sabihin na wag kang magpapaulan, Ibon hija?"

Tanong ni Madam Hongganda kay Yvonne habang pinapayungan na pareho sina Jervin at ang dalaga. Agad na lumingon ang dalawa upang masilayan ang matandang babae na nakatayo sakanilang likuran at may kasamang isang maliit na nilalang na halos kasing tangkad ng lipstick, may pakpak at lumilipad na tinatawag nilang Fairy sa tabi ng matandang babae.

"Madam Hong!"

Tawag ni Yvonne kay Madam Hongganda habang nanginginig ang kaniyang boses at tumulo nanaman ang mga luha sa kaniyang mga mata. Nagulantang ang matandang babae nang bigla siyang niyakap ng dalaga kaya't kaagad niyang ibinaling ang tingin sa binata.

"Kanina pa ba umiiyak 'to?"

Tanong ni Madam Hongganda kay Jervin habang hinahaplos na nito ang buhok ni Yvonne at ang payong ay hawak na ng fairy na kasama ng matandang babae.

"O-opo."

Nauutal na sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Madam Hongganda habang patayo na siya sakaniyang kinauupuan.

"Baket? May nangyari ba bukod sa pagkawala ni Beatrice?"

Tanong muli ni Madam Hongganda kay Jervin habang patuloy pa rin nitong hinahaplos ang buhok ni Yvonne na patuloy pa rin sakaniyang pag-iyak. Napayuko ang binata at saka napalunok.

"Si Jay Martinez."

Sagot muli ni Jervin sa tanong sakaniya ni Madam Hongganda habang hindi pa rin nito tinitignan ang matandang babae at ang dalaga. Napatigil sa paghaplos ang matandang babae sa buhok ng dalaga.

"H-halina kayo. I-ihahatid ko na kayo pauwi."

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts