webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · ファンタジー
レビュー数が足りません
205 Chs

Unity Locale 19

~Madaling araw~

"May natanggap din kayong sobre?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Liyan kila Hendric at Anna habang nakaupo na silang tatlo sa loob ng tindahan ng dalaga sa Unity Locale. Tumango lamang ang binata bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng kaibigan habang tinitignan na ito at hawak ang sobre na kung saan nakasulat ang kaniyang pangalan.

"Oo. Sa tingin mo kanino galing tong mga sobre na to?"

Sagot at tanong pabalik ni Anna kay Liyan habang tinitignan na rin nito ang kaibigan at hawak din ang sobre na kung saan ay nakasulat din ang kaniyang pangalan. Nagkibit balikat na lamang ang kaibigan bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng dalaga at saka binuksan na ang kaniyang sobre. Nagulantang ang tatlo nang lumabas na ang hologram ni Yvonne mula sa sobre ng kaibigan at saka nagtinginan na ang tatlo sa isa't isa.

"Hi Liyan~! Wag mo naman sanang isara ung tindahan mo ng mga potions dyan sa Unity Locale. Sigurado akong marami ka pang matutulungan dahil sa pag gawa mo ng mga potions. Ay, bago ko makalimutan… ung bank account ko na ginawa ni Mama Beatrice, gusto kong ibigay sa inyong apat nila Jervin, Jay at Tita Isabelle. Sasabihin ko na sayo kasi baka makalimutan kong isulat sa sulat ko kela Jervin at Jay hahaha. Paki sabi na lang sakanila, ha. At saka maraming maraming maraming salamat sa lahat ng tulong mo saakin bilang isang kaibigan. Ay, hindi! Kapatid! Parang kapatid na ang turing ko sayo. Sana wag mong kakalimutan na may mga nagmamahal sayo, ha. At kahit pa na itinakwil ka na ng angkan mo dahil nagkakagusto ka sa babae, tandaan mo, tanggap ka namin maging ano ka pa man, maging sino ka man at kung sino pa man yang mahal mo. Gusto ko pa sanang magtagal ang pagka kaibigan natin kaso bilang na lang ang mga oras ko. Hindi ko alam kung pano to tatapusin ahahaha kilala niyo naman ako diba? Hindi ako marunong mag paalam mapa sulat man o personal. So ayun… sana Ipagpatuloy mo pa yang ginagawa mo at wag niyo sana akong kalimutan. See you in my next life kung sakali man na mareincarnate ako. Love you, Liyan."

Sabi ng hologram ni Yvonne nang buksan na ni Liyan ang kaniyang sobre. Nang maglaho na ang hologram ng dalaga ay mabilis nang tinignan ng kaibigan ang sobre at saka inilabas na ang sulat ng dalaga mula roon, habang sina Anna at Hendric nama'y nagtinginan na sa isa't isa at saka binuksan naman ng dalaga ang kaniyang sobre.

"Hello Anna~! Salamat pala sa pag tanggap sakin bilang isang employee sa mini grocery niyo ni Tita. Malaking tulong un para sakin. Seryoso. As in malaking tulong talaga. Kaya maraming maraming maraming salamat sainyo. Kung hindi niyo ako pinayagang magtrabaho sa mini grocery niyo, baka sirang sira na ang buhay ko ngayon ahahaha… Buti na lang at naging kaibigan kita ahahaha mamimiss kita Anna. Sana lumaki na ung mini grocery niyo ahahaha para naman may mga matulungan kayong mga tao or wizards or witches na nangangailangan ng trabaho. Hindi ko maka kalimutan ang tulong na ibinigay ninyo sakin ni Tita. Sana maging kaibigan ulit kita pag nareincarnate ako. If ever na totoo talaga ung reincarnation ahahha. Bye, Anna. Love you and I'm going to miss you."

Sabi ng hologram ni Yvonne na lumabas naman galing sa sobre ni Anna. Mabilis na napatakip ng bibig ang dalaga at nagsimula nang magsilaglagan ang mga luha mula sakaniyang mga mata. Hindi na rin nakatiis pa si Hendric at binuksan na rin niya ang sobre.

"Hi Kuya Dric~! May favor ako hehehe pwede paki bantayan si Jervin para sakin? Ikaw lang kasi ung kaibigan kong wizard na alam kong mapagkakatiwalaan ko talaga. Maraming salamat na in advance hehehe. Sana maging okay ka lang kahit na wala na tong bunso mo. Alam kong mamimiss mo ako at mamimiss rin kita, ikaw lang ung kuya ko na halos kakulay na ng harina, noh ahahaha pero seryoso na, maraming maraming maraming salamat kasi pinoprotektahan mo ako palagi at saka sa pag turing sakin na parang kapatid na rin. Sana mahanap mo na ung babaeng magmamahal sayo tulad ng pagmamahal na ibinibigay mo. Ay! At saka wag mo ring kalimutan na tulungan ung family mo sa water business niyo, ha~ I'm going to miss you kuya Dric, love you."

Sabi naman ng hologram ni Yvonne na lumabas mula sa sobre ni Hendric. Nang maglaho na ang hologram ng dalaga ay nanlaki ang mga mata nito at mabilis na tinignan ang sulat sakaniya ng dalaga.

"Nandito na ba ang lahat?"

Nag-aalalang tanong ni Kimberly sa Ina ni Josh habang tinitignan na nito ang matandang babaeng dwende na nakatayo na sakaniyang palad at nakatingin sakaniya. Tumingin na ang matandang babaeng dwende sa lupa upang masilayan ang kaniyang angkan, tinignang muli ang babae at saka tumango bilang tugon nito rito.

"Jay, kaya mo bang palutangin sa ere ang kalahati sakanila?"

Tanong ni Kimberly kay Jay habang tinitignan na nito ang binata at naroroon pa rin sakaniyang palad sina Paolo, Vester, Felip, Josh at ang nanay nito. Tinignan na ng binata ang buong angkan ng mga dwende at saka napalunok.

"Parang hindi ko kakayanin ate Kimberly."

Sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Kimberly habang tinitignan na nito ang babae nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha. Napa kagat na lamang ng labi ang babae dahil sa sinagot sakaniya ng binata at saka napatingin na lamang muli sa mga dwende na nakatayo sakanilang harapan. Ilang segundo pa ang lumipas ay bigla nang dumating si Jacqueline na nanggaling sa madilim na kalangitan.

"Ako na ang bahala sa matitirang mga dwende, Jay hijo."

Nakangiting sabi ni Jacqueline kay Jay nang maka lapag na siya sa kinaroroonan nila Kimberly. Nanlaki ang mga mata ng binata habang tinitignan na nito ang matandang babae nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi.

"Madam Jacqueline…"

Tawag ni Justin kay Jacqueline habang tinitignan na nito ang matandang babae at mayroong mga dwendeng nakaupo sakaniyang magkabilang palad. Tinignan na ng matandang babae ang binatang tumawag sakaniya at saka nginitian ito.

"Justin, alam mo na kung ano ang gagawin mo diba?"

Nakangiting tanong ni Jacqueline kay Justin habang tinitignan na nito ang binatang tumawag sakaniya. Tumango lamang ang binata bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng matandang babae nang mayroon na rin ngiti sakaniyang mga labi.

"Kimberly, kakayanin mo bang alalayan si Justin sakaniyang paglipad bilang isang salamangkero?"

~ Love is accepting others for who they were, for who they are and whom they can be. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts