webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · ファンタジー
レビュー数が足りません
205 Chs

Unity Locale 11

~Hapon~

"Kailangan niyo nang mag ensayo para sa ikabubuti ng lahat."

Sabi ni Madam Hongganda kila Liyan, Anna at Hendric habang nakaupo silang apat sa loob ng saradong tindahan ng dalaga sa Unity Locale. Mabilis na nagdikit ang kilay ng dalaga at ng binata at saka nagtinginan na sa isa't isa.

"Naka check-in ngayon sila Dalis at Daisy sa hotel na tinutuluyan ngayon nila Yvonne at Jervin."

Sabi ni Liyan kila Hendric at Anna habang nakatingin lamang ito sa sahig ng kaniyang tindahan. Agad na nilingon at pinanlakihan ng dalawa ang dalaga at saka inilipat na kay Madam Hongganda ang kanilang tingin.

"T-totoo po ba ung sinabi ni Liyan?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Anna kay Madam Hongganda habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Mabagal na tumango ang matandang babae bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng dalaga.

"Hala! Bakit?! Pano!? Tsaka sino nagsabi?!"

Sunod-sunod na tanong ni Hendric kila Liyan at Madam Hongganda habang palipat-lipat na ang kaniyang tingin sa dalaga at sa matandang babae. Nagtinginan sa isa't isa ang matandang babae at ang dalaga at saka tinanguan na ng matandang babae ang dalaga.

"Kilala niyo naman siguro si Sir Edward Stirling. Matalik niyang kaibigan ung Tito ni Lyka Maxine Padilla at kasundo rin ng kaniyang angkan ang angkan nila Dalis. Unang sinabi ni Yvonne kila Jay, kuya Josh at Jah tapos sinabi na sakin ni Jay."

Sagot ni Liyan sa tanong ni Hendric sakanilang dalawa ni Madam Hongganda habang pabalik-balik na ang tingin nito sa binata at kay Anna. Nagdikit nanaman ang mga kilay ng dalawang magkaibigan habang patuloy pa rin nilang tinitignan ang dalaga.

"Ipagpaumanhin ninyo kung ako'y hindi nakasunod sa takdang oras ng ating pagkikita rito."

Paghingi ng tawad ni Aneska nang bigla siyang lumitaw sa loob ng saradong tindahan ni Liyan. Agad na nagsi tayo ang dalawang dalaga at ang binata nang masilayan na kasama na pala nila ang Diwata, habang si Madam Hongganda nama'y tinignan lamang ang Diwata nang mayroong maliit na ngiti sakaniyang mga labi.

"Madam Aneska!"

Sabay-sabay na tawag ng tatlo kay Aneska sabay yuko nila bilang pagbigay galang sa Diwata. Lumapit na ang Diwata kay Madam Hongganda at saka naupo na sa hangin habang tinitignan na ang tatlong nakatayo na ng matuwid at nakatingin nang muli sakaniya.

"Maupo na kayo."

Sabi ni Aneska sa tatlo habang nakangiti sakanila, dahilan upang mabilis silang naupong muli sakanilang mga inuupuan kanina habang tinitignan na ang isa't isa. Bahagyang natawa ang Diwata sa inaasta ng tatlo sakaniyang harapan habang patuloy pa rin silang pinapanuod.

"Si Hongganda ang nag-aya saakin na magpunta rito."

Sabing muli ni Aneska sa tatlo habang tinitignan na nito si Madam Hongganda nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi.

"Hmm…"

"Gising ka na Yvonne?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang tinitignan na nito ang dalaga na nakahiga sa kama nito. Hindi kaagad sinagot ng dalaga ang binata sapagkat dahan-dahan muna itong naupo sakaniyang kama habang mariin nang nakapikit ang kaniyang mga mata.

"Anong oras na?"

Mahinang tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin na ito sa binata na nakaupo sa isang upuan sa tabi ng kaniyang kama. Agad na kinuha ng binata ang kaniyang phone sa bedside table ng dalaga at saka tinignan na ang oras roon.

"4:03 ng madaling araw. Bakit?"

Sagot at tanong ni Jervin kay Yvonne sabay lapag na nito ng kaniyang phone sa bedside table at muli nang tinignan ang dalaga. Napataas ng parehong kilay ang dalaga nang marinig ang sagot ng binata sakaniyang tanong.

"Natulog ka ba?"

Tanong pabalik ni Yvonne kay Jervin habang pinanlalakihan na niya ito ng mga mata. Napataas na rin ng parehong kilay ang binata dahil sa itinanong sakaniya ng dalaga at saka dahan-dahang umiling bilang tugon nito sa tanong sakaniya nito. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at saka tinapik ang kaniyang kama upang paupuin sakaniyang tabi ang binata. Mabilis na nagdikit ang kilay ng binata habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga nang may halo na ng pagkagulantang sakaniyang mukha.

"Wag kang ano dyan. Para namang may gagawin tayong kalokohan na dapat hindi nating gawin."

Sabi ni Yvonne habang nakatingin pa rin kay Jervin at nakabusangot na ito. Napabuntong hininga na lamang ang binata at saka naupo na sa tabi ng dalaga habang nakatingin pa rin ito rito.

"Sabay na tayong matulog ngayon."

Sabi ni Yvonne kay Jervin sabay higa na muli nito sakaniyang kama at nakapikit na. Napataas nanamang muli ang parehong kilay ng binata habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga, ngunit dahan-dahan na rin itong nahiga sa tabi ng dalaga at saka ipinikit na rin ang mga mata.

"Bakit pumasok sa isip mo na balikan ako kagabi?"

Mahinang tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakaharap na itong nakahiga sa binata at nakapikit pa rin ang kaniyang mga mata. Dahan-dahang iminulat muli ng binata ang kaniyang mga mata at saka tinitigan na ang kisame ng kwartong kanilang kinaroroonan.

"Dahil kay Lyka."

Simpleng sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinititigan ang kisame. Iminulat na ring muli ng dalaga ang kaniyang mga mata at saka tinignan na ang binata sakaniyang tabi.

"Bat hindi mo na siya kasama pabalik dito?"

Tanong muli ni Yvonne kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata.

"Kasi pumasok kami sa Blood Moon Inn at nakita namin sila Melanie at Jay roon."

Sagot muli ni Jervin sa tanong sakaniya ni Yvonne sabay tingin na nito sa dalaga. Pagkalingon na pagkalingon niya'y bigla siyang hinalikan nito, dahilan upang manlaki ang kaniyang mga mata habang ang dalaga nama'y nakapikit lamang. Ilang segundo pa ang lumipas ay tumigil na ang dalaga, iminulat nang muli ang kaniyang mga mata at nasilayan ang binata na nakatingin sakaniya habang pinanlalakihan na siya ng mga mata nito.

"Saranghae."

Mahinang sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata. Hindi pa rin umiimik ang binata at patuloy pa ring tinitignan ang dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

"Aishiteru. Je t'aime. Ti amo. Saranghandagu. Se agapo. I love you."

Pagtutuloy pa ni Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata sakaniyang tabi.

"Mahal k---"

~ All of us is like the moon, always going through phases of emptiness. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

I wish I could thank you guys enough for supporting my work 'til the end. I love you all.

iboni007creators' thoughts