webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · ファンタジー
レビュー数が足りません
205 Chs

Tamayo's Residence 11

~Umaga~

"Mabuti naman at naka sama ka nanaman muli sa munting salu-salo ng ating angkan, Yvonne."

Malumanay na sabi ng isang babae kay Yvonne habang nakaupo ang kanilang buong angkan sa lamesa at mapayapang kumakain roon. Mabilis na nilunok ng dalaga ang kaniyang nginunguya at saka tinignan ang babaeng kumausap sakaniya nang mayroong ngiti sakaniyang labi.

"Oo nga po Tita, e."

Nakangiting tugon ni Yvonne sa babae na kaniyang Tita sabay kain muli. Nginitian naman pabalik ng Tita ang kaniyang pamangkin at saka kumain na ring muli, samantalang ang ina naman ng dalaga'y masama ang tingin rito habang kumakain.

"Happy birthday ate. Sana magustuhan mo ang regalo ko sayo."

Nakangising bati ni Addison kay Yvonne sabay subo na ng kaniyang kinakain habang nakatingin pa rin sa dalaga. Napataas ng parehong kilay ang dalaga dahil sa sinabi sakaniya ng nakababatang kapatid habang pinanlalakihan niya ito ng mga mata.

"H-huh? K-kahit wag na."

Nauutal na tugon ni Yvonne kay Addison habang tinitignan ito nang mayroong takot sakaniyang mga mata. Natawa na lamang bigla ang ina ng magkapatid at saka tumayo mula sa pagkakaupo nito.

"Sa tingin mo bibigyan ka talaga ni Addison ng regalo? Baka akala mo nananaginip ka."

Natatawang sabi ng ina ni Yvonne sakaniya habang nakatayo pa rin ito. Tumigil muli sa pagkain ang Tita ng dalaga at saka pinagmasdan lamang ang pagkain sakaniyang harapan.

"Maupo ka. Nasa harapan tayo ngayon ng pagkain."

Pagsasaway ng Tita ni Yvonne sakaniyang ina habang pinupunasan ang kaniyang bibig. Sinamaan lamang ng tingin ng ina ng dalaga ang Tita nito at nag-umpisa nang maglakad dahan-dahan patungo sa inuupuan ng dalaga.

"Bakit ako uupo at magkunwaring parang walang kabulastugan na ginagawa ang babaeng yan? Alam niyo ba… kaya palaging umaalis yan ng maaga dito sa bahay ay para makipag lampungan lang sa mga lalaki!"

Galit na sabi ng ina ni Yvonne sakanilang angkan sabay hablot ng buhok ng dalaga nang makatayo na ito sa likuran nito. Habang nakatingin ang dalaga sakaniyang nakababatang kapatid ay nakangisi lamang ito habang pinapanuod ang kanilang ina na saktan ang kaniyang nakatatandang kapatid.

"Totoo ba iyon, Yvonne?"

Malumanay na tanong ng Tita ni Yvonne sakaniya habang hindi nito tinitignan ang dalaga na sinasaktan ng kaniyang kapatid, samantalang ang ibang miyembro ng kanilang angkan ay patuloy lamang sakanilang pag kain na tila ba'y parang wala man lang nangyayari sakanilang kapaligiran.

"H-hindi po, Tita."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ng kanilang Tita habang tinitiis lamang ang mahigpit na paghawak sakaniyang buhok ng kaniyang sariling ina. Mahinhing uminom ng tubig ang Tita ng dalaga habang hindi pa rin nito tinitignan ang dalaga sa mga mata nito.

"Ano? Sinungaling ka na rin ngayon?"

Gigil na tanong ng ina ni Yvonne sakaniya habang hinihigpitan pa nito ang paghawak sa buhok ng dalaga. Napapikit na lamang ang dalaga dahil sa sakit na nararamdaman nito sakaniyang ulo.

"Sino ang nagsabi saiyo na nakikipag lampungan iyang anak mo sa mga lalaki?"

Malumanay na tanong ng Tita ni Yvonne sakaniyang ina nang nilapag na nito ang baso na kaniyang ininuman ng tubig. Mabilis na tinignan ng ina si Addison nang mayroong pag-aalala sa mukha nito at saka tinignan na ang kaniyang nakatatandang kapatid na hindi pa rin tumitingin sa direksyon nilang dalawa ng dalaga.

"U-ung mga dwendeng laging sumasama rito."

Sagot ng ina ni Yvonne sa tanong sakaniya ng kaniyang nakatatandang kapatid. Nagpakawala ng malalim na hininga ang Tita ng dalaga kaya't mabilis na tumigil ang iba pang miyembro ng kanilang angkan sa pag kain at saka tinignan ang kanilang pinuno.

"Patawarin mo ako Yvonne sa magiging regalo ko ngayong kaarawan mo ngunit ang sinabi ng iyong ina patungkol saiyo ay hindi kaaya-aya kaya't… wala akong magagawa kundi ang ikulong ka sa mas mababang palapag ng pamamahay na ito hanggang alas siyete ng gabi."

Malungkot na sabi ng Tita ni Yvonne sakaniya nang hindi pa rin ito lumilingon sa direksyon ng dalaga at ng ina nito. Tinignan ng dalaga ang kaniyang Tita nang may halong pagkabigo sakaniyang mga mata habang ang kaniyang ina nama'y tumingin kay Addison nang mayroong ngisi sakaniyang mga labi. Nginisian pabalik ng bunsong anak ang ina na kinakaladkad na ang kaniyang nakatatandang kapatid papalayo sa hapagkainan.

"Akala ko pa naman matinong babae si Yvonne."

"Mukhang matino pero malandi rin sa pinaka loob."

"Bakit nagkaroon pa ng barumbado sa angkan natin?"

"Ang mas malala pa roon ay isa siyang babae."

"Isang kahihiyan sa isang angkan na magkaroon ng barumbadong babae na nagmula sa pamilya nila."

"Ano ba ang nangyari? Ba't naging ganyan ang dalagang un, kung ano man ang pangalan niya."

"Bakit ang babaw lang ng parusa na binigay mo sakaniya Tita?"

"Oo nga ate."

"Wag mong sabihin na pinapakitaan mo pa siya ng awa?"

"Ang nararapat dun sa dalagitang un ay ikulong sa mas mababang palapag ng kalahating taon."

"Kaarawan niya ngayon. Hindi naman maka tao kung ikukulong natin si Yvonne sa mas mababang palapag ng anim na buwan."

Tugon ng Tita ni Yvonne sa iba pang miyembro ng kanilang angkan sabay subo nang muli ng kaniyang kinakain. Dismayadong tinignan ng ibang miyembro ng angkan ng Tamayo ang kanilang pinuno at itinuloy nang muli ang pag kain sakanilang kani kaniyang mga pagkain.

"Akala mo ba magiging iba 'tong kaarawan mo ngayon kasi diseotso ka na? Pwes, pasensya ka na dahil hindi ka nananaginip."

Sabi ng ina ni Yvonne sakaniya habang patuloy pa rin nitong kinakaladkad ang dalaga patungo sa mas mababang palapag ng kanilang tahanan. Nanahimik lamang ang dalaga habang sinusundan ang kaniyang ina upang mabawasan kahit papaano ang sakit na ibinibigay sakaniya nito sa paghawak sakaniyang buhok.

"Ano? Wala kang sasabihin o kung ano?"

Tanong ng ina ni Yvonne sakaniya habang patuloy pa rin ito sa pagkaladkad sa dalaga. Hindi pa rin sinagot ng dalaga ang kaniyang ina kaya't hinigpitan nanaman nito ang kaniyang pagkakahawak sa buhok ng dalaga na para bang gusto na niya itong kalbuhin.

"Iniisip mo siguro na sasamahan ka ng lima mong dwende sa mas mababang palapag. Gagawin lamang nila un kung wala na sila sakanilang matinong pag-iisip."

Sabi muli ng ina ni Yvonne sakaniya sabay bukas na ng pintuan habang mahigpit pa rin nitong hawak ang buhok ng dalaga. Nang tuluyan na niyang mabuksan ang pintuan na patungo sa mas mababang palapag ay pinatayo niya roon ang dalaga at walang awa nitong tinulak ang dalaga sa hagdan.

"Maligayang kaarawan. Mamatay ka na sana."

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts