~Umaga~
"Jervin An------"
"Jervin Alquiza."
Sagot ni Aneska kay Rhiannon habang nakatayo na ito sa likuran nila Jervin at Jay at nakahawak na ito sa balikat ng dalawang binata. Nanlaki ang mga mata ng lahat ng nakarinig sa Diwata at nag-umpisa nanaman silang magbulungan sa isa't isa.
"Jervin Alquiza ang buong pangalan niya?"
"Hindi na kataka-taka pa kung bakit siya ang tinutukoy sa propesiya."
"Diba nga namatay ang buong angkan ng Alquiza labing walong taon na ang nakalilipas?"
"Nakalimutan niyo na ba ang usap-usapan na mayroong anak sina Jade at James Alquiza na sanggol?"
"Hindi ba nakita ang bangkay ng sanggol na iyon?"
"Hindi. Mayroon pang usap-usapan na mayroong ibang kumupkop sa sanggol na iyon at hindi na nakita pa."
Bulungan ng mga Balderas at ng iba pang mga salamangkero't mangkukulam na nakapalibot sa kinatatayuan nila Aneska. Naguguluhan nang tinignan ni Jervin ang Diwata gamit na ang kaniyang orihinal na kulay ng kaniyang mga mata, habang si Jay nama'y pinanlakihan niya ng mga mata ang Diwata at ang binata sakaniyang tabi.
"Rhiannon Geisler. Mayroon akong ipagtatapat sa buong komunidad ng mga salamangkero't mangkukulam na dapat ay ipinagtapat ko na noong una pa lang."
Sabi ni Aneska kay Rhiannon habang tinitignan na nito ang eleganteng matandang babae at hawak pa rin ang balikat ng dalawang binata. Tumango na lamang ang eleganteng matandang babae sa Diwata at hinintay na ang sasabihin nito.
"Noong namatay ang halos buong angkan ng aking matalik na kaibigan na si Josephina, ang mga Alquiza, ay naroroon ang mag-asawang Fuentes at tinulungan nila ang kanilang kaibigan hanggang sa huling hininga nito. Kung hindi dahil sakanila ay hindi ko malalaman ang trahedyang nangyari sa mga Alquiza at hindi ko rin maililigtas ang apo ni Josephina."
Sabi ni Aneska sa lahat ng mga nakikinig sakaniya habang nakatingin na ito kay Jervin at hawak pa rin ang balikat nito at ni Jay. Ilang saglit pa ay napabuntong hininga na ang Diwata at saka itinuloy na ang kaniyang pagkukwento.
"Mabuti na lamang at buhay pa ang kapatid ni Jade na si Isabelle kaya't sakaniya ko iniwan ang anak ng kaniyang kapatid at pinalaki niya ito ng maayos. Gayun na rin ang kakambal nito."
Pagtutuloy ni Aneska sakaniyang kwento habang tinitignan naman niya si Jay. Nanlaki nanamang muli ang mga mata ng binata at saka tinignan na nila ang isa't isa. Nanlaki na rin ang mga mata ni Jacqueline, Melanie, Hendric, Anna, Liyan, Lyka, Dezso, Hongganda, Ceejay, Angela at Dalis nang marinig nila na kambal ang dalawang binata.
"Kambal sila Jervin at Jay!? Bakit hindi sila magka mukha?!"
Gulat na tanong ni Melanie habang pinanlalakihan niya na ng mga mata sina Jay at Jervin at nakaupo pa rin ito sa sahig. Tinignan na ni Kimberly si Melanie habang nakatayo pa rin ito sa tabi ni Jacqueline at hawak pa rin ang tali na naka tali sa parehong kamay ng walang malay pa ring si Daisy.
"Hindi lahat ng kambal ay magkaka mukha."
Sagot ni Kimberly sa tanong ni Melanie habang tinitignan pa rin nito ang dalaga. Ilang saglit pa ay tumayo na si Malaya mula sakaniyang pagkakaupo sa sahig, dahan-dahan nang inilapag ang wala na ring buhay na si Melchor sa sahig at saka naglakad na papalapit sa kinaroroonan nila Jervin, Jay, Aneska, Kimberly, Jacqueline at Rhiannon nang mayroong dugo sakaniyang mukha, kamay, braso, damit at binti.
"M-Malaya Fuentes. A-anong nangyari saiyo?"
Gulat na tanong ni Rhiannon kay Malaya nang makita na nito na mayroong dugo ang matandang babae. Hindi sinagot ng matandang babae ang tanong sakaniya ng eleganteng matandang babae, sapagkat ay tumayo na ito sa tabi ni Jervin at saka tinignan na ito.
"Jervin hijo, maaari mo bang dalhin si Tazara rito saating kinaroroonan?"
Mahinang tanong ni Malaya kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata. Tumango na lamang ang binata at saka pumikit na, dahilan upang lumutang na si Tazara mula sakaniyang pagkaka-upo sa sahig sa tabi ng kaniyang apo na si Thomas at saka lumutang na papalapit sa kinaroroonan nila Rhiannon.
"A-anong nangyayari? B-bakit ako lumulutang?"
Natatarantang tanong ni Tazara habang nakatingin na ito sa ibaba at saka napalunok na lamang nang makita na nito si Rhiannon na pinanlilisikan na siya ng tingin at nginingisian na siya.
"Tazara Balderas. Ikinagagalak kong makita kang muli."
Nakangising bati ni Rhiannon kay Tazara habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang lumulutang na matandang babae. Iminulat na ni Jervin ang kaniyang mga mata at saka tinignan na rin ang matandang babaeng kaniyang pinapa lutang.
"R-Rhiannon Geisler. I-ikinagagalak ko rin na m-makita kang muli."
Nauutal na bati ni Tazara kay Rhiannon habang nginingitian na nito ang eleganteng matandang babae nang may halong kaba sakaniyang mukha. Tumango ang eleganteng matandang babae sa lumulutang na matandang babae habang nakangisi pa rin ito rito.
"Siya ang huli naming nakita ni Melchor bago mangyari ang trahedyang ikinamatay ng buong Alquiza."
Mahinang sabi ni Malaya kay Rhiannon habang tinitignan na nito ang eleganteng matandang babae nang mayroong nang luha sakaniyang mga mata.
"At siya rin ang pumaslang saaking pinaka mamahal na asawa."
Dagdag pa ni Malaya sakaniyang sinasabi kay Rhiannon habang tumutulo na ang mga luha nito mula sakaniyang mga mata. Nanlaki na ang mga mata ng eleganteng matandang babae at saka sinamaan na ng tingin si Tazara na patuloy pa rin sakaniyang pag lutang.
"Tazara Balderas! Dahil sa iyong pagpaslang sa buong angkan ng mga Alquiza at kay Melchor Fuentes… ako, si Rhiannon Geisler, ay hinahatulan ka, Tazara Balderas, ng pagkakulong sa bilangguan ng kawalang-hanggan."
Sabi ni Rhiannon kay Tazara habang sinasamaan pa rin nito ang lumulutang na matandang babae sabay hampas na ng malyete na biglang lumitaw sa harapan ng eleganteng matandang babae. Pinanlakihan na ng mga mata ng matandang babae ang eleganteng matandang babae at saka sinubukan nang kumawala sa mahika ni Jervin, ngunit bigo ito.
"Hindi maaari! Ginawa ko lamang iyon para sa ikabubuti ng aking angkan!"
Pagdadahilan ni Tazara kay Rhiannon habang sinasamaan na ng tingin si Malaya.
"Bakit hindi ganito ang iyong hinatol sa mag-asawang Fuentes labing walong taon na ang nakalilipas!? Nasaan ang hustisya roon Rhiannon!?"
Galit na tanong ni Tazara kay Rhiannon habang sinasamaan na rin nito ng tingin ang eleganteng matandang babae. Ilang saglit pa ay tinignan na ni Jervin ang eleganteng matandang babae at hinintay itong tumingin muli sakaniya.
"Maaari ko po bang hawakan ang iyong kamay upang maipadala ko na si Tazara sa lugar kung saan siya nararapat?"
Malumanay na tanong ni Jervin kay Rhiannon sa oras na tignan na siyang muli ng eleganteng matandang babae. Agad na tumango ang eleganteng matandang babae at saka iniabot na ang kaniyang kamay sa binata. Hinawakan na ng binata ang kamay ng eleganteng matandang babae at saka pumikit na, dahilan upang maglaho na si Tazara sakanilang kinaroroonan at saka lumitaw na ito sa isa sa mga kulungan na naroroon sa ilalim na bahagi ng gusali ng Supreme Court of Wizards and Witches.
"Pakawalan ninyo ako! Hindi ito ang lugar na nararapat saakin! Pakawalan ninyo ako ngayon din!"
~ Being normal is boring. ~
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!