webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · ファンタジー
レビュー数が足りません
205 Chs

Mall 11

~Hapon~

"Teka, teka, teka. Sino silang tatlo? Kala ko ba tayo-tayo lang magkikita-kita ngayon dahil okay na sila Jay at Yvonne?"

Tanong ni Hendric kay Liyan habang nakaupo na silang pito sa isang kainan sa isang mall at saka tinuturo na nito sina Angela, Jasben at Ceejay na sinasamaan na siya ng tingin. Akma na sanang susugurin ni Liyan ang binata ngunit napigilan siya ni Anna sapagkat nasa pagitan siya ng dalaga at ng binata, habang si Jay naman ay napapikit na lang at napabuntong hininga sabay tingin na sa binata.

"Wag kayong mag-alala dahil gusto rin nilang protektahan si Yvonne at katulad na rin natin sila. Tinuruan sila ni Madam Hong."

Sagot ni Jay sa tanong ni Hendric kay Liyan habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata. Mabilis na napatigil si Liyan sakaniyang tangkang pagsugod nito sa binata na katabi ni Anna at sabay silang dalawa na napatingin kay Jay gamit ang kanilang nanlalaking mga mata.

"Edi ang ibig mong sabihin, alam na rin ni Madam Hong na okay na kayo ni Yvonne?"

Tanong ni Liyan kay Jay sabay ayos na nito ng kaniyang pagkakaupo sa tabi ni Anna habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata na nakaupo sakanilang harapan. Hindi kaagad naka sagot ang binata sa tanong sakaniya ng kaibigan at pinanlakihan lamang ito ng mata. Biglang sumandal ang binata sakaniyang inuupuan, nagpakawala ng malalim na hininga at saka hinimas niya ang kaniyang magkabilang hita upang punasan ang kaniyang pinagpapawisang palad.

"Hindi ko pa nasasabihan si Madam Hong tungkol samin ni Yvonne at hindi ko rin alam kung nasabihan na ba siya ni Yvonne kaya… hindi ko masasabing alam niya na."

Paligoy-ligoy na sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Liyan habang patuloy pa rin nitong hinihimas ang kaniyang hita gamit ang kaniyang pinagpapawisang palad. Nagpakawala na lamang ng malalim na hininga si Anna, si Hendric nama'y tahimik na tumango habang naka cross arms na ito at sabay kagat nito ng kaniyang labi, at ang dalaga nama'y tinakpan na lamang ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang dalawang kamay. Nagtinginan naman sila Jasben, Angela at Ceejay at saka taka na nilang tinignan ang tatlo sakanilang harapan.

"Ano namang problema dun kung hindi pa alam ni Madam Hong na ayos na sila Jay at Yvonne? Tsaka ano ba talagang relasyon mo Jay kay Yvonne? Nagka away ba kayo dati?"

Sunod-sunod na tanong ni Ceejay kila Jay at sa iba pa nitong kaibigan habang palipat-lipat ang tingin nito sa binata at sa mga kaibigan nito sakanilang harapan.

"Hindi ba kinwento sainyo ni Jay ung nangyari?"

Tanong pabalik ni Anna kay Ceejay sabay cross arms na nito habang tinitignan na ang dalaga sakaniyang harapan. Mabilis namang nagdikit ang kilay ni Jasben at saka ibinaling na ang kaniyang tingin kay Jay na nananahimik na sakaniyang tabihan.

"Ano ba talaga ung nangyari, Jay?"

Tanong ni Jasben kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata. Agad namang napatingin sakaniya ang binata at saka tinaasan lamang ito ng parehong kilay habang bahagya itong nakangiti.

"Wag mo subukang magpa-cute samin ngayon. Hindi yan tatalab."

Sabi ni Angela kay Jay habang nakatingin na rin ito sa binata. Napabusangot na lamang ang binata habang tinitignan na nito ang dalaga at saka napabuntong hininga na.

"Ex ko si Yvonne at nagkaron kami ng misunderstanding dahil sa isang pu%$^&#^*$% matandang witch na may apo na nagkaka gusto sakin. At kailangang malaman ni Madam Hong na okay na kami ni Yvonne ay para maka sama na rin natin siya sa pagpaplano kung papaano natin mapoprotektahan si Yvonne."

Sagot ni Jay sa tanong sakaniya kanina nila Ceejay at Jasben habang seryoso na nitong tinitignan ang dalawa.

"Nakaka ilang banggit ka na kaya ng pangalan ni Yvonne sa bawat sentence na sinasabi mo?"

Natatawang tanong ni Hendric kay Jay habang tinitignan na nito ang binata at naka cross arms pa rin. Agad na pinalo naman ito ni Anna sa braso nito habang sinasamaan na ito ng tingin. Napa sigaw at hinimas na lamang ng binata ang parte ng kaniyang braso na pinalo ng dalaga.

"Lutong ng mura mo, ah. Galit na galit ka dun sa matandang witch na un, noh?"

Natatawang kumento naman ni Angela kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata at naka sandal na sa lamesa. Sinamaan naman ng tingin ni Jasben ang kaibigan kaya't agad naman itong napatigil sakaniyang pag ngiti at saka iniwas ang tingin mula rito. Biglang tumayo si Liyan mula sakaniyang pagkakaupo, nilapitan ang binata, pinalo ito ng malakas at saka bumalik nang muli sakaniyang puwesto sa tabi ni Anna.

"Aray! Para san un?!"

"Lakas ng loob mong magtanong, e, hindi mo pa nga kami pinapa kilala sa isa't isa."

Sagot ni Liyan sa tanong sakaniya ni Jay habang sinasamaan na nito ng tingin ang binata sakaniyang harapan. Napabuntong hininga nanamang muli ang binata at napayuko na rin habang hawak pa rin nito ang parte ng kaniyang braso na pinalo ng kaibigan.

"Jasben. Ceejay. Angela. Mga kaklase nila Yvonne at Jervin. Liyan. Anna. Hendric. Mga kaibigan ni Yvonne."

Sabi ni Jay sa anim niyang kasama habang nakayuko pa rin ito at nakahawak pa rin sakaniyang braso. Sinamaan lamang ng tingin ng anim ang binata sapagkat hindi maayos ang pagpapakilala nito sakanila.

"Jasben. Kaibigan ng boyfriend ko si Jay kaya magka kilala kami."

"Ceejay."

"Angela."

"Liyan. Major in potions."

"Anna. Kung gusto niyo ng extra allowance, pwede kayo mag part time sa mini grocery namin. Basta 18 pataas na kayo."

"Hendric. Half-American half-yours."

"Magtigil ka nga! Sino may sabing half-american ka?"

Pagsasaway ni Anna kay Hendric habang sinasamaan na nito ng tingin ang binata sakaniyang tabihan. Sinamaan na lang din ng tingin ng binata ang dalaga at saka sumandal na sakaniyang upuan.

"Kelan mo balak sabihin kay Madam Hong na okay na kayo ni Yvonne?"

Tanong ni Liyan kay Jay habang tinitignan na nito ang binata na nakayuko pa rin. Inabangan na rin ng lima ang isasagot ng binata sa tanong ng dalaga rito. Napabuntong hininga nanamang muli ang binata at hindi pa rin inaangat ang kaniyang ulo.

"Hindi ko alam."

Sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Liyan habang nakayuko pa rin ito.

"Alam ko na. Hindi mo na kailangan pang sabihin sakin, Jay hijo."

~ No matter how you look, someone will always look at you and tell that they love you for who you are. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

I wish I could thank you guys enough for supporting my work 'til the end.

iboni007creators' thoughts