webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · ファンタジー
レビュー数が足りません
205 Chs

La Vie En Rose Hotel 14

~Umaga~

"Magtse check-in dito mismo sa hotel namin si Dalis Sebastian kasama ang kaniyang apo na si Daisy Sebastian! Ung babaitang ginamit mong dahilan para makipag-break dati kay Jay!"

Sigaw ni Lyka kay Yvonne habang hawak nito ang pisngi ng dalaga at tinitignan ito sakaniyang mga mata. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang marinig ang sinabi ng matalik na kaibigan, dahilan upang mabilis nitong hinawakan ang parehong kamay ng kaniyang matalik na kaibigan.

"Seryoso ba?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Yvonne kay Lyka habang hawak pa rin ang mga kamay nito at tinitignan pa rin ito. Tuluyan nang nagising si Jervin nang makapasok na sakaniyang isipan ang sinigaw ng Bampira sa dalaga, kaya't mabilis nitong nilingon ang dalawang dalaga at saka pinanlakihan sila ng kaniyang mga mata.

"Oo! Kakakita ko lang sakanila kanina dun sa lobby!"

Sagot ni Lyka sa tanong sakaniya ni Yvonne habang hawak pa rin nito ang pisngi ng dalaga. Napakunot na lamang ng noo ang dalaga habang hawak pa rin nito ang kamay ng matalik na kaibigan. Tinabihan na ni Jervin ang dalaga sa kama at saka tinignan na ang Bampira gamit ang nanlalaki nitong mga mata.

"Bakit sila napunta rito sa hotel niyo?"

Tanong ni Jervin kay Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Bampira. Inalis na ng Bampira ang kaniyang pagkakahawak sa pisngi ni Yvonne, habang ang dalaga nama'y hawak pa rin ang kamay ng kaniyang matalik na kaibigan.

"Kasama nila si Sir Edward Stirling na sakto namang ka close ng Tita ko."

Sagot ni Lyka sa tanong sakaniya ni Jervin habang nakatingin na ito sa binata. Napatingin na lamang ang binata kay Yvonne na kaniyang katabi nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha, habang ang dalaga nama'y nakatingin sa kamay ng kaniyang matalik na kaibigan habang pinaglalaruan na ito.

"Hinahanap ka na nila Yvonne."

Sabi ni Lyka kay Yvonne habang nakatingin na ito sa dalaga gamit ang kaniyang naluluha nang mga mata. Napatigil ang dalaga sa paglaro nito sa kamay ng matalik na kaibigan, habang si Jervin nama'y mabilis nanamang napatingin sa Bampira nang magkadikit na ang kilay.

"Pano nila nalaman na pumunta kami rito ni Yvonne sa Canada?"

Tanong ni Jervin kay Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Bampira na nakatayo sa harapan ni Yvonne. Nagkibit balikat na lamang ang Bampira bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng binata habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga hanggang sa tuluyan nang tumulo ang kaniyang mga luha mula sakaniyang mga mata.

Dahan-dahan nang binitawan ng dalaga ang kamay ng matalik na kaibigan, tumayo mula sakaniyang pagkakaupo sa kama, naglakad tungo sa bedside table at saka mayroong kinuha mula sa loob ng drawer. Nagtinginan lamang ang Bampira at ang binata at saka tinignan na ang dalaga na mayroong hawak na isang pouch. Inilabas na ng dalaga ang laman nito at nagtaka pareho ang Bampira at ang binata nang makita ang salamin na dating gamit-gamit nito.

"Kelan mo pa dala yan at gano na katagal nung huli mo yang ginamit?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang pabalik-balik na ang tingin nito sa dalaga at sa salamin nito. Inosenteng tinignan ng dalaga ang binata habang hawak pa rin nito ang kaniyang salamin.

"Binigay sakin to ni kuya Jah nung nagpunta sila rito ni Kimberly tsaka hindi ko na nagamit tong salamin ko kasi pinagmamadali na ako ni Kimberly na puntahan ka para makaalis na roon sa Pilipinas."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang naglalakad na ito papalapit sa binata at saka isinuot na ang salamin rito. Napataas ng parehong kilay si Lyka nang masilayan ang itsura ng binata nang mayroong suot na salamin.

"Nagmukha kang matalino."

Kumento ni Lyka kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata na suot pa rin ang salamin ni Yvonne. Tinignan lamang ng dalaga ang binata nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi. Nang tinignan na ng binata ang dalaga ay biglang namula ang kaniyang tainga habang patuloy pa ring tinitignan ang dalaga.

"Simula ngayon, ikaw na ang gagamit ng salamin na binigay sakin ni Mama Beatrice. Kayong dalawa na ni Lyka ang bibili ng mga gamit na kailangan natin pang araw-araw."

Nakangiting sabi ni Yvonne kila Jervin at Lyka habang pabalik-balik na ang tingin nito sa dalawa. Sabay na nanlaki ang mga mata ng Bampira at ng binata nang marinig ang sinabi ng dalaga sakanila.

"Bat parang tuwang-tuwa ka pa na kami na ni Lyka ung mamimili nang magkasama?"

Takang tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

"Ayaw mo na ba kay Jervin kaya pinapasa mo na siya sakin?!"

Hindi makapaniwalang tanong ni Lyka kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata at tinuturo na si Jervin gamit ang kaniyang hintuturo. Nanlaki na rin ang mga mata ng dalaga nang marinig ang tanong sakaniya ng matalik na kaibigan.

"Lyka! Anong pinagsasasabi mo dyan! Sino may sabing ayaw ko na sakaniya?!"

Sigaw ni Yvonne kay Lyka habang pinanlalakihan pa rin nito ng mga mata ang matalik na kaibigan at pulang-pula na ang mukha nito. Bahagyang natawa si Jervin nang masilayan ang pulang-pulang mukha ng dalaga sabay kagat na nito sa ibabang bahagi ng kaniyang labi.

"Kasi naman nung sinabi mo na kami na ni Jervin ung laging magkasama na mamili, nakangiti ka!"

Sigaw pabalik naman ni Lyka kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga at nakaturo pa rin kay Jervin ang kaniyang hintuturo. Hindi na pinansin pa ng binata ang sigawan ng dalawang dalaga, sapagkat naituon na lamang niya ang kaniyang atensyon sa dalaga na namumula pa rin ang mukha. Ilang saglit pa ay na ibaling na ng dalaga ang kaniyang paningin sa binata at nagtaka kung bakit ito nakatitig sakaniya."

"B-bakit ka nakatingin sakin? M-may muta ba ako?"

Pautal-utal na tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata. Ilang segundo pa ang lumipas ay natauhan na ang binata at mabilis na nitong inalis ang kaniyang tingin sa dalaga. Nanlaki nanamang muli ang mga mata ni Lyka nang masaksihan ang reaksyon ng binata sa dalaga.

"Ano nanaman bang ginawa niyo sa isa't isa? Bakit nagkakahiyaan nanaman kayong dalawa?"

~ Change for your own sake and not for the sake of others. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

I wish I could thank you guys enough for supporting my work 'til the end. I love you all.

iboni007creators' thoughts