webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · ファンタジー
レビュー数が足りません
205 Chs

Jacqueline's Residence 5

~Madaling araw~

"Dito muna kayo manatili saaking pamamahay ng pansamantala, Tejana."

Sabi ni Jacqueline sa matandang babaeng dwende na nagngangalang Tejana habang dahan-dahan nang nilapag ni Kimberly ang kaniyang parehong palad na kung saan ay nakaupo sina Paolo, Vester, Felip, Josh at ang Ina nito. Nginitian na ng matandang babaeng dwende ang matandang babae at saka tinanguan na lamang ito bilang tugon nito sa sinabi sakaniya ng matandang babae.

"Lola Jacqueline, puntahan ko lang po si Jervin sa bahay ni Madam Hong."

Pagpapaalam ni Jay kay Jacqueline habang dahan-dahan na nitong inilalapag sa coffee table ang mga dwendeng kaniyang pinalipad. Napataas ng parehong kilay si Justin habang sina Josh at Paolo naman ay napa dikit na lamang ng parehong kilay at sina Vester at Felip nama'y napataas na lamang ng isang kilay. Tumango na lamang ang matandang babae bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng binata at tinignan na lamang itong maglakad patungo sa kwarto nito.

"Madam Jacqueline, pwede po bang magtanong?"

Tanong ni Justin kay Jacqueline habang nakatayo na ito sa tabi ng matandang babae at nakatingin na rito. Agad na nilingon ng matandang babae ang binatang nakatayo sakaniyang tabi at saka tumango na lamang bilang tugon sa tanong nito sakaniya.

"Kelan pa po napunta si Jervin sa bahay ni Madam Hong?"

Tanong ni na Justin kay Jacqueline habang seryoso na nitong tinitignan ang matandang babae. Iniiwas muna ng matandang babae ang kaniyang tingin sa binata at saka tinignan na si Kimberly na nakatingin na rin sakaniya nang mayroong bakas ng kalungkutan sa mukha nito. Napabuntong hininga na lamang ang matandang babae at saka ibinalik na ang kaniyang tingin sa binata na nakatayo pa rin sakaniyang tabi.

"Nitong tanghali lamang, hijo."

Sagot ni Jacqueline sa tanong sakaniya ni Justin habang bahagya na nitong nginingitian ang binata at tinitignan na ito gamit ang kaniyang naluluhang mga mata. Nang masilayan ng binata ang itsura ng matandang babae ay agad na nagdikit ang kaniyang kilay at mabilis na tinignan si Kimberly na mabilis siyang iniwasan ng tingin.

"Anong nangyari? Nasaan si Yvonne? Kasama ba siya ngayon ni Jervin?"

Sunod-sunod na tanong ni Justin kay Jacqueline habang tinitignan na nito ang matandang babae nang mayroong bakas ng pag-aalala sakaniyang mukha. Mabilis na hinawakan ng matandang babae ang magkabilang balikat ng binata at saka tinignan na ito sa mga mata nito gamit ang kaniyang mga mata na lumuluha na.

"Alam kong mahirap itong tanggapin, hijo, ngunit…"

Sabi ni Jacqueline kay Justin habang hawak pa rin nito ang magkabilang balikat ng binata. Inabangan na ng lahat ang sasabihin ng matandang babae sa binata nang mayroong pagka gulo at pag-aalala sakanilang mga mukha.

"Jacqueline."

Tawag ni Kimberly kay Jacqueline habang tinitignan na nito ang matandang babae. Tinignan na ng matandang babae ang babaeng tumawag sakaniya at nasilayan ito na umiiling na sakaniya.

"Patay na si Yvonne."

Sagot na ni Jacqueline sa tanong sakaniya ni Justin habang tinitignan na nito ang binata gamit ang kaniyang lumuluhang mga mata at hawak pa rin ang magkabilang balikat nito. Mabilis na inalis ng binata ang mga kamay ng matandang babae sakaniyang balikat at saka napaatras ng isang hakbang mula rito.

"Hindi totoo yan. Buhay pa si Yvonne. Hindi ako naniniwala."

Sabi ni Justin kay Jacqueline habang tinitignan pa rin nito ang matandang babae at saka umiiling na. Napaupo na lamang ang matandang babae sa sofa at tuluyan na itong umiyak sa harapan ng lahat, habang si Kimberly nama'y akma na sanang lalapitan ang binata nang bigla siyang tignan nito, dahilan upang mapatigil siya sa paglapit rito.

"Justin, sorry pero totoo ang sinabi ni Jacqueline. Patay na si Yvonne. Pinatay siya ni Daisy Sebastian."

Sabi naman ni Kimberly kay Justin habang umiiyak na ito at tinitignan pa rin ang binatang nakatingin pa rin sakaniya. Umiling na lamang ang binata at saka napaupo na rin sa sofa na inuupuan ni Jacqueline. Ilang saglit pa ay bumalik muli si Jay sa salas na kinaroroonan ang lahat nang mayroon nang hawak na sobre.

"May natanggap kayong sobre, kuya Josh?"

Tanong ni Jay kila Josh habang tinitignan na nito ang apat na dwende, nang maibaling na nito ang kaniyang atensyon kay Justin ay nagdikit na ang kilay nito at agad na tinignan si Kimberly.

"Sinabi niyo na ba sakanila ate Kimberly?"

Nag-aalalang tanong ni Jay kay Kimberly habang tinitignan pa rin nito ang babae. Tumango na lamang ang babae bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng binata at saka naluha na, habang ang binata nama'y napabuntong hininga na lamang at naglakad na papalapit sa binatang nakaupo sa sofa.

"Sabi ni Yvonne Babalikan niya kami nila kuya Josh… pero bakit pa siya namatay? Bakit ngayon pa kung kelan… kung kelan…"

Sabi ni Justin kay Jay nang makaupo na sakaniyang tabi ang binata habang umiiyak na ito. Awtomatikong hinimas ng binata ang likuran ng dwendeng lumaki na nakaupo sakaniyang tabi upang pagaanin ang loob nito kahit papaano.

"Wala na tayong magagawa pa kuya Jah. Nangyari na ang nangyari. Mas mabuti na lang na mabuhay tayo ng masaya kahit wala na siya. Sigurado akong un ang gusto niya kuya Jah."

Sabi ni Jay kay Justin habang patuloy pa rin nitong hinihimas ang likuran ng dwendeng lumaki na nakaupo sakaniyang tabi. Hindi umimik ang dwendeng lumaki sa sinabi sakaniya ng binata sapagkat umiyak na lamang ito.

"Lola, may nilagay ka po bang sobre sa ibabaw ng kama ko?"

Tanong ni Melanie kay Malaya habang hawak nito sakaniyang kanang kamay ang kaniyang phone na naka dikit sakaniyang tainga at hawak naman nito sakaniyang kaliwang kamay ang sobreng kaniyang tinutukoy.

"Sobre? Wala akong iniwang sobre riyan sa ibabaw ng iyong kama, hija."

Sagot ni Malaya sa tanong sakaniya ni Melanie mula sa kabilang linya ng kanilang pag-uusap. Nagdikit na lamang ang kilay ng dalaga at saka inobserbahan na ang sobreng kaniyang hawak.

"Ganun po ba? Sige po, Lola, ibababa ko na po to."

Sabi ni Melanie kay Malaya habang hawak pa rin nito ang kaniyang phone na naka dikit sakaniyang tainga.

"Sige, Melanie hija. Aasikasuhin ko pa ang iyong Lolo Melchor. Mag-iingat ka riyan, ha."

Sabi naman ni Malaya kay Melanie mula sa kabilang linya. Napatango ang dalaga at saka inilayo na mula sakaniyang tainga ang kaniyang phone.

"Ingat ka rin po Lola."

~ Always give help to others who needs it. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts