webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · ファンタジー
レビュー数が足りません
205 Chs

Enchanted Forest 3

~Gabi~

*FLASHBACK*

"Naintindihan naman ba nila Yvonne ang plano?"

Tanong ni Jacqueline kay Kimberly habang nakatingin na ito sa babae at dahan-dahan nang nilagay ang kaniyang tsaa sa coffee table na kinatatayuan ni Josh.

"Naintindihan nila ng maayos."

Sagot ni Kimberly sa tanong sakaniya ni Jacqueline sabay tingin na nito sa matandang babae.

*END OF FLASHBACK*

"Nasaan na raw ang mga kaibigan nila Yvonne at Jay?"

Tanong ni Jacqueline kay Kimberly habang nakatayo sila sa kalagitnaan ng Enchanted Forest na tirahan ng mga Diwata at nakatingin na sakaniyang kaibigan. Mabilis na nilingon ng babae ang matandang babae at saka tinignan na ang kanilang paligid.

"Sinabihan ko na si Jay na sabihan sila na agahan ang pag punta rito, e. Hindi ung gabing-gabi na."

Sabi ni Kimberly habang patuloy pa rin nitong iniikot ang paningin sakanilang paligid. Ilang saglit pa ay mayroong isang anino ang biglang lumitaw sakanilang harapan at agad nilang nasilayang ang pulang buhok nito.

"Kayo ba ay sina Jacqueline Martinez at Kimberly Poblete?"

Nakangiting tanong ni Dezso kila Jacqueline at Kimberly habang palipat-lipat na ang tingin nito sa dalawa. Nagdikit ang kilay ng dalawa, nagtinginan sa isa't isa at saka ibinalik nang muli ang kanilang tingin sa Diwata.

"Sino ang nagtatanong?"

Tanong pabalik ni Jacqueline kay Dezso habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Diwata na nakatayo sakanilang harapan. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ng Diwata para sa dalawa at saka tinignan na ang matandang babae.

"Ipinadala ako ng iyong apo na si Jay Martinez upang iparating saiyo na nakita na nila Paulina ang mukha ni Jervin Anonuevo at itong mga oras na ito ay kausap na ng iyong apo at ni Yvonne Tamayo sina Dalis Sebastian at ang kaniyang apo."

Sagot ni Dezso sa tanong sakaniya ni Jacqueline nang hindi pa rin nawawala ang ngiti sakaniyang mga labi. Nanatiling tahimik lamang ang dalawang babae habang patuloy pa ring tinitignan ang Diwata na mayroong pulang buhok sakanilang harapan. Makalipas ng ilang segundo ay bigla nang lumitaw mula sa likuran ng matandang babae at ng babaeng kasama nito ang isa pang Diwata na mayroon namang asul na buhok at sinasamaan ng tingin ang kaniyang kapwa Diwata.

"Totoo ba ang iyong sinasabi, Dezso?"

Tanong ni Aneska kay Dezso habang patuloy pa rin nitong sinasamaan ng tingin ang kapwa Diwata na mayroong pulang buhok at mayroong iba pang Diwata ang nagsisilitawan mula sa likuran ng Diwata na mayroong asul na buhok ang iba pang mga Diwata. Napataas ng parehong kilay at parehong kamay ang Diwatang mayroong pulang buhok habang tinitignan na ang kapwa Diwata nito na nakatayo sa likuran nila Jacqueline at Kimberly.

"Totoo ang aking sinasabi."

Sagot ni Dezso sa tanong sakaniya ni Aneska habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kapwa Diwata at nakataas pa rin ang kaniyang parehong kilay at mga kamay. Pinanlisikan na ng tingin ng Diwata na mayroong asul na buhok ang kapwa Diwata na mayroong pulang buhok.

"Paano kami masisiguro na totoo ang iyong sinasabi?"

Tanong naman ng isang Diwata na mayroong kulay lilang buhok na nakatayo na sa tabi ni Aneska at sinasamaan na rin ng tingin si Dezso. Nagdikit na ang kilay ng Diwata na mayroong pulang buhok nang masilayan ang kapwa Diwatang na mayroong kulay lilang buhok.

"Ano ang ginagawa mo rito Timea?"

Naguguluhang tanong ni Dezso sa kapwa Diwata na mayroong kulay lilang buhok na nagngangalang Timea. Pinanlisikan na rin ng tingin ng Diwatang mayroong kulay lilang buhok ang kapwa Diwata na mayroong kulay pulang buhok.

"Upang protektahan ang apo ni Beatrice Tamayo."

Sagot ni Timea sa tanong sakaniya ni Dezso habang patuloy pa rin nitong pinanlilisikan ng tingin.

"Tamayo! Alam kong na riyan ka! Ipakita mo na ang iyong sarili saakin!"

Galit na sigaw ni Paulina kay Yvonne habang pinagpapapalo na niya ang pintuan na nilabasan nila Jay, Daisy at Dalis nang magtungo sila rooftop. Mabilis na napatingin ang apat na nag-uusap sa pintuan at nagtinginan na sa isa't isa ang binata at ang dalaga.

"Pumunta na kayo sa gubat para makabalik na sa Pilipinas at doon niyo na tuparin ang kasunduan."

Sabi ni Jay kila Daisy at Dalis habang inaalalayan na niya ang matandang babae na maglakad tungo sa gilid ng rooftop na kung saan ay maaari silang tumalon. Sumunod naman ang apo ng matandang babae sa binata habang si Yvonne nama'y iniangat na ang kaniyang dalawang kamay at itinapat ito sa pintuan upang pigilan na makalabas roon si Paulina.

"Letivate."

Sabay na sambit nila Dalis at Daisy nang makatayo na silang dalawa sa ungos ng rooftop na kanilang kinaroroonan. Nagsimula nang lumutang sa ere ang mag-lola habang naglalakad na pabalik si Jay sa tabi ni Yvonne upang tulungan itong harangan ang pinto nang hindi nila makita ang mag-lolang Sebastian.

"Lola, pano si Jay?"

Nag-aalalang tanong ni Daisy kay Dalis habang magkahawak pa rin ang kanilang kamay at tinitignan na niyang muli si Jay na nakatayo na sa tabi ni Yvonne at naka angat na rin ang kamay.

"Kaya na nila iyan. Kasama naman ng binatang iyon ang pinaka makapangyarihang mangkukulam kaya't wag ka na mag-alala pa."

Sagot ni Dalis sa tanong sakaniya ni Daisy habang ginagabayan na ang kaniyang apo sa paglipad nito at nagtungo na sa gubat na konektado sa Enchanted Forest na kung saan naroroon sina Jacqueline at Kimberly.

"Mukhang sumasang-ayon sa plano natin ung timing, ah."

Nakangising sabi ni Yvonne kay Jay habang patuloy pa rin nilang hinaharangan ang pintuan. Ngumisi na rin ang binata at tinignan na ang lugar na kaniyang pinag-iwanan sa mag-lola.

"Wala na sila. Magtatago na ako, ha."

Sabi ni Jay kay Yvonne habang nakatingin na ito sa dalaga at nakataas na ang parehong kilay nito. Tinignan na ng dalaga ang binata at saka tumango bilang tugon nito rito. Dahan-dahan nang naglakad papalayo ang binata mula sa dalaga habang nakatutok pa rin ang kaniyang dalawang kamay sa pintuan at nang malapit na ito sa pader na kinakabitan ng pintuan at ibinaba na niya ang kaniyang dalawang kamay at nagtago na roon. Ilang saglit pa ay na sira na ang pintuan at mabilis na tinignan ni Paulina si Yvonne sa mga mata nito.

"Wag na wag kang titingin sa mga mata niya. Kaya niyang maglagay ng spell sayo gamit lang ng mga mata niya. Mag-iingat ka, Yvonne."

Sabi ni Jay sakaniyang isipan habang tinitignan na nito si Yvonne na kaharap na si Paulina at si Patrick na apo nito.

"Protektahan mo ako Jay, ha. I'm trusting you."

Sabi naman ni Yvonne sakaniyang isipan habang tinitignan na si Paulina sa glabella nito. Tumango lamang si Jay bilang tugon nito sa dalaga at saka dahan-dahan nang tinignan ang mag-lolang De Gracia.

~ Being normal is boring. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

Brace yourselves kasi malapit na pong matapos ang story na ‘to huhuhu T-T Love you all~!

iboni007creators' thoughts