webnovel

Chapter 1-Gift

"Hi miss ang ganda mo naman, kamusta? pwede ba kitang ligawan?

Nag sasayaw sila ni mike sa gitna ng maraming bisita sila lamang ang nag sasayaw, at sa ganung oras pa talaga nag biro si mike ng ganun. "kong pwede lang eh!" Sigaw ng isip niyang puno ng kaba, isayaw ba naman siya ng lalaking lihim niyang minamahal.

Ano bayan! nakakatawa ka naman mike! Ayon lang ba ang alam mong panliligaw sa babae? Tsk.

Pahampas ni karylle na sabi kay mike, tumawa sila pareho. Laitin man niya ang linyahan ng panliligaw ni mike sa mga babae, ang tutuo naman ay kinilig siya sa sinabi nito kahit nga alam niyang nagbibiro lamang ito.

Sabihin mo nalang kong pasado iyon sayo, ang dami pang reklamo eh.

Napatawa si karylle.

Oo na pwede naiyon, basta maunawain ang nililigawan mo at kaya kang intindihin pati iyang ka korni'han mo. "Ako intinding intindi ko yon.

Dag dag nito sa isip na palihim na ngumingite.

"Thank's insan" Yumakap habang nag sasayaw. Kinilig naman siya sa yakap na iyon, at niyakap naman niya pabalik si mike. Napa bitiw siya sa pag kakayakap ng mahagip niya sa paningin ang seryuso at medyo madilim na tingin sa kaniya ng kuya james niya.

Matagal na kasi siya nitong pinag sasabihan na huwag subrang dumikit kay mike, lalo nat lalaki raw ito at baka kong ang pa ang sabihin ng ibang tao. At isipin ang hinde naman daw dapat isipin.

Kumalas si karylle sa pag kakayakap at hinde nag pa halata sa kapatid, hinde nalang niya ito tiningnan pa.

"Oh! Btw. Happy 18th birthday insan, may regalo ako sayo". Napa ngite naman si karylle.

Wow ano yan? Cguradohin mong maganda yan ah? Debut ko ito remember mike?

"tumawa" Oo naman maganda syempre , but! Mamaya pa pag ka tapos ng party, btw sa kwarto ko mona ako matutulog dito ah?

Yup! Papalinisin ko yong kwarto mo kay ate maya, ok? Aasahan ko yong gift mo.

Hanggang sa natapos na ang tugtog at natapos nadin ang pag sasayaw nila. Kong kaba ang nararadaman ni karylle kanina habang sayaw sayaw siya ni mike ay iba na iyon, napalitan naman iyon ng exite. Hinde na siya makapag hintay na matatanggap ang gift niya mula kay mike.

_

Isa isa ni karylle na binuksan yong mga gift ng mga pinsan niya, halos mapuno ng mga regalo ang kama niya. Napa hinto siya saglit, naalala niya, hinde pa pala siya nakakatanggap ng regalo mula kay mike.

Lumabas siya sa kwarto niya, tapos narin pala yong birthday party niya, malalim na ang gabi at nag si uwian na ang mga bisita at ibang mga kamag anak nilang ayaw mag pa lipas ng gabi sa bahay nila.

Tulog na kaya siya? Hm! Cguro nga, pero sabi naman niya mamaya pag ka tapos ng party, kaya baka hinde pa?

Dahan dahang pumasok si karylle sa kwarto at hinde naman siya nabigo dahil nakita niyang naka upo si mike sa kama nito. Lumapit siya roon at tinugon naman siya ng isang mukha ng mike na naka ngite.

Oh wher's my gift? Asan na yong regalo ko?, mike wag mong sabihing ji no joke mo pang ako ah.

Sa puso ni karylle sasabog siya sa kilig sa ginawa ni mike sa kaniya, sa araw na ito dalawang beses na siyang hinalikan sa pisngi ng pinsan niya.

Kiss lang? Iyon lang ang gift mo saakin? Epic! Sawa na ako sa cheeks kiss mo mike naman eh!

Parang bata itong nag dadabog sa kinatatayuan nito, habang sumasabonot ito sa mahabang lugay na buhok.

"Anong gusto mo sa lips?" Antipatikong tanong ni mike na ikina hulog ng puso niya na parang pakiramdam niya'y na tanggal ito sa dibdib niya, tila ang puso naman niya ang sumasayaw sa mga oras na iyon. Ngunit hinde nag pahalata si karylle, bagkos sinaway niya ito na parang hinde nagustohan ang sinabi.

Mike naman eh! Lagi kang nag bibiro, ok cge, yon lang naman ata yong gift mo eh, kala ko naman special.

Pag sisinungaling niya sa sarili, kong sa tutuo lang naman ay subra subra pa sa mamahaling regalong natanggap niya sa mga pinsan niya kong ikukumpara sa dalawang halik na natanggap niya mula kay mike sa araw na iyon, at iyon ang pinaka special.

Tumalikod si karylle para simulang mag lakad pa labas ng kwartong iyon ng hawakan ni mike ang isang kamay niya.

"Hinde iyon, her, regalo ko sayo" May kinuha ito sa bulsa, isang box at hinde ni karylle matukoy kong anong laman niyon.

"Ano to? "Open it, buksan mo. Namangha siya sa nakita, isang bracelet, maganda at kulay ginto. Mas lalong ikina tuwa niya ng makita niya kong anong design ng bracelet, may naka sulat roon. I love you.

Ibibigay ko sana iyon sa liligawan ko, but, naisip ko ikaw nalang ang bigyan ko niyan, ikaw ang special na babae sa buhay ko, ikaw ang bestfriend ko at ikaw lang ang gusto kong bigyan nito.

Ibinigay iyan ni papa kay mama, real gold din iyan tulad sa mga alahas mo sa katawan, pero sa lahat ng mga gamit na meron ako, iyan ang pinaka gusto ko, isang buwan palang iyan kay mama pero ibinigay na niya sa akin, sabi niya ibigay ko raw iyan sa babaeng liligawan ko, but.

Hinde na tinapos ang pag sasalita ni mike, na mangha si karylle sa sinabi ni mike, pero may pag tataka rin ang isip niya. Bakit siya ang bibigyan nito gayong ipinapabigay iyan ng teta niya sa liligawan ng pinsan niya si mike?

Kinuha niya yong bracelet sa kahon at ihinarap sa mukha ni mike.

Bakit mo naman ibibigay saakin? Base sa kuwento mo dapat sa nililigawan mo ito ibigaya at hinde saakin, mike. Cge na ayos lang kahit wala kang gift saakin, hinde ko matatanggap iyan. "Ibinalik ni karylle sa kahon yong bracelet at ibinalik kay mike.

No, hinde ko tatanggapin yan insan, ahm. Ayos na saakin iyong kiss mo.

Kinuha ni mike ang kanang kamay ni karylle at isinukat yong bracelet na naka ngise, habang wala namang emosyon ang mukha ni karylle.

Oh diba ang ganda? Bagay na bagay sa iyo. Sayo nayan, total wala pa naman akong nililigawan sa ngayon eh, kaya sayo nalang yan.

Cgurado ka ah? Pano pag may niligawan kana? Babawiin mona ito saakin?

Hinde! Ano kaba?! Syempre ibibili ko nalang siya ng para sa kaniya, at mas mahal pa nga ata kita sa liligawan ko eh. "Bulong ni mike, tumawa sila pareho.

Baliw ka talaga mike! Syempre mas mahal mo iyon, nililigawan mo eh!

Ah basta! Tutuo ang sinabi ko.

Lihim siyang ngumingite at pinipigilan ang kakiligang nararamdaman, pero parang pakiramdam niya ay hinde na niya ma pipigilan iyon.

I love you? "Basa ni karylle sa bracelet.

I love you too"Dugtong naman ni mike, hinampas nga ni karylle.

Sira! Binabasa kolang! " Pero tutuo ang sinabi niya, hinde na kasi niya napigilan ang sarili, alam naman niyang i love you ang naka sulat roon dahil na kita niya kanina pa, pero inulit paren niya, hinde dahil binabasa niya, kunde gustong sabihin ng puso niya ang salitang nararamdaman niya.