webnovel

ROYALEIGH ACRES ACADEMY

Alexis Reine was given an opportunity to study in a British-Inspired school. Sa pagkakaalam niya, isang typical private school lang ang paaralang ito like any other private schools in the country. But, there is more of it. Paano nalang kung malalaman niya na hindi lang isang mere oppurtunity ang pagkakapasok niya sa school kundi nakaplano na talaga ang pagpasok niya doon? Anung school ba talaga ang Royaleigh Acres Academy?

RhuruhandTorieWp · ホラー
レビュー数が足りません
20 Chs

RAA : The Demon's Order

Noong unang araw ng pagkikita namin ni Alexis Reine Casamere sa classroom nila kung saan ako tumatambay ay nakaramdam ako ng pamilyar na pakiramdam. Higit sa lahat ikinagulat ko ang kanyang itsura at ang kanyang anyo nung lapitan ko siya at napagmasdan ng malapitan ang kanyang mukha.

Mahaba ang kanyang maiitim at tuwid na buhok na umaabot hanggang beywang. Maliit ang kanyang hugis pusong mukha. Pero ang nakaagaw ng aking pansin ay ang kanyang mga mata. Mistulang magkahalo ang kulay ng mga ito. The mixed color of a brownish wood and a blue ocean. Kitang-kita ko iyon kahit na nakasuot siya ng salamin.

Those eyes reminded me of someone. Someone who was dead already. Imposible naman siguro ang naiisip ko. Sa pagkakaalam ko nag-iisang anak lamang si Ryle Ruiz. Patay na si Ryle 2 years ago. Namatay siya mismo sa paaralang ito sa pakikipaglaban sa isang patimpalak na taunang pinagdidiriwang ng paaralan. Iyon ang Intramurals Royale. Siya ang dating presidente ng The Raven Eye Royale Club na ngayon ay pinamumunuan na ni Andrei Stefan Leland.

Nakahinga ako ng maluwag na magkaiba ang apelyedo nila nang magpakilala sa akin ang babae. At mistulang wala siyang alam sa school na ito bago pa man siya pumasok dito.

Pero alam kong sa mga oras na iyon ay may nalaman na siya. Alam kong natakot siya sa akin. Kitangkita ko iyon sa mga mata niya habang hawak hawak ang student handbook.

Napangiti nalang ako kapag naalala kung paano siya nanigas nung binulungan ko siya. Napahanga niya ako sa kanyang taglay na lakas ng loob. Alam kung takot na takot na siya pero nagawa pa din niyang labanan ang aking nga titig.

Nakuha ulit niya ang atensyon ko noong isang araw sa PE class namin. Magkapartner sila ni Stefan.

Nabuhay muli ang aking interes sa kanya nang makita ko kung paano siya protektahan ng Raven Eye president at the same time ang Alpha. Ibig sabihin ng pagiging Alpha niya ay siya ang hinirang na nakakataas sa lahat ng presidente ng apat na tanyag na club dahil ang club nila ang champion sa nakaraang taong Intramurals Royale.

Ngayon ko lang nakitang ganito siya sa isang babae lalo na ay naging mailap lalo ito sa lahat mula nang mamatay si Ryle. Si Ryle lang naman ang matalik nitong kaibigan.

Pagtunog ng bell hudyat ng pagtatapos ng huling asignatura para sa araw na iyon ay pinatawag ko ang tatlo kong tauhan.

"Pres, anung maipaglilingkod namin sayo?"

Tanong ng isa nang makaupo na silang tatlo sa mga upuan paharap sa akin. Inabot ko naman sa kanila ang tatlong baso na puno ng alak na nilagyan ko ng droga.

"Drink."

Maawtoridad kong sabi. Nagtinginan silang tatlo pero sinunod din ang unutos ko at sabay-sabay na nilagok ang nasa baso.

Napangiti naman ako. Alam kong mga ilang minuto lang ay mag-eepekto na ang droga sa katawan nila.

"Look at this picture and remember her face."

Pinakita ko sa kanila ang larawan ni Alexis Reine na nakasave sa phone ko. Tiningnan naman nila iyon at binigyan ako ng tinging nagtataka. Pero napalitan din iyon ng kumikinang na mga tingin habang tinitingnan pa nila lalo ang dalaga.

"Ang ganda naman, pres. Bagong chicks mo?"

Napangiti naman ako sa sinabi ng isa kong tauhan. Napatingin naman ako sa larawan. Tama nga namang maganda ang babae lalo na siguro pag tatanggalin nito ang eyeglasses nito.

"Hindi ko siya chicks. Pero kung gusto niyo siya pwede niyo siyang sundan mamaya pag-uwi niya. Sa pagkakaalam ko, sa Martinez Dormitory siya umuuwi."

Nagniningning naman ang mga mata ng tatlo. Lumalabas na ang epekto ng droga. Nagiging hayok na din ang mga ito sa laman.

"Ano pang hinihintay niyo? Alis na at balitaan niyo nalang ako bukas kung masarap ba siya."

Nakangiti kong sabi sa tatlo na ikinatuwa naman lalo ng mga ito. Nagmamadali naman ang mga itong umalis. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang isa ko pang miyembro.

"Deliver the message, now."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot ng nasa kabilang linya. Papadalhan ko lang naman ng mensahe si Stefan na may mangyayaring masama sa baguhan pag-uwi nito. Gusto kong malaman kung ano ang magiging responds at actions ni Stefan dito. Sana ikasasaya ko ang magiging resulta.

Inihanda ko na ang sarili. Maya-maya ay sinundan ko din sila. Lingid ito sa kaalaman ng tatlo kong tauhan.

Naeexcite ako sa mga susunod na mangyayari. Hindi ko naman balak ipahamak ang baguhan pero may gusto lang akong makumpirma.

Nakita kong paalis na nga ng school si Alexis Reine na walang kasama. Nakasunod naman ang tatlo na inutusan ko. Naghahanap ang mga ito ng timing para umatake. Sakto naman na sa kalagitnaan ng paglalakad nila ay may isang lugar na hindi matao at saktong walang ibang dumadaan.

Nagtago ako sa likod ng isang malaking puno. Kitang-kita mula sa pinagtataguan ko ang nangyayari habang hinaharangan at pinalilibutan ng tatlo si Alexis Reine na nagpupumiglas at tila diring-diri sa tatlo. Nag-eenjoy naman akong pinagmamasdan ang nagyayari at binibantayan din ang paligid darating ba si Stefan.

Maya-maya'y nagulat ako bigla nang sumigaw ang isa kong tauhan. Nakita ko nalang ang kutsilyong nakataob sa tagiliran nito. Nagulat ang tatlo sa nangyayari. Natulak ni Alexis Reine ang humahawak ng braso niya kaya nakawala siya sa mga ito.

Natulala naman ang aking mga tauhan nang nakita ang bagong dating na si Stefan. Ang pagkasabik ng mga ito sa laman ay napalitan ng takot dahil sa lalaking kaharap nila.

I've witnessed the whole scene on how Stefan scared my club members. Pinaghihiwa pa niya ang mga palad ng dalawa pagkatapos hinugot ang kutsilyo mula sa tagiliran ng isa.

'Whews! It must have been painful.'

Well, kitang-kita ko naman sa ekspresyon ng tatlo. Hindi man lang sila nagtangkang lumaban. Sabagay, wala nga naman silang kalaban-laban sa lalaki. Stefan is not named Alpha for nothing. He is the most dangerous student in the school. I, myself, may be the demon, but he is Lucifer, the king of devils.

Parang mga asong bahag ang buntot na nagmamadaling umalis sa lugar ang tatlo kong tauhan. Mabuti naman at hindi niya tinuluyan ang mga ito. At iyon ang pinagtataka ko samantalang wala itong sinasanto na kahit na sino.

'Ayaw ba nitong makita ng baguhan ang kanyang totoong anyo?'

Napatanong nalang ako sa aking sarili. Parang nag-iiba na yata ang ihip ng hangin. Umalis na din ako sa aking pinagtataguan nang makitang umalis na din ang dalawa. At hinatid pa talaga ng Alpha ang babae.

Hindi ko alam kung nakita niya ang nangyari bago pa man siya dumating. Alam kong nagtataka siya kung kanino at saan galing ang kutsilyong tumaob sa tagiliran ng tauhan ko. Kitang-kita ko na hindi iyon nanggaling sa Alpha. At kitang-kita ko kung paano nagawang saksakin ni Alexis Reine ang tauhan ko. Ang buong akala ng tatlo kung club members ay si Stefan ang umasinta ng kutsilyo. Mabilis ang mga pangyayari at batid kong ako lang ang nakapansin.

'Who are you, Alexis Reine Casamere?'